CHAPTER 3

1833 Words
ALAS-SIYETE ng gabi nang makarating kami sa malaking bahay ng amo ko. Halos malula ako sa laki ng bahay nila na parang kasing laki ng Mall na  nakikita sa lugar namin. Hindi na ako magtataka kung bakit kailangan nila ng maraming katulong sa laki ng bahay baka abutin ka ng isang linggo bago malinis mag-isa ang buong bahay. Nanginginig ang kamay ko habang papasok ako sa loob ng bahay siguro dahil sa kaba ko.  May sumalubong sa'min na dalawang babae na nasa edad kuwarenta at singkuwenta. Pareho ang uniform nila na kulay itim at may sombrero sa ulo. Nakangiti silang dalawa nang lumapit sa'kin. "Hello, ikaw ba ang bagong katulong?" sabi ng isang matanda. Yumuko ako sa kanila. "Magandang gabi po ako si Sheymie ang bagong katulong." "Ang ganda ng batang ire, Matilda," wika nito sa kasama. "Kami nga pala ay katulong din wala pa ang mga boss natin mamaya pa ang uwi nila. Ako pala si Vivian at siya naman si Matilda siya ang mayordoma kasi siya ang pinakamatanda rito," sabay tawa ni Aling Vivian. Sumimangot si Aling Matilda. "Parang hindi ka matanda," Nakangiti ako sa kanilang dalawa habang nag-aasaran sila. Marahil napansin nilang pinapanood ko sila. Lumapit silang dalawa at inakbayan ako ni Aling Matilda.  "Dadalhin kita sa magiging kuwarto mo at sasabihin ko na rin sa'yo ang magiging trabaho mo, bukas ko na lang sa'yo sasabihin ang mga rules dito," paliwanag ni Aling Matilda. "Sumunod ako sa kanilang dalawa. Nang makapasok ako sa loob ng bahay mas lalo akong namangha dahil tatlong palapag ang bahay nila at halos masisilaw ka sa dami ng salamin maging ang mga sofa nila ay halos hindi yata na dadaanan ng alikabok. "Dito ang kuwarto mo," sabi ni Aling Matilda. "Dito po?" Umupo sa kamay at hinawakan ko iyon. Sobrang lambot ng kama ko kahit ang dati kong amo ay hindi ganito kalambot ang kama. Napansin ko rin na sa isang kuwarto ay may apat na doble deck. May sariling banyo at may sofa sa gilid. Mas malaki pa ang kuwarto na ito kaysa sa bahay namin. "Ang sarap naman matulog dito, 'yung dati kong pinasukan na trabaho hindi ganito ang higaan ko banig lang." Ngumiti si Aling Matilda. "Umpisa pa lang 'yan ma-swerte ka at dito ka napunta. Basta magpakabait ka rito para tumagal ka." Tumango ako. "Pagbubutihin ko po ang trabaho ko," Magpalit ka na ng damit at kumain ka muna bago ka matulog." Tumango ako at nagpalit na ako ng damit. Mabuti na lang at may mga damit na binigay sa'kin si Zhia. Hindi na butas-butas ang suot ko. Pagpasok ko sa banyo halos ma-ignorante ako dahil hindi ko alam kung paano i-plush sa inidoro ang tubig. Wala rin tabo sa banyo kung hindi ang hose na nakadikit sa inidoro.  "Ay!" sigaw ko nang biglang tumunog ang plush. May pinidot kasi ako sa gilid ng inidoro at nag-plush na rin ito. Isang oras ang tinagal ko sa banyo bago ko nagamit ang hose at mai-plush ang dumi ko sa inidoro. Paglabas ko nagulat ako ang makita ko si Aling Vivian. "Akala ko nakatulog ka na sa banyo," nakangiting sabi nito. "Pasensiya na po first time kong gumamit ng hi-tech na banyo." "Masasanay ka rin mas marami kang makikitang kakaibang gamit na meron sa loob ng mansyon, 'wag kang mag-alala unti-unti mo naman iyon matutunan." sabi ni Aling Vivian  Ngumiti ako bilang pagsang-ayon sa kanya. Pagkatapos ay pumunta kami sa sa kusina. Muli naman akong namangha dahil sa gandang dining table nila. A stylish contemporary table with a high gloss black lacquered top perfectly supported by two striking polished stainless steel u shaped plinth style bases with feature antique bronze detailing, parang nakakatakot madumihan ang lamesa sa sobrang ganda.  "Umupo ka at kumain na tayong tatlo," sabi ni Aling Matilda. "Dito po tayo kakain?" Hindi ako makapaniwala. Doon kasi sa dati kong amo hindi kami pwedeng kumain sa table nila dahil para sa kanila lang 'yon at sa mga bisita kaya naman sa tuwing kumakain ako kailangan kong pumunta sa lababo para doon kumain o kaya sa kuwarto. Tumango si Aling Matilda. Oo, dito tayo kakain pwede tayong kumain dito ang bawal lang natin galawain ay ang mga gamit ng mag-anak sa loob ng bahay kuwarto nila. Lahat ng lulutuin natin ay sa kanila ay para sa'tin din," Ngayon ko pa lang mukhang matutuwa na ako sa bago kong Amo kahit hindi ko pa sila nakakikita. Hindi ko masyadong idinikit ang pwet ko sa magandang upuan dahil parang nakakatakot madumihan. First time ko rin kumain ng masarap na pagkain at italian foods daw 'yon sabi ni Aling Matilda. "Matulog ka na bukas makikilala mo na ang bago mo'ng amo," sabi ni Aling Matilda. Tumango ako. "Maraming salamat po, Good night po," pagkatapos ay ipinikit ko ang mga mata ko sa unang pagkakataon dumikit ang likod ko sa malambot na kama bukod doon naka-aircon din ang kuwarto namin.  GINISING ako ni Aling Matilda ng alasingko ng umaga. Tinulungan ko siyang maghiwa ng ingridients at karne ng lulutuin niyang ulam. Alas-siyete ng umaga kumakain ang buong pamilya dahil alasingko ng umaga ay nag-jogging ang mga ito. Ang magiging trabaho ko doon ay ang maglinis ng kuwarto ng kanilang dalawang anak at mag-didiling ng mga halaman. Iyon ang gawain ko araw-araw. Bago sumapit ang alas-siyete ng umaga ay isa-isa naming inihanda ang mga pagkain ng mag-anak sa dining table pagkatapos ay hinintay namin silang dumating. Ang bilis ng t***k ng puso ko nang makita kong papalapit ang mga amo ko. "G-Good morning," nabubulol kong sagot. Yumuko kaming lahat bilang paggalang. Ngumiti sila sa'min. "Good morning, " bigla akong yumuko nang tumingin sa akin ang amo ko na nasa edad trenta. Hindi ko akalain na mga bata pa pala ang amo ko. "Are you the one Yaya Cecelia recommended?" tanong nito. "Opo," sagot ko, kahit hindi ko masyadong naintindihan ang sinabi niya basta narinig kong binanggit niya ang pangalan ni Aling Cecelia.   Second year high school lang ang tinapos ko. Nakakaintidi naman ako ng english 'wag lang bibilisan ang sasabihin. "I see… what is your name?" tanong ulit nito. "Sheymie Castañeda." "Welcome to our home, Sheymie. My name is Daisuke, and this is my wife and the beautiful girl is my baby girl Dhalia" sabay ngiti niya. "Thank you," sabay yuko niya. "How old are you?" tanong sa'kin ni Ma'am Freyah. "Twenty two, ma'am." "I see.. kasing edad mo ang panganay naming anak." Umupo silang dalawa at nag-umpisa ng kumain samantalang ang anak nitong babae ay walang imik. "When is my brother coming home, Mom? " tanong ni Dhalia. "He said this coming Friday. I don't know if that's for sure," sagot ni Ma'am Freyah. Habang pinagmamasdan ko sila hindi ko napigilan ang hindi humanga sa kanila. Ang kikinis kasi ng balat nila na tila hindi na dadapuan ng lamok. Ang puputi nila at ang ganda ng katawan. Habang kumakain silang mag-anak kami naman ay nag-aabot ng pagkain nila.  "Kumain na tayo!" sabi Aling Vivian. Pagkatapos ay isa-isang pumasok ang mga katulong sa kusina maging ang driver nila ay pumasok na rin.  "Kumain ka na Sheymie," sabi ni Aling Matilda. Napansin kasi niyang nakatingin lang ako sa kanila. "Ganito kami araw-araw pagkatapos kumain ng mag-anak ay kami naman ang kumakain," sabi ni Aling Matilda. "Mukhang masaya po," sagot ko. Tumango si Aling Maldita. "Masaya rito pero kapag dumating na ang panganay nilang anak naku, masyadong nakakapagod ang trabaho namin utos siya nang utos mabuti nga at dumating ka na." "Sheymie, mag-ingat sa batang iyon pilyon 'yon," sabad ni Aling Vivian. Isang ngiti ang naging sagot ko. "Mukhang ang babata pa nilang nag-asawa."  "Matanda ang mga iyon, si Sir Daisuke at si Ma'am Freyah ay fourty five years old na, ang panganay niyang anak ay kasing edad mo lang yata." "Akala ko po ay nasa thirty years old pa lang sila, mukha kasi silang bata tingnan."  "Guwapo kasi at magaganda kaya mukha silang bata tingnan." Ani Aling Matilda. "Sa friday makikilala mo ang panganay na anak ng amo natin kasi babalik na siya ng Pilipinas,"  Tumango ako bilang pagsang-ayon. Hindi naman ako intersado na malaman ang bagay na iyon ang mahalaga sa'kin ay ang mapabuti ang trabaho ko pata tumagal ako rito nang sa gano'n ay matulungan ko ang pamilya ko. "Sheymie, ikaw raw ang mag-dala ng pagkain meryenda ng mag-asawa." Inabot sa'kin ang tray na may lamang meryenda nila. "Sige po," kinuha ko iyon at dahan-dahan kong dinala sa kuwarto nila. Kanina kasi nilibot na ako ni Aling Matilda sa mansyon kaya alam ko na kung saan ang kuwarto nila. Dahan-dahan akong kumatok upang marinig nila ako pagkalipas ng ilang segundo ay bumukas ito. Nakangiti si Ma'am Freyah nang buksan niya ang pinto. "Pumasok ka," sabi niya. Tumango ako pagkatapos ay dinala ko sa loob ang pagkain nila at pinatong ko sa table. Pumihit ako patalikod upang umalis na ngunit bigla akong tinawag ni Ma'am Freyah. "Sheymie!" Pumihit ako paharap sa kanila at ngumiti. "Bakit po?" "Halika lumapit ka sa'min," ani Ma'am Freyah. Lumapit ako sa kanilang dalawa. Busy si Sir Daisuke sa binabasa niyang papel. "Dice, ibigay mo na," sabi ni Ma'am Freyah. Inilapag ni Sir Daisuke ang hawak niyang papel at kinuha ang maliit na white envelope at inabot sa'kin. "Here," sabi ni Sir. Kinuha ko iyon at binuksan. Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong pera ang laman ng sobre. "Para saan po ito?" tanong ko. "Sinabi sa'kin ni Yaya Matilda na gusto mo raw mag cash advance dahil walang makain ang pamilya mo sa probinsiya. This isn't your salary, this is our help to you, improve your work so that you can help your family," he smiled. Bumagsak ang luha ko sa mga mata. "Maraming salamat po," sagot ko. Ngumiti silang dalawa sa'kin. "Welcome, puntahan mo si Kuya Egoy para ihatid ka niya kung saan may malapit na money remittance." ani Ma'am Freyah. "Thank you so much," ilang beses akong yumuko sa kanila. Nang makalabas ako ng kuwarto tiningnan ko ang laman ng sobre mas lalo akong umiyak dahil sampung libo ang laman ng pera bago ako pumunta sa money remittance tumawag muna ako sa telepono. May kapitbahay kasi kaming may telepono dahil may business itong computer shop. "Anak, kumusta ka na?" tanong ni Mama sa garalgal na boses. Pinunasan ko ang luha sa pisngi. "Okay na okay na, sobrang bait po ng Amo ko ang swerte ko talaga, binigyan nga po ako ng pera tulong nila sa'kin. Sampung libo po iyon mabibili n'yo na po ng maraming fried chicken ang mga kapatid ko," tumulo ang luha ko kaya saglit akong napahinto sa pagsasalita. Bumili ka rin ng cellphone na yung keypad po para magkaroon tayo ng kumuniskasyon," Narinig kong umiyak si Nanay kaya mas lalong tumulo ang luha ko. "Maraming salamat anak,"  "Sige po, Nay, tatawag na lang po ako mamaya kapag napadala ko na ang pera, mag-iingat po kayong lahat diyan." "Mag-iingat ka rin diyan anak." Ibinababa ko ang tawag ko kay Nanay at pagkatapos ay pinunasan ko ang luha ko. Pinuntahan ko agad si Kuya Egoy upang samahan ako sa money remittance. Pagkatapos muli kong tinawagan si Nanay at binigay ko na rin ang telephone number sa mansiyon. Kinagabihan ay muling tumawag si Nanay at sinabing bumili siya ng cellphone at damit grocery. Ang sarap ng pakiramdam ko nang makasigurado akong hindi na sila magugutom at magkakaroon ng baon ang mga kapatid ko kapag papasok sa eskwela. Ang sarap sa pakiramdam na makatulong sa pamilya kahit walang natira para sa'kin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD