CHAPTER 1
"Madam, parang awa n'yo na po 'wag n'yo akong tanggalin sa trabaho, kailangan ko po ng trabaho," Halos lumuhod ako sa amo kong babae para lang hindi ako paalisin.
Matalim akong tinitigan ng amo kong babae pagkatapos ay sinipa niya ako.
"Lumayas ka! Malandi ka!" galit na sigaw niya sa'kin.
Nasubsob ako sa semento dahil sa sipa ng amo ko. Dumogo rin ang ilong ko dahil sa lakas ng sipa niya sa'kin, ngunit hindi pa rin ako sumuko. Pilit kong hinahawakan ang paa niya ngunit muli niya akong sinipa.
"Lumayas ka! Walang utang na loob!" sigaw niya sa'kin.
"Madam, parang awa n'yo na po, wala po akong ginawang masama," hagulgol ko ng iyak.
Hindi pa siya nakuntento lumapit siya sa'kin at hinila ang buhok ko.
"Madam nasasaktan po ako," hawak ko sa buhok ko.
Hinila ng amo ko ang buhok ko at pinagsasampal ako.
"Walang hiya ka! Pagkatapos kitang tulungan ganito ang igaganti mo sa'kin. Malandi!" sigaw niya. Kinaladkad niya ako palabas ng kanilang bahay pagkatapos itinulak ako palabas. "Huwag ka ng magpapakita sa'kin! Bwiset!" sigaw nito. Sabay sarado nito ng pinto.
Nakasubsob ako sa lupa habang umiiyak. Awang-awa naman ang ibang katulong sa'kin ngunit wala silang magawa.
Tumayo ako at pagkatapos ay naglakad palabas ng bakuran nila bitbit ko ang isang bayong ko na pinaglalagyan ko ng lumang damit. Nakayapak na lang din akong naglalakad dahil naputol na ang tsinelas ko. Hindi ko na nagawang ayusin ang buhok, kaya sa mga nakakakita sa'kin aakalain nilang isa akong baliw na naglalakad sa kalsada.
Isa akong kasambahay sa isang may kayang pamilya. Dalawa kaming kasambahay sa bahay na iyon si Aling Ailen na fifty five years old at ako. Mabait ang amo kong babae ngunit bigla itong nag-bago nang lumalapit ang amo kong lalaki sa'kin. Matagal na akong pinagmamasdan ng amo kong lalaki kapag nasa bahay ito. Hindi ko iyon pinapansin noon ngunit dahil napapadalas na ang kakaibang kinikilos nito palagi na akong nag-iingat. Hanggang isang araw inutusan niya akong mag-dala ng pagkain sa kanilang kuwarto. Nagulat ako nang bigla niyang isarado ang pinto. Balak akong gahasain ng aking amo. Nanlaban ako sa kanya ngunit pinagbantaan akong papatayin ang aking pamilya. Wala akong nagawa kung hindi ang umiyak habang isa-isa nitong hinuhubad ang suot kong damit. Iyon ang eksena na nakita ng amo kong babae. Ang akala nito ako ang babae ng kanyang asawa. Ang hindi nito alam muntik na akong pagsamantalahan ng asawa niya. Hindi niya ako binigyan ng pagkakataon magpaliwanag lalo na't binaliktad ako ng amo kong lalaki. Inakit ko raw siya kaya siya natukso sa'kin, dahilan para palayasin nila ako.
"Sheymie?" sambit ni Zhia, ang nag-iisang kaibigan ko sa baranggay na iyon.
"Z-Zhia!" lumapit ako sa kanya at umiyak ng malakas.
"Jusme ano'ng nangyari sa'yo?" Niyakap niya ako ng mahigpit.
"Pinalayas na ako ng amo ko,"
"Ano ba'ng nangyari? Halika ka at sumama ka sa'kin." Napansin niyang wala akong suot na tsinelas. "Nakayapak ka pa."
Dinala niya ako sa bahay nila at binigyan ng pagkain. Hindi na rin kasi ako pinakain ng mga amo ko, kahit ang huling sahod ko ay hindi na nila binigay.
"Ano ba'ng nangyari? Bakit ka pinalayas?" tanong ni Zhia.
Pumalahaw ako ng iyak. "Muntik na akong gahasain ng amo kong lalaki, akala ng amo kong babae kabet ako ng asawa niya dahil nahuli niyang nasa loob ako ng kuwarto nila hindi niya alam gagahasain ako ng asawa niya. Kinaladkad niya ako palabas,"
"Demonyo pa lang yang si Lando! Manyakis! kaya pala walang tumatagal na katulong kasi manyak." sabad ng Nanay ni Zhia na si Aling Veronica.
Ang pamilya ni Zhia ang naging sandalan ko kapag namimiss ko ang pamilya ko. Nasa kabilang bayan kasi sila ang pamilya ko.
"Itsura naman ni Kuya Lando mukhang adik. 'wag ka ng umiyak, mabuti na rin at nahuli kayo ng asawa dahil kung hindi baka napagsamantalahan ka na niya,"
"Wala na akong trabaho, Zhia. Kailangan kong maghanap ng trabaho ako lang ang inaasahan sa pamilya ko,"
"Huwag mo'ng isipin ang bagay na 'yan makakahanap ka rin ng trabaho, magpasalamat ka na lang at hindi ka napahamak." ani Aling Veronica.
"Tama si Nanay, 'wag mo'ng iyakan'yon magpasalamat ka at nahuli ang ginagawa sa'yo ng demonyong asawa niya. Hayaan mo tutulungan kitang makahanap ng trabaho,"
Tumingin ako sa kanya. "Salamat, Zhia." muling tumulo ang luha ko.
"Wag kang umiyak dito ka muna sa bahay," napansin ni Zhia ang tsinelas kong naputol. "Kawawa ka naman sira na ang tsinelas mo wala ka ng masusuot na tsinelas," kinuha niya ang tsinelas ko.
"Lalagyan ko na lang ng pako para magamit ko pa,"
"Huwag na may sobra akong sandals diyan ibibigay ko na sa'yo, 'yan pa rin yata ang tsinelas mo noong una tayong nagkita, anim na taon na ang lumipas."
Tumango ako. Hindi naman kasi ako bumibili ng gamit para sa'kin dahil ang tatlong libong sahod ko ay pinapadala ko sa pamilya ko. Ako kasi ang panganay sa limang magkakapatid at lahat ng mga kapatid ko ay puro bata pa at walang kakayahan para magtrabaho. Anak kasi ako sa unang asawa ng Nanay ko. Nang sampung taon gulang ako muling nag-asawa ang Nanay ko kaya ngayon ay may bunso akong kapatid na apat na taong gulang.
"Hindi ako bumibili ng para sa'kin. Naghihinayang ako kasi mababawasan pa ang ibibigay kong padala sa kanila kung gagastos ako," sabi ko.
Tumingin sa'kin si Zhia. "Sobrang bait mo'ng kapatid at anak, balang araw giginhawa ka rin," sabi ni Zhia.
"Salamat," tipid akong ngumiti.
Naging kaibigan ko si Zhia nang makasama ko siya sa trabaho bilang tindera sa palengke ng kanyang kamag-anak. Tuwing summer kasi nagta-trababo si Zhia upang may pambili ng gamit at baon niya kapag dumating ang pasukan. Tumagal ako bilang tindera ng higit apat na taon, bukod kasi sa libre ang pagkain ay limang libo ang sahod ko roon. Hindi pa kami pinagbawalan kumain ng kahit anong pagkain sa loob ng bahay ng amo ko. Stay in kasi ako no'n. Ngunit nang ibente ng amo ko ang tindahan niya ay pinaalis na rin kami kaya naman ay namasukan ako bilang katulong. Naging Yaya ako ng isang special child sa loob ng dalawang tao at ang huli ay ang àmo ko ngayon na pinalayas naman ako.
Marahan niyang tinapik ang balikat ko. "Basta ikaw," sabay ngiti niya.
Kinuha ni Aling Veronica ang dalawang pares na sandals ni Zhia sa kabinet nito.
"Sukatin mo kung kasya sa'yo," ani Zhia.
Tumango ako at pagkatapos ay sinukat ko iyon. Tuwang-tuwa ako nang magkasya sa'kin ang sapatos.
"Kumasya sa'kin," masayang sabi ko. Sa loob kasi ng anim na taon napalitan ang rubber na tsinelas ko.
"Mamaya titingnan ko ang kabinet ko ibibigay ko sa'yo ang mga damit na hindi na kasya sa'kin,"
Muli akong umiyak ng malakas. Dahil may mga taong mabubuting puso ang tumutulong sa'kin.
"Kanina ka pa iyak nang iyak diyan, 'wag kang umiyak," sabi ni Zhia.
"Huwag ka ng umiyak Sheymie, linisin mo ang sarili mo para magamot natin ang mga sugat mo, grabe ang ginawa sa'yo ng amo kulang na lang patayin ka." ani Aling Veronica.
"Tatanawin kong utang na loob ang lahat ng ito," tipid akong ngumiti sa kanila.
Naligo ako at pagkatapos ginamot ni Aling Veronica ang mga sugat ko. Hindi sila mayamang pamilya pero may mabuti silang puso.
ALASINGKO pa lang ay bumangon na ako upang tumulong sa gawaing bahay. Dalawang araw na akong nakikitira sa bahay nila Zhia at sa dalawang araw na iyon naging mabuti sila sa'kin naramdaman ko ang pagmamalasakit nila sa'kin at tinuring nila akong pamilya. Nag-walis ako ng bakuran nila pagkatapos ay nag- init ako ng tubig at nagsaing. Hindi ko na pinakialaman ang pagluluto ng ulam nila dahil may kanya-kanyang gustong ulam ang pamilya. Pagkatapos kong magluto naglinis naman ako ng bahay nila. Nagising si Aling Veronica na tapos ko na ang gawaing bahay.
"Good morning po,"
"Sheymie, bakit ang aga mo naman nagising? Hindi ka na yata natutulog," dumiretso ito sa banyo at naghilamos ng mukha pagkatapos ay nag-asikaso na ito ng lulutuin. Ngunit nakita niyang may nakaluto na ako ng kanin.
"Pasensiya na po, hindi ko na pinakialaman ang pagluluto ng ulam hindi ko kasi alam kung anong gusto niyong ulamin," sabi ko.
"Aysus naman! Halos wala na nga akong gagawin e, kung pwede nga lang dito ka na sa'min tumira e, kaya lang wala naman akong ipapasahod sa'yo," sabi nito habang nagpiprito ng itlog.
"Okay lang po, mamaya po maghahanap po ako ng trabaho,"
Biglang napahinto ang Nanay ni Zhia. "Naalala ko pala naghahanap pala si Cecelia ng kapalit niya sa trabaho sa Manila." Tumingin siya sa'kin. "Gusto mo ba'ng magtrabaho sa Manila? Malaki ang sahod do'n si Cecelia nakapagpatapos ng limang anak niya sa kolehiyo dahil sa pangangatulong niya."
Tumango siya. "Gusto ko po 'yon para mapag-aral ko ang mga kapatid ko,"
"Sige, mamaya pupuntahan natin si Cecelia at kakausapin natin,"
"Maraming salamat po," sagot ko.
"Sabayan mo na akong kumain, nag-kape ka na ba?"tanong nito.
Umiling siya." Maligamgam na tubig lang ang ininom ko,"
"Ikaw na bata ka, nalinis mo na ang buong bahay na kahit kape hindi ka uminom, 'wag kang mahiya sa'min ituring ko kaming pamilya,"
Tipid na ngumiti si Sheymie. "Salamat po,"
Pagkatapos namin mag-almusal sinamahan ako ni Aling Veronica sa kapitbahay nitong si Aling Cecelia. Ang laki ng bahay ng nito na parang sila ang may pinakamagandang bahay sa lugar na iyon. Ang sabi ng Nanay ni Zhia. Ang amo raw nito ang nag-pagawa ng bahay nito.
"Veronica, ito ba ang nire-rekomenda mo'ng katulong?" tanong ni Aling Cecelia.
Tumango ang Nanay ni Zhia. "Oo, siya si Sheymie,"
Pinagmasdan ako ni Aling Cecelia. "Ang ganda mo'ng dalaga bakit hindi ka na lang nag-artista o 'di kaya model?"
"Hindi po ako nakapagtapos ng high school kaya po pangangatulong lang ang alam kong trabaho."
"Ay ganun ba? Sayang ka kasi sabagay kung makakapasok ka sa pamilya Britain pwede ka nilang pag-aralin mababait ang pamilyang iyon, gusto ko pa nga sana bumalik doon dahil wala na akong masyadong trabaho, ayaw lang ng mga anak ko dahil gusto nilang sila naman ang makasama ko, twenty years na kasi akong nagta-trabho doon."
"Ang tagal n'yo na po pala nagtrabaho sa mga amo n'yo,"
Tumango ito. "Mababait kasi sila sa mga katulong nila kaya walang umaalis kompleto pa ang benefits do'n."
Masa lalo akong na-engganyong magtrabaho sa naging amo ni Aling Cecelia.
"Siya na lang ang ipasok mo, kawawa itong bata na ito muntik ng magahasa ng dati niyang amo,"
"Maganda kasi at sexy ang bata na 'yan kaya talagang pagnanasahan ng manyak na amo." Dinukot nito ang cellphone sa loob ng bulsa ng damit nito at may kinausap ito sa cellphone. Nakikinig kami ni Aling Veronica sa pag-uusap nito. Nang matapos ang pag-uusap ay tumingin siya sa'min.
"Pwede ka raw ba lumuwas sa sabado?" sabi niya sa'kin.
Lumundag ako sa tuwa. "Maraming salamat po," niyakap ko pa si Aling Cecelia ay si Aling Veronica sa tuwa pagkatapos ay umiyak ako sa kaligayahan.
"Bakit ka naman umiiyak?" hinimas pa ni Aling Cecelia ang likod ko.
"Iyakin talaga ang batang 'yan Cecelia.
"Masaya lang po ako maraming salamat po sa tulong n'yo,"
"Walang anuman, umuwi ka muna sa pamilya mo may dalawang araw pa bago ka suduin."
"Gusto ko nga po sanang umuwi kaya lang hindi binigay ng amo ko ang huling sahod ko, dito na lang po ako maghihintay," sabay punas ko ng luha.
"Ay, hindi pwede dapat malaman ng magulang mo kung saan ka magta-trabho, sandali lang at hintayin mo ako diyan." tumayo ito sa kinauupuan niya at pumasok sa kuwarto niya. Ilang segundo lang ay bumalik na ito. "Oh, para sa'yo umuwi ka muna sa inyo,"
Tumingin ako kay Aling Cecelia. "Nakakahiya naman po sa inyo," muli naman akong umiyak. Inabutan kasi ako ng pera ni Aling Cecelia.
"Huwag kang mahiya sa'kin. Gusto ko lang din tumulong sa mga katulad mo, dahil katulad mo rin ako noon, ibalik mo na lang ang tulong ko sa'yo kapag umaangat ka na sa buhay mo at may taong humingi ng tulong sa'yo,"
"Ang bait mo talaga Cecelia, ako nga rin pautangin mo," biro ni Aling Veronica.
"Ikaw mauubusan ng pera." Tumingin siya sa'kin. "Tanggapin mo na ito." sabi ni Aling Cecelia.
"Maraming salamat po," binilang ko ang pera na binigay niya at nanlaki ang mga mata ko, dahil limang libo ang binigay niya sa'kin mas masa malaki pa ito sa sahod ko. "Sobrang laki naman po nito."
"Tanggapin mo na 'yan,"
Muli naman akong umiyak. "Salamat po,"
"Huwag ka ng umiyak pati ako ay naiiyak sa'yo," sabi nilang dalawa.
Sobrang kaligayahan ang nararamdaman ko dahil may mga tao pala talagang handang tumulong sa mga katulad kong nangangailangan. Pinangako ko sa sarili ko na kapag ako gumanda ang buhay ko ibabalik ko ang lahat ng kabutihan nila sa'kin.