CHAPTER 6

2857 Words
[SHEYMIE] "ANO'NG ma-ipaglilingkod ko sa inyo kamahal?" Yumuko pa ako sa harapan na parang siyang isang prinsepe kahit na nga mukha talaga siyang prinsepe. Si Daren kasi ay chinito, matangos ang ilong at may dimples,mapilantik din ang kanyang pilikmata at katamtaman ang hugis ng mukha niya. Hindi rin magpapahuli ang malapad niyang dibdib at ang balat niyang sobrang kinis na tila hindi nadadapuan ng lamok o kahit anong insekto. Ang ganda rin ang hugis ng kamay at paa niya, matangkad din siya at macho. Hindi mapagkakailang biniyayaan siya ng magandang itsura at katawan. Nakapamaywang siya at seryosong nakatingin sa'kin. "Ano'ng tawag mo sa'kin?" tanong niya. Inirapan ko siya. Ito ang kulang sa kanya—ang malakas na pandinig. Lagi kasi niyang pinauulit ang sinasabi ko sa tuwing may sinasabi akong pang-asar sa kanya. "Gwapo ka nga bingi ka lang," bulong ko. "May binubulong ka ba? Sheymie?" tanong niya. "Wala po akong binubulong Sir Daren," yumuko pa ako tanda ng paggalang sa tamad kong amo. "Akala ko may binubulong ka hindi ko sana ibibigay iyon," sabay turo niya ng paper bag na nasa loob ng kubo. Parang lumiliwanag ang mga mata ko sa paper bag na tinuro niya. Ito lang ang gusto ko kay Sir Daren. Palagi niya akong binibigyan ng pasalubong kapag may taping sila sa ibang lugar. "A-Ano po ang laman niya 'yan Sir?" Nakatingin pa rin ako sa paper bag. "Labahan kong damit, diyan ko lang inilagay kunin mo," nakangisi pa siya. I glared at him. Certified bully talaga siya siguro noong nag-aaral siya top 1 siya sa pambu-bully ng mga estudyante sa school nila noon. "Hindi naman po ako labandera," pinilit kong pakalmahin ang sarili ko. Humiga siya sa duyan habang suot-suot ang sunglasses niya. Nasa bakuran kami ng mansyon. May bahagi ng mansyon kasi ang may malaking puno ng mangga, papaya, petchay, sibuyas, kamati, sili, malunggay at carabao grass naman ang maaapakan mo. Sa lugar na iyon nilagyan nila ng kubo at sa ilalim ng mangga ay duyan habang sa gilid naman ay mga upuan na yari sa kahoy. Kung dito ka tatambay para kang bumalik sa probinsya dahil bukod sa makikita mong mga tanim masarap din ang hangin kapag dumadampi sayo. Madalas dito si Ma'am Freyah dahil siya ang nag-aalaga ng mga tanim dito. Mahilig kasi itong magtanim ng kung ano-ano. "Hindi ka nga labander pero katulong ka rito kaya pwede pa rin kitang utusan." Ano pa ba ang laban ng isang katulong sa bossy na amo? Sumunod ka na lang kaysa mamatay ka sa inis. "Sige po Sir. Ako na ang maglalaba," sagot ko. Kinuha ko ang paper bag ag pagkatapos ay lumapit ako sa kanya. "Buksan mo," sabi niya nang hindi man lang ako tiningnan. Umiling ako. "Hindi na po maduming damit lang naman ang nasa loob," sagot ko. "Buksan mo nga bakit ba ayaw mo agad sumunod?" iritable niyang sagot. Wala akong nagawa kung hindi ang titigan siya ng matalim bago ko buksan ang paper bag. Kumunot-noo ako nang mapansin kong nakabalot pa ang laman ng paper bag. "Ano ba 'yan binalot n'yo pa ang madumi n'yong damit." sabi ko. Nakatingin siya sa'kin habang binubuksan ko. "Ano 'to?" tinaas ko pa ang hawak kong maliit na bottle na kasing laki ng pabango. Basahin mo 'wag kang tanga," sabi niya. Inirapan ko siya. "Tanga agad?" Binasa ko ang nakalagay. "Pepper spray, marami po'ng salamat dito Sir." sabi ko. "Gamitin mo 'yan kung kinakailangan,"sabi niya. "Hayaan n'yo po sasabihin ko kay Aling Vivian na kapag nagluto siya mamaya gamitin itong paminta na 'to mukhang masarap siya." Pagkatapos ay ibinalik ko ulit siya sa box niya. "What did you say?" tanong niya. "Ano ba 'yan napaka-bingi naman kailangan palagi inuulit ang sinasabi." bulong ko. "Ang sabi ko po mamaya kapag nagluto si Aling Vivian pagamit ko po siya," pag-uulit ko. "Stupid!" aniya. "Ano naman po ba ang kasalanan ko?" Napahawak ako sa sintido ko. Hindi ko na talaga maintindihan ang amo ko na 'to daig pa ang may regla. Inagaw niya sa'kin ang paper bag at kinuha ang papper spray at itinaas niya. "Hindi ito pepper na ginagamit sa pagluluto. You will use it when an evil person approaches you. sprinkle his eyes so that you can escape," aniya. Tumango-tango ako. "Ah,gets ko na," sabi ko. Ang totoo ang naintindihan ko lang ay yung hindi siya pwedeng gamitin sa pagluluto. Iyon lang kasi ang tagalog na sinabi niya. "Anong sinabi ko?" dudang tanong ni Sir Daren sa'kin. . "Ang sinabi mo hindi siya bawal sa pagluluto," sabi ko. "And then?" His brows furrowed. "And then?" Pag-uulit ko sa sinabi niya. "Ano pa ang sinabi ko?" Tumayo siya sa harapan ko habang nakatingin. "Hindi ko na naintindihan masyadong malalim ang english mo, hindi ko maarok baka malunod ako," i teased her. "Stupid!" sigaw niya. "Gamitin mo 'yan kapag may masamang tao na lalapit sa'yo, gets?" pigil na pigil ang galit niya. "Iyon lang pala ang gusto mo sabihin bakit ang dami pang paligoy-ligoy Sir.?" tanong ko. "Nakaka-stress kang babae ka!" galit niyang sabi. Humiga ulit siya sa duyan at isinuot ang sunglasses niya. Napangiti ako sa binigay niya. "Thank you, Sir. Daren, ngayon lang ako nakatanggap ng regalo sa tanang buhay ko," sagot ko. Tumingin siya sa'kin at hinubad ang suot na sunglasses. "Really?" Tumango ako. "Umupo ako sa upuan na kahoy habang nakatingin ako kay Sir Daren. "Alam n'yo Sir sa probinsiya namin sobrang hirap do'n. Hindi uso ang birthday, christmas, new year sa'min. Pero sa'min lang naman kasi wala kaming pera." "You mean hindi mo rin naranasan magkaroon ng handa sa birthday mo?" Tumawa ako. "Matanda na ako para mangarap pa ng handa-handa na 'yan magsisimba lang ako para magpa-salamat sa diyos ayos na 'yon. Ang importante sa'min ay ang makakain ng tatlong beses isang araw," nakaramdam ako ng lungkot ng maalala ko ang buhay namin. "Alam n'yo kasi…. Minsan isang beses lang kami kumain sa isang araw." "How pathetic you are." malungkot niyang sabi sa'kin. "Uy! Alam ko ibig sabihin ng pathetic." sabay tawa ko. "Lahat ng pinagsabihan ko ng kwento ko ay sinabing nakakaawa ako, pero hindi ko naman sinabi 'yon para kaawaan ko. Nai-kwento ko lang para yung mga pinagdaan namin noon pero ngayon nandito pa rin ako at nakatayo. Matapang at lumalaban." sabay ngiti ko sa kanya. "Psh! Ang dami mo'ng drama sa buhay, let's go! Pumasok na tayo sa loob may taping pa ako ngayon," aniya. Tumayo ako at pagkatapos ay magkasabay kaming naglalakad papasok ng mansiyon. "See you later," tumingin siya sa'kin at marahang pinisil ng pisngi ko. Bigla akong bumilis ang t***k ng puso ko sa ginawa niya at saglit akong natulala at hindi nakaalis sa kinatatayuan ko. Hinawakan ko ang pisngi kong pinisil ng malambot niyang kamay. "Sheymie, ano'ng nangyayari sa'yo?" tanong ni Gagay. May hawak pa itong walis tambo. Tiningnan niya ang tinitingnan ko. "May nakita ka ba'ng multo?" Tumango ako sa kanya. "Oo, may nakita akong multo," sabi ko habang nakatitig pa rin ako sa dinaanan ni sir Daren. "Naku, Sheymie, may third eye ka pala 'wag mo'ng sasabihin ang nakikita mo baka hindi na ako makalabas mag-isa sa madaling araw," namumutla sa takot si Gagay. Tumingin ako kay Gagay. "Nasa tabi mo siya," biro ko. Nagtitili si Gagay at tumakbo papunta sa kusina. Tumawa ako sa naging reaksiyon niya. Pagkatapos ay pumunta na ako sa kusina para tumulong sa ibang gawain sa loob ng mansyon. Kung minsan si Ma'am Freyah ang nagluluto ng dinner kapag kumpleto silang pamilya ang nasa mansyon. Kapag gano'n ay natutuwa kami dahil nagluluto si Ma'am Freyah ng pagkain na never pa'ng sumayad sa bituka ko. Nanood kami ng tele-drama ni Sir Daren sa loob ng silid namin. Kaming apat ang palaging nag-aabang palabas ni Sir Daren. Ang role kasi ni Sir Daren ay bida na inaapi. Minsan naawa ako sa role niya kasi palaging siyang nabugbog. Ibang-iba sa totoong buhay. Tiningnan ko si Gagay, Eden, Agatha. Nagpupunas sila ng luha dahil sa scene na nakakaiyak. Kailangan ba kapag manonood ng drama kapag nakakungkot ang eksena iiyak ka rin? "Hindi ka ba naiiyak sa scene?" tanong ni Gagay sa'kin. "Nalulungkot nga ako pero."Pagkatapos ay tinuon ko ang mga mata ko sa palabas. Hindi ko namamalayan tumutulo na ang luha ko. "Nakakaiyak naman sayang 'yung fried chicken sinagasaan lang," sambit ko. "Bakit ka umiiyak Sheymie?" tanong ni Agatha sa'kin. Humagulgol ako ng iyak. "Eh, kasi… 'yung fried chiken tinapon nila sayang 'yon," "Hayup! Akala ko umiyak dahil sa eksena. Umiyak ka pala dahil binangga ang tindahan ng fried chicken," ani Eden. Pinunasan ko ang luha ko. "Oo, kami nga hirap makabili ng fried chicken pagkatapos sila itatapon lang," sabi ko. "Malala na 'to si Sheymie walang lunas kabaliwanan nito,"ani Gagay. "Hayaan n'yo kanya-kanya tayong trip," ani Agatha. Pagkatapos naming manood ng telebisyon ay lumabas kami ng kuwarto upang unahin ang trabaho namin. "Nasaan si Aling Matilda at Aling Vivian?" tanong ni Eden. Nasa mahabang lamesa kaming tatlo habang kumakain ng meryenda. Ito ang pinaka-maganda sa pamilya Britain hindi sila nagda-damot sa katulong nila. Pwedeng kainin lahat 'wag lang ang mga chocolates nila lalo na ang mga imported na alak. "Kaya nga e, ganitong oras ay nasa kusina na silang dalawa at nagluluto ng pagkain." ani Eden. "Kumain na lang tayo at hintayin sila baka kausap ni Ma'am Freyah," sagot naman ni Gagay. Kumuha ito ng isang gallon na ice cream sa refrigerator at pagkatapos at inilagay sa lamesa. "Ito ang masarap kainin pagkatapos mo'ng umiyak," nakangiti niyang sabi. "Tama!"sabay sabi namin. Kumuha kami ng baso at nagsandok kami ng ice cream habang hinihintay sina Aling Matilda at Aling Vivian. Tinutulungan kasi namin sila kapag nagluluto sila ng dinner ng mag-anak Halos maubos na namin ang ice cream nang bumalik ang dalawang matanda. "Naku, Sheymie, kanina ka pa hinahanap ni Sir Daren." ani Aling Matilda. "Hala ka? Sigurado sisigawan ka naman niyan," ani Gagay. Bigla akong natakot. Bakit ba ako ang trip niyang utusan Aling Matilda, pwede naman si Agatha at Eden?" "Hoy, Sheymie, 'wag na 'wag mo kaming maituturo kay Sir Daren kung ayaw mo'ng magalit ako sa'yo," ani Eden. "Tama si Eden, mapapagod din 'yan si Sir Darean, tiis ka lang Sheymie," ani Agatha. Bumuntong-hininga ako. "Hays! pupunta na po ako," sagot ko. "Wala siya sa kuwarto niya nasa fourth floor." Bigla akong nanghina. "Fourth floor? Pagkatapos bawal sumakay ng elevator?" tumingin ako kay Aling Vivian. Baka sakaling maawa siya sa'kin at sabihin sa boss namin na pagamitin ako ng elevator. Si Daren kasi ayaw kaming pagamitin ng elevator. Tumango ang dalawang matanda. "Walang susuko 'diba?" ani Aling Matilda. "Aja!" sabi ko pa. Umakyat ako ng hagdan mula ground floor hanggang fourth floor, bago pa ako nakarating sa fourth floor ay lawit na ang dila ko dahil sa nakakapagod na pag-akyat sa hagdan. "Ano ba'ng trip ni Sir Daren bakit sa fourth floor niya gustong pumunta." Habol ang hininga ko nang kumatok ako sa pinto. "Sir Daren papasok na po ako." sigaw ko. Ganyan kasi madalas ang ginagawa ko kapag pumapasok ako sa loob ng silid ni Sir Daren. Kakatok ako bago papasok sa loob. Madilim ang paligid kung kaya't hinanap ko ang switch ng ilaw nang mabuksan ko iyon laking gulat ko nang makita ko ang buong silid na puro lobo na may iba't-ibang kulay at ang transparent ng lobo. Tumigin ako kay Sir Daren. "Sino po ang may birthday Sir? tanong ko sa kanya. Lumapit siya sa'kin at pagkatapos ay hinawakan ang kamay ko may kakaiba akong naramdaman nang magdikit ang palad naming dalawa. "Happy birthday!" nakangiting sabi niya. "Po? Pero tapos na po ang birthday ko," Binatukan niya ako. "Isipin mo birthday mo." His brows furrowed. "Aray!" Napahawak ako sa ulo ko dahil sa pambabatok niya sa'kin. Maaga pa naman akong nagpa-shoot ng scene ko para sa'yo tapos hindi mo ma-appreciate." Inis niyang sabi. Tumulo ang luha ko dahil sa sinabi niya. Ngayon ko lang naranasan na bigyang ng lobo. "Bakit ka umiiyak?" tanong niya. "Ngayon lang po kasi ako nagkaroon ng loob. Ang ganda po Sir." sabi ko pa. Inalalayan niya ako papunta sa unahan kung sa may puting kurtina ang nakabalot sa dingding. "Hilahin mo," aniya. Sumunod naman ako sa kanya. Dahan-dahan kong hinila ang kurtina at pagkatapos ay tumampad sa'kin ang cake at spagetti may nakadikit sa dinding na letra balloons. "Happy 40th birthday Sheymie." Iyon ang nakalagay sa dinding kahit sa cake ay may nakalagay na 40'th birthday. Hindi tuloy alam kung sincere siya dito o gusto lang niya akong inisin. Sumimangot ako. "Bakit fourty years old nakalagay?" Humalakhak siya. "Hindi ba fourty ang edad mo?" Namaywang ako."Mukha na ba akong matanda? Nakakainis!" "Ngayon mo lang ba nalaman?" he teased me. "Nakakainis ka Sir. Daren!" tumalikod ako sa kanya at naglakad palabas. Akala ko talaga seryoso si Sir Daren sa ginawa niya. "Sige, umalis ka na 'wag ka ng babalik sa mansyon," sigaw niya. Huminto ako. Siyempre ayoko naman mawalan ng trabaho. Muli akong humarap patalikod sa kanya at nagmartsa ako pabalik sa kanya habang humahaba ang nguso ko. Kampante naman siyang naka-dikwatro habang ngiting-ngiti siyang nakatingin sa'kin. "Blow the candle," sinindihan niya ang candle at inilapit sa'kin. Kumanta siya ng happy birthday sa'kin. "Make a wish," sabi pa niya. Ipinikit ko ang mga mata ko pagkatapos ay inihipan ko ang kandila. "Thank you, Sir." sabi ko kahit palpak ang edad ko at parang trip lang niya akong inisin. "Kainin na natin ang lahat ng handa mo. Huwag ka'ng magtitira." aniya. Tumango ako. mabuti na lang talaga at good for two person ang handa ko. "May space pa sila sa tiyan ko." Napansin niya ang birthday hat kaya kinuha niya ito. Ang isa ay sinuot niya sa'kin. Namumula ang mukha ko habang sinusuot niya ito pagkatapos ay ngumiti siya. "Happy birthday." sabi niya. "Thank you, Sir," sabi ko habang kumakain kami ng dalawa ng spagetti at cake. magkatabi kaming dalawa habang kumakain. "Welcome, sa'yo ko lang ito ginawa kaya dapat hindi mo na ako bibigyan ng sakit ng ulo." Tumingin ako sa kanya. "Kayo pa talaga ang sumakit ng ulo sa'kin." sabay tawa ko. "Bakit ka natatawa?" "Natutuwa lang ako dahil sa edad kong ito hindi ko akalain na mararanasan ko pa ito Sir." "Lubusin mo na dahil hindi ako magiging mabait sa'yo bukas." Tumango ako. "Hindi naman talaga kayo mabait," He glared at me. "Sheymie!" Ngumiti ako. "Joke lang po," pagkatapos ay pinagpatuloy ko ang pagkain. "Ah, Sir Daren, pwede magtanong?" "Inaabuso mo talaga ang kabaitan ko ngayon," sabi niya. "Sige na po, please!" pakiusap ko sa kanya. "Sige, birthday mo naman kunwari," Tumingin ako sa kanya. "Ano'ng pakiramdan ng sikat na arista?" tanong ko sa kanya habang iniinom ko ang juice na hawak ko. "Masaya na mahirap," sagot niya. "Paanong masaya na mahirap?" "Masaya dahil mabilis kang kumita ng pera marami ang umi-idolo sa'yo. Mahirap dahil wala kang freedom na parang bawal kang magkamali." "Ma-swerte po kayo dahil magagawa n'yo ang gusto n'yo." sabay inom ko ng juice. "Bakit? hindi mo pa rin ba nabibili ng fried chicken ang mga kapatid mo kapag nagpapadala ka ng pera?" "Nakakabili na po, maraming salamat kasi hindi na sila nagugutom." Dinagdagan kasi ni sir Daren ng isang libo ang sahod ko, 'yon daw ang pambili ng fried chicken ng kapatid ko. Tumayo siya at ang dalawang kamay niya at nakasuksok sa suot niyang short. "Linisin mo ang kalat na 'yan kapag natapos kang kumain," sabi niya. "Opo, Sir." "Isa-isa mo'ng paputukin ang lobo. Huwag na huwag kang magtitira." Bigla akong nalungkot paputukin ko isa-isa ang lobo na 'to? "Hays! si Sir. Daren talaga, akala ko mabait na sa'kin. Bago siya makalabas ng silid ay huminto ito ngunit hindi naman humarap sa'kin. "Simula ngayon huwag mo na akong tatawaging Sir, you can call me Daren." pagkatapos ay tuluyan na siyang lumabas ng silid. Dalawang oras yata kong pinaputok ang lahat ng lobo. Hindi ko naman pwedeng dalhin sa kuwarto namin dahil baka kung ano ang isipin nila at siguradong magagalit si Sir Daren. Pagbaba ko sa second floor nakita ko si Aling Matilda at Aling Vivian. Nakangiti sila sa'kin mukhang alam nila ang plano ni Sir Daren. "Kumusta ang birthday party mo?" ani Aling Matilda. "Okay naman po, kaya lang pinalinis sa'kin lahat ng kalat at isa-isa kong pinaputok ang loob," sabay simangot ko. Tumawa silang dalawa. "Hays, talaga 'yan si Sir Daren. Hindi na nagbago, akala namin mabait na siya sa'yo." Ani Aling Vivian. Sumimangot. "Nakalagay po sa cake 40years old," Bumunghalit sila ng tawa sa sinabi ko mas lalo tuloy akong nainis sa nangyari. "Nakakainis po talaga si Sir Daren," Tinapik ako sa balikat ni Aling Matilda. "Atleast pinaranas sa'yo ang magkaroon ng party kahit may halong kalokohan ang ginawa niya," Tumango ako. "Iyon na nga lang din ang iniisip ko, maraming salamat sa inyo." "Walla iyon,"sabi ni Aling Matilda pagkatapos ay umalis na sila. Ako naman ay bumalik na ng silid namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD