Gumuhit ako ng hugis puso sa mahalumigmig na glass wall ng bathtub area. Lumilikha kasi ng hamog ang mainit na tubig na umaagos pa rin sa banyerang seramika. Kung gaano ako kabilis gumuhit ay gano'n kabilis ding burahin ng halumigmig ang imahe.
"What's been taking you so long, April?! You've been there for 2 hours now!" katok ng amo ko sa pinto sa ika-walong pagkakataon. "I swear to G*d I'll wreck this door open kapag hindi ka pa lumabas!"
"S-Saglit na lang, Ma'am Vanessa! Masarap kasi nakaka-relax!" lumublob ako sa tubig matapos 'yon sabihin, ayaw nang marinig pa ang isasagot ng amo sa'kin. Ayoko lumabas ng hubad, ayaw ko!
Nabingi sa kulob na ingay ang tenga ko kasabay ng pagkaubos ng hininga ko sa ilalim ng tubig. Napasinghap ako sa hangin nang umahon, naririnig na ang papalayong yabag ng paa ni Vanessa mula sa pintuan. Pumanatag ang dibdib ko roon na hindi nga lang nagtagal nang marinig ko ang kalantog ng tila lupon ng susi na isa-isang isinusuksok ng dalaga sa susian, sinusubok kung alin sa mga 'yon ang gagana. Nang sa wakas ay magawa niya itong buksan, humampas sa pader ang malaking pinto ng paliguan at iniluwa nito ang amo kong madilim ang pagkakangiti.
"S-Sisigaw ako ng rape, sige ka! 'Wag ka lalapit!" babala ko, agad naitakip ang mga braso sa lantad na dibdib. "Rape! Rape! Tulong! May rapist dito!!"
"If I were you I'd be quiet." buong kumpiyansa nitong itinaas ang kanang kamay, iwinagayway ang hawak na cellphone. Napatigagal ako nang makitang akin 'yon.
"April? Anak, anong nangyayari riyan?" si Mama!
"Bakit ka sumisigaw? April Mae?!"
Hindi makapaniwala kong pinandilatan si Vanessa. Hindi patas ang pamamaraan niya! Wala sa sarili akong napatayo sa bathtub, muntik pang madulas nang humahangos na hablutin ang telepono kong selular mula sa kanya. "M-Ma! Hello? Miss ko na kayo ni Papa!"
"Miss ka na rin naman, Anak. Ano bang nangyayari at sumisigaw ka riyan? May problema ba?"
"W-Wala po, sobrang tuwa lang na tumawag kayo!"
"Ikaw ang tumawag sa amin ng tatay mo, April. Anong pinagsasabi mong bata ka r'yan?"
Shit.
Halos sakalin ko ang amo kong tatawa-tawa sa gilid. Namumuro na itong talaga! Agad kong binalikan si Mama sa kabilang linya. "N-Nagbibiro lang po ako! S'yempre ako ang tatawag hindi naman kayo nagpapa-load ni Papa, ha ha ha ha." pilit kong tawa.
"Oo nga naman. Kamusta ka riyan sa mansyon ng mga De La Sierra? Kamusta si Ma'am Vanessa?"
"Kayang-kaya ko ang trabaho rito, Ma. Si Ma'am Vanessa po pumapasok pa rin sa Fonseca (at sa'kin) no!" binatukan ko ang sarili. "S-Sa awa ng D'yos ay hindi naman siya gaanong nalulugmok sa nangyari kina Sir at Ma'am."
"Because her beloved daughter is here with me." malambing na yapos ni Vanessa sa hubad kong katawan mula sa likod. Mapanukso niyang sinamyo ang leeg ko.
"A-Ano ba, Vanessa 'wag ngayon..." pilit kong tinabig ang ulo nito. Kinagat niya ang earlobe ko nang hindi 'yon magustuhan. "Aw!"
"April, anak? Nand'yan ka pa?"
"M-Ma, saglit may gagawin lang akong imp—"
"Pay attention." agaw ni Vanessa sa cellphone ko, impertinenteng ibinaba ang tawag kahit nasa kabilang linya pa ang aking ina. Bago pa ako makapagprotesta ay iniangat niya na ang isa kong hita, sa pagbukadkad no'n ay pinadulas ang piraso ng nugget ice sa bukana ng aking p********e. Napaso ako sa lamig no'n at nanghina. Mapanghalina siyang bumulong, "You can reach orgasm from penetration alone. Yes or no?"
Hindi ako nakasagot, wala sa tamang wisyo dahil sa panunudyo ng dalaga. "Hindi ko alam... y-yes?" sagot ko, mabigat ang paghinga sa paghinang niya ng yelo paikot sa lambot ng aking labia at c******s.
"You aren't so smart after all, April." ibinaon niya ang buong lamig ng nugget ice sa lagusan ko. "H-Hnn...!" napakapit ako sa wall tiles ng banyo, hilig ang leeg na sinisimsim niya na rin.
Pumihit ang daliri ng dalaga sa aking hiyas at nakapananakit puson itong nilamyos. Sa pagkalusak nito ay mas pinag-igi niya ang pagmasahe; kumakabig paahon at padiin ang naglilikot na daliri. "Vane-ssa...ayan n-na." umarko ang katawan ko at narating ang sukdulan ng aking orgasmo. Paanas niyang hinalikan ang gilid ng labi ko pagkatapos. "See, the answer is 'no'. Do not underestimate the stimulation of clitoris."
Tumunog ang gate bell ng mansyon. Kasunod no'n ay ang pagri-ring ng cellphone ni Vanessa sa may vanity desk doon sa silid niya. Mabilis akong nag-ayos ng tindig, nanginginig pa ang mga hita.
"Hold on a minute. Take the ice bag and compress it on your vulva. It should help the swelling to subside." pagkasabi no'n ay tinalikuran niya ako at lumabas na ng paliguan. Sinundan ko ito ng tingin, natanaw na dinampot ang cellphone sa mesa na puno ng mga nakasalansang make-up products.
"Ditching classes aren't we, De La Sierra?" tinig mula sa cellphone ni Vanessa na direktang nakakonekta sa video camera sa gate bell.
"You should've told us, sumama na sana kami sa'yo."
"Yeah, right. School's boring we might as well went shopping. I need a new pouch."
"You all shut the fúck up. Ano bang ginagawa niyo rito?" singit ng amo ko sa sunud-sunod nilang pahayag, nababanas.
"Walang nakikipag-away kay Leslie kasi wala ka. Bored na bored na raw siya."
"The hell I care." pagmamaldita ng pamilyar na boses.
"I'm not accepting visitors. Leave." tugon pa ng amo ko.
"Seriously? Let us in. Ang init init dito!"
"We could use a glass of juice?"
"Fine." buga ng hangin ni Vanessa. "Wait a sec."
Dali-dali itong lumabas ng silid, hindi na ako muli pang nilingon. Naiwan ako roon mag-isa hawak pa rin ang ice bag, iniisip kung may pag-aalala ba sa'kin ang dalaga o sadyang nakagigiliwan lang ako nitong paglaruan. Alin man sa dalawang 'yon ang sagot, hindi na iyon importante. Pumayag ako magpagamit sa kanya, yayakapin ko ano mang kahinatnan nito.
Nag-shower ako at nagbanlaw. Kahit sa lamig ng tubig ay ramdam ko pa rin ang init ng kamay ni Vanessa. Pakiramdam ko ay pinuno niya na ako. There's not an inch left on my skin that was remained untouched by her. Iba ang alindog niya. Her skin is as smooth as a silk, my very own bed of roses, and her hands are as divine as an enchantress, one touch and I'm completely under her spell. Hulog na hulog na ako sa kanya, there's no way to go but frontwards.
Sinunod ko ang bilin niya na mag-cold compressed. Nabawasan nga ang sakit. Nang matapos ay bumaba ako sa sala at nagtaka nang hindi madatnan si Vanessa at ang mga bisita niya. Lumabas ako at nagtungo sa grocery store sa loob pa rin ng exclusive subdivision ng amo. Namili ako ng maihahain sa mga kaibigan niya dahil kung hindi sila rito magmemeryenda, paniguradong dito naman ang mga ito maghahapunan.
Paglabas ko ng grocery store ay may kumalabit sa'kin, nang lingunin ko iyon ay agad nagliwanag ang mukha ko. "Paul!"
"April! Na-miss kita ah. Tulungan na kita sa mga 'yan." kuha nito sa paper bags na bitbit ko.
"Salamat. Miss ko na rin kayo, wala na akong kasama eh. Ano palang ginagawa mo bakit ka nakatambay rito sa Freshmart?"
"Naiwan kasi ni Erpat sa servant's quarter 'yung portable arm blood pressure monitor niya. Eh sumasakit na ang batok, kailangan kong kunin." paliwanag nito, ang haba ay sinakop ang liit kong hanggang balikat niya lang. "Naghahanap ako ng tsempo at nakakahiya 'pag nadatnan ako ni Ma'am Vanessa. Alam mo naman, iniwan namin siya."
Tumangu-tango ako. "Wala siya, lumabas kasama mga kaibigan niya. Tara sabay na tayo?"
Sumilay ang guwapong ngiti sa moreno nitong mukha. "Lakas ko talaga sa'yo, April. Tara!"
Ang dami naming napag-usapan pabalik sa mansyon ng mga De La Sierra. Nang makarating doon ay diretso naming tinungo ang tulugan nilang mag-ama at nadatnan sila Vanessa na nagkukwentuhan. Natigilan silang lahat sa'min at napatingin. Nakaramdam ako ng matinding panliliit.
"Oh, if this isn't your one of a hottie gardener." maarteng bati ng babaeng kuntodo make-up ang mukha. Ang pagkalaki-laking hikaw at hantad na kasuota'y nagsusumigaw sa rangya sa mga tatak nitong Louis Vuitton at Cartier. "Hi, Paulo!"
"It's Paul, numbskull." pagtatama sa kanya ni Vanessa na nagpasalit-salit ng tingin sa'min ng binata.
"You didn't tell us may bago pala kayong maid, Vanessa." anang kaibigan nitong binata, ang mahabang buhok na may dilaw na highlights ay bagsak hanggang balikat. "Good L*rd she's thick." kumento pa nito, malagkit na gumapang ang mga mata sa bawat kurba ng katawan kong mababakat sa unipormeng suot.
"Right?" pagsang-ayon ng isa pang binata na nasa tabi naman ni Vanessa, tatawa-tawa. Kinilabutan ako nang makitang ito ang Koreano na tinutukso ng mga kaibigan ko sa'kin.
"Ang babastos niyo tigilan niyo si Apri—" hinawakan ko si Paul sa braso, pinigilan. Matalim na dumapo ang mga mata ng amo ko roon.
"Maghahanda lang ako ng makakain, Ma'am Vanessa. Excuse me." paalam ko rito at saka umalis hila-hila si Paul.
"WE heard about your parents, bakit hindi mo sinabi sa'min?"
"It's not like I have to."
"For Pete's sake we're friends."
Mabigat ang mga hakbang ko palabas sa outdoor patio ng mansyon para maghatid ng meryenda ni Vanessa at ng mga bisita niya. Mahinay kong iginuyod ang sliding door para bumukas, nag-iingat na hindi maglikot ang isang kamay ko hawak ang tray na naglalaman ng mga pagkain nila. Nang mapagtagumpayan ito ay lumakad ako sa patio na gawa sa timber strips ang balangkas at bubong. Napapalamutian din ang loob at labas nito ng garden lights at iba't-ibang mamahaling halaman.
Kumakabog ang dibdib ko habang papalapit sa lupon ng mga kaibigan ni Vanessa na pawang mga banyaga. Maliban sa hindi maganda ang impresyon ko sa mga mga ito kanina, hindi rin magandang imahe ang tumatak sa'kin sa mga estudyante ng Fonseca College International dahil kay Vanessa at Leslie na pawang anak mayaman. Nakamarka na sa isip ko na lahat ng nakaaangat sa buhay ay gano'n kapangit ang pag-uugali.
"Meryenda niyo po." singit ko sa maliit na puwang sa pagitan ng mga bisita, inilalapag ang plato ng Mediterranean Flatbreads at Cheese Straws sa mesa kasunod ng Avocado and Papaya smoothie na tinuro sa'kin ni Mama noon kung pa'no gawin.
"Hey, cùmmy bear." cat call ng binatang may highlights ang buhok. Guwapo pero bastos. Hindi ko na lang ito pinansin.
"At least raise your standards, Denver." irap ni miss-branded-lahat-ng-gamit. "It's rather distasteful fantasizing over an icky housemaid. I would totally disown you."
"Isn't that a bit overboard though, Odessa?" anang isa pang babae na Black american naman, perpekto ang puti ng ngipin nang ngumiti.
"She just hates it 'cause it wasn't her." si Leslie na nakilala ko na ilang araw pa lang ang nakararaan. "Mukha ka kasing clown kaya hindi ka pinagnanasaan ng mga lalaki."
"Hey!"
"Ladies, calm down. Just let Denver be the man that he is." makahulugang ngisi no'ng Koreano. "Besides, you don't want to waste a hottie with a body."
"Right on the nail, man!" apir ng dalawa, kumikislap ang mga mata sa kapilyuhan.
"Why don't you just eat so you all could finally leave?" putol ni Vanessa sa kasiyahan nila, prenteng sumisipsip sa avocado and papaya smoothie. "Ang iingay niyo, nakakarindi."
"You don't treat your friends like that, yeobo. Why are you so grumpy?" Nagseselos ka ba?" usisa no'ng Koreano, natatabunan ng buhok ang mga kilay.
"Don't be stupid, Yong-jae. Why would I?"
"Who knows? But I know just how to lift your mood." ibinaling ni Yong-jae ang mukha ni Vanessa taliwas sa kanya at saka ito siniil ng halik.
Napasipol si Denver. Walang amor naman na nagsikain ang mga babae sa mesa maliban kay Leslie na nawalan ng gana. Nanatili sa gano'ng posisyon si Vanessa. Masakit nang wala itong kapalag-palag pero ikinadurog ko pa ang pagganti nito ng halik sa binata.
Gusto ko mag-iwas ng tingin sa mga labi nilang naglilingkis pero hindi ko magawa. Para akong naparalisa; walang pakiramdam ang buong katawan liban sa dibdib na dinidikdik ng pinong-pino. Sanay akong makita ang amo na kung kani-kaninong lalaki o babae kumikiri pero iba na ngayon. Sa mga nangyari sa'min, hindi ko na yata kakayanin pang maisip na ginagawa niya rin 'yon sa iba.
Kinurot ko ang sariling hita sa ilalim ng uniporme. Nang maramdaman ang sakit at muli akong makagalaw ay kinuha ko ang pagkakataon para pumihit na't umalis. Nahintakutan ako nang makaramdam ang malapad na kamay sa pisngi ng sariling pang-upo, humihipo.
"Where are you going? Dito ka muna." ngiti no'ng Denver, tumapik sa kandungan niya at doon ako pinapap'westo. "Don't be shy, I'm sure my meat rod would fit in that áss."
Nagpintig ang tenga ko sa narinig, kusang umangat ang mga palad ngunit naunahan ito ng maputing palad na humagupit pahampas sa pisngi ni Denver. Ngiwi at hulog ang panga ng binata nang harapin ng dalaga na bagama't nagngangalit ay kalmado. "Bet you sucked your own còck and swallowed too much of your own sêmen you're starting to turn into a real díckhead, Denver. Fugly."
"Let's go, April." hatak nito sa'kin paalis, salamat sa lakas ng loob nito'y nagawa niya akong maialis sa nakapanghihinang sitwasyong iyon. Wala akong nagawa kundi magpakaladkad sa kanya at tanawin na lang si Vanessa na napatayo sa kinauupuan, namimilog sa pagkagitla ang mga mata.
"NOW we're even."
"Oo."
Marahang humihip ang hangin ng Antipolo sa mukha kong nanlalamig sa landas ng mga luhang mamasa-masa pa rin sa aking pisngi. Nakatanaw ako sa buong kamaynilaan mula sa highlands resort na pinagdalhan sa'kin ni Leslie. Sa dulo ng pagkalawak-lawak na resort ay magkatabi ang dalawang garden swing chairs at tig-isa namin 'yong inupuan, pinanatili ang aming distansya dahil hindi kami komportable sa isa't-isa.
Mamamalas ang nag-aagaw na liwanag at dilim sa kalangitan na sumasaklaw sa buong kamaynilaan. Unti-unti na itong nilalamon ng gabi, tinatalo ang araw na lumulubog na't sisikat naman sa kabilang panig ng mundo— tanda na ang katapusan ng isang yugto ay simula naman ng isa.
"I haven't thanked you properly yet," anang Leslie, umaalon sa hangin ang olandes na buhok. Para talaga siyang Barbie doll. Naalala ko no'ng gabing nahuli ko silang gumagawa ng kababalaghan ni Vanessa sa may billiard table.
"Heto, tuwalya. Magpatuyo ka muna baka sipunin ka. Hahanap lang ako ng damit na magkakasya sa'yo, saglit lang," turan ko kay Leslie, tikom ang bibig nitong nakaupo sa gilid ng kama ko. Hinayaan ko lang siya habang nagkakalkal ako ng mga damit sa maleta ni mama.
Naipuslit ko ang dalaga sa maid's quarters nang hindi nakikita nina Ate Carla at Manang Jesusa. Kalaunan nga'y naipasok ko rin siya sa sariling kwarto, pinaligo, at ngayon ay pinagbibihis. Nakakapanibago ang sikip ng silid ngayong nandito siya sa loob kasama ko. Madalas ay pakiramdam ko napakalaki nito para sa'king nananatili lang dito mag-isa. Hindi ko tuloy mapigilan na hindi matuwa kasi nandito siya.
"Kasya siguro 'tong blouse na regalo sa'kin ni mama. Ito na ang pinakamalaki kong damit..." naiusal ko sa sarili, hawak sa magkabilang manggas ang kasuotan. Pasalit-salit ang tingin ko rito at kay Leslie, tinatantya kung tama ba ang sukat nito para sa kanya. Natigilan ako nang madapo ang paningin sa dibdib ng dalaga, unti-unting gumunit ang aking mga labi. Matangkad lang si Leslie ng ilang sentimetro sa'kin pero bakit gano'n na lang 'yon kalaki?!
"Kung ayaw mong ipahiram 'yan it's ok, you don't have to look at me like that." tindig nito, akmang aalis.
"H-Hindi! Naisip ko lang kasi kung kasya sa'yo ang laki kasi ng hinaharap mo eh."
"Stop it, will you? Hindi mo kailangang makipag-plastikan sa'kin. And please keep that, if it's a gift from your mom it must've been very important. Too important para ipahiram mo lang. I can drive naked, mauuna na ko."
Mabilis kong naiharang ang katawan sa pinto. "H-Hindi nga ako nagdadamot! Baka kasi hindi makahinga dibdib mo sa sikip tas mangitim 'yan.... mamatay.... mabulok...."
"Y-You're gross!"
"I-Isuot mo na lang kasi!" tapon ko ng blouse sa mukha niya at dali-daling lumabas ng silid para kumuha ng first aid kit sa kusina.
Nangangapa ako sa dilim nang makarating doon, sinadyang hindi buksan ang mga ilaw dahil nag-iingat akong hindi makagising ng kahit na sino. Nakakatakot isipin ang nagngangalit na mayordomang sinisinghalan ako. Paniguradong hot seat ako sa kanya kung bakit may kasama akong hubo't hubad na babae sa kwarto ganitong oras ng gabi. //Pa'no kung pagkamalan niya kong tomboy? Pa'no kung isumbong niya ko kay mama?! Noooo!
"Nandito na ko..." bagsak balikat kong balik sa sariling silid makaraan ang ilang minuto, ubos ang lakas sa pag-aala ninja sa kusina. Nangningning ang mga mata ko nang makita ang pagkaganda-gandang si Leslie suot ang mumurahin kong blouse. Nagkasya sa kanya! Inilapag ko ang first aid kit sa kutson at saka umupo sa tabi niya. "Patingin ng braso mo. Sa pagkakatama mo sa bookshelf kung hindi sugat siguradong may pasa ka na r'yan."
Hindi ito umimik, kunot noong nakabaling sa direksyon salungat sa akin. Lumuhod ako at maingat na kinuha ang kanang kamay niya, naghihintay ng pagtanggi. Kung tatabigin nito ang kamay ko o sasampalin ang mukha ko ay handa akong dumepensa.
"What are you waiting for? Get it done."
"O-Oo, ito na nga." atubiling sunod ko rito, agad na pinatungan ng ice pack ang nangingitim na parte ng braso. "Iaangat ko lang ang braso mo above heart level para hindi mamuo ang dugo sa pasa. Saglit lang 'to. Heto, uminom ka muna ng pain reliever para hindi kumirot 'yan mamaya habang nagmamaneho ka pauwi."
"I don't take medications that are not prescribed by my family doctor."
Tumangu-tango ako. "Okay, walang problema. Kapag sumakit 'yan habang nagmamaneho ka at hindi mo naikabig sa tamang direksyon ang manibela, hindi naman ako ang mababangga sa poste o sa kapwa ko motorista. Ah, hindi ka naman siguro makakabangga ng tao at makakapatay, 'no? Sige."
"F-Fine! I'll take it." pinagpapawisan nitong hablot sa pakete ng gamot at baso ng tubig mula sa'kin. "You're unbelievably nice. If you think ibibigay ko sa'yo si Vanessa dahil dito, you're wrong."
"Pa'no mo nalamang gusto ko siya?"
Sinamaan niya ako ng tingin, tila pinagbibintangan sa isang bagay na itinatanggi kong meron akong kinalaman. May kakaiba sa luntiang mga mata ng dalaga. Liban sa inis ay mayroong mamamalas na pananabik dito— pananabik para kay Vanessa.
Bumalik ako sa reyalidad nang makarinig ng matinis na ting. Naroon si Leslie sa swing chair niya, tumitipa sa cellphone. "Salamat. Ipinagtanggol mo ko't binihisan."
"Wala 'yon. Iyong braso mo?"
"Ayos na."
"Mabuti naman."
Nilamon uli kami ng katahimikan. Hindi ang uri ng katahimikan na nakahihiya pero iyong masarap; maginhawa at isang magandang pahinga.
"But don't get me wrong, wala akong pakialam sa'yo. Hipuan, bastusin, o hubaran ka man ni Denver o ng kahit na sinong lalaki r'yan ay I don't give a dámn about it. Binayaran ko lang ang utang na loob ko sa'yo."
Bahagya akong natawa. Sinamaan naman ako nito ng tingin, namumula ang pisngi. "Parehong-pareho kayo ng ugali ni Vanessa. Matapang, impertinente, takot magpakita ng kahinaan pero minsan, tulad mo may itinatagon rin siyang kabutihan. Pareho ring mainitin ang mga ulo niyo kaya hindi na nakapagtataka na lagi kayong nagbabanggaan."
"Don't lump me in with that cold-blooded woman. Itinatagong kabutihan? Kalokohan, wala siya no'n." naiiling siyang dumukot sa Chanel pouch ng isang pakete ng mukhang mamahalin ding sigarilyo. Sinindihan niya 'yon at saka hinithit. "Mag-iingat ka sa kanya. Hindi lahat ng ipinapakita niya ay totoo. Tuso si Vanessa tulad ng pamilya niya, 'yun na lang ang isipin mo."
"Kung gano'n, bakit mo siya mahal? Anong nakita mo sa kanya—"
"—na hindi mo pa nakikita? Marami. Sobrang dami."
Saglit akong napaisip, walang ideya kung anong pinanggagalingan ng dalaga. Bumaling ako sa tanawin ng buong kamaynilaan na tuluyan nang nasakop ng dilim. Lumiwanag ang mga mata ko nang makita ang isa-isang pag-ilaw ng mga establisyemento at gusali milya-milya ang layo mula sa highlands resort na kinalalagyan namin. Para silang libong mga bituin sa kalupaan.
"Stars can't shine without darkness, and she /is the darkness. She's bad and it's good, if you know what I mean." hithit ni Leslie sa sigarilyo, bumanayad pataas ang mga labi habang nakatanaw rin sa metro. Nahiwagaan ako nang makita ang ngiti nito sa kauna-unahang pagkakataon.
Itinapat niya sa mukha ko ang pinakabagong modelo ng iPhone na nakikita ko sa mga artista. May chat doon mula kay Jasmine na hindi ko kilala kung sino. "Look." aniya. "Seems like they've arranged a party on the De La Sierra's this weekend when we were out. Which means, makikita mo uli si Denver pati na ang nakita mo kanina."
"Excuse me, Miss Leslie." singit ng isang kano, kagalang-galang tingnan sa suot na puting long-sleeved shirt na ipinares sa itim na slacks at leather shoes. Ang lakas maka Men in Black. Iniabot nito ang isang puting kahon. "Your requested item, Ma'am."
"Thanks, you may go. Oh, and please don't tell dad I'm spending the night here."
"Understood, Miss Leslie."
Umalis ang kano, hindi ko makapaniwalang tiningnan ang dalaga. "Sa inyo 'to? Itong highlands resort?"
"Just one of our properties. Anyways, take this." subsob niya ng box sa'kin. Nang buksan ko iyon ay bumungad sa'kin ang mukha nang bagong blouse na regalo sa'kin ni mama, sa ibabaw nito ay isang cheque, ang daming zero.
"Teka, hindi mo kailangang magbayad."
"Apparently your family has an unpaid bill do'n sa public hospital sa bayan. If the amount on the cheque isn't enough for your mom's hospital bill just tell me." tumindig ito, umaalon sa hangin ang olandes na buhok.
"Hindi ko 'to matatanggap, Leslie."
"You can throw it for all I care. But it'd be wise of you to make good use of it."
"Hindi, ayoko hindi ko pinaghirapan ang perang 'to. Kunin mo na." sauli ko rito, nagmamatigas.
"You earned my respect, April Mae Garcia-Lazaro. I approve of you as my equal rival." deklarasyon nito, napatigagal ako sa angkin niyang kariktan. Nasasapawan ng ganda niya ang city lights sa likuran. Kung ibang tao lang ay magkakandarapa sila para kay Leslie. Hindi ako makapaniwalang nagawa lang lapastangin at sayangin ni Vanessa ang dalaga. "We'll see each other on the party. Sa susunod, hindi na ako magpapatalo sa'yo. Lahat ng gusto ko nakukuha ko, isama mo na ro'n si Vanessa."