"Anong gusto mong kainin?" tanong ni Gagay sa'kin. Hawak pa niya ang dinala kong maliit na bag na kulay pink. Kasama namin si Eden at Agatha na namamasyal sa park na 'di kalayuan sa mansion. Tinanaw ko si Eden at Agatha na bumibili ng inihaw na hotdog at barbecue. "Gusto kong kumain ng balot." turo ko sa matandang lalaki nagtitinda ng balot at nakaupo sa ilalim ng mangga. Napansin ko kasing walang lumalapit sa kanya para bumili samantalang ang mga katabi niyang mga nagtitinda ng kung ano-anong pagkain ay pinipilahan. "Bakit gusto mo?" umarko ang kilay ni Gagay. Marahil hindi makapaniwala sa sinabi ko. Tumango ako. "Samahan mo ako." Tumayo ako kahit medyo nahihirapan na ako sa pagtayo. Ilang linggo na lang kasi ay ilalabas ko na ang aking baby boy. Noong nakaraang buwan ay nagpa-ultraso