CHAPTER 7

2612 Words
[DAREN] NAGTATAGO ako sa gilid ng pinto habang pinagmamasdan ko si Sheymie sa loob ng silid kung saan ko ginawa ang surprise ko sa kanya. Pinagmamasdan niya ang mga balloons at pinaglalaruan niya iyon. Kinuha ko ang cellphone ko at palihim ko siyang kinukuhan ng pictures at video. Ang akala niya nakaalis na ako ngunit ang hindi niya alam ay nandito lang ako nagtatago habang pinapanood siya. Nakaramdam ako ng awa nang malaman kong hindi pa siya nakakaranas magkaroon ng handa sa birthday niya kaya naman pinaranas ko sa kanya na mag-diwang ng birthday kahit hindi naman talaga niya birthday. Hindi ko maintindihan kung bakit gano'n na lang ang awa ko sa kanya parang ang sarap sa pakiramdam ang makita ang mga ngiti niya. Natatawa ako nang makita ko siyang isa-isa niyang pinuputok ang two hundrend na balloons. Bago pa niya mahalatang pinapanood ko siya ay umalis na ako sa silid na iyon at bumalik ako sa silid ko dahil mamaya ay may i-shoot pa kami ni Lian para sa commercial. Naglagay lang ako ng dalawang pares na damit sa van ko pamalit ko mamaya. May condo unit naman at sarili na rin akong bahay ngunit mas madalas akong nasa mansyon namin dahil mas gusto kong kasama ang pamilya ko. Paglabas ko ng kuwarto ko nakita ko si Sheymie na nagpupunas ng mga baso at plato kaya lumapit ako sa kanya. "Sheymie." tawag ko sa kanya. "Bakit po Sir Daren." yumuko pa ito sa'kin. "Sinabi ko sa'yo 'diba na 'wag mo na akong tatawaging Sir?" "Sorry po Boss Daren," My brows furrowed. "Daren ang itawag mo sa'kin. Gets mo ba?" Pag-uulit ko, hindi na nga niya ako tinatawag na sir pero tinatawag naman niya akong boss. Minsan ang sarap niyang kutongan sa sobrang slow. "Baka po mawalan ako ng trabaho," aniya. "Mawawalan ka lalo ng trabaho kung tatawagin mo akong sir or boss." "Hmm.. sige na nga po," Ginulo ko ang buhok niya. "Good, sumama ka sa'kin may shooting ako ngayong gabi." "Hala po si— Daren. Baka po gabihin kayo eh, maaga po akong gigising bukas," sagot niya. Sumimangot ako. Siya lang ang katulong na ang daming reklamo sa amo niya. "Susunod ka ba o tatanggalin kita sa trabaho?" Bigla itong tumakbo sa loob ng kuwarto nila. Pupuntahan ko na sana siya sa silid nila ngunit bumalik din ito sa kanya may dala siyang bag at jacket. "Let's go, sir!" nauna pa siyang maglakad palabas ng masyon. Iyon lang pala ang paraan para wala siyang reklamo. "Daren! Bilisan mo sumakay," kinawayan pa niya ako. Nakangiti ako habang papalapit ako sa kanya. Akalain mo'ng mauuna pa siya sa'kin na makasakay ng kotse. "Ang tagal mo naman Daren," sabi pa niya. Tumawa ako ng malakas. Kanina ko pa pinipigilan na huwag tumawa pero talagang natatawa ako sa kanya. Sumimangot siya sa'kin. "Ano'ng nakakatawa Daren? tawa ka nang tawa gusto mo na ba mag-asawa?" Tumango ako. "Oo, pwede ba kitang maging asawa?" Bigla akong umiwas ng tingin. Hindi ko kasi alam kung bakit 'yon ang lumabas sa bibig ko. Tumawa ng malakas si Sheymie dahilan para tingnan ko siya. "Ikaw talaga Daren masyado kang komedyante. Akala ko sa mga drama ka magaling. Magaling ka rin pala sa comedy malapit na talaga kitang maging idol," sabay tawa niya ng malakas. Mas okay na rin 'yon kaysa bigyan ng meaning ang sinabi ko. Baka isipin niya gusto ko siya. Kung ano-ano ang pinag-usapan naming dalawa paminsan-minsan ay nakakaidlip siya. Ngayon ko lang naman siya sinama sa shoot ko. "Gusto mo ba'ng mag drive thru?" Paglingon ko sa kanya ay tulog na siya. Mukhang hindi na niya kinaya ang antok. Saglit kong hininto ang kotse at sinuot ko ng sealt belt niya sa katawan. Kanina kasi tinanggal niya ito. Habang kinakabit ko iyon hindi ko mapigilan na tingnan siya hanggang sa huminto ako at pagmasdan ang mukha niya. "Ang cute niyang matulog," sabi ko. Hindi imported ang perfume niya o baka cologne nga lang ang gamit niya ngunit ang bango niya. Napadako ang mga mata ko sa kanyang mukha. Normal ang haba ng curve ng kanyang pikmata at ang kanyang makipot na labi ay binahiran lang ng lip gloss. Wala siyang suot make up pero makikita mo ang ganda niya. I sighed. "You're beautiful," Bumalik ako sa upuan ko at pagkatapos ay pinaandar ko ang kotse papunta sa lugar kung saan ang shooting. Nakita ko na agad si Lian na kausap ang isang commercial model. Ngumiti siya sa'kin nang magtama ang mga mata naming dalawa. Ako naman ay lumapit sa director upang alamin kung may pagbabago sa script na hawak namin. Naroon na rin ang mga make up artist at iilang photographer. Binigyan ako ng pagkain at itunuro nila sa'kin ang dressing room ko. Ilang minuto pa lumapit sa'kin si Lian. "Daren, ready ka na ba?"tanong ni Lian sa'kin. Nakasuot siya ng off shoulder black dress naka-make up na marahil kanina pa siya nakarating dito. Tumango sa kanya bilang tanda ng pagsang-ayon. Hindi ko siya kinakusao Nasa kalagitnaan ako kami ng paglalagay sa'kin ng make up nang marinig ko ng ingay mula sa labas sinilip ko kung anong ingay 'yon at nakita ko si Sheymie na kausap si Lian. Nakalimutan ko palang sabihin sa kanya na may kasama ako. "Bawal dito ang fangirl," pilit na pinaaalis si Sheymie ng security guard. "Pero kasama ko si Daren," sabi pa niya. "Miss, lumang estilo na 'yan, umalis ka na may shooting sila mamaya ka na magfangirl kapag natapos ang shooting," ani ng security guard. "Stop! Kasama ko siya," sabi ko. "Daren!" nakangiti siya nang lumapit sa'kin. "Kilala mo siya Daren?" taas kilay ni Lian. Tininigan niya pa si Sheymie ng pailalim. "Daren, ano'ng gagawin ko rito? Nakakatakot naman ang mga tao rito," Tinitigan ko siya at pagkatapos ay hinawakan ko siya sa balikat. "Let's go inside," ipinasok ko siya sa dressing room ko. "Sino siya sa Daren?" tanong ng make up artist niya. "She's my friend," tumingin pa ako kay Sheymie. Sinadya kong hindi sabihin ang totoo sa make up artist ko tungkol kay Sheymie "Pwede siyang model ang ganda niya," sabi pa nito. Hindi ako kumibo parang hindi ko gustong may nagsasabi kay Sheymie na maging artista siya. Naiinis ako kapag naririnig ko iyon. Si Sheymie ay nakakatulog sa upuan habang naghihintay siya sa'kin hindi kasi siya sanay na gising ng ganitong oras dahil maaga pa siyang nagigising tuwing umaga. Si Daren, drinks po." sabi ng isang crew na nagbibigay ng pagkain. Ilang saglit pa nag shoot na kami ng scene dalawa ni Lian. "Daren, Lian, be ready sa kissing scene n'yo pakiligin n'yo ang mga manonood," sabi ni Direct. Tumango ako sa kanya. Bumalik ako sa dressing room para magtoothbrush. Nakita ko si Sheyme na kumakain ng pizza. "Daren, kain ka." Tumayo siya at lumapit sa'kin hinila niya ako palapit sa kanya. "Kain ka," kumuha siya ng slice na pizza at sinubo sa'kin. "Kanina ka pa gising?" tanong ko sa kanya. "Kagigising ko lang. Grabe, ganito pa ang shooting ang daming pagkain. Baka magtae ako nito sa kakain," "Huwag ka ng lumabas kumain ka na lang dito," sabi ko. "Panonoorin nga kita," "Huwag na sabi!" inis kong sabi. "Bakit naman?" takang tanong niya. Hindi niya alam kung bakit ayokong makita niya kaming may kissing scene ni Lian. Ayokong makita niya akong may ka-halikan na babae. "Basta 'wag ka ng magtanong, kumain ka na lang dito minsan mo lang makakain ang mga pagkain na 'yan," "Sige na nga, nasaan ang banyo dito? Baka kasi bigla akong tawagin ng kalikasan sa dami ng kinain ko." Sumimangot ako. "Nandoon ang banyo," sabay turo ko. "Tikim-tikim lang gawin mo 'wag lamon," sabi ko. "Ang sarap kasi– Aray!" napahawak siya sa tiyan niya. "Bakit?" "Ang sakit ng tiyan ko," bigla siyang tumayo at tumakbo sa banya "Bilisan mo kailangan kong magtoothbrush at mag mouth wash para sa kissing namin dalawa ni Lian. "Daren, five minutes na lang uumpisahan na natin ang shoot." sabi ng director. Wala akong nagawa kung hindi ang lumabas ng dressing room at sa ibang roon makigamit ng lababo para magtoothbrush. Pakalipas ng limang minuto na sa harap na kaming dalawa ni Lian sa camera. "Enjoy my lips," sambit ni Lian. Hindi ako kumibo sa sinabi niya ang akala kasi niya ay gusto ko pa rin siya hanggang ngayon. Five... four... three...two... one! Action! Nag-umpisa na kaming umarte sa harapan ng camera. Sineryoso ko ang scene na ito gusto kong maging perfect na ito para isang take lang ngunit naging two take ang nangyari. Dahan-dahan kong hinawakan ang chin ni Lian habang nakatitig kami sa isa't-isa na tila in love kami sa isa't-isa. Ipinikit namin pareho ang mga mata namin habang magkalapat ang labi namin. "Very good!" sigaw ng ng director. Nang tumingin ako sa kinaroroonan ng dressing room namin ay nakita ko si Sheymie na nakatingin sa'kin. Bigla akong nakaramdam ng pangamba parang kailangan kong magpaliwanag sa kanya. Pumasok siya sa loob ng dressing room ako naman ay nakipag-usap sa ibang kasama namin sa set at nagkaroon pa ng selfies. Pagpasok ko sa dressing room ay tulog si Sheymie. Lumapit ako sa kanya upang gisingin siya. "Sheymie, wake up! Kinalabit ko pa siya upang magising siya. Agad naman siyang nagising. Kinusot-kusot niya ang kanya mata bago humarap sa'kin. "Daren, ikaw pala," sabay ngiti niya. "Umuwi na tayo," sabi ko. Agad naman siyang tumayo pagkatapos ay sumakay kami ng kotse ni Sheymie. Pagkadikit ng likod ni Sheymie sa upuan at ipinikit niya ang kanyang mga mata na parang akala mo siya ang nagtaping dahil antok na antok. "Drive thru muna tayo," sabi ko. "Hot chocolate sa'kin," sabi niya. Dumaan kami sa drive thru at pagkatapos at kinain muna namin ang in-order namin. "Napanood mo ba ang last scene namin ni Lian?" tanong ko sa kanya. Natahimik siya kaya tiningnan ko siya ngunit iniwas niya ang tingin sa'kin. "Ang galing n'yo ngang dalawa. Nakakakilig po kayo pareho kayang gwapo at maganda bagay po kayo," sabi niya sa'kin nang hindi siya tumitingin. "Kaya mo rin 'yon gusto mo ba gayahin natin? Kunwari ikaw si Lian?" sabi ko sa kanya. Tumingin siya sa'kin at ngumiti. "Kaya ko kaya ang 'yon?" Tumango ako sa kanya. "Kaya mo 'yon," "Ano ba 'yung dialog ni Lian?" tanong niya. "Ang pangalan nila ay Ron at Angel. Ang dialog ni Angel ay ito–Ron, I still love you," "Ron, I still love you, tama ba ako?" tanong niya Tumango ako sa kanya. "Dapat maramdaman mo na mahal na mahal mo si Ron. Isipin mo na kayo lang ang tao sa mundo." Tumango siya sa'kin. "Sige-sige!" aniya. Ibinaba namin ang iniinom namin hot chocolate at pagkatapos ay binuksan ko ang cellphone at nag-video ako. Five.. four.. three… two… one…action Dahan-dahan kong inilapit ang mukha ko sa kanya. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko habang magkatitigan kaming dalawa. Lumunok ako upang magawa kong gawin ng maayos ang dialog ko. Hinaplos ko ang mukha niya at tinitigan ko siya. Hinawakan naman ni Sheymie ang kamay kong nakahawak sa mukha. "A-Angel… I've been waiting for you for a long time at hindi ko na hahayaang mawala ka sa tabi. Angel, I love you, do you still love?" Nakatitig sa'kin si Sheymie. Seryo ang mukha niya. "Ron… I-I still love you, I will never leave you again." Dahan-dahan kong itinapat ang labi ko sa kanya. Pagkatapos ay ipinikit ko ang mga mata ko at hinalikan ko siya sa labi. Natigilan ako nang walang tugon sa halik ko nang idinilat ko ang mga mata ko bigla akong nagulat. "Sorry!" Bigla akong lumayo sa kanya. Masyado akong nadala sa scene kaya hindi ko naisip na wala naman sa pag-uusap namin na mag-kissing scene ay gagayahin namin. Nag-init ang mukha ko na parang sinusunog. "D-Danala ako pero kasama kasi 'yon sa scene." alibi ko. Ang bilis-bilis ng t***k ng puso ko dahil sa nanyari kulang na lang ay lumabas ito. "Oo nga po, 'wag po kayong mag-aalala okay lang po," aniya. Ngunit hindi na kami makatingin pareho sa isa't-isa. Kinuha ko ang hot chocolate inom ko 'yon parang may pader tuloy sa'ming dalawa. Nawala ang antok ko na nararamdaman ko dahil sa nangyari hanggang sa makauwi ng mansyon dire-diretso si Sheymie papunta sa silid nila ako naman ay dumiretso sa silid ko at pagkatapos ay humiga ako sa kama at pumikit upang matulog ngunit habang nakapikit ako bumabalik sa alaala ko ang nangyari parang raramdaman ko ang kanyang malambot na labi. "Oh, s**t!" Marami akong babaing nahalikan sa mga ginawa kong pelikula at teleserye pero ngayon ko lang naramdaman ang ganito. Nakatingala ako kisame habang nakahawak ako sa labi ko. "What happened to me?" LUMABAS ako at sumakay ng kotse kailangan ko na sigurong mag relax kasama ang mga kaibigan ko dahil sa sobrang stress hindi ko na alam ang nangyayari sa'kin. Kung kaya't pati ang nararamdaman ko rin ay hindi ko na alam kung anong nangyayari. Paglabas ko ng kuwarto nakita ko si Mommy na pinapaliguan ang mga aso namin. "Daren, bakit hindi ka pa natutulog?" tanong ni Mommy nang makita niya ako. Lumapit ako sa kanya. "Hindi ako makatulog kaya bumaba ako." "Ang Daddy mo naman, gusto niyang uminom ng alak, niyaya niya akong uminom hindi ako pumayag ang dami kong gagawin." "Mommy, may mga katulong naman tayo ng gagawa para sa'tin." "Gusto kong ako ang magpaligo sa mga baby ko." sabay halik niya sa bagong paligo niyang aso. "Puntahan mo ang Daddy mo at samahan mong uminom para makatulog ka. "dalawang shot lang hindi gawing tubig ang alak." pagpapaalala ni Mommy sa'kin. "Sige, Mom." sabay talikod ko sa kantya at pinuntan ko si Dadddy sa isang silod s groundfloor kung saan may mga estante doon na puro imported alak.Ang paborito kasing collection ni Daddy ay ang iba't-ibang alak. Nakita ko si Daddy na mag-isang umiinom ng alak. Lumapit ako sa kanya. "Dad." sagot ko sa kanya. Nagsalin siya ng alak sa wine glass at ininom ko iyon." "Bakit hindi ka natutulog?, taping 'diba?" Tumango ako. "Someone bothering me." sabay lagok ko ng alak. Tumingin sa'kin si Daddy. "Lian?" "Hindi po Daddy, ibang babae ang nagpapagulo ng isip ko." "Fan girl mo ba?" paghuhula ulit ni Daddy. Umiling ako. "Huwag n'yo lang intindihin ang sinabi ko sa inyo." "Siguro in love ka na." sabay tawa ni Daddy. Umiling ako. Hindi ko pwedeng ma-in love sa kanya. Siguradong pag-uusapan ako kapag nalaman nilang na-in love ako sa isang katulong na hindu nakatapos ng college. "Hindi ako in love Dad." "Alam mo ganyan din ako noong na-in love ako sa Mama mo, hindi makatulog dahil bigla-bigla na lang pumapasok sa isip ko ang Mommy mo." tumawa si Daddy. "Ang akala ko nga ginayuma ako ng Mommy mo 'yun pala mahal ko na siya." Bumuntong-hininga ako. "Dad, anong pakiramdam ng magmahal na magmahal ng mahirap?" "Wala 'yan sa estado ng buhay ang sukatan ng pagmamahal dahil parepareho lang ang pakiramdam ng nagmamahal. Masaya at masarap." "Paano kung na in love ako sa mahirap?" "Huwag kang mag set ng standard sa pagmamahal. Ang piliin mo ay yung mahal mo kahit ano pa ang standard niya sa buhay basta mahal mo siya huwag mong pigilan ang nararamdaman mo para sa kanya." Tinaas ni Daddy ang bote ng alak. "Cheers!" sabi ko pagkatapos ay tinungga ko alak sa bote ko." "Ubusin natin ito para makatulog ka na." nakangiting sabi ni Daddy. Tumango ako at pagkatapos ay nagpatuloy kami sa pag-inom ng alak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD