CHAPTER 02

1634 Words
MESHELL "B-besh! D-dalian mo," nauutal at hinihingal na sabi ng kababata at bestfriend kong si Meding, na sumalubong sa akin ng pauwi ako sa bahay ng hapon na iyon. Galing ako sa tahian kung saan ako pumapasok simula alas otso ng umaga hanggang alas k'warto ng hapon. Hinawakan pa ako ni Meding sa braso ko upang hilahin. Paliko na sana ako patungo sa bahay namin nang sinalubong ako nito. Marahil pupuntahan ako nito sa trabaho kung hindi ako pauwi na. Lakad lang kasi araw-araw ang ginagawa ko pauwi sa aming bahay at kapag papasok din sa trabaho, dahil mahal ang bayad sa pedicab at tricycle kung sasakay pa ako. Hindi naman gaanong malayo almost twenty minutes lang ang lakad ko patungo at pauwi galing sa trabaho ko. Isa akong sastre ng mga short at sando. Mga paninda sa tiangge. Dati rin si Nanay, mananahi ako ang pumalit ng makatapos ako ng sekondarya. Maliit lang ang kita kung meron akong nirere-touch dahil piece rate ang sweldo. Kung wala naman reject sa gawa ko kumikita ako ng 400 minsan ay 500 kada araw dahil nga nasa bilis ko kung magkano ang sweldo ko. Mababa rin kasi ang bigay sa amin ng may-ari, tiyagaan lang kasya tambay malaking bagay. Mahigpit lang na pagtitipid ang kailangan. "Meshell! Bilisan mo," hinila ako nito. “Bakit ba, Meding?! Kung makamadali ka akala mo emergency,” reklamo ko sa kaniya. “Tama ka besh. Higit pa ito sa emergency baka nga mahimatay ka pa kung makikita mo," “Ha? Bakit ano bang meron?” bigla akong natakot. “Meshell si mang Cardo, bugbog sarado ng tauhan ni Mr. Levesque–” “Ang Itay?” taranta kong tanong sa bestfriend ko. “Oo besh nasa labas ng bahay n'yo. Pinagtulungan tapos dami pang mga kapitbahay na mga usyosero kawawa ang Itay mo,” Pagkasabi niyon ni Meding baliktad ang nangyari. Ako na ngayon ang humila sa kanya at ito naman ang nagreklamo. “Besh naman madadapa ako sa bilis mong maglakad,” “Bilis kasi, Meding. Ang kupad mo,” wika ko. Pareho na kaming halos lakad takbo ang ginawa namin upang agad makarating ng bahay. Malayo pa lang dining ko na ang sigawan ng kapitbahay na animo meron movie shooting sa harapan ng bahay namin. Mga dakilang tambay at tsismosa tsk. “Binigyan ka na ni Boss, ng palugit na magbayad hanggang ngayon araw. Pero wala kang paabiso at nagtatago ka pa rito sa bahay mo!” naabutan kong kwenelyuhan ng isang matabang balbas sarado si Tatay sabay sapak. Napasinghap ako sa ginawa nito kay Tatay at kung kaya lang nito masugatan sa talim ng aking titig baka nakahandusay na ito sa lupa. “N-naghahanap pa ako ng pa-pambayad hindi naman ako tatakas,” nauutal at takot sa boses ng ama ko ang nabungaran kong sagot. Halos tumagos sa aking dibdib ng makita kong sinuntok si Tatay, ng pangit na tauhan ni Mr. Levesque. Mga hudas walang mga puso. Kuyom ang magkabilang kamay ko. Mabilis akong tumakbo upang awatin ang susunod na sanang suntok kaya nabitin iyon sa ere hindi lumapat sa katawan ng Tatay ko. Putok na ang labi ni Tatay at may pasa pa ito sa mukha niya. Bayolente akong napalunok dahil dinudurog ang puso ko sa awa para sa ama ko. Ito na nga ba ang sinasabi ko pesteng Levesque na ‘yon. Sarap ipakain sa buwaya mukhang pera. “Tama na!” Sigaw ko kaya napatingin sila sa akin. Ganun din ang mga tsismosang kapitbahay nanood kaniyang kanyang kuro-kuro akala mo talaga mga may alam sa buhay namin kung maka panghusga. “Sinabi ng tama na eh! Nakita n'yo ang laki ng katawan n'yo at Lima kayo tapos iisa lang ang Tatay ko. Paano makakalaban sa inyo. Mga gago pala kayo eh! Lumayas nga kayo sa bakuran namin idemanda ko pa kayo ng trespassing!” bulyaw ko sa kanila sabay tinulak sa mga balikat nila kahit na hindi iyon ininda. Binitawan ng mga gago kaya napalupagi si Tatay sa lupa. Gagong mga ito pinagtatawanan lang ako pagkatapos ay tuwang-tuwa pinagmamasdan ang Tatay ko napalugmok sa lupa. Maagap ko iyon inalalayan tumayo kahit hirap ako. Lumapit din ang bestfriend kong si Meding, tinulungan ako upang tuluyang makatayo si Tatay. “Simple lang naman ang hinihingi ni bossing. Alam iyan ni Cardo. So paano bukas ng umaga kailangan ng sagot mo, Cardo, dahil alam mo na ang mangyayari,” “Lumayas kayo! Layas!” Pinaghahampas ko sa dala-dala kong shoulder bag ang mga animal na tauhan ni Mr. Levesque, kaya mga umatras. Pero ang mga marites na kapitbahay namin mga pesteng nanatili nanonood at kaniya-kaniya panlilibak. Sinamaan ko sila ng tingin. “Ano ang inaantay n'yo? Tapos na ang palabas kulang pa po ba?! Mga tsismosa! Kaya wala tayong aseso dahil uunahin nyo pa maki tsismis kaysa maghanap buhay,” “Nakoh! Ang yabang akala mo kung sinong makapagsalita. Pwe!” sabi pa ng iilan sa akin. Mabuti nga nagsilayas din. Nabawasan ang sakit ko sa ulo. Inalalayan ko si Itay upang maglakad patungo sa bahay. Mabuti na lang narito si Meding, tinulungan ako upang maipasok ko ang nanghihina kong ama sabay lihim na lamang ako napapamura sa sinapit nito. “Dammit!" "Tatay, 'yan ang sinasabi ko sa'yo na ugali ni Mr. Levesque," Paasik kong sabi sa ama ko kahit na hindi tama. Nakaupo na si Tatay sa luma naming upuan sa sala. Nakapamewang ako pabalik-balik ng lakad sa harapan niya dahil sa gigil kay Levesque. “A-anak. Meshell, ‘yon lang talaga ang gusto niyang mangyayari,” mahina nitong sabi. Mariin kong nakagat ang labi ko dahil nag-umpisa ng humulagpos ang pinipigilan kong luha kaya mabilis akong nag-iwas ng tingin dito. “Tatay kinabukasan ko po kasi ang nakataya rito,” nagpadyak pa ako sa sahig namin sa sobrang pagkainis. “Alam ko 'nak. Hayaan muna. Magpapakulong na lang ako, total kagagawan ko ang lahat ng ito. Pasensya ka na ulit 'nak kung palaging pasaway si Tatay sa'yo,” aniya at tumayo sa upuan. Iniisip kong magkukulong ito sa k'warto niya ngunit patungo pala sa pinto. Namilog ang mata ko ng dahan-dahan itong naglakad palabas ng bahay kaya pinigilan ko. “Tatay!” “Tatay ano ba ang ginagawa n'yo?!” Sa totoo lang pagod na ako. Emosyonal at pisikal dahil sa mga taong nakapaligid sa akin. Gusto kong isigaw bakit ang unfair ng mundo. Pinanganak akong mataas ang pangarap ng Nanay ko. Hindi kasi nagkanda letche ang buhay namin kung hindi sa kaniya. Subalit pinipilit kong unawain dahil Ina ko siya utang ko sa kaniya kaya ako narito sa mundong 'to. “Tatay saan ba ang punta mo?” nauubusan ng pasensya tanong sa kaniya. “Pupunta kay Mr. Levesque. Sasabihin kong handa akong makulong,” Naningkit ang mata ko tinitigan si Tatay. Pagod na ako kahit saan tingnan ay kawawa si Itay. Sa tingin ko pa naman walang sinasanto si Mr. Levesque. Punyemas! Pagmumura ko sa isip ko. Bakit ba ganito ang buhay ko. Dapat nga nag-aaral ang katulad. Gaya sa bestfriend kong si, Meding na ngayon ay graduating na sa college pareho sila ni Ethan. Pero ako napag-iwanan dahil hanggang sekondarya lang ang tinapos. Alam kong masamang mainggit, pero hindi ko maiwasan ang sarili ko. Bahala na kung anong mangyayari sa buhay ko. Hindi ko naman matiis na basta makulong si Tatay dahil siya na lang ang meron ako. "Bumalik po kayo sa upuan, lilinisan ko pa ang mukha mo," mahina ko utos sa ama ko. Matagal itong sumunod kung hindi ko ulit tinawag. "Tay! Upo na po, payag na po ako sa gusto n'yo. Please po umupo muna rito at nagdugo ang labi mo bibili ako ng yelo sa tindahan," Hindi ko inantay na sumagot si Tatay. Lumabas ako sa bahay nag-uunahan ang patak ng aking luha. Padabog kong pinahid sa likod ng palad ko. "Besh!" sinundan pala ako ni Meding, nasa likuran ko. "Narito lang ako, besh narito lang ako," ani nito. Tuluyan nagkanlaglagan ang iniipon kong luha kanina pa. Impit akong umiyak sabay yakap sa bestfriend ko. Hinaplos nito ang likod ko upang pakalmahin ako. "Malalampasan mo rin ito, ikaw pa ba si Meshell Conanan na matalino at pambato ng barangay Kalubian," binibiro ako. Hindi naman nagtagal ay huminahon na ako dahil pinaalala nito ang bibilhin ko. "Sige na babalik na ako sa bahay n'yo. Smile," bilin pa bago tumalikod sa akin. "Thank you, besh," masaya ko ng saad sa kaniya. "Ayun salamat naman siya bili na roon ng makauwi na rin ako habang maliwanag pa," Oo nga napatampal ako sa noo ko. Sa kabilang kanto kasi ang bahay nila Meding. Dapat nga ay alas k'warto ang labas ko kaya nga lang dahil sa engkwentro ko sa bastos na lalaki na late ako ng thirty minutes kaya hayun nakalabas ako sa trabaho ng lampas 4:30. Lakad pa kaya maga-alas singko ng maabutan ako ni Meding ng pauwi ako. "Mabilis lang ako besh," paalam ko sa kaniya. Pagdating ko sa bahay nag-uusap na si Meding at Tatay. Tahimik lang akong pumasok sa bahay. Nilapag ko muna ang yelo sa tabi ng ama ko upang pumasok sa silid ko at kumuha ng malinis na towel. "Okay na ako anak magaling na ito," ng ilang minuto ko na nilalagyan ng ice sa parte may pasa sa mukha ni Tatay. Kakaalis lang din ng kaibigan ko dahil papadilim na. "Anak, matulog ka na ako na ang bahala rito," aniya. Tumango ako pero hindi naman ako kumilos nanatili lang sa tabi niya. Sabay pa kaming bumuntong-hininga ni Tatay, at pareho tipid na ngumiti. Nilapag nito ang hawak niyang yelo sa tabi niya at umusod sa akin, aakbayan pala ako nito. "Salamat anak. Salamat," "Para sa'yo 'tay, kaya kong gawin ang lahat," humilig ako sa balikat ni Tatay, sandaling pinahinga ko ang pagod kong isip at katawan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD