"Are you okay?" bakas sa mukha ni Daren ang pag-aalala sa'kin nang makaalis si Lian. Tumango ako sa kanya bilang tugon ngunit ramdam ko ang malakas na kabog ng dibdib ko dahil sa takot sa maaring gawin ni Lian kanina. Halata sa itsura niya na lasing siya nang sumugon siya sa rito. Hinaplos ni Daren ang mukha ko at mabilis niya akong dinampian ng halik sa labi. "Let's go! Matulog na tayong dalawa." Inalalayan pa niya ako papunta sa kuwarto namin upang muling matulog. Bente minutos na ang nakalipas ngunit hindi pa rin ako dalawin ng antok samantalang si Daren ay mahimbing na ang tulog habang ang kamay niya ay nakayakap sa'kin. Dahan-dahan akong bumangon upang hindi magising si Daren at pagkatapos ay mag-isa akong pumunta sa kusina upang uminom ng sterelize na gatas. Alauna ng umaga kay