[DAREN]
"Ladies and gentlement, we have just landed at Ninoy Aquino International Airport, Sy Airlines welcomes you to Manila. On behalf of your flight Deck Crew headed by Captain Marquez with first Officer Ledesma, and the rest of the team. We thank you for choosing Sy Airlines, your airlines of choice."
" Daren, be ready may mga paparazzi sa labas. Nag-aabang sa'yo ang mga fans mo," ani ng Manager ko si Tita Loti.
Isang buwan kaming tumira sa ibang bansa para mag-shoot ng mga eksena sa iba't-ibang lugar sa Japan. Ako kasi ang bidang actor sa pelikulang ipapalabas sa susunod na buwan. Espesyal ang pelikula na ginawa namin dahil kasali ang movie namin sa famas na pinapanood tuwing araw ng pasko.
Sumimangot ako. "Fine," tipid kong sagot. Sinuot ko ang hoody jacket ko at inilagay ko sa ulo ko kahit na nga may suot akong cap ay inilagay ko pa rin ang hoody ko at pagkatapos ay sinuot ang expensive sunglasses ko. Naglakad ako palabas ng eroplano naka-abang na sa'kin ang manager ko at ang dalawang security guard na magpo-proxy sa'kin sa palabas ng Minsan nakakapagod na rin ang maging sikat na artista dahil wala akong kalayaan. Kahit ang private life ko ay pinupuna kahit siguro ang utot ko ay bibigyan nila ng issue magkaroon lang sila ng mapag-uusapan.
"Daren!"
"I love you, Daren!"
Iyon ang mga naririnig ko nang daanan namin ang mga fans ko. Kumaway ako sa kanila at ngumiti. Kapag artista ka hindi ka dapat magpakita ng pagkainis sa mga fans mo kahit minsan naiinis ka na sa kanila. Kailangan mo'ng maging mabait para patuloy ka nilang suportahan. Halos gitgitin na ako dahil sa dami ng tao na mga fans na nag-aabang sa airport. Mas lalo kasing dumami ang fans ko nang magkaroon kami ng singing collaboration ng isang kilalang Kpop idol nila.
"Get in!" utos sakin ni Tita Loti.
"Geez! ang daming tao," sabi ko.
Humiga ako at pagkatapos ay itinaas ko ang paa ko habang umaandar ang sasakyan pauwi sa bahay.
"Uminom ka muna," inabot sa'kin ng Manager ko ang isang bote ng mineral water.
"Matunog ang pangalan mo ngayon Daren kaya 'wag kang mapapagod na tanggapin ang lahat ng offer sa'yo,"
Huminga ako ng malalim. "I need a break, gusto ko ng one week vacation."
"Bibigyan kita ng one week vacation after ng shooting mo sa commercial mo next friday."
I raised my brows? "What do you mean?"
"Bukas ay pipirma ka ng kontrata para commercial ads." Seryosong sabi Manager Loti.
"Damn! Give me a break first," inis kong sabi. "I will give you, lubusin mo ang pagkakataon habang ikaw pa ang gusto ng publiko."
"Fine," Pagkatapos ay ipinikit ko ang mga mata ko upang matulog.
"Daren!" sabay halik ng Mommy ko nang salubungin niya ako. Wala ang Daddy ko dahil may shooting siya ngayong araw. Hindi pa rin kasi humihinto ang Daddy ko sa pagiging Artista.
Niyakap ko si Mommy. "I miss you, Mom, where's my youngest Sister?" tanong ko nang hindi sa'kin sumalubong ang kapatid kong si Dhalia. Hinalikan niya ako sa pisngi.
"Dhalia is sleeping. Hindi mo sinabi sa'min na ngayon ka na uuwi?"
"Hindi ko na sinabi dahil baka umaasa naman kayo pagkatapos hindi naman matutuloy, I want to take a sleep."
"Okay, go to your room and take a rest," tinapik niya ako sa balikat. Umakyat ako ng second floor ng bahay namin dahil naroon ang kuwarto ko. Pagpihit ko sa seradura ng pinto ng silid ko ay napansin kong hindi naka-lock ang pinto. Nakalimutan sigurong isarado ng katulog Binuksan ko ang pinto at pagkatapos ay hinagis ko ang jacket ko sa sofa na nasa gilid pagkatapos ay naghalf bath ako at nagpalit ng damit.
"I miss my bed." Padapa akong humiga at ipinikit ko ang mga mata. Napadako ang tingin ko sa sofa kung sa ko hinagis ang jacket ko. Napansin kong may taong nakaupo sa sofa at nakatakluban ng jacket ko na hinagis ko. bumangon ako upang kumpirmahin kung tao ba talaga ang nakita ko.
"Who is she?" Nakasuot siya ng uniform ng mga katulong namin. Nakaupo siyang natutulog sa carpet habang ang mukha niya ay nakasubsub sa coach. Hawak pa niya ang walis habang tulog ito. Mahaba ang buhok niya kaya hindi makita ang mukha niya. Kinalabit ko ang balikat niya. "Hey, wake up!" Ngunit hindi siya nagigising kaya naman muli ko siyang kinalabit."Hey!" Dahan-dahan itong kumilos at hinawi ang buhok niya. Nakita ko ang isang babae na nasa edad bente singko.
"Hindi pa rin nagigising.
"tinapat ko ang nakakuyom kong kamo at pagkatapos ay binatukan ko siya. "Wake up!" nilakasan ko pa ang boses ko.
"Aray!" Bigla itong nagising at pagkatapos ay tumingala sa'kin. Nakapikit pa siya ang isang mata niya habang nakatingin sa'kin. Naka-cross arms ako habang salubong ang kilay na nakatingin sa kanya.
"Hey!"
Namilog ang mga mata niya at pagkatapos ay napaatras. "S-Sino po kayo?"
Nakaramdam ako ng inis sa tanong nito. Hindi niya ba ako kilala? samantalang kilala nga ako ng four years old na bata. "Psh, so, bagong katulong ka rito?"
Tumango siya. "Kayo po ba?"
"My name is Daren, and this is my room. You are just a new maid, but you are sleeping during work hours. You are fired!"
"Ano'ng ibig sabihin po no'n?" tanong ng babae. Kuyom nag kamao ko sa inis dahil sa tanong nito. Hindi naman malalim ang english ko para hindi niya maintindihan.
"You're stupid,"
"Ano po 'yung stupid?" muling tanong nito.
"Damn it! Bakit ba ako nakikipag-usap sa'yo! Magbalot-balot ka na dahil tanggal ka na sa trabaho!" sigaw ko.
"S-Sir..." Nagulat ako ng hawakan niya ang suot kong maong shorts at lumuhod sa'kin. Tumutulo na ang luha niya. "Parang awa n'yo na po 'wag n'yo akong tanggalan ng trabaho kailangan ko ng trabaho para sa pamilya ko," pakiusap niya. Nakaramdam ako ng awa sa kanya. Hindi ko naman talaga siya tatanggalin sa trabaho tinakot ko lang siya pero hindi ko naman naisip na sobrang takot na takot siya.
"What is your name?"
"S-Sheymie po, 'wag n'yo po ako tanggalin sa trabaho, Sir."
"Okay, hindi kita tatanggalin sa trabaho sa susunod 'wag ka'ng matutulog sa oras ng trabaho,"
Pinunasan niya ang mukha niya gamit ang kamay niya. "Salamat po,"
"Tumayo ka na at umalis." Kinuha niya ang walis at nagmamadaling lumabas ng silid ko. Umiling ako habang tinatanaw si Sheymie. Ini-lock ko ang pinto ng kuwarto ko at pagkatapos nag-umpisa na akong matulog. ALAS-TRES ng madaling araw nang magising ako dahil sa sobrang pagod ko at napahaba ang tulog ko. Bumangon ako upang kumain nararamdam ko kasi ang pagkulo ng tiyan ko kaya naman ay lumabas ako ng kuwarto. Tulog na ang mga katulong namin kaya self service ang gagawin ko. Papasok ko ng kusina nang mapansin ko na bukas ang pinto sa labas. Lumapit ako roon at muli kong nakita si Sheymie. Nakatingin sa bilog na buwan habang nagpupunas ng luha. Sumandal ako sa may pintuan at naka-cross arms. Pinapanood ko siya habang nakatitig siya sa buwan. Hindi ko maintindihan kung bakit nag-uubos ako ng oras sa kanya. Ordinaryo katulong lang namin siya. Ngunit nararamdaman ko ang kalungkutan niya.
"Na-miss ko na kayo kaya lang malayo kayo sa'kin." narinig kong sabi niya.
"Psh! Minsan kailangan nating malayo sa mahal natin sa buhay para tuparin ang pangarap.
" Bigla siyang lumingon at mabilis na pinunasan ang luha.
"Good morning, Sir." sabay yuko niya.
"Bakit gising ka pa?"
"Pasensiya na po Sir, hindi na po ako nakatulog nang magising ako kanina."
"Nagugutom na ako,"
"Paghahain ko po kayo," pagkatapos ay nagmadali siyang pumunta sa kusina. Sumunod naman ako sa kanya at pinapanood ko siya habang inihahanda niya ang pagkain ko.
"Kumain na po kayo Sir." Yumuko siya.
"How old are you?" tanong ko sa kanya.
"Twenty two, Sir."
"You look like older than your age, anyway,"
"Siguro nga po," sagot niya. Hindi ko alam kung naintindihan niya ang tanong ko dahil sa sagot niya.
"Bakit lagi kang nakayuko?" Hindi ko kasi masyadong nakikita ang mukha niya dahil palagi siyang nakayuko sa'kin.
"Sorry po." pagkatapos tumingin siya sa'kin. Natigilan ako nang makita ko ng buo ang mukha niya. Makapal ang kilay ngunit nakakorte naman ito, matangos ang mukha niya at medyo singkit ang mga mata niya. Makipot at manipis ang labi niya, Kayumangi ang kulay ng balat niya at ang buhok niya ay sobrang buhaghag.
"Have a seat," sambit ko.
"Sir?"
I sighed. "Umupo ka at sabayan mo akong kumain,"
"Sir–"
"Gusto mo ba talaga mawalan ng trabaho?" Bigla itong umupo at pagkatapos ay tumingin sa'kin.
"Kumain ka sabayan mo ako," nagsandok ako ng pagkain.
"Busog pa po ako sir." Umarko ang kilay ko.
"Kakain or tatanggalin kita sa trabaho?" "Kakain na po," tumayo ito at pagkatapos ay kumuha ito ng plato at nagsandok ng pagkain.
"Bakit naisipan mo'ng maging katulong?" tanong ko sa kanya.
Huminto siya sa pagkain at pagkatapos ay tumingin sa'kin. Bakas sa mukha niya ang lungkot. Pilit siyang ngumiti sa'kin.
"Mahirap maghanap ng trabaho sa probinsiya namin. Dito po malaki ang sahod ng katulong,"
"Bakit hindi ka naghanap ng ibang trabaho, pumasok sa kumpanya?"
"Hindi mo ako nakatapos ng high school second year high school lang po ako kaya katulong ang alam kong trabaho," sagot niya. Ngayon naiintindihan ko na kung bakit hindi siya nakaka-intindi ng english.
"I see. Mukhang nakakalungkot nga buhay mo,"
"Hindi naman po nakakalungkot, masaya naman kami kahit mahirap kami. Nalulungkot lang ako dahil na-miss ko ang pamilya ko."
"Kung hindi mo kaya ang hirap ng malayo sa kanila magresign ka."
Umiling siya. "Magtitiis po ako dahil malaki ang sahod ko kumpara sa sahod ko sa probinsiya. Makakabili ng fried chicken ang Nanay ko kapag sumasahod ako rito, doon sa trabaho ko noon ay hindi man lang kami makabili ng fried chicken kasi kulang na kulang,"
Tumawa ako ng malakas dahil sa sinabi niya kaya naman ay bahagyang tumaas ang kilay. "Bakit po kayo natatawa Sir?"
"Fried chicken lang kasi ang dahilan kaya mo gusto magtrabo rito."
Umiling siya. "Hindi po, gusto ko lang talaga na makabili ng fried chicken tuwing sahod ko para sa mga kapatid ko."
"I see ... Be kind to us so you can buy a lot of fried chicken to your siblings,"
"Thank you, Sir." sabay ngiti niya. "You understand?" tanong ko. Tumungo siya at pagkatapos ay ngumiti.
"Nakakaintindi naman po ako ng english 'wag lang mabilis magsalita,"
Nagkibit-balikat siya. "Okay." pagkatapos ay pinagpatuloy namin ang pagkain ng breakfast Hindi na ako muling natulog nagbihis ako ng damit ako ng damit upang mag-exercise. Mayroon kaming mini Gym sa third floor ng bahay namin kaya dumiretso ako roon. Bilang artista kailangan kong mapanatili ang kagandahan ng katawan at istura mo kaya kailangan kong alagaan ang sarili ko. Inilagay ko ang earpods ko at pagkatapos ay nag-treadmill ako ng mahigit sampung minuto pagkatapos ay nag-umpisa na akong magbuhat ng mga barbell. Si Daddy kapag walang taping ay madalas dito rin siya naglalagi. Mahigit dalawang oras akong nag-exercise bago bumalik sa kuwarto. Nagpahinga ako saglit bago maligo pagkatapos ginawa ko ang daily routine skin care ko. Hindi lang mga babae ang may skin care pati mga lalaki lalo na kagaya konh artista. Nagsuot ako ng white sando at black pants pagkatapos ay lumabas na ako ng kuwarto ko. Pagbaba ko ng second floor ay nakita ko na sa si Daddy at Mommy nakaupo sa coach habang si Daddy ay nagbabasa ng magazine at si Mommy ay abala sa hawak niyang cellphone.
"Good morning, Dad, Mom," sabay halik ko sa pisngi.
"Good morning," sabi ni Daddy at Mommy."
"Anak, mabuti naman at nakauwi ka na how's your sleep?"
"I have a long sleep madaling araw na ako nagising para kumain ng dinner. "
"I see.. let's go, kumain na tayo," inakbayan pa ako ni Daddy.
"Where's Dhalia?"
"Pumunta sa Lolo mo, kagabi pa siya umalis kaya tayong tatlo lang ang kakain ng almusal." ani Daddy. Tumango ako at pagkatapos ay sabay kaming tatlo na pumunta ng kitchen. Nakita ko ang mga katulong namin na naghihintay sa'min pagkatapos ay sabay-sabay bumati ng Good morning sa'min.
"Good morning, every one," sagot ni Daddy. Napadako ang tingin niya kay Sheymie.
"Daren, this is Sheymie our new maid." ani Daddy.
"Kilala ko na siya," sagot ko. Umupo ako at pagkatapos lumapit ang isang katulong namin para magbigay ng pagkain.
"Paano mo siya nakilala?" takang tanong ni Daddy.
"Nagising ako kagabi. Nakita ko siyang naglilinis kaya tinawag ko siya," alibi ko.
"Ang sipag mo naman, Sheymie." sabi ni Daddy. Tipid na ngumiti si Sheymie pagkatapos ay nagpatuloy sa pag-aasikaso sa'min.
"Sheymie, can you give me a glass of water?" tanong ko. Muli naman itong sumunod sa'kin. Binigyan niya ako ng tubig pagkatapos ay bumalik siya sa pwesto niya kung saan nasa gilid siya kasama ang ibang katulong at naghihintay ng utos.
"Sheymie, can you give a slice of ham," Muli naman itong lumapit sa'kin at binigyan ako ng Ham.
"Sheymie, can you give another half of rice?" tanong ko. Paulit-ulit ko siyang inutusan hanggang sa matapos kaming kumain nina Mommy at Daddy.
"Daren, pinapaalala ko lang sa'yo na may meeting ka mamaya," ani Manager Loti nang tawagan niya ako. Nakahiga ako sa kama habang naglalaro ng online games sa laptop ko.
"I know," sagot ko.
"Huwag pahuhuli baka mainip ang mga iyon at ibigay sa iba. Malaking project ito,"
"Yes, manager Loti." sagot ko.
"Okay, see you later." sabay putol niya ng tawag. Pinagpatuloy ko ang paglalaro ng online games matapos kong kausapin si Manager Loti. Nakasuot ako ng white polo na at black maong pants. Sinadya kong buksan ang dalawang botones mula sa taas ng damit ko upang dumungaw ang dibdib ko. Nakasuot din ako ng expensive eye glass na kilalang brand sa Pilipinas. Pagbaba ko pa lang sa kotse ko ay sinalubong na ako ng dalawang security guard para mag-escort sa'kin.
Lumapit sa'kin si Manager Loti. At pagkatapos ay naglakad kami papasok sa malaki at mataas na building ng kumpanya. Habang naglalakad kami ay hindi naman huminto ang pag-click ng camera sa'kin may iilang reporters at journalist ang naroon, marahil invite iyon ng may-ari ng kumpaya. Pagpasok ko sa loob bigla akong napasimangot nang makita ko si Lian Barcelona. Ang ex-girlfriend ko at ex-love team ko. Limang taon kaming magka-love team at dalawang tao kaming magkasintahan. Nabago ang lahat nang makilala niya ang new comer actor na si Devon Arilla. Naging close sila noon ni Devon hanggang sa mabalitaan ko na lang na silang magkasintahan na sila. Pinalitan ako ng ka-love team at pumatok naman kaming dalawa. Silang dalawa ni Devon ang magka-love team ngayon.
"Mr Daren Britain is here let's start," sabi ng presidente.
Nakasimangot ako nang i-explain sa'min ang gagawin namin. Si Lian ang ka-love team ko dahil nagkaroon daw ng survery ang kumpanya kung sino ang gusto nilang love team. At mas pumatok sa kanila ang love team naming dalawa. Wala akong nagawa kung hindi ang pirmahan ang kontrata.
Lumapit sa'kin si Lian. "Hindi ko inaasahan na marami pa rin pala tayong supporters, congrats!" Inilahad pa niya ang kanyang kamay at ngumiti.
"Thanks," cold kong sagot.
"Miss Lian At Daren pwede ba kayong kuhanan ng picture dalawa?" sabi ng isang reporter.
"Sure," sabay ngiti ni Lian. Kailangan kong itago ang inis ko. At magpanggap na masaya sa comeback ng love team namin sa harap ng camera. Sinadyang idikit ni Lian ang dibdib niya sa'kin at hawak ang batok ko. Alam na alam niya kung saan ang kiliti ko. Nagpanggap akong hindi siya nag-eexist ngayong araw. Ang lapad ng ngiti ni Lian at enjoy na enjoy sa pagsagot sa mga tanong ng media.
"Mr Daren, happy ka ba na makasama mo ulit ang ex-girlfriend mo?" tanong ng isang reporters. I should say No. But of course kailangan ko ng safe na sagot.
"Masaya ako sa bagong project namin ni Lian at gagawin namin ang lahat para maging masaya ang mga fans namin."
"Marami ang nagsasabi na kaya wala ka'ng girlfriend dahil mahal mo pa si Lian. Totoo ba 'yon?"
Tumawa ako. "Kung mahal ko siya siguro kami pa rin dalawa. Masyado akong busy sa trabaho kaya wala akong time para maghanap girlfriend," sagot ko. Pagkatapos ay tumalikod na ako upang umalis.
"Bakit hindi mo sinabi sa'kin na si Lian ang ka-love team ko sa commercial na 'yon?" tanong ko kay Manager Loti. Naglalakad na kami palabas ng malaking building.
"Iyon ang request ng fans nyo," sabi.
"Next time tanungin mo muna ako kung gusto ko ang mga kasama ko,"
"Hindi ka pa rin ba nakaka-move on?" I glared at her.
"Of course not." Naputol ang pag-uusap namin nang lumabas na kami ng building. Sumimangot ako nang makita ko si Lian at mukhang hinihintay niya ako.
Lumapit siya sa'kin at nakangiti. "Thank you for accepting the project," aniya.
"Wala akong pagpipilian, si Manager Loti ang sumang-ayon sa project."
Ngumisi si Lian. "But you already signed the contract. Take care, hinihintay na ako ng boyfriend ko," pagkatapos tumalikod siya sa'kin.
Sumimangot ako. Pagkatapos ay sumakay ako sa kotse ko. Sa mirror ng kotse ko nakita ko si Devon at hinalikan niya si Lian. Nakaramdam ako ng inis dahil sa nakita ko hindi ko alam kung galit o nagseselos ako sa kanya.