PINATAY ko ang telebisyon matapos kong mapanood ang short inteview kay Daren at sa asawa nito. Nagkaroon kasi ng commercial si Daren at ang nirequest nitong partner ay ang asawa nito bagay na inaabangan ng ibang mga fans nila. Simula ng ipagtapat ni Daren ang pagmamahal niya sa asawa niya maraming mga fans ang bumilib sa kanya at umasang papasok din sa showbiz ang asawa niya upang magkaroon ng tambalan ang dalawa. Isa ako sa mga nag-stalk ng mga post ng dalawa at sa tuwing nagkakaroon ng post ang mga ito sa isa't-isa umaani sila ng likes at comment sa mga fans ni Daren. Hindi pa pumapasok sa showbiz ang asawa nito ngunit unti-unti na siyang nakilala dahil kay Daren. "Hindi na mapigilan ang dalawang 'yon palagi na lang silang laman ng balita." Nilingon ko ang nagsalita at nakita ko si Fr