CHAPTER 03

2484 Words
MESHELL Kinabukasan maaga kaming nagising mag-ama. Pagkatapos lang namin mag-almusal ay lumabas na kami ng bahay. Naabutan ko pa si Meding, nasa labas ng gate patungo sa bahay namin. “Besh, paalis na ba kayo ni, Mang Cardo?” “Oo besh. Ano nga pala ang sadya mo?” usisa ko pa sa kaniya. Nilapitan niya ako at hinawakan ako sa kamay ko pagkatapos meron nilagay na sobre sa palad ko. Napatitig ako sa mukha nito puno ng pagtataka. Hindi ko na kailangan tanungin kung anong laman niyon. Dahil halata namang pera ang laman. Napanguso ako at sumungaw ang luha sa mata ko. Sobrang s'werte talaga ako rito sa bestfriend ko dahil laging nasa tabi ko handang damayan ako kung may mabigat na problema. Binalik ko sa kanya ang sobre sabay iling ko. “Hindi ko matatanggap besh. Marami na akong utang sa'yo kalabisan na ito kung pagbibigyan mo pa ako,” Ito kasi ang takbuhin ko kung emergency. Minsan nahihiya na lang ako kaya minsan hindi na ako rito nagsasabi sa kapitbahay ako nanghihiram dahil malaki na ang utang na loob ko rito. “Hindi naman ako naniningil. Para na kitang kapatid. Sige na dahil ayaw kong makita kang parang biyernes santo ang mukha. Kulang pa ‘yan, pero baka pwede makabawas ng problema mo,” “Ano ka ba hindi besh! Kailangan mo ito. Lalo na sunod na buwan pa, ang padala ni Papa mo,” “Hindi besh! Kunin muna ito. Sabi ni Ate, magpapadala raw siya sa katapusan may kapalit agad iyan. Alam naman ni Inang pinaalam ko iyan," “Hindi ko pa rin matatanggap besh. Itago mo iyan. Ayaw kong abusuhin ang kabaitan mo. Kayo ng Inang mo at mga kapatid," “Pero besh…” malungkot nitong sabi. “Matapang ito besh. Kaya ko promise. Ayaw ko na ma moroblema pa si Inang mo ng tuition fee mo next semester,” "Beshy!" balak pang umangal. Last na lang itong semester graduate na talaga ng bestfriend ko. Mabait ang Inang nito at nasa Saudi naman ang Papa nito, wilder ang trabaho sa Saudi. Kaya lahat silang magkapatid ay nakapag aral. May bunso pa ito nasa senior high school at dalawa naman nitong Ate, ay nag o-office sa Maynila. Kapag daw makatapos na silang mag-aaral. Uuwi na ang Papa nito at hindi na babalik sa Saudi. “Papunta ba kayo niyan kay Mr. Levesque, upang makipag-usap?" “Oo besh. Kakausapin namin,” tumango ito. “Halika ka nga rito,” hinila ko at mahigpit itong niyakap. Wala naman inaksayang sandali si Meding, niyakap din ako nito hanggang magsawa kami. Pareho pa kaming nakangiti ng kumalas sa isa't isa. “Salamat,” ani ko. “Mag-ingat kayo besh,” bilin pa nito bago kami sumakay ng tricycle. “Pagdating namin ni Itay dadaan ako sa inyo ha? Sige na salamat talaga besh. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin kung wala ka sa tabi ko,” “Ay nagdrama ka naman bruha? Siya lakad na kayo ni, mang Cardo at mag-ingat,” pahabol pang saad nito sa akin. “Salamat,” Habang patungo kami ng bayan limilipad ang isip ko, kung anong buhay ang nag-aantay sa akin pagkatapos nito. Kung hindi ko pa naramdaman ang mainit na titig ni Tatay, siguro malalim pa rin ang iniisip ko sa oras na iyon. Ngumiti ako tinanong siya. “Tay, bakit po?” “Balik ka na lang kaya anak, sa bahay. Ako na ang bahala rito,” “Tatay, wala ng atrasan ito. Hindi po kita matiis dahil mahal kita at tayong dalawa na lang ang magkasama. Maatim ko bang pabayaan kita? Never. Isipin ko na lang po na balang araw may katapusan din ang lahat ng ito at pagdating ng araw na iyon ay makakaahon tayong pareho,” Napangisi pa ako dahil palihim itong nagpunas ng luha e, nakita ko na. “Salamat anak. Napakaswerte ko talaga dahil ikaw ang naging anak ko,” “Tatay, naman nambola pa. Swerte rin naman ako dahil ikaw ang Tatay ko. G'wapo na mabait pa. Uhm... ‘wag nga lang idagdag ang pagka sugarol at lasenggero. Sabay hagikhik ko dahil namula ang mukha nito sabay nag-iwas ng tingin sa akin. “Joke ko lang po Itay. Alam ko naman bakit ka naging gano'n. Smile na po dahil tatanda kaagad sige ka,” Ginulo nito ang buhok ko sabay umakbay. “Napaka swerte ng lalaking mamahalin mo anak,” “Tatay mag-aasawa na ako, wala ng darating,” biro ko kaya natawa ito “Naniniwala pa rin ako na hindi ka pababayaan sa itaas dahil isa kang mabait at mapagmahal na anak, sa kabila ng kahirapan natin at puro sakit sa ulo ang binibigay ko sa'yo, palagi mo pa rin ako inuunawa,” “Oo na ‘tay, awat na po,” Nahihiya pang tumawa si Itay, sabay kamot sa buhok niya. “Narito na pala tayo ‘nak,” aniya ng nasa tapat na kami ng malaking bahay na mataas ang pader na bakod. Nilibot ko ang tingin sa paligid. Malaking bahay p'wede ng tawagin na mansyon. Kapag ganitong bahay sa baryo namin ay pinakamagandang na. Ganito ang bahay ng matagal ko ng manliligaw at kababatang si Ethan, kaya sila ang matatawag na mayaman sa baryo namin. Sunod kila Meding na bestfriend ko,” Pagkababa ng tricycle agad kong inabot ang bayad dito. Lumapit kami ni Tatay sa malaking gate na bakal kumatok doon si Tatay. Nag-antay lang kami ng ilang segundo meron nagbukas sa maliit na gate. Tama lang dalawang tao sabay roon papasok. Sa main gate siguro binubuksan lang kapag sasakyan ang dadaan. “Si Mr. Levesque, nariyan po?” tanong ni Tatay sa guwardiya nasa gate. Pinasadahan pa kami ng tingin na akala mo kaya naming gumawa ng masama sinusuri pa. “Itatanong ko po muna sa loob kung papasukin kayo. Ano po ang pangalan nila?” aniya. “Pakisabi po si, Cardo Conanan,” “Sige mag-antay muna kayo r’yan,” lumayo ito ng kaunti akala mo makikinig kami sa usapan ng kung sino man ang tinatawagan nito sa hawak na radyo. Duh! Lihim kong irap. Palinga linga ako sa paligid habang inaantay na matapos itong makipagusap. Nakatingin sa amin tatango tango. Tinaasan ko ito ng kilay at ang bagal makipagusap mainit na ang araw sa labas. Animal hambalusin ko pa ito ng dollshoes ko parang tsismoso kasi kung manusig. Pagkatapos niyang makipag usap muli itong lumapit sa amin. “Pasok na po kayo,” ani nito. Nagpasalamat pa rin kami ni Tatay sa kaniya kahit na yamot ako ng kaunti rito. Pagpasok sa loob higit na maganda ang bakuran kaysa sa labas. Ngunit hindi ko naman iyon ma appreciate dahil daig ko ang hahatulan sa pagpunta namin ni Tatay rito. Pagdating namin sa main door sinalubong kami ng may-edad na babae. Pakiwari ko ay kasing edad ni Tatay or bata ng dalawang taon. Mukhang mabait ito kumpara sa duty g'wardiya dahil nakangiti sa amin. “Pasok po kayo,” magalang pa na sabi nito. Sumunod kami ni Tatay sa kaniya. Dinala nito kami sa living room. Pinaupo sa black na leather sofa at tinanong kung anong gusto naming inumin or kainin. Tinanggihan ko ‘yon dahil hindi naman kami magtatagal, sadya lang namin si Mr. Levesque. Nang wala kami kailangan sa kaniya, magalang din na nagpaalam na iiwan na kami at antayin na lang na bumaba ang amo nito. Habang nag-aantay ay nakayuko lang kami pareho ni Tatay. Sampung minuto ang inantay namin bago sumulpot si Mr. Levesque, pababa sa magarang hagdan ng bahay nito. Tumayo agad kami ni Tatay, kahit malayo pa ito sa amin. Hindi naman pala pangit si Mr. Levesque. One time ko na ito nakita ngunit malayo. Noong eleksyon kasagsagan ng pangangampanya nito kasamang nag-motorcade. Tumakbo kasi ito ng Mayor talo naman. Hindi lang talaga ito kasing yummy ng long time kong crush na artistang si Derrick Monasterio, na tingin pa lang ay kikiligin na ang pukeng-keng ko. Biglang sumulpot sa balintataw ko ang lalaking humalik sa akin. Hindi nagkakalayo ang hitsura nito sa crush kong artista. Moreno lang ang kutis ng bastos na lalaki at matangkad dahil umabot lang ako sa balikat nito. “Ehem!” tikhim nito tila kanina pa ako pinag-aaralan. Lihim akong napangiwi. Lentek na bastos na 'yon. Bakit ba biglang sumasagi sa isip ko? Yumukod kaming pareho ni Tatay rito. “Follow me, mang Cardo,” matipid na salita nito. Nauna itong maglakad nasa likuran kami ni Tatay, na panay ang sulyap sa akin kaya hindi ko maiwasan napaingos dito. Akala ba ni Tatay, takot ako kay Mr. Levesque? No kaya. Kahit pa ito ang pinakamayaman tao sa buong mundo, kung gagawa ng masama sa akin ay lalaban ako. Sa library pala kami dinala. Mukha itong office dahil may mahogany table sa gitna at may terno isang leather swivel chair. At sa harap ay may dalawang upuan sadya siguro kung meron bisita dahil magkaharap ang ang dalawang upuan. “Upo muna kayo, Mang Cardo. Ms. Meshell,” aniya. Tinuro pa ang upuan sa harapan ng table nito at nauna na ito umupo. Gustong kong taasan ito ng kilay dahil mabait naman pala dahil magalang. Iniisip ko pa naman ay katulad sa mga movie kontrabida na mayabang at bastos. Taliwas sa inaasahan ko ang ugali nitong si Mr. Levesque. Pero malay naman bumait dahil pumayag na si Tatay. “Pasensya na kayo sa inasal ng mga tauhan ko. Napagsabihan ko na–” “Tapos na mabugbog si Tatay at pumayag na kami sa gusto mo hindi muna maibabalik ang pasensya mo,” Humalukipkip itong pinagmamasdan ako. Hindi ako takot nakipag titigan ako, mabuti at ito ang unang sumuko. “Hindi nga ako nagkamali ng pagpili ng pakakasalan tiyak magugustuhan ka ni Papa,” “Mr. Levesque, hindi naman po kami magtatagal. Ikaw po ang sadya namin hindi mo na kailangan isama ang Papa mo sa usapan,” Lihim akong kinalabit ni Tatay sa pambabara ko rito. Ngunit hindi ko pinansin si Itay. Ngumisi ito. “I insist dahil may pirmahan tayong gagawin paano ka makakasulat ng maayos kung nakatayo ka lang," Lihim akong umirap dito. Upang matapos ang usapan umupo kami ni Tatay. May kinuha ito sa drawer ng table nito nasa folder. Pinabasa sa akin. “When you finish reading you can ask me questions,” wika pa sa akin. Nag-umpisa ako magbasa nakakunot noo. Fake marriage lang pala ang magaganap. Lihim akong nagpapasalamat doon. So kaya pala gusto nitong magpakasal forda mana ng Dad nito. Ito ang example ng mayaman na hindi pa kuntento sa kayamanan natatamasa. I wonder bakit hindi ito nanalo bilang mayor sa bayan namin dahil mukhang pera. Gayun pa man labis ang aking pasasalamat dahil magiging malaya ako pagka makuha na ni Mr. Levesque ang buong kayamanan ng pamilya nito. Sa papel lang kami magiging mag-asawa kahit naman talaga fake lang ang magaganap na kasal. Nilapag ko sa table niya ang ibinigay niyang folder. Mabilis lang naman mabasa. Dahil hindi gano'n kahaba ang rules nakalagay. "Dahil ikaw naman ang makikinabang sa kasunduang ito. Meron akong hihilingin. Siguro naman ay barya lang ito kumpara sa mamanahin mo," Umayos ito ng upo pinagmasdan ako. Nagtaka si Tatay, kita ko kasi sinulyapan ako. Hindi kasi nito alam ang plano ko. "Sige ano 'yon?" walang kangiti-ngiti na tanong ni Mr. Levesque sa akin. "Kailangan ko ng pera sa lupa at bahay namin. In short ipatutubos ko sa'yo bilang bayad sa pag-arte ko. Aba maliit na pera ang utang ng Tatay ko dapat lang na dagdagan mo," Malakas itong humalakhak animo isang kalokohan ang sinasabi ko sa kaniya. Peste mukha ba akong clown at ayaw huminto sa pagtawa. "I like your confidence, Ms. Meshell," "Ops! Mr. Levesque. Tigilan mo 'yan, dahil nakasaad sa papel na binasa ko no strings attached. Meaning kasama rin ang feelings. No offense meant para na po kitang Tatay or Tito," "Clear, Ms. Meshell. Baka naman sabihin mo na wala akong katiting na puso sige papayag ako sa kondisyon mo," Seryoso lang akong tumango sa kaniya. “Kung malinaw na sa'yo at wala ka ng tanong maari na ba tayong mag pirmahan ng marriage contract. At bukas din ay dadalhin na kita sa farm. Let me remind you, Ms. Meshell. While the entire farm has not been transferred to my name, we will still be married. Don't worry. Marunong akong tumupad sa kasunduan, na mag-asawa lang tayo sa papel. Ngunit mahigpit kong paalala sa'yo. Ikaw at ako at si mang Cardo ang dapat makaalam ng kasunduang 'to. Masyadong matalino si Papa. Kaya kailangan ng ibayong ingat,” “Sabi mo nga matalino ang Papa mo, hindi kaya malaman niya na fake ang kasal na ipakikita mo?” “Hindi ako gano'n katanga para sa plano kong ‘to.” Nakataas kilay na saad niya sa akin. “Okay sabi mo e, akin lang naman baka–” “Enough already! I'm not granting you permission to question me about it. Know what I mean?” “Sir yes Sir!” pang-inis ko rito. Naulinigan ko pa napa fake ng ubo si Tatay, subalit naningkit ang mata ni Mr. Levesque, kaya sumeryoso ito. Utot niya akala mo ha? Matapang yata ‘to kung kinakailangan. May kinuha ulit ito sa drawer sa harapan niya. Velvet box pala binigay sa akin. Tumambad sa akin ang wedding ring at suotin ko raw. “Isuot mo ang isa r'yan,” “Bakit pa?!” katwiran ko. “Kailangan, baka magtaka si Papa na wala tayong wedding ring,” “Okay po,” wika ko at mabilis kong sinuot. Maluwag sa daliri ko pero kerebels naman hindi halata. Hinagis nito ang pirmahan kong marriage contract sa harapan ko. “Pirmahan muna agad 'yan at mag-ayos ka na agad ng mga gamit mo," “Sandali lang, Mr. Levesque. Kahit naman siguro nasa farm ako maari kong dalawin ang, Tatay ko–” “Kung sinabi ko lang,” “Ha?” sabay titig ko rito. Ano siya hello na susundin ko? Bahala siya. Basta pupuslit ako kung wala siya. “Unfair ah,” sabi ko na lang at hinagis ang may pirma ko na marriage contract namin. “Ngayon tapos na ang pirmahan, siguro naman. P'wede na kaming umalis ni, Tatay?” “Remind ko ulit Ms. Meshell na tayo lang ang nakakaalam nito.” “Ulit-ulit ka. Opo Mr. Levesque. Takot lang namin sa'yo. Paano ho aalis na kami at ang bahay at lupa po namin asikasuhin mo agad, dahil hindi ganoong kadaling umarte,” Sumenyas ito na lumayas na kami, pero wala akong pakialam sa kanya. Basta ko na lang mahinang hinila si Tatay, palabas ng library office nito. Tsaka lang ako nakahinga ng maluwag ng nasa labas na kami ng bahay no Mr. Levesque. At least kahit paano ay wala pa akong asawa kaya masaya pa rin ako at umaasa na matatapos agad ito upang bumalik ang dating buhay ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD