NAPAPIKIT ako habang tinutugon ko ang kanyang halik. Ang kamay ko ay naka kuyapit sa leeg niya habang ang kamay niya ay hinahaplos ang braso ko. Bigla siyang huminto sa paghalik ngunit hindi niya inalis ang kanyang mukha sa'kin bagkus ay idinikit niya ang kanyang ilong sa ilong ko habang nakapikit siya. Amoy na amoy ko ang mabango niyang hininga at ang perfume niya. Bigla tuloy akong nahiya sa amoy ko baka amoy pawis na ako. Ayokong dumilat dahil nahihiya ako sa kapangahasan kong ginawa kanina. Ang t***k ng puso ko ay paulit-ulit kong naririnig. "Thank you," he said. Parang musika ang sinabi niyang iyon sa'kin. Bakit ganito ang pakiramdam ko para sa kanya. Feeling ko tuloy ako ang bidang babae sa mga palabas niya. "Sabayan mo akong kumain," inilayo niya ng bahagya ang kanyang mukha pag