[LIAN] "Ang ganda-ganda mo Miss Lian,"sabi sa'kin ng P.A ko habang paikot-ikot ako sa harap ng malaking salamin. Sinong lalaki ang hindi hahabol ng tingin sa'kin kapag nakita niya kung gaano ako kaganda at ka-sexy. Sinadya kong magsuot ng ganitong damit para manghinayang si Daren sa'kin. "Do you think mapapansin ako ni Daren sa itsura ko?" tanong ko. Sunod-sunod na tumango ang P.A ko na si Barbie. "Yes, kahit nga babae mapapahanga sa ganda mo Miss Lian. Siguradong ikaw ang pinaka maganda at sexy sa party na 'yon." Ngumiti ako. "Let's go!" Pagkatapos ay sumakay na kami ng van. Bago pa lang kami kanina umalis ay nagpicture na ako para makita ng mga fans ko ang suot kong damit pag-upload ko pa lang ay umani na agad ako ng maraming likes, share at comments sa in-upload kong picture. N