"Saan tayo pupunta?" takang tanong ko kay Daren nang gisingin niya ako ng alas-tres ng madaling araw. Antok na antok pa ako dahil hinintay ko siyang makauwi kagabi sa mall show niya. "Dadalaw tayo sa probinsya n'yo." Lumiwanag ang ngiti ko sa sinabi niya. "Talaga?" hindi ako makapaniwalang tanong niya. Tumango siya. "Gusto kong saksi tayo sa house blessing ng bagong bahay n'yo bukas." "Talaga? Bakit hindi nabanggit nila Nanay na ayos na pala ang bahay?" "Surprise nga bakit babanggitin sa'yo? Let's go maligo ka na o gusto mo ako ang magpaligo sa'yo." sabay kindat niya sa'kin. Namula ang mukha ko sa sinabi niya. Tumayo ako at nagmadali akong pumunta ng banyo upang maligo pagkatapos ay ni-lock ko ang pinto ng banyo. Mahirap ng pasukin ni Daren sa loob isang linggo pa naman kaming walan