CHAPTER 2

1391 Words
"Maraming salamat sa inyong lahat, tatanawin kong utang na loob ito," naluluha kong sabi kay Zhia at sa Nanay niya. Ngumiti silang dalawa. "Walang anuman, welcome ka rito anytime," sabi ni Zhia. "Dadalaw ka rito sa'min," sabi ni Aling Veronica. Tumango ako. "Hindi ko kayo makakalimutan, salamat."  "Mag-iingat ka sa pag-uwi." sabi nila. Hinatid nila ako sa sakayan ng jeep pagkatapos at sumakay na ako. Sampung minuto lang ang biyahe ko sa lugar namin. Bago ako umuwi bumili muna ako ng isang buong manok para i-prito, donut at tinapay. Binili ko rin ng tig-iisang damit ang apat kong kapatid. Malayo pa lang natatanaw ko na ang dalawa kong kapatid na naglalaro sa tapat ng bahay namin. Nang makita nila ako tumakbo sila papalapit sa'kin. Nakangiti sila habang papalapit sa'kin. "Ate!" masayang sabi nila. Niyakap nila ako at pagkatapos ay tiningnan ang mga dala-dala ko. "Wow! Donut at may chiken!" "Magluluto si Ate ng fried chicken. Yeeheey!" sabi ng dalawa kong kapatid. Kinuha nila ang bitbit ko at tumakbo pauwi ng bahay. Mabilis kong pinunasan ang luha. Dahil sa kahirapan namin ang simpleng bagay na iyon ay napakalaking kaligayahan na sa mga kapatid ko. Ang makakain lang sila ng fried chicken, at donut sobrang saya na nila. Ito ang dahilan kung bakit hindi ako pwedeng mawalan ng trabaho. Sa pangalawang asawa ng Nanay ko may apat akong kapatid dalawang babae at dalawang lalaki. Una si Zeke, siya ay twelve years old na lalaki.  sumunod ay si Shane anne ten years old na babae, at ang pangatlo ay si Sabrina seven years old na babae ang sumunod ay si Zanjoe, four years old na lalaki.  Ngunit dahil ang napangasawa ng Nanay ko ay walang permamenteng trabaho napilitan akong tumigil sa pag-aaral ng high school para tulungan sila. Bata pa lang ako ay banat na ang katawan ko sa pagtatrabaho para sa kanila. "Mano po Nay," sabi ko nang makauwi ako.  "Biglaan yata ang uwi mo? Hindi mo pa naman rest day," sabi ni Nanay. "Umalis na po ako sa trabaho, Nay, wala na raw ipapasahod ang amo ko." Pagsisinungaling ko, ayoko na kasi siyang bigyan ng problema. "Gano'n ba?" malungkot nitong sabi. "Huwag mo kayong mag-alala may bago na akong trabaho mas malaki ang sahod ko roon,  seven thousand pesos,"  "Talaga? saan ka magtatrabaho?" "Sa Manila na po ako magtatrabaho." Napawi ang ngiti ni Nanay. "Bakit sa malayo?" Inilapag ko ang aking bag sa maliit at lumang upuan bago muling humarap kay Nanay. "Kailangan para makapagtapos ng pag-aaral ang mga kapatid ko, mababait naman daw ang mga amo ko roon. Ito nga po pala ang natira sa pera ko, Nay." sabay abot ko ng pera. Bumuntong-hininga si Nanay pagkatapos ay tumalikod sa'kin. Napansin ko na lang na nagpupunas siya ng luha. Lumapit ako sa kanya at niyakap patalikod. "Huwag po kayong umiyak, Nay." "P-Pasensiya ka na anak, hindi mo dapat inaako ang resposibilidan na ito, kami dapat ang nagsisikap para itaguyod kayo," Ngumiti ako. "Gusto ko itong gawin para sa inyo, 'wag po kayong mag-alala mag-iingat ako sa Manila." "Maraming salamat anak," sabay punas niya ng luha. "Sige na po kumain na po kayo ng donut, lulutuin ko lang ang fried chiken,"  "Ikaw, hindi ka ba kakain?"  Umiling ako. "Busog na ako kumain na ako niyan," pagsisinungaling ko.  Ang totoo kasi ay binili ko talaga iyon para sa kanila mas gusto kong matikman nila ang pagkain na bihira lang nila kainin kaya ko naman mag-paraya ako para sa kanila. Niluto ko ang isang kilong manok at ginawa kong fried chicken 'yon kasi ang paborito ng mga kapatid ko. Hindi lumabas ang mga kapatid ko ng bahay dahil hinintay nilang maluto 'yon. Ang step father ko ay lingguhan din ang uwi sa tuwing may sideline siya sa trabaho, kaya madalas hindi ko siya naabutan sa bahay. "Wow! Ang sarap ng chicken," masayang sabi ng mga kapatid ko habang nasa hapagkainan kami. Nilagyan ko sila ng tig-iisang fried chicken sa kanilang plato. "Ate, ikaw bakit wala kang ulam?" tanong sa'kin ni Zeke. Napansin kasi niyang wala akong fried chicken sa plato kung hindi ang ginataang laing na hinarvest ko sa bakuran. Ngumiti ako sa kanya. "Para sa inyo 'yan ito na lang sa'kin kasi namimiss ko na ito," sabi ko. Tumingin si Zeke sa akin. Sa pangalawang asawa ni Nanay siya ang panganay na anak. "Salamat, Ate." Ngumiti ako sa kanya. "Walang anuman, kumain na kayo, Nay kumain ka na," sabi ko. Masaya ako habang pinapanood ko silang nag-eenjoy sa pagkain. Habang pinagmamasdan ko sila mas lalo akong naghahangad ng magandang buhay para sa kanila. ISA-ISA kong inilagay sa aking lumang bag ang aking mga lumang damit, habang walang patid ang pagpatak ng luha ko. Ngayon kasi ang alis ko papuntang Manila upang maging kasambahay. Gustuhin ko man na 'wag umalis hindi maari dahil kailangan kong magtrabaho sa malayo para hindi sila magutom. Sa hirap kasi ng buhay namin madalas kaming hindi kumakain ma-swerte na ang makakain ng dalawang beses sa isang araw, kaya nang tinulungan ako ni Aling Cecelia na makapasok sa dati niyang amo sa Manila ay agad ko iyon tinanggap. Pitong libo kasi ang suweldo sa loob ng isang buwan doble sa sinasahod ko rito, bukod doon may mga benefits akong matatanggap. Malaking bagay na iyon para matulungan ang pamilya ko. "Mag-iingat ka roon anak," naluluhang sabi ni Nanay. Katabi niya sa upuan ang apat na taon gulang kong kapatid. Pilit akong ngumiti at pinagmasdan sila Nanay at ang apat kong kapatid ang step father ko kasi ay may trabaho ngayon. "Opo, pagdating ko sa manila sasabihin ko sa amo ko na mag-cash advance ako para makapagpadala agad ako sa inyo." "Ate, makakain na ba kami palagi ng fried chicken kapag nagtrabaho ka sa Manila?" sabi ni Sabrina. Tumango ako. "Magta-trabaho si Ate para may pambili tayo ng fried chicken," "Yeheey! Makakain na kami ng fried chiken!" sigaw ng mga kapatid ko. Nag-uunahang tumulo ang luha ko habang pinagmamasdan ko ang mga kapatid ko. Bihira lang kasi sila makatikim ng fried chicken. Kung may sobrang pera lang ako saka kami bumibili ng manok para i-prito o 'di kaya ay bibigyan sila ng kapitbahay namin sa tuwing may handaan, madalas kasing toyo, asin, delata, noodles, nilagang talbos ng kamote ang ulam namin minsan lugaw na lang kinakain namin at kung minsan natutulog na lang kami na walang laman ang tiyan. "Maraming na kayong makakain na fried chicken kapag nagtrabaho na si Ate sa Manila. Padadalahan ko ng pera si Nanay para bumili ng maraming chicken kaya magpaka-bait kayo mag-aral ng mabuti," sabi ko habang tumutulo ang luha ko. "Ate, may baon na ba kami kapag papasok na kami sa school?" tanong ni Zeke. Tumango ako. "Oo, kaya dapat magpapakabait." "Opo, ate gagalingan ko sa school," nakangiting sabi ng pangalawa kong kapatid. Binuhat ko ang bag ko. "Aalis na ako Nay, mag-iingat kayo," niyakap ko si Nanay. Humagulgol siya ng iyak. "Mag-iingat ka anak, patawarin mo kami ng Tatay mo hindi ka nakapagtapos ng pag-aaral dahil hindi namin kayang ibigay ang pangangailangan n'yo." "Huwag po kayong umiyak bilog ang mundo hindi habang buhay ganito ang buhay natin. Lumaban tayo maging matapang tayo, 'wag tayong susuko." Tumango si Nanay. "Mag-iingat ka susulat ka pagdating mo sa manila," Tumango ako at pagkatapos ay dire-diretso akong lumabas ng bahay at hindi ko na nilingon ang magulang at mga kapatid ko, mahirap ngunit kailangan kong magpakatatag para sa kanila. Sinundo ako ng driver ng magiging amo kaya hindi ako nahirapan sa biyahe. Sa unang pagkakataon nakasakay ako sa kotse at sobrang lamig. Hinihila tuloy ako ng antok.  "Huwag kang umiyak, Ineng, hindi ka mahihirapan sa magiging amo mo, lahat sila mababait." sabi ng driver. "Sinabi nga po sa'kin ni Aling Cecelia na mababait po sila, nalulungkot lang po ako dahil tuluyan na akong mapapalayo sa pamilya ko," "Sa umpisa lang 'yan masasanay ka rin,"  Ilang taon na rin naman akong hindi ko nakakasama ang pamilya ko pero nasa kabilang bayan lang ako nagtatrabaho, kapag rest day ko ay umuuwi ako sa'min para makasama ko ang pamilya ko. Isang jeep lang naman ang layo ng bahay namin sa bahay ng amo ko, pero ngayon kailangan kong gumastos ng isang libo para makauwi sa lugar namin.  "Para po sa pamilya ko, titiisin ko ang lahat ng lungkot," sabi ko. "Tama 'yan," sagot nito. Mahigit limang oras ang naging biyahe namin, sabi ni Kuya Egoy tatlong oras lang daw ang biyahe namin kung hindi kami humihinto para kumain. Nag-bigay daw ang amo namin ng pambili ng pagkain namin at kailangan namin ubusin. Sa unang pagkakataon nakatikim ako ng ice cream at fried chicken. Kapag bumibili kasi ako ng gano'n sa kapatid ko pinapasalubong dahil paborito nila iyon kaya nagpaparaya na lang ako para sa kanila. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD