CHAPTER 29

2771 Words

"Good morning, Sheymie. Kumain ka na handa na ang almusal." nakangiting sabi ni Aling Selma sa'kin. Alas-otso na ng umaga nang magising ako simula kasi nang mabuntis ako ay nahihirapan na akong magising ng maaga kaya madalas alas-otso na ako nagigising. Matakaw ako sa tulog kaya naman kahit apat na buwan na ang tiyan ko ay parang anim na buwan sa laki. Kung hindi pa ako maglalakad-lakad baka manas na ako ngayon. "Good morning din po Aling Selma." sagot ko. Hinimas-himas ko pa ang tiyan ko. Pinaghila niya ako ng upuan. "Umupo ka na at paghahain na kita ng pagkain." Umupo naman ako. "Salamat." sagot ko. Pagkatapos at isa-isang inilagay ni Aling Selma ang mga pagkain sa lamesa. Ham, hotdog, fried chicken.Vegetable salad, at pinagtimpla pa niya ako ng gatas. "Kumain ka na." aniya. Ni

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD