[LIAN "BULLSHIT!" sabay hagis ko ng wine glass sa harap ng katulong ko. Muntik na itong mataman ng baso ngunit tinamaan siya ng bubug nito. "M-Ma'am." nanginginig sa takot ng katulong ko nang makita niya ang dugo sa paa niya. Matalim ko siyang tinitigan. "Anong nirereklamo! Lumayas ka sa harapan ko!" Paika-ika naman itong naglakad palayo sa'kin. Isinandal ko ang likod ko sa sofa habang ang mga paa ko ay nakasandal sa center table ko. Pagkatapos ay muli kong sinipat ang telebisyon. Napanood ko kasi ang interview ni Daren kasama ang asawa nito at nangigil ako nang makita ko silang sweet na magkasama. "Dapat ako ang kasama niya at hindi ang babaing 'yon!" Nasira ang love team naming dalawa nang sumulpot si Devon sa buhay ko. new comer actor si Devon at sinubukan kaming pagtambalin sa i