HALOS mag-iisang taon na kaming dalawa ni Daren bilang mag-asawa sa mga panahon na iyon naging maayos naman ang pagsasama namin ni Daren. Ngunit marami pa rin kumakalat na tsismis kay Daren. Hindi na niya ito pinapansin. Nasa sala ako ng bahay habang binabasa ang mga reviewers na binigay sa'kin nv tuitor ko nang nag-video call sa'kin si Zeke. "Ate, kumusta ka naman diyan sa Manila?" tanong sa'kin ni Zeke habang magka-video call kaming dalawa. Kadarating lang kasi niya galing school kaya naisipan niyang tawagan ako. "Okay naman ako rito. Kumusta naman kayo diyan?" tanong ko. "Maayos naman kami rito hanggang ngayon Ate hindi ako makapaniwala na hindi na kami nagugutom." Pilit ang naging ngiti ko para pigilan ang luha ko na unti-unti ng babagsak sa pisngi ko. Kapag naalala ko ang ang d