Chapter 19

3888 Words

Maganda ang umaga sa Dulo. Sa amin unang sumisikat ang araw. Alas singko dumaraan ang piping nagtitinda ng pandesal sa lugar namin, nakabisikleta siya na may potpot. Pinatutunog niya iyon para malayo pa lang ay alam na naming nandiyan na siya. Kapag narinig mo ang batingaw niya, awtomatik na, alam mong oras na para bumangon at magkape. Mag-uumpisa na naman ang panibagong araw para sa'yo. Hinuhugasan ko ang pinagkainan naming mag-anak ngayong umaga. Nagluto ako ng sopas para kina Mama at Papa na ang tagal ko ring hindi nagawa para sa kanila simula nang manilbihan ako sa mga De La Sierra. Kadalasan, pandesal at kape lang ang almusal naming mag-anak. Kung hindi naman, tig-kinse pesos na tuyo o dilis tapos sinangag mula sa bahaw o tirang kanin namin kagabi. "April anak itimpla mo kong kape

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD