[SHEYMIE] PAGLABAS ko ng banyo ay wala na si Daren kaya naman ay lumabas ako para silipin kung nasaan na siya. Ngunit nang lumabas ako sa dressing room niya nakita ko sa labas na nag-uumpisa ang shooting nila. "Panoodin ko nga sila," sabi ko. Lumapit ako ng kaunti sa kanila kung saan makikita ko ng buo ang ginagawa nila kahit kahit hindi ko masyadong naririnig ang boses nila. Three… two… one.. action! Kilig na kilig ako habang magkayakap silang dalawa ng partner niyang babae ngunit habang papalapit nang papalapit ang mukha niya ay unti-unti namang napapawi ang ngiti ko sa aking labi. Hanggang sa biglang hinalikan ni Daren ang partner niyang babae kasabay no'n ay ang nakakakilig ng love music. Tumulo ang luha ko sa hindi ko malayang dahilan. "Cut!" sabi ng director nila. Nagpalapakp