Chapter 5

3798 Words
Tumambol ang puso ko sa mga salitang 'yon ni Vanessa. Akala ko sa panaginip ko lang maririnig ang mga katagang 'yon mula sa babaeng iniibig. Ni sa hinagap ay hindi ko kasi naisip na makakaramdam ito ng kahit katiting na pagnanasa para sa'kin. Sino ba naman ako? Hindi ako maganda, hindi perpekto ang pangangatawan, at wala ring karanasan sa kama. Hindi ko siya malulugod sa kahit na anong paraan na kasiya-siya sa kanya. "Don't be in doubt, you can be very pretty when you blush." "V-Vanessa," naiusal ko nang yumapos ang malambot nitong katawan sa'kin. Humagod ang daliri niya sa aking gulugod pababa sa pisngi ng pang-upo ko, nakapanlalambot ng tuhod ang kapangahasan. "I'm taking you tonight, April." "Alam mong sa'yo ako.." Tumugon si Vanessa sa pamamagitan ng mapanghalinang halik. Ginantihan ko ito at nalasahan ang mouthwash niyang mint flavor na lalong nagpapaanghang sa lingkisan ng aming mga dila. Wala sa sarili ako nitong iniangat pasandal sa pader, ang mga hita ko'y kusang pumulupot sa kanyang balakang. Ilang sentimetro lamang ang tangkad nito sa'kin pero nakamamangha ang lakas nito. Sa gano'ng posisyon ay unti-unting ibinaba ni Vanessa ang suot kong uniporme, kalauna'y tuluyan na akong hinubdan. Sa buong proseso ay inalalayan nito ang beywang ko ng isang kamay habang pinasasadahan pa ng halik alinmang dako ng aking katawan na kanyang maaabot. Narating ng dalaga ang malulusog kong dibdib. Napuno ang pasilyo ng mabibigat na paghinga at halinghing mula sa'kin nang kutkutin ng labi niya ang tetilya kong tirik na't naninigas— ninanamnam, sinusupsop na parang sanggol. Kapagkuwan ay nadama ko ang paglapat ng likod ko sa malambot at malamig na kutson, kasunod nito ang pagbagsak ng dalaga sa akin. Pinaimbabawan ako ni Vanessa, ang mala-dyosang hubog ay sinakop ang balingkinitan kong pangangatawan. Dumausdos ang nag-aalab na mga labi nito mula sa aking leeg, tiyan, at puson. Namalagi ito roon at saka hinila pababa ang natitira kong saplot— ang piraso ng seda na proteksyon ng pinaka-iingatan kong hiyas. Impit akong napaungol nang salubungin nya iyon ng pagdila. "Let loose, it's just the two of us here," aniya, malagkit at labsak ang tinig. "I want you to scream my name, April." Sumisilay ang liwanag ng buwan mula sa blinds ng bintana ng silid ni Vanessa, ito ang tanging nagbibigay linaw sa hubog ng dalaga na kasalukuyang nagtatanggal ng suot na balabal. Laglag ang panga ko nang tumambad ang pawisan at nagsusumingaw sa init niyang s**o, kurba ng beywang, patag na tiyan, at makinis na puson. Nagniningas sa libog ang bughaw niyang mga mata, nagpapahiwatig. Hindi na nakapagtataka na mapalalaki o babae ay sinasamba siya. "I've always wanted to try this." suot niya sa sinturon ng tila silicone replica ng isang penís. Ngayon lang ako nakakita ng gano'n, kung hindi ako nagkakamali ay d***o ang tawag doon. Tunay na kagila-gilalas ang taba at haba nito, parang totoo. Makamandag na ngumiti ang dalaga nang makitaan ako ng takot. "Don't want to?" Hindi ako makapag-isip. Nalulunod ako sa matinding pagnanasa para sa dalaga. Kung tama ba o mali ang mangyayari ngayong gabi, hindi na 'yon isang tanong na dapat pang sagutin. Mahal ko si Vanessa, wala akong hindi kayang ibigay sa kanya kahit pa para sa kanya, isa lang akong laruan. Hinila ko siya at buong pagsuyong hinagkan bilang tugon. Bumagsak ang malalambot na labi ni Vanessa sa akin, ang halik ay mapusok na, galit, at nang-aakin. Ibang-iba sa kanina. Dumaiti ang tungki ng suot nitong ari sa puson ko, napahugot na lamang ako ng hininga nang dumausdos sa makipot kong entrada ang kabuuan nito. "A-Aah..!" daing ko, pigil hininga sa sakit. Sa isang ulos lamang ng dalaga ay buo siyang nalunok ng aking kaselanan. "Hnnmm.. t-take it all for me..." indayog pa ni Vanessa, mahapding pumapalu-palo ang buong tigas sa makipot kong p********e. Napakasakit. Para akong papel na paulit-ulit pinupunit. Sunud-sunod ang pagdaing ko nang halikan niya ang butil ng luha sa aking mata. "I-It fits... haluyhoy niya, ang malambing na tinig ay puno ng pagnanasa. Marahil ay nasasarapan din ito dahil tumatarak ang kabilang dulo ng d***o sa kanya. "Does... it hurt? Huh... I-l'll make it... better..." umugoy ang dalaga sa ritmo na tanging siya lamang ang nakagagawa, nang mapalitan ng sarap ang sakit ay napuno ang silid ng lusak at mamasa-masang tunog ng laman kong maligayang nilululon ang dalaga. "V-Vanes...sa!" napasubsob ako sa leeg nito nang dumoble pa ang bilis ng pagdausdos at paghugot niya sa aking kaibuturan. "O-Ooh... I'm... c-coming..." paghangos nito, buong lakas na sumasagad. Nakabibingi ang nagsasalo naming halinghing nang sabay naming maabot ang rurok ng langit. Sa pagtagas ng mainit kong katas ay nanatili si Vanessa sa loob ko, dapa sa katawan ko at kinukumbulsyon habang nilalabasan din. Matapos ang pagtatalik na iyon ay agad nakatulog si Vanessa. Tago ang hubad kong katawan sa comforter na pinagsasaluhan naming dalawa. Doon ko lamang napansin ang bahid ng sariling dugo— tanda ng isang bagay na kahit kailan ay hindi na maibabalik pa. "PILOT dead after U.S. Airbus a316 crashes into Lacadive Sea", saad ng newscaster sa tv. Naantala ang paglipol ko ng feather duster sa loob ng marangyang display cabinet dahil sa narinig, agad akong nagtungo sa sala, napakapit pa sa armrest ng sofa nang maramdaman ang gumuhit na hapdi sa pagitan ng dalawa kong hita. "The Airbus was on a route bound to Manila from Newark International Airport when it crashed into the Lacadive Sea off Doha, Qatar, the Federal Aviation Administration has said..." Kinuha ko ang vacuum cleaner at iginuyod ito sa carpet, kumakabog ang dibdib at hindi makahinga sa tila bukol na bumara sa aking lalamunan. Kapag nagkataong hindi rin nakaligtas ang mga magulang ni Vanessa tulad no'ng piloto ay hindi ko alam ang sasabihin sa kanya. Mas madali ba sa kanyang tanggapin ngayon pa lang na wala na sina Mr. and Mrs. De La Sierra? Mali ba na binigyan ko siya ng pag-asa na baka nakaligtas sila? Tulad ng ilang araw ko nang ginagawa, pagkahatid ni papa kay Vanessa sa universidad ay inuumpisahan ko na ang paglilinis. Sa laki ng mansyon ng mga De La Sierra ay araw-araw may nakatoka akong bahagi ng bahay na dapat linisin. Hindi rin nauubos ang gawain dahil ako lang ang kasambahay na narito at lahat ng trabaho ay sa akin. Tumungo ako sa kusina, maingat at umiinda sa bawat paghakbang. Iba ang epekto ng pagpunit sa'kin ng dalaga kagabi, hanggang ngayon ay nakapanlulumpo ang hapdi ng matatalim na sensasyong gumuguhit sa aking p********e. Kung hindi ko lang kailangang gampanan ang pagiging kasambahay ay mananatili lang akong nakaratay sa kama ngayong araw. Hindi ko rin alam kung paano haharapin ang dalaga mamaya, pagkagising ko kasi kaninang umaga ay wala na ito sa tabi ko, umalis na lang ng walang pasabi. Hindi ba ito nasiyahan sa'kin? Doon ko lamang naisip, hindi ba lawlaw o butas ang panty na naisuot ko kagabi?! Hindeeee! Alas d'yes na ng umaga kaya inumpisahan ko nang maghanda ng pananghalian ni Vanessa, may sinusunod itong istriktong diyeta na sarili ko ring pakulo. Hindi ako mahusay magluto pero nasusundan ko naman ang instructions sa app na ginagamit ko para sa diet plan ng dalaga. Kung makadaragdag ito sa tiyansa na manalo siya bilang Ms. Fonseca College International ay ka-career-in ko talaga 'to. "Wholegrain sandwich with roast beef, reduced fat cheese and mixed salad with polyunsaturated margarine," usal ko sa sarili, pasalit-salit ang tingin sa teleponong selular at sa mga nakalatag na ingredients sa kitchen counter top, sinisiyasat kung kumpleto na ba ang mga ito para sa packed lunch ng dalaga. "All good, 'yong sa protein shake for weight loss na lang." Nang matapos ang paghahanda ay nag-ayos na ako para ihatid ang pananghalian ni Vanessa. Bumiyahe ako mag-isa papunta sa parke na ilang kilometro lamang ang layo mula Fonseca College International. Pagbaba ng tricycle ay muli kong naramdaman ang kirot sa aking kaselanan, napwersa ito at ngayon nga'y hirap ako lumakad paalis sa bangketa. Kung nagpahatid ako kay papa ay baka mas madali pa. Ang kaso lang namamasada na siya ng alas dose ng tanghali, isa pa ayoko ring makita niya akong iika-ika. Magtatanong 'yon, at hindi ako pinalaking sinungaling, anong sasabihin ko? "Pa, nag-iyút kami ni Vanessa, nalumpo ako ang laki-laki ng laruan niya." Noooooo! "Dahan-dahan baka madapa kayo!" hiyaw ng isang ale na nakapagpatigil sa kabaliwan ng imahinasyon ko. Pinag-iingat nito ang mga batang kasama na naglalaro sa parke; tantiya ko ay nasa sampu ang mga ito. "Buboy! Lucas! Pumarito kayo't pawis na pawis na ang mga likod niyo!" "Lagot ka sa'kin 'pag nahabol kita!" pagbabanta no'ng batang lalaki sa kalaro, matulin na tumatakbo sa luntiang damo ng parkeng napagigitnaan ng iba't-ibang kulay ng mga bulaklak at asul na kalangitan. Nakatutuwa ang mala-bao nitong buhok at angking liit na siyang litaw sa nakararami. "Sa akin ang Gundam mo mamaya 'pag nahuli kita ah, Lucas!" "Oo ba! Hindi mo naman ako maaabutan eeh! Gahahaha." mapanuksong sagot ng kalarong tisoy na may peklat sa kaliwang sentido, mahaba itong gumuguhit mula roon hanggang sa manipis nitong kilay. Nanunutil niyang iniunat ang maiigsing mga braso at iwinagayway sa ere. "Ako ang pinakamabilis tumakbo rito Buknoy, mapapagod ka lang!" Kumarimot ang dalawa, binaybay paikot ang man-made lake sa parke at naghahabulan. Pinanonood lang sila ng mga kasamang bata na humihiyaw para sumuporta roon sa Buknoy at ang iba naman ay roon sa Lucas. "Nakaka-miss maging bata," naiusal ko na lang sa sarili, inilalapag ang mga dalang gamit sa sementong mesa sa parke. "Wala silang kapaguran, malaya pa sa problema at mga responsibilidad." "Hindi rin." anang malumanay na tinig mula sa likuran ko. Naroon ang ale at magiliw na nakangiti sa'kin. "Hindi ka makaiinom ng gin bulag o kaya marka demonyo kapag bata ka." humalakhak ito at tuluyang nasira ang perpektong imahe ng ginang na nasa isip ko kanina. Alanganin akong ngumiti. "mukhang malakas ho kayo uminom ah. Mga anak niyo po?" "Napakarami naman nila kung anak ko ang mga 'yan," sagot nito, taas ang isang kilay. "Ano ako baboy? Tapos sila ang mga biik ko?" Muli ay humalakhak ito, ang mga matang pawang kulubot na ang sulok ay naniningkit sa pagkaaliw. Taliwas sa siglang pinapakita ng ale ay mukha itong sakitin dahil sa payat nitong pangangatawan. Humihip ang hangin at inihayag nito ang namumuti niya nang mga hibla ng buhok, maigsi at gupit siete. "Kung hindi anak, kaanu-ano niyo po pala sila?" tanong ko, napatigagal nang maisip na siguradong maganda ang ale noong kabataan nito. "Kung titingnan isa-isa, hindi niyo nga sila kamukha." "Hindi talaga, mga ulila kasi sila. Taga roon kami sa kabilang kalye, sa St. Gerolamo Emliani's Ophanage." "Talaga po? Hindi ko alam na may bahay ampunan pala rito," sagot ko, namamangha. "Katunayan niyan ay ampon din ako. Sa ganyang edad ay mahirap na siguro sa mga bata na lumaki ng wala pang kinikilalang magulang." "Sinabi mo pa, pero tingnan mo nga naman ang pagkakataon, pareho pala kayo ng kapalaran ng mga batang ito." buong pagmamalasakit nitong kinuha ang aking mga kamay. "Kumusta ka naman, hija?" "Maayos po ako. Mabuti at mapagmahal ang mga nakaampon sa'kin," sagot ko, malapad ang ngiti at pinatutunayan sa tono ng pananalita na hindi ko kailangan ng simpatiya dahil maswerte ako. "Tinuruan nila ako ng magagandang asal at mga paraan kung pa'no lumaban sa buhay. Ipagdarasal ko po na mapunta rin sa mabuting kamay ang mga bata pagdating ng panahon." "Salamat, ano ngang pangala—" "Aray! Masakit 'yon ah!" singhal ng isang paslit, agad kaming napalingon ng ale at nakita sina Buboy at Lucas; nagpapagulung-gulong sa damuhan, hatak ang sando ng isa'-isa at nag-aaway. "Sinunggaban mo ko sa likod kaya ako nadapa! Madaya ka!" "Hindi nga sabi! Napatid ako ng bato napakapit ako sa'yo!" "Bitiwan mo ko!" "Aray! Aray!" "Ay jusko! Tigilan niyo 'yan!" hangos ng ale, sumunod ako't iniwan ang mga gamit na dala roon sa may picnic table. "Maglalaru-laro magkakapikunan! Tama na 'yan!" Napatutop ako sa bibig nang makitang daklutin ng ale ang dalawang bata sa kanilang mga sando gamit ang tig-isang kamay, ang patpatin nitong braso ay mabilis na napaghiwalay ang mga paslit at walang ingat itong initsa palayo sa isa't-isa. Napalunok ako nang manlisik ang kanina lang ay maamo nitong mga mata. "Lahat kayo, anong sinabi ko tungkol sa pakikipag-away?!" "E-Ephesians pow twenti siks!" tugon ng mga ito, nabubulol. Bagama't naluluha ang ilan sa mga paslit na babae ay pansin na kinokolekta nito ang mga sarili para intindihin ang tagapag-alaga. Nakamamangha na sa murang edad ay may maturity na ang mga ito sa katawan, mukhang magaling ang ale magpalaki. "In yow anger do nat sin: do nat let da sun go down wayl yow are still angwi." bigkas ng mga ito sa bible verse. Tumangu-tango ang ale, mahinahon nang pinasasadahan ng tingin ang mga alaga. Nang makita ang pagsisisi sa mga mata nila ay nilupol niya ang sampu sa kanyang mga braso at inipit sa mainit na yakap. "Ang magalit ay normal, as in ayos lang! Pero ang makapanakit dahil do'n? Iyon ang hindi tama." Bahagya akong napangiti, nakikita sa ale ang aking ina liban sa pagiging jeproks nito. Umalingawngaw ang kalembang ng kampanilya ni mamang sorbetero, nagliwanag ang mga mata ko nang makita ang isang bata na napatingin doon. "Gusto niyong ice cream? Libre ko, pero dapat mahuli niyo ako ah?" alok ko, nakangiting naghahamon. Hilig ang ulo ng mga bata nang lingunin ako, nangingilala. "Unang makahuli sa'kin may dagdag na scoop!" Humagibis ako sa pagtakbo, atubiling hinabol ng mga nasisiyahang bata na nagtitilian sa pananabik. Tila maliliit na bubuyog ang mga ito na magkakasunod akong tinutugis paikot sa man-made lake ng parke. Sumagi sa isip ko sina Buboy at Lucas, madali itong hinanap ng mga mata ko ngunit hindi namataan sa lipon ng mga bata. "Hija 'yong palda mo may tagos!" Nahintakutan ako sa hiyaw na 'yon ng ale. "H-Hala, saglit!" Nagpalinga-linga ako sa likuran ng puting bestida na suot, natatarantang hinanap ang mantsa. "S-Saan hindi ko makita! Taym pers!" Humablot ang mumunting kamay ni Buboy sa aking balakang, namilog ang mga mata ko rito sa gulat ngunit tagumpay naman itong naiwasan, palapad na ang ngiti ko nang salubungin naman ng isang yakap mula sa kabilang gilid. Ang peklat ng bata sa sentido ay mas nabakas nang maningkit ang mga mata nito sa tuwa. "Huli ka, ateeh! Sabi ko na nga ba ako talaga pinakamabilis eh!" Hinihingal akong natigilan, sisilipin sana ang likod ng bestida nang kagyat kong maramdaman uli ang nakamimilipit na hapdi sa aking kaselanan, nanghihina akong napakapit sa long sleeves ng kalapit na babae. "What are you even doing, trash? You know you haven't had your period yet." Agad akong pinamulahan ng mukha nang makita ang napakagandang amo sa tabi ko, nakasuot ng kumpletong uniporme mula bolero at palda. Nang makabawi ay halos mabali ang leeg ko sa paglingon sa ale na humahagikhik sa gilid. "Grr, tuso. Wala 'yun sa rules!" "Utu-uto ka lang talaga." "A-Anong sabi mo, Ma'am V?!" "Shut the hell up, you're way too noisy." pagtataray nito, dumagundong ang puso ko nang hapitin ako sa balakang at alalayan lumakad. "You're experiencing Dyspareunia. I can see it from afar you can even hardly walk. Why haven't you told me you're a virgin kasi?!" "H-H-Hindi ka naman nagtanong ah!" "Still!" Naputol ang pagtatalo namin nang marinig ang nagbubunying mga bata. "Ang galing mo Lucas!" "Yehey! May ice cream tayo! Tsokoleyt sa'kin!" "Gusto ko cheese!" "Strawberry po akin ate pwede po?" "O-Oo naman!" thumbs up ko rito, pilit itinatanggi sa sarili ang iniindang hapdi sa katawan. Tinawag ko si Mamang Sorbetero at binilhan nga sila isa-isa. Nangingiti namang lumapit sa'kin ang ale at pagkalakas-lakas akong hinampas sa balikat. Luwa ang mga mata ko sa gulat at sa sakit, muntikan pa akong mabuwal. Akma na itong bibigwasan ni Vanessa kung hindi ko lamang inawat. "Ayos ang istratehiya namin ano, ineng? Hahahahaha." "That is cheating, you f*ckface—" "A-Ah, ha ha ha ha. Oo nga ho, eh!" busal ko ng sariling kamay sa bastos na bibig ng amo. " Akala ko talaga may tagos ako, hehehehe. Ang galing niyo do'n." "Salamat ha, ineng? Hindi mo alam kung ga'no mo pinasaya ang mga bata lalo na iyong si Candy." turo niya sa paslit na nakatirintas ang mahabang buhok, puro amos na ito ng mango ice cream. "Sekond bertday niyan noong isang araw eh, humihiling ng sorbetes hindi ko naman mapagbigyan dahil kapos ang ampunan sa badyet." Malungkot akong tumingin kay Vanessa, pinaningkitan naman ako nito ng mga mata, hindi maintindihan ang ipinahihiwatig ko. Wala talagang puso. "Fine." nakakatakot itong ngumisi. "Kids love Jollibee, don't they?" nagkatinginan kami ng ale. "Bike race kami nitong gusgusin na 'to." hatak niya sa batang si Lucas, pinanlilisikan ng mata. "You were the one who dare laid a hand on my maid, are you?" "Ma'am Vanessa tinatakot mo' yung bata..." "No, you shut up." binalikan niya si Lucas. "2 laps. Kapag nanalo ka sa' kin paikot sa man-made lake na 'yan may Jollibee kayo sa' king lahat." "T-Talaga, ate?" "Yes. Pero kapag natalo ka pipilayan ko 'yang malikot mong kam—" "Ah! T-Tara na't kumuha ng bike!" hatak ko rito bago pa makapagsalita ng hindi maganda. Nang makakuha ng bisekleta sa rentahan ay agad pumwesto ang dalawa sa starting line. Kuntodo suporta ang mga bata at ang ale kay Lucas, tinatanggal ang kaba ng bata kay Vanessa na itinutupi paakyat sa braso ang long sleeves uniform. "Go!" hudyat ko ng pagsisimula. Tumalilis ang magkatunggali. Tulad ng inaasahan ay lamang si Vanessa. Nagpatuloy sila hanggang matapos ang first lap. Lawit na ang dila ng bata sa pagpedal at tila nawawalan na ng pag-asa. Nagsusumigaw ang mga kaibigan nito bilang pampalakas ng loob. Hindi ko napigilang hindi makisali. "Go, Lucas! Kayang-kaya mo 'yan! Jabee! Isipin mo Jabee!" Sinaksak ako ni Vanessa ng tingin, inis na huminto sampung hakbang bago maabot ang finish line. Ilang segundo pa ay naungusan na siya ni Lucas na siyang nanalo. Tuwang-tuwa ang mga bata. Lumapit ang ale sa amo ko. "Kay swerte namin at ipinanalo mo ang bata, kinabahan ako do'n aba!" nasisiyahan nitong alog sa balikat ng naiinis ko nang amo. "Sure, simple minded imbeciles—" "A-Address! Iyong address ng bahay ampunan ho kami na bahala!" pinandilatan ko si Vanessa , hinigpitan pa ang takip sa bastos nitong bibig. "Mabuti pa iuwi niyo na ho sila, hintayin niyo ang handang ipadadala namin." "Naku, salamat ha? Salamat sa inyong dalawa, siguradong matutuwa ang mga bata," anang ale, pinupunasan ang nangingilid nang luha. "Walang anuman po. Bibisita rin kami kapag may oras." "Yeah, yeah, okay." singit ni Vanessa, nataranta ako nang kargahin nito na para kaming bagong kasal."We will go on ahead, woman. Someone here needs a warm bath." Napatango na lang ang ale nang talikuran ito ni Vanessa, wala akong nagawa kundi nahihiyang kumaway rito at magpaalam. Agad pumara ng taxi ang dalaga, pinakuha ang mga dala kong gamit, at saka sumakay paalis sa parke. Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa mansyon ng mga De La Sierra. Tuluy-tuloy ako nitong kinarga mula sa entrada, lagpas sa salas, at diretso sa silid niya. "Don't move. Let me do the chores even just for today, I know how much your genital hurts." seryoso niyang inilalabas na sa paper bag ang packed lunch na hinanda ko para sa kanya kanina. "G*d I'm starving. Kung sinu-sino kasing kinakausap mong hampaslupa." "Ang bait mo yata sa'kin ngayon, Ma'am Vanessa. Crush mo na ko, 'no?" "Pa'no kung oo?" Tumambol ang puso ko. "M-Ma'am talaga palabiro." hinintay ko siyang mang-asar at bawiin ang sinabi pero nabigo. Dinilaan niya ang cheese ng wholegrain roast beef sandwich na naiwan sa gilid ng labi at mapang-akit akong hinagod ng tingin. Napalunok ako. "Just as I thought, hindi ka pa kumakain. Here." abot niya ng sandwich na nangangalahati pa lang. "Eat it. Magtatampo ako kapag tinanggihan mo 'yan." "S-Sige." tinanggap ko nga ito at nahihiyang kinagatan. Nang malunok ko iyon ay kumislap ang mga mata niya sa kapilyahan. "B-Bakit?" Hindi ko maintindihan. May lason ba' to? "That's an indirect kiss, silly." pinamulahan ako ng mukha at naubo pa nang mabulunan. Nawiwili pa itong tumutok sa'kin. "P-Pinatikim ka na naman ba ng alak sa bartending class nila at ganyan ka ngayon?" "No, it's just that you're so sexy I can't help it." kuminig ang kipot ko sa narinig, nag-init sa mga salitang 'yon ni Vanessa. "And I don't like their drinks. They're too sweet." umupo siya sa tabi ko at nahiga sa nanginginig ko nang mga hita. Pilit kong kinalma ang sarili. "Ayaw mo sa matatamis?" "You are—" kanta niya. "—the only exception." pinamulahan ako ng pisngi. Ngayon ko lang siya narinig kumanta! "What have you been eating? Ang tamis tamis mo." kagat labi niyang pinukulan ang puson ko. Mas nag-init ang pisngi ko pati na ang ulo. "M-Makakanta ka diyan, bastos!" Tatawa-tawa siyang pumikit at nagpahinga. Pinakatitigan ko siya at naawa nang mapansin ang pag-impis ng pisngi niya. Hindi man halata dahil sa impertinente niyang pag-uugali pero the loss of her parents is really taking its toll on her. Kailangan ko siyang alagaan pa ng mas maigi. Nangingiti siyang pumikit at nagpahinga. Pinakatitigan ko siya at naawa nang mapansin ang pag-impis ng pisngi niya. Hindi man halata dahil sa impertinente niyang pag-uugali pero the loss of her parents is really taking its toll on her. Kailangan ko siyang alagaan pa ng mas maigi. "April?" usal niya, nakapikit pa. "Enroll ka na lang sa school namin." "Vanessa, kahit ibenta ko ang isa kong kidney hindi pa rin 'yon sapat pang-enroll sa Fonseca College International." " So if I finance you'll enroll?" hikab nito. "Hindi pa rin." "Ok. But why would you cheer for that shrimp, so annoying." napaisip ako at saka naalala si Lucas. "You're not seriously competing with a child, are you?" "Whatever." biglang buhat na nito sa' kin, iritable. Dumiretso ito sa pagkalaki-laki niyang bathroom at inilapag ako sa bathtub. "Don't think I care, para ka lang kasing tanga na iika-ika maglakad nahihiya akong kasama ka." walang pasabing binuksan nito ang gripo. Nagitla ako sa mainit na tubig mula roon. "M-Ma'am!" "Stay right there!" duro niya. "Won't you just listen? You're sore. Dip yourself in a warm bath and get out of there naked after." "A-Ano? Bakit hubad?" "We could use a second round probably?" kindat nito at saka maalindog na lumabas ng paliguan, iniwan akong nakatanga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD