CHAPTER 22

2348 Words

ILANG BESES kong hinanap ang isang notebook sa loob ng kuwarto namin ngunit kahit ilang beses akong maghanap hindi ko talaga makita. "Nasaan na kaya 'yon? Nandoon pa naman ang picture ni Dyroth na binigay sa'kin ni Gagay. Nandoon rin ang assignment ko. Lagot ako nito mamaya sa teacher ko," sabi ko habang patingin-tingin ako sa paligid ng kama ko. Biglang bumukas ang pinto pumasok si Daren. Nakita ko sa kanya ang notebook ko na hawak niya. "Daren!" sinalubong ko siya upang kunin ang notebook ko ngunit hindi niya binigay sa'kin. "Bakit ayaw mo sa'kin ibigay 'yan ano naman ang gagawin mo diyan?" maktol ko sa kanya. Yumuko siya upang magpantay kaming dalawa pagkatapos ay tumingin siya sa'kin. "Bakit may picture ka ni Dyroth dito? 'diba dapat picture ko tinatago mo?" sabay taas kilay niya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD