[LIAN] "See you tomorrow," sabay halik ko sa labi kay Daren. Nagulat siya nang halikan ko siya sa labi. Tumaas ang kilay ko. "What's wrong?" Umiwas siya ng tingin sa'kin at kuyom ang kamo niya habang nakapatong sa manibela ang braso niya. "Nothing. I have to go." Nakangisi akong bumaba ng kotse niya at kumaway pa ako sa kanya nang hindi ko na siya matanaw ay naglakad ako papasok sa bahay namin ngunit bago pa ako makapasok sa loob ng bahay ay napansin ko ang kotse ni Bryan na nakahinto sa hindi kalayuan sa'kin. Nagpanggap akong hindi ko siya nakita kaya dumiretso ako papasok ng bahay namin. "Lian!" sabay hawak niya sa braso ko. Seryoso ang mukha niyang nakatingin sa'kin. "S-Sino ka?" pagsisinungaling ko. "Hindi ako naniniwalang wala kang maalala." Itinulak ko siya. "Hindi ko alam