bc

Vladimir Levesque: My Attractive Brother-In- Law(SPG)

book_age18+
3.1K
FOLLOW
39.7K
READ
HE
escape while being pregnant
badboy
billionairess
heir/heiress
drama
like
intro-logo
Blurb

WARNING ⚠️ SPG/R-18+Ako si Meshell Conanan pambayad sa utang ng sugarol kong ama sa lalaking halos kasing tanda na niya. Ikinasal ako upang hindi makulong ang Tatay ko dahil sa panggigipit ng inutangan niya at pagkatapos kong ikasal dinala ako ng naging asawa ko sa farm na pag-aari nito at basta na lang iniwan ng hindi ko alam kung saang lupalop nagpunta ang naging asawa ko.Pagkalipas ng dalawang Linggo nagulat ako ng meron sumulpot sa farm at nagpakilala, siya raw si Vladimir Levesque kapatid daw siya ng asawa ko at siya na ang mamahala sa farm na iniwan basta ng kapatid niya na asawa ko.Kaya nga lang mukhang ako ang dehado dahil unang kita ko rito ay natulala ako sa makalaglag panty kagwapuhan nito.Pinaratangan pa akong isang mababang uri ng babae, dahil pumatol daw ako sa Kuya nito na halos kasingtanda na raw ng ama ko.Paano kung sa ilang buwan na magkasama kami sa farm ay tumibok ang puso ko sa kanya? Handa ba akong magkasala masunod lamang ang inaasam, ang tinitibok ng puso ko, kahit hindi sigurado kung pareho kami ng damdamin sa isa't isa?Abangan ang aking buhay pag-ibig sa aking attractive brother in law. “Vladimir Levesque: My Attractive Brother-In- Law”.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 01- Unang pagkikita
MESHELL Katatapos ko lang mag walis sa harap ng bakuran namin ng dumating si Tatay Cardo na tulala. Laglag ang magkabilang balikat na binuksan ang mababa yari sa kawayan namin gate, mabagal lang ang lakad at hindi man lamang ako pinansin ng dumaan sa harapan ko, deretso lang pumasok sa loob ng bahay namin. Puno ng pagtataka sinundan ko ito ng tingin at mahina akong bumulong. 'Anong problema ni Tatay? Bakit tulala ito at hindi man lamang ako binati ng dumaan sa harapan ko?' Kibit balikat na lang ako hinayaan muna dahil maayos ko muna 'tinabi ang walis tingting sa gilid ng aming sawaling dingding, bago magpasyang sundan ko ito sa loob ng bahay namin. Tumikhim ako pagpasok ko at tumayo sa harapan niya, ngunit hindi pa rin nito ako pinansin. Sinubukan kong tawagin, tila kasi malalim talaga ang iniisip ni, Tatay, at may malaking problema. Kahit nga sa pag-upo niya, animo pagod nakasandal ang ulo sa sandalan nakatitig lang sa aming bubong. Napakamot ako sa buhok ko tinawag ang ama ko na tila na-engkanto dahil tulala lang sa kinauupuan niya. “Tay!” nilakasan ko pa ang boses ko baka kasi hindi pa marinig sa pangalawa kong tawag. Napakurap ito tila ba ngayon lang ni Tatay napagtanto nasa bahay na namin siya. Na-focus ang titig niya sa akin at meron akong nasilip sa kaniyang mata. Lungkot at pagsisi kung hindi ako nagkakamali. Ngunit para saan? “May sakit po ba kayo, 'tay? Kanina pa po kayo–wala sa sarili,” kunot noo tanong sa kaniya. Narinig ko ang bigat ng kaniyang paghinga at blangko ang mukhang pinagmasdan ako. Nagsalubong ang kilay ko na puno ng pagtataka sa kinikilos ng ama ko. Kapag ganitong balisa si Tatay. Meron itong dinadala na mabigat na problema. Ano naman kaya iyon? At ‘wag naman sana ang nasa isip ko, na baka natalo ulit ito sa sugal at nagdagdag ng utang sa may ari ng bingo game sa bayan. “Tatay, anong problema?” ulit kong tanong sa kaniya. “Anak…” mahina nitong sambit sapat lang na marinig ko iyon galing sa kaniya. “Ano po 'yon, 'tay?” mahinahon kong tanong kahit ngayon ay nagsimula ng magkaroon ng kaba sa aking dibdib. “Meshell, anak ko. Patawarin mo ako,” Napatitig ako rito. Tumindi ang kaba ko sa aking dibdib. My God ‘wag sana, dahil marami pa akong pangarap sa buhay. “Itay? Bakit po anong ginagawa mo?” pinilit kong ngumiti kahit na kabado. “Anak. Meshell, patawarin mo ang Tatay,” sumigok ito kaya napamulagat ako. “Bakit nga po?!” napalakas na ang tanong ko sa kanya. “Meshell, ‘nak napilitan lang akong gawin ‘to. Patawarin mo ako ‘nak. Makukulong si Tatay, kung hindi ko ito gawin. Please anak. A-anak…n-nakipagkasundo akong ikakasal ka–" “A-ano ikakasal ako?!” Malakas kong sagot sa kanya. Sabi ko na nga ba. Sa itsura nito takot at tulala delubyo ang hatid nito sa akin. Hindi nga ako nagkamali ng hula, dammit! “Oo, anak. Kung hindi ka pumayag. Anumang oras ay dadamputin ako ng mga pulis dahil sa pagkakautang ko kay, Mr. Levesque,” “Si Mr. Levesque?!” “Oo, 'nak. Patawarin mo ako Meshell. Pangako anak, pagkatapos nito magbagong buhay na ako anak. Kaya ko lang naman ‘yon nagawang magsugal nagbakasakali akong mabawi ko ang natalo ko–" “Ayaw ko Itay! Halos kaedaran mo na ‘yon. Tsaka Tatay naman! Nangako na kayo noong una diba? Nang bayaran ko ang utang mo noon dahil sabi mo hindi muna uulitin. Ano ito umulit ka nanaman? Tatay naman akala mo naman napakadali lang ng hinihiling mo,” inis kong sagot sa kanya. Natahimik ito yumuko. Nakaramdam ako ng habag dito habang pinagmamasdan ko ito. Mariin akong napapikit baka sakali–kapag idilat ko ang mata ko ay nagkamali lang ako ng pandinig. Pero anong connection noon Meshell, napakalayo. Ako rin ang sumagot. “Paano na ngayon anak? Kapag pumunta raw dito si Mr. Levesque, kailangan may sagot na ako,” “Eh, Tatay naman bakit ka po kasi pumayag?! Magkano po ba ang kailangan mo para magawan ko ng paraan?" “Tatlong daang libong peso–” “300 thousand!?” parang lumaki ang ulo ko na sumigaw kay Tatay. Putrages! Saan ako kukuha ng ganyan kalaking halaga. Sa panahon ngayon na sobrang hirap ng buhay, walang magpapa hiram sa akin noon. Kung one thousand pesos nga, mahirap na makahiram sa kapitbahay. Malaki pa ang tubo. Iyon pa kaya na kayamanan na sa katulad naming mahirap ang 300K. Arghhh...gusto ko na lamang iuntog ang ulo ko sa problemang ito upang takasan. Inis na napakamot ako sa buhok ko at tinitigan si Tatay. Gusto kong umiyak sa mga oras na 'yon dahil wala ako maisip na p'wede lapitan upang hingian ng tulong. “Patawarin mo ako anak. Gusto ko lang naman na umasenso tayo kung papalaring manalo,” “Sus Tatay! Ganoon po ang sinabi n'yo noong una. Sabi n'yo po nagbabakasali kayo makabawi, upang pantubos nitong bahay natin. Pero 'tay naman. Parang hindi mo po kilala si Mr. Levesque?! Tuso po ‘yon. Alam mo, dito sa baryo natin na nagpapautang pagkatapos ay gigipitin. At kapag hindi nag bayad sa takdang oras. Kahit anong bagay na p'wedeng makuha ay kukunin. Dahil takot ang mga nagkakautang sa kanya, kaya napipilitan ipambayad kahit na pinagkakakitaan para lang hindi noon ipakulong. Tatay, umulit pa rin kayo?!" malakas na ang boses ko. Hindi ko napigil na tumaas ang boses ko. Sa sobrang inis kay Tatay. Nag-iwas ako ng tingin nang masilip ko, ang pagguhit ng lungkot sa mata niya. Alam ko, nagsisi ito kaya lang huli na kahit magsisi pa siya. Nakakabingi ang ulit-ulit nitong sinasabi sa akin na last na Meshell, anak. Pangako hindi na uulitin ni Tatay. Gusto ko kasi na makatulong sa'yo, nahihiya na ako sa iyo sa pagbabayad ng interest nitong bahay natin. Upang hindi lang mahatak ng pinag sanglaan nito. Sa last nitong pinagsasabi magpa hanggang ngayon 'yon pa rin ang bukambibig. Ito nga lang ang malala ako na talaga ang pambayad niya. Napahilamos ako sa mukha ko sa sobrang inis. “Paano po ‘yan? Baka ipadampot ka sa mga tauhan noon sa private army ni Mr. Levesque,” nanghihinang napaupo ako sa tabi niya. Pareho na kami ngayon nakayuko. Tahimik walang gustong magsalita. Sumagi ulit sa isip ko kung bakit nakasangla ang bahay at lupa namin, kaya bayolente akong napalunok. Sinanla ito ginamit ni nanay patungo sa bansang Dubai upang magtrabaho. Kaya nga lang hindi na ito nakauwi at nalaman na lang namin may-asawa na ito, kapwa Pinoy at doon na sa bansang Dubai nag-stay. Kaya si Tatay simula noon naging sugarol at lasingo dahil sa pagkabigo kay Nanay. “Sige anak, iisipin na lang ako ng paraan. Pasensya ka na ha? Binigo ulit kita. Mahinang tao si Tatay mo. Gagawa na lang ng paraan ang Tatay,” Nakatitig ako rito hindi nakaimik. Lalo nang tumayo si Tatay, upang pumasok sa katabi ng silid ko. Sinundan ko na lamang ng tingin habang malalim ang iniisip ko kung anong magandang gawin. Maaga pa rin akong gumising kinabukasan kahit nagtalo pa kami ni Tatay, kagabi. Tinawag ko pa siya upang mag-almusal at pinagtimpla ng kape. Pareho kaming tahimik at walang gustong magsalita sa harap ng lamesa hanggang sa magpaalam ako rito na papasok sa trabaho. Paglabas ng bahay. Dala-dala ko parin ang problema kahit naglalakad na ako patungo sa trabaho ko. Dahil sa inis ko at kampante naman akong walang maliligaw na sasakyan sa kalsada naisip kong pumulot ng bato na kasing laki ng sabon na safeguard at basta ko na lang hinagis 'yon. Hindi ko alam kung anong naisipan ko basta feeling ko gagaan ang pakiramdam ko kapag ginawa ko 'yon. Kaya nga lang saktong meron papalapit na sasakyan, at sapol ang windshield ng kotse kaya namutla ako at nag-doble pa ng huminto ang kotse sa hindi kalayuan sa akin at tila slow motion na bumaba ang nasa driver seat. Mabilis akong tumalikod upang takasan ito ngunit nahabol na ako at mabilis na yumakap ang braso nito sa baywang ko. Nag tayuan ang balahibo ko sa batok pababa sa leeg patungo sa balikat ko ng dumampi ang mainit na hininga nito sa batok ko ng ito ay magsalita. “Saan mo sa tingin ka pupunta huh, babae?” bulong lamang ‘yon ngunit malakas nakarating sa aking pandinig. Napalunok ako sa paos nitong boses. Bakit nakakapanghina ang boses nito? Waahh…may power ba ang boses nito upang hindi ako makagalaw? Mas hinapit ako nito padikit sa katawan niya upang muling bumulong sa akin kaya nanigas ako habang yakap niya nang maramdaman ko sa likuran ko ang nakatutok nitong matigas na umbok. Dammit. Bakit uminit ang pisngi ko dahil doon? Ano bang meron sa hindi kilalang lalaki para makaramdam ako ng ganito sa pagdikit ng katawan namin? “Do you know how much my car is worth?” malamig ang boses na saad nito sa akin. Napalunok ako at nag-alala sa nagawang katangahan. Oo nga magkano nga kaya ang babayaran ko sa kaniya? “S-sorry po m-mister, hindi ko po sinasadya,” nauutal ko pang sagot dito subalit napa ‘tasked' lang ito at ayaw akong pakawalan. “Kung lahat ng nakagawa ng kasalanan ay agad patatawarin sa simpleng sorry, maraming magiging abusado sa mundo, katulad mo,” “Edi babayaran ko! Ang yabang mo naman, nag-sorry na nga sa'yo maarte ka pa–” Hindi ko na nadugtungan ang iba ko pang sasabihin dahil mabilis nito akong inikot paharap sa kaniya. Awang ang labi ko natulala rito. Napansin ko. He has brown eyes. Kung makatitig ito sa akin tila bang pinag-aaralan nito ang buo kong pagkatao. “How’s your observations?” tanong nito may pilyong ngisi sa labi kaya bigla akong nataranta. My God grabe kung tumitig nginig pati pempem ko. “Babae nga naman nakakita lang ng guwapo natulala na,” bulong nito. Aba't ubod yabang din pala ang lalaking ‘to. “Sinabi ko Mister, whoever you are na hindi ko sinasadya. Todo pa nga ng hingi ng sorry sa'yo. Nag offer pa ako na babayaran ko tapos ngayon aangasan mo ako ng ganyan?! Bayagan pa kita r’yan ungas ka eh. Panget!” Mabilis akong nakawala sa kaniya at handa na sanang tumakbo subalit nahuli ako nito sabay nanlaki ang mata ko ng sungaban ako ng maalab na halik sa aking labi. Pinagpapalo ko ito sa balikat niya ngunit hindi iyon naging sagabal sa halik niya na tila parusa niya sa akin. Halos buong labi ko ay sakop nito hinahalikan ako na tila masarap na pagkain. “Uhm…” reklamo ko subalit lalo ito nakabwelo naging malalim ang halik sa akin at kung hindi pa kami naubusan ng hangin sa dibdib hindi nito titigilan ang labi ko. “Bastos!” sabay sampal ko sa kanya at dumistansya. Hindi lang nito ininda ang paglapat ng kamay ko sa pisngi niya, ngunit natakot ako ng dumilim ang mukha nito habang pinagmasdan ako. Humakbang ito palapit sa akin kaya napaatras ako sa takot dito. Aatras pa sana ako subalit meron lumabas sa kabilang side ng driver seat na lalaki. Napunta ang tingin ko roon gano'n din siya. Sinamantala ko ang pagkalingat nito tumakbo ako walang lingon-lingon. Naulinigan ko pang tinawag nito ng kasama na 'Vlad' ngunit dedma ko lang dahil nasa isip ko ang makalayo rito. Laking tuwa ko ng meron dumaan na tricycle hinihingal ako agad sumakay na hinahaplos ang malakas na kalabog ng aking dibdib. Sana hindi ako nasundan ng manyakis na 'yon. Animal siya ninakaw niya ang first kiss ko sana masarap ulam niya sa ginawa niya sa akin. Nang maisip ang trabaho ko lalo na akong nagngingit sa galit sa lalaking mayabang. Grabeng kamalasan. Late sa trabaho muntik pa mabutas ang bulsa ko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Belles and Saints 1: RAVISHED R-18

read
48.9K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
143.6K
bc

My Cousins' Obsession

read
178.0K
bc

Daddy Granpa

read
206.3K
bc

Bewitching The Daddy (Cougar Series #3) -SPG

read
147.6K
bc

Mahal Kita, Matagal Na

read
74.0K
bc

LOVE ME AGAIN, MY SELAH (SPG)

read
64.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook