Chapter 1

3532 Words
APRIL "Seryoso kang aaraw-arawin natin ang pagkain dito sa IceBurg ng buy one take one burger? Hindi ka pa ba nauuta rito eh sa unang kagat tinapay lahat?" "Masarap naman ah, Gina?" nawiwili akong kumagat sa cheese burger na kung aaminin ko lang ay nakakaumay na talaga. "Kung makareklamo ka naman sa buy one take one ikaw lang din ang kumakain ng dalawa eh." "Ngayon lang naman." sarap na sarap ang pagnguya nito, maamos na ang nagmamantikang patty sa gilid ng labi. "Hindi kaya tayo nag-lunch kakahabol sa deadline ng submission today. Don't tell me ako lang ang nagutom dun. "Shuta cyst, lahat kami Tom Jones pero hindi naman kami kaing baboy tulad mo." palatak ni Jenny, hawak ang mumurahing compact powder at nagpapaganda. Mamasel-masel mang bakla ay may angkin naman itong sariling ganda. "Ang sabihin mo, pagoda ka sa pagbe-brainstorm natin sa thesis kanina kasi Ding Dong ka sanay paganahin 'yang kakarampot mong jutakels." "Tigil-tigilan mo nga ako, Johnny!" oa na napasinghap ang baklang kaibigan sa itinawag sa kanya. "Wala ka namang naitulong kanina at panay video call kayo niyang syota mo sa Skype! At least ako may ambag, 'no." "What did you just say? Hindi ba sabi ko huwag na huwag mo aketch tatawagin sa name-lalu na 'yan dahil nakakadiri? Imbey! Hindi bagay sa beauty ko ang Johnny, ano ba!" "Eh sa 'yon ang nasa birth certificate mo eh, Joh-nny!" "Alam mo ikaw, sa laki ng Chanda Romero mong 'yan Gina never ka nang magkakajowa! Ayaw ng mga lalaki sa majubis!" "Bakla sobra ka na, ha!" "Alam niyo tama na 'yan. Wala naman kayong naitulong na dalawa sa totoo lang." awat ni Angela sa kanila, simangot ang labing nangingitim sa lipstick at nanlilisik ang mga matang tila liyon sa kapal ng eyeliner. "Kami lang ni April ang gumawa kaya kayo ang magpa-print bukas!" "Ha?!" Abala ang mga kaibigan ko sa pagtatalo nang sa wakas ay matanawan ko na ang taong pinakahihintay— si Vanessa Alpher Elizondo-De La Sierra, ang panganay ng gobernador ng aming lalawigan. Tanyag man sa mga kalalakihan ay kinatatakutan naman ito sa pagiging impertinente't maldita. Tulad ko ay huling taon na sa kolehiyo ni Vanessa, gano'n din ang sosyalin nitong mga kaibigan. Naka-uniporme ang dalagang lumalakad patungo sa café na katapat nitong burgeran na kinakainan namin. Mukha itong modelo ng Victoria's Secret; payat, matangkad, may redish brown hair at blue eyes. Nakasukbit ang bolero niya sa malagatas sa puting braso, hantad ang makikinis na hita sa above the knee skirt. Ang ilang butones ng puting pang-itaas niya naman ay nakabukas na naglalahad ng cleavage ng namimintog niyang dibdib. Atomatikong humawi ang lipon ng mag-aaral mula sa mga kalapit na unibersidad sa maalindog na paglakad ng dalaga sa daraanan ng mga ito.Either they fear her or they love her. Isa lang sa dalawang 'yan ang dahilan kung bakit hinayaan nila si Vanessa na ariin ang kalsada at magparaya. 12:30 p.m. ang eksaktong oras ng pagpunta nila sa café para kumain. Alas dose ang lunch break ko kaya kahit trenta minutos ko lang siya nakikita sa transparent na salamin ng shop ay masaya na rin ako. "Ayun naman pala ang pokish nating Abril." hirit ng baklang Jenny, hinarang ang mga kamay sa paningin ko. "Kaya gustung-gusto mo rito sa burgeran lumafang kasi tinatanaw mo 'yung otoko mo do'n sa Steamer's! Huli ka, balbon!" "H-Hindi ah!" naubo ako nang masamid sa kinakain. Pa'no na lang 'pag nalaman nilang magkakagusto na nga lang ako sa kapwa ko pa bababe? Hindi na nga yata 'to simpleng crush lang dahil gusto ko siyang makita araw-araw. "W-Wala akong panahon sa ganyang mga bagay!" nangangamatis na mukha kong tanggi. "Alam niyo naman ang sitwasyon namin sa bahay. Si mama kasambahay at si papa jeepney driver, kailangan ko magtapos ng pag-aaral para mabigyan sila ng kaginhawaan kaya wala talaga akong time sa crush crush na 'yan." Nagkakaisa silang humalakhak, kapagkuwan ay hinampas ako ng matabang si Gina sa likuran. "Friend, sa lapad pa lang ng ngiti mo kanina habang nakatingin sa kanya alam na namin! Huwag mo na itanggi kasi tanggap naman namin 'yun, no." "T-Talaga? Hindi niyo ako huhusgahan?" "Luka-luka! Why would we?" kumawit sa balikat ko ang maskuladong braso ni Jenny. "Approve ang chopopoy na 'yan sa'kin. Tingnan mo naman ang datingan pang-oppa! Nag-aaral pa sa Fonseca College International, aba siketchi 'yan sa buong bansa at pulos anak ng mga politiko ang nag-aaral d'yan." napadila siya sa pang-ibabang labi. "At dakila ang nota, cyst. Sasakit panga mo riyan." "Nota? Ano bang sinasabi niyo?" nagpasalit-salit ang tingin ko sa mga kaibigang tutok ang mga mata sa Steamer's sa kabilang kalsada, nagmamatiyag. Naintindihan ko lamang sila nang matanawan ang Koreano na kasama ni Vanessa. Pumulupot ang isang braso nito sa bewang ng huli at saka ito siniil ng halik. Nagsalubong ang maninipis kong kilay sa nasaksihan. "Maghihiwalay rin sila." Angela whispered eerily directly to my ear, nakangingilabot. Bagama't mala-anghel ang pangalan nito ay kabaliktaran naman siya sa panlabas; laging nakasuot ng itim, ang tenga't ilong ay may mangilan-ngilan pang piercings. "Ipapatay natin 'yung girl, gusto mo? Cancer lang naman sa lipunan ang kagaya niyang malalandi." Akala nila 'yung Koreano ang crush ko? Oh my G*d Dalawang linggong ganito ang eksena namin every lunch break. Sila na ang hihila sa'kin papunta sa tindahan ng burger at pagdating doon ay irereserba pa sa'kin ang upuan kung saan pinakanatatanaw ng maayos ang Steamer's. Kasama na rin do'n ang pang-aasar nila sa'kin s'yempre. Isang linggo bago sumapit ang Pasko, wala nang klase pero nagpunta ako sa school para ipa-check ang thesis namin. Balak kong trabahuin ang revisions habang bakasyon dahil ang mga kaibigan ko naman ay magsisibakasyon sa kanya-kanya nilang mga kamag-anak at walang oras para tumulong. Ako na wala namang ibang pupuntahan ay ito na ang magsisilbing libangan hanggang sa sumapit ang bagong taon. 5 p.m. nang matapos ako gumamit ng computer sa unibersidad para ayusin ang ilang bahagi ng thesis namin. Para sigurado, naka-save na rin sa mumurahin kong android phone ang files para roon na lang ako magbabasa at magrerebisa. Kung kakayanin nito ang heavy usage at hindi magloloko, matatapos ko na ang thesis namin sa Enero bago magpasukan. Wala nang problema. Makaka-graduate na kami.... ako! "Hay, grabe. Nagutom ako sa paghihintay kay Sir. Kakain muna siguro ako para mamaya hindi na ko maghahapunan, 'yung ulam ko ngayong gabi ilalaan ko na lang para sa agahan." pagpaplano ko sa sarili. Nang makapagdesisyon ay dumaan ako sa IceBurg— ang lagi naming kinakainang magkakaibigan. Nag-order ako ng footlong. Habang hinihintay ang pagkain ay natanawan ko sa kabilang kalsada si Vanessa kasama ang Koreano na tinutukso nila sa'kin. Pang artista ang porma ng binata habang naka-floral pastel pink short dress naman ang dalaga. Bakit nandito sila? Wala na ring klase sa Fonseca College International no'ng nakaraang linggo pa. Bumaba ng magarang kotse si Vanessa na hinabol naman no'ng Koreano. Mukhang may pagtatalo ang dalawa dahil hinablot siya ng binata sa braso, pinipigilan umalis. Patay ang mga mata ni Vanessa habang pinasasadahan ng tingin ang banyagang kaharap. Madilim ang pagkakangisi niya nang ibuhos sa Koreano ang kapeng laman ng Starbucks tumbler na hawak. Uwang ang mga labi ko sa bulto ng binata na naliligo na sa itim at malamig na likido, ang kulay krema at mamahalin nitong polo ay permanente nang namantsahan. Napamura ito ng malakas sa lenggwaheng hindi ko maintindihan, ipinagpag ang mga kamay sa ere at saka nagmadaling pumasok sa kotse at humarurot paalis. Napako ang paningin ko sa kapeng natapon na unti-unti nang natutuyo sa patag na semento. Nakatanga ako roon at iniisip kung ito ba talaga si Vanessa— ang babaeng kinahuhumalingan ko halos isang taon na. Mas magaspang pa ang ugali niya sa aspalto ng kalsada. "What the hell are you looking at?!" bulyaw nito sa direksyon ko. Nanginig ang mga balikat ko sa pagkagitla roon at nabitawan ang mga librong isa-isang nagkalabugan sa sahig. Lumuhod ako para damputin ang mga 'yon sa maduming aspalto, sa muli kong pagtayo ay kalahating dangkal na lamang ang layo ko mula sa napakatangos na ilong ng dalaga; ang mainit na hininga niya ay dumadampi sa nanunuyo kong mga labi. Naningkit sa inis ang mga mata ni Vanessa sa napakatinis kong tili. Halos marinig ko ang malutong niyang mura kung hindi lamang sa nakabibinging pagtambol ng puso ko. Nagliparan ang mga libro, naghalo ang kulay ng mga establisimyento at kalangitan. Nawalan ako ng balanse. Sa pag-ikot ng paningin ko ay para akong puno na ibinuwal. Nagtayuan ang mga balahibo ko sa likod nang dumaiti roon ang mahahabang daliri ni Vanessa. Ang init ng palad niyang humahaplos sa aking balakang ay pumapaso sa manipis kong kasuotan tagos sa maselan kong balat. Nanigas ako sa takot na mahalata niya ang pananabik ko sa kanya. "M-May mga pekas ka pala?" "And so what if I have?" pagsusuplada nito. Alanganin ang posisyon namin ngunit hindi man lang siya nahirapang saluhin ako sa balakang. "You'll make fun of me? Sasabihin mo ring madumi ang mukha ko?" "Hindi. Bagay sa'yo. Ang... ganda." nahuhumalingan kong sagot. Humilig ang ulo ni Vanessa pakaliwa, bagama't salubong ang maninipis na kilay ay nagtatanong akong tiningnan. Napaakap ako sa leeg niya ng tuluyang mawalan ng balanse sa awkward naming posisyon. My breathe unwittingly sipped hot through her earlobe wala sa sarili siyang napaungol. Napabatak ako ng hinga nang ma-turn on doon. So, this face can make that sound? "Kapag hindi ka pa bumangon ihahagis kita sa basurahan." pagbabanta niya. Her voice has softened, almost timid and shy. "Ah, o-oo! S-Sorry." alanganin akong ngumiti sa pagkapahiya. Nang makalayo sa kanya at makaayos ng tindig ay napatago ako sa likod ng tindera na kasalukuyang ihinahatid sa mesa ang pagkain ko. Pag-alis nito ay masama pa rin ang tingin sa'kin ni Vanesss. "B-Bakit?" Luminga ito sa paligid, iritable at nagtitimpi. "Tell me, anong nakita mo?" "Uhm, magkasama kayo sa kotse nung Koreano?" kunot noo kong pag-alala sa nakita. "Kung mag-away kayo kanina para kayong mag-syota. May relasyon nga ba kayo?" hindi ko napigilang 'di mag-uusisa. Wala akong ibang pagpipilian. Nagseselos ako. Kailangan kong malaman ang totoo. Confusion etched on her brows. "Mag...sy...ota?" bigkas niya sa salitang hindi pamilyar, may natural na American accent. "Kalimutan mo na, arkey ka pala hindi mo alam ang mga salitang kalye," sagot ko, umupo na para kumain. Dali-dali kong hinati ang footlong sa kalahati. "Kumain ka muna habang hinihintay mo 'yung sundo mo." Marahas niyang hinatak ang braso ko. Sa higpit ng pisil niya ay bumaon ang mahahaba niyang kuko roon. "How did you know na may susundo sa'kin? Were you stalking me?" "Bakit ba ang intense mo palagi?!" naluluha sa sakit kong palahaw. Heto nga't inalok na siya ng pagkain mamasamain niya pa rin ng lubos. Is she for real?! "Nag-aaral ako riyan sa Eulogio State University at nakikita kita tuwing uwian kaya alam kong may susundo sa'yo." "Fine!" balagbag niyang bitaw sa braso ko. Nasaktan man ay hindi ko na siya pinagkaabalahan pang pansinin at nag-umpisa na lang kumain. Curfew ko ng alas sais, trenta minutos na lang ang meron ako kaya kailangan kong bilisan. Masama ang tingin sa'kin ni Vanessa habang kumakain. Ngiwi ang mga labi niya sa bawat pagkagat ko sa paboritong pagkain. Buong pagkukunwari ko na lang itong nginitian at binalewala. Walang anu-ano'y umupo siya sa silyang katapat ng akin. "Dahil ang lakas ng loob mong alukin ako ng maduming pagkain, sige titikman ko na," aniya, naglatag ng panyo sa hita at naghandang kumain. Kumislap ang mga mata ko sa pagbabago niya ng mood. Is she sorry? "Kailangan din natin ng germs sa katawan." Napabuga pa ito ng hangin bago kumagat. Sobrang ganda niya talaga, at alam niyo ang nakakatawa? Kahit 25 pesos lang ang kinakain niyang footlong ay nagmumukha itong mamahalin. Pa'no ba naman? Ginagamitan niya pa ng slicing knife! Hindi sinasadyang kumawala ang mahaba at malutong na dighay mula kay Vanessa pagkatapos niyang masimut ang pagkain. Agad niya akong sinaksak ng tingin. "W-What? Even dogs burp to get rid of excess air in their stomachs." nangangamatis ang pisngi nito. "You ignorant fool." "Oh, okay." sakay ko sa kanya. "That corroborates my hypothesis pala." kwestyonable niya akong tiningnan. "Na pareho lang ang dighay ng mahihirap at mayayaman." nangingiti kong pahayag. "Ganyan din dumighay 'yung varsity player naming part time bouncer eh." Nakaamba na itong manakal. "How. Dare. You........" "Joke lang! Joke lang! Hahahahahaha." pigil ko rito "Part time construction worker pala." "Why.... you!!!" Hinding-hindi ko makakalimutan ang araw na iyon— ang unang beses na nakausap ko si Vanessa. Talaga ngang magaspang ang personalidad niya. Gayonpaman, deep inside naniniwala pa rin akong defense mechanism niya lang ang gano'ng pag-uugali. No'ng unang beses ko pa lang makita ang mala-alapaap niyang mga mata ay alam kong may kakaiba na sa kanya. Sabihin na lang natin na nahahalina ako sa kung ano mang kalungkutang itinatago ng mga 'yon. Lumipas ang Pasko na naging abala ako sa paggawa at pagrerebisa ng thesis naming magkakagrupo. Kahit gano'n ay hindi nawala sa isip ko ang unang pagtatagpo namin ni Vanessa. Hanggang ngayon nga ay natatawa pa rin ako sa pikon na pikon niyang mukha. Bisperas ng Bagong Taon ay namamasada si Papa at si Mama naman ay abala sa pagluluto. Pansit lang ang handa namin at ilang mga bilog na prutas na hindi raw dapat mawala sa pagsalubong sa nasabing okasyon. Nagliligpit ako ng mga gamit sa kwarto nang may makita akong larawan sa ibabaw ng tokador. Halos lumuwa ang mata ko sa nakita. "MAMA!" "Ay jusko! April ano 'yon bakit ka sumisigaw?!" hiyaw ng aking ina, dali-daling napatakbo sa silid galing kusina. "Anong nangyari?! "Ma! Sabihin mo sa'kin, bakit ka may picture ng babaeng 'to?!" subsob ko sa mukha niya ng larawan na nakuha ko sa tokador. "Ah, iyan ba? Si Ma'am Vanessa kasi, iyan bang nasa kanan, inutusan akong pick-up in sa photographer nila iyang litrato nilang magkapatid na kuha no'ng isang araw na nag-birthday iyang si Ma'am Vine." Napaawang ang mga labi ko, hindi makapaniwala na parang pinaglalaruan kami ng pagkakataon. "Amo mo siya? Sa mga De La Sierra ka naninilbihan, Ma?!" "Oo. Teka nga, bakit ka ba sigaw ng sigaw?! Naririndi na ko sa'yo, ah!" binatukan niya ako, kirat ang isa kong mata nang mapaaray. "Itong batang ito, ay hala matututong na ang sinaing!" Pagtakbo ni Mama pabalik sa kusina ay hawak ko pa rin ang larawan ni Vanessa. Bago itago ay kinuhaan ko muna iyon ng litrato gamit ang telepono kong selular. Kinagabihan ay nakatulugan ko ang pagtitig dito at naisama siya sa panaginip. Umiibig na ba ako? Sapo ko sa puso nang magising kinabukasan. "IS THIS what you really want, Ms. Lazaro?" paninigurado pang muli ng Dean ng university namin. Tumataguktok ang makina ng aircon sa opisina niya, maingay ito at nakakaabala sa'king pag-iisip. Sinipat ako ng dean mula sa suot na salamin. "Sayang ang scholarship mo. Isa pa, running for Summa c*m Laude ka pa naman. Kaunting-kaunti na lang, hija." Mistulang higanteng bato na dumagan sa dibdib ko ang mga salitang 'yon ng Dean. Sabi nga nila, minsan mahirap maging masaya dahil may kasunod namang kamalasan na hihila sa atin bigla pababa. Hindi ko inaasahang mangyayari 'yon sa akin dahil isang araw lang makalipas ang Bagong Taon ay isinugod namin si Mama sa isang pampublikong ospital— inatake siya sa puso at na-diagnose na may coronary heart disease na kinakailangan ng agarang operasyon. "Ito na talaga, Miss. Kailangan kong huminto sa pag-aaral at palitan si Mama sa trabaho." pinal kong sagot, bagama't nakangiti ay bagsak ang balikat. "Ang pag-aaral ay makapaghihintay, ang buhay ni Mama ay hindi. Kung para sa akin ang pagiging Summa c*m Laude, makukuha at makukuha ko uli 'yan. Mas kailangan ng pamilya ko ang pera pang bypass surgery kay Mama kumpara sa kahit na anong karangalang makukuha ko." "Alright, Ms. Lazaro." tuluyan na itong sumuko na kumbinsihin akong huwag ituloy ang binabalak. Wala nang nagawa ang Dean kundi tanggapin ang desisyon kong mag-drop out. Mabigat ang kamay nitong inayos ang mga papeles ko bago ako pinahintulutang umalis. Malaya na ko sa mga araling ilang linggo kong pinagpuyatan. Magandang bagay 'yon, hindi ba? "Abril!" salubong sa'kin ng mga kaibigan ko pagkalabas ng Dean's Office. Mangiyak-ngiyak akong niyakap ng baklang si Jenny. "Cyst! Ano na ba itey? Sureness bang nag-drop ka na? Malapit na thesis defense natin. Magfa-fly fly na tayo! Ga-graduate na tayo, oh!" "Oo nga!" maluha-luha ang matabang si Gina. "Ikaw ang tumaguyod ng thesis natin, ikaw ang pinaka-deserving grumaduate rito!" "Good suggestion. Bakit hindi na lang kayo ni bakla ang mag-drop at mamasukang katulong para kay April?" hirit ni Angela, patay ang mga mata. "Hindi ako nagbibiro. Mas may silbi si April sa defense kaysa sa iba rito na walang ibang ginawa kundi kumupit ng tsokolate sa bag ni Eimee at makipag-phone séx sa syota niya sa boy's comfort room. Tingin mo, April?" Alanganin akong ngumiti. Patay. Umiral na naman ang bibig nito. Nag-uunahang dumepensa ang dalawa kong kaibigan. "Sinong nagnakaw wala ako akong alam d'ya—" anang Gina. Sumabay pa rito ang naaapurang si Jenny. "Ganders baketch Anaconda! Ate V ka masyado hindi 'yan totoo alam mo—" Napabuga ako ng hangin. "Oh, siya. Kailangan ko na umalis." dala ko sa mga gamit na kinuha ko kanina sa locker. "Basta, galingan niyo sa defense, ha? Pang best in thesis ang gawa ko dapat mailaban niyo ng maayos!" Muli pa silang ngumawa, pinipigilan akong umalis. Nagbabadya sa gilid ng mga mata ko ang luhang sumasang-ayon sa ideya na ayokong mawalay sa kanila at tumigil sa pag-aaral. "Mauuna lang kayo ng isang taon. Susunod ako!" pagpapasigla ko sa tinig. Nagmamadali ko silang tinalikuran para itago ang tuluyan nang tumulong luha sa aking mga pisngi. Mabigat ang mga hakbang ko palabas ng Eulogio State University. Natanawan ko ang IceBurg na lagi naming tinatambayan at nakaramdam ng matinding kirot sa puso. Gusto kong mag-aral at makatapos, gustung-gusto. Dumapo ang tingin ko sa aspalto na hindi na kababakasan ng mantsa ng kapeng ibinuhos ni Vanessa sa Koreano noong nakaraang taon. Naroon lang ako at nalulunod sa lupon ng mga estudyante na labas masok sa paaralan. Lahat sila ay nakasuot ng kumpletong uniporme habang ako, ito, naka-civilian at ibang uniporme na ang susuotin bukas. Alas syete nang makauwi ako sa bahay. Sinadya kong magpagabi dahil wala na rin naman akong gana pang kumain ng hapunan. Ayokong mag-alala sa'kin ang papa ko na pagod na pagod galing pamamasada at ang mama kong kalalabas lang ng ospital. Isang kwadrado lang ang inuupahan naming bahay sa parte ng siyudad na squatters area. Nang buksan ko ang ilaw ay tumambad sa'kin ang kusina at sala na magkasama na sa iisang lugar. Napaangat ako ng tingin nang makita ang mga magulang kong nakaupo sa lamesita, naghihintay sa'kin. Maluha-luha ang nangayayat kong ina nang makita ang lugmok kong postura. "Sana'y huwag kang magsisi na kami ang naging magulang mo, anak." bungad nito. "Pasensya ka na, ha? Hindi ka na nga namin mapakain ng masasarap na pagkain, hindi ka pa namin mapag-aral ng ama mo." Agad ko itong nilapitan at hinagkan sa ulo. "Ma, naman. 'Wag kang ganyan, ha? Kahit iluwal ako sa mundo ng sampu o kahit na isang daang beses ay kayo pa rin ni Papa ang gugustuhin kong maging magulang. Wala nang iba, peksman!" Suminghot ang aking ama, tanda na tahimik man ay iyak na rin ito ng iyak. Malungkot akong ngumiti at hinalikan ito sa noo. "Pa, ang pangit parang sipsip jerbaks sa poso n***o ang tunog. Tahan na." "Ikaw talaga," aniya, lalong namula ang hapong mga mata sa dahil sa pagluha. "Bukas na ang paglipat mo sa mga De La Sierra, ano? Manalangin ka lang palagi anak, ha? Huwag mo ring pasanin lahat ng responsibilidad dahil buhay at malakas pa naman kami ng mama mo." "Ako pa ba inaalala niyo, Pa?" ngisi ko, pinakita pa ang kunwaring masel ko sa braso. "Kayang-kaya! Basta, 'wag kayo malungkot na ganito ang buhay natin, ha? Mukha mang tirahan ng daga itong bahay, ang importante magkakasama tayo." Tumango ang dalawa, nanlulumo pa rin. Para akong dinudurog na makita silang sinisisi ang sarili dahil hindi nila ako mabigyan ng magandang buhay. Hindi iyon tama. Lumuhod ako sa harap nila. "Mahal ko po kayo," saad ko, naglalambing. "Hindi ko malalaman ang importansya ng maliliit na bagay kung 'di dahil sa uri ng buhay na ibinigay niyo sa'kin. Salamat, Mama at Papa. Pagbubutihin ko sa bahay ng mga De La Sierra."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD