CHAPTER 04

1513 Words
VLADIMIR “Grabe ka ang astig mo Vlad! Unang kita naka halik agad!” pabiro akong sinuntok ni Goliath, sa balikat ng bumalik ako ng aking kotse. Kasamahan ko si Goliath sa Villa Cara bilang bodyguard dati ni Senior Oscar kalaunan ng makita ang hinahanap nitong anak na si Drake Ashton, ‘yon ang naging amo namin. Kaya nga lang may sarili ng pamilya, ayaw ng magkaroon ng bodyguard at kami naman nila Goliath, ay kaniya kaniya ng tinahak ng landas ako ay nagtayo ng sariling negosyo. Ngayon ay meron ng dalawang malaking motorcycle parts sa Maynila. Galing kami sa farm ni Papa, upang dumalaw. Ayaw ko na nga sanang bumalik dito sa Sta. Elena. Kung hindi sa pakiusap ni Mama, na ilang taon ng hinihimok akong umuwi dumalaw man lang sa kanila ni Papa, hindi talaga ako uuwi. Almost 6 years din bago ako muling tumuntong sa bayan sinilangan ko dahil sa isang babae. Hanggang sa napadpad ako ng Maynila at naka daupang palad ko si Senior Oscar at manirahan sa Villa Cara. Naging matapat na tauhan ni Senior Oscar, na dating mafia boss pero lingid sa kaalaman ng lahat ay mayaman ang angkan ko ayaw ko lang ipagsabi. Tanging si Senior Oscar ang nakakaalam kung sino ako. Ayaw ko lang ipagyabang dahil akala ng iba basta lang akong tauhan ni Senior Oscar at galing sa mahirap na pamilya, ngunit isa rin akong tagapagmana sa malawak na farm ng Sta. Elena, na halos buong lugar ay pag-aari ng pamilya ko. “Bro! Namaligno ka na r’yan. Kanina pa nakaalis ang magandang dalaga nakatulala ka pa rin hanggang ngayon,” “Ulol! I just remembered something,” laban ko sa kanya. “Sino? Iyong dati mong na-kwento na babaeng nanloko sa'yo?” tukso ni Goliath sa akin. “Tsk! Bakit ko naman maalala iyon? Gagong ‘to,” “Baka lang dahil umuwi tayo kanina. Oh, bakit masama ang tingin mo?” “Manghuhula ka kasi,” “Pero, Vlad, maganda iyong babae kanina. Hanep, dito ka lang pala ulit sa kalapit bayan n'yo mapapana ni kupido. Parang kung saan ka nasaktan, doon ka din maghihilom. What a joy isang puzzle," Hinayaan ko dumaldal kaya lang dito ako sa huli niya sinabi kumontra. "Naks inlove na si Vladimir Levesque," “Anong inlove ang pinagsasabi mo? Tumigil tigil ka Goliath, advance ka masyado,” “Ows? Sa tagal natin magkasama. Kilala ko na pati otot mo hoi. Sa titig mo pa lang doon sa dalaga, alams na this, Vladimir Levesque. Halos kainin mo nga buong labi noon kanina ng halikan mo 'wag ako, kahit na tumangi ka ng one thousand times, nakita ng dalawang mata ko kaya don't me, bro bistado kita,” “Ako pa yata ang mahuhuli nito sa biyahe sa ating magkakaibigan,” himutok nito. “Ewan ko sa'yo, Goliath. Manahimik ka na lang muna istorbo ko sa pagmamaneho ko.” Mabuti manahimik subalit tukso naman bumalik sa ala-ala ko ang mukha ng dalaga. Bayolente akong napalunok ng maalala ko kung gaano katamis ng labi nito. Iyon bang hindi ka magsasawang halikan kahit na maghapon mo iyon gawin. Para akong baliw na tumawa dahil sa naisip kong kalokohan. Alam kong wala pang experience ang dalaga ng siilin ko ng halik at proud ako roon. Ang lakas ng dating sa akin ng dalaga first time nangyari sa akin ‘to na dumikit lang ako sa katawan niya nanigas agad ang kargada ko. Kaya hinangad kong halikan at pinagsisihan ko dahil sumakit ang puson ko dahil meron nag walang cobra sa loob ng brief ko. Balewala ang inabot kong sampal galing dito. Honestly nakita ko na ito malayo pa lang bago nito ibato ang hawak at tumama sa windshield sa harapan ng sasakyan ko. Mukha kasing tulala ang dalaga parang tingin ko meron itong problema. Malayo pa lang kita kong maganda ang dalaga kahit na napaka simple lang kumpara sa mga babaeng tahasang nagpapakita ng motibo sa akin sa Maynila. It's like the girl doesn't even know she's beautiful. No lipstick on the lips either. Ponytail lang sa mahabang buhok at walang pakialam kahit malaki ang suot na t-shirt at maong na pantalon. Napangiti ako. Magkikita rin tayo sa sunod. May naisip akong kalokohan. “Ehem, iba na ‘yan, Vlad. Nangingiting mag-isa,” tikhim ni Goliath. He was observing my behavior, so I gave him a glare. “Alam mo ikaw kun'di ko lang alam na may gusto ka kay Martha at sa ibang babae, iisipin ko na bakla ka,” nakasimangot kong saad sa kaniya. “Tamang hinala ka naman Vlad,” katwiran pa. “Paano napaka tsismoso mo. Manahimik ka na istorbo ka sa iniisip ko,” “Sino yung babaeng hinalikan mo–aray!” Hindi ko pinatapos dahil binatukan ko ito. “Ayan tumahimik ka siguro maigi pa,” subalit akala ko lang pala dahil hindi muling nagsalita si Goliath. “Vlad! Linggo naman bukas, mag bar tayo, bago man lamang ako bumalik sa Villa Cara,” Tumingin ako sa relo ko sa braso. Ala una pa lang ng hapon may time pang magpahinga so I nodded to him “Sige. Maganda siguro kung yayain natin si boss Drake,” wika kong nakangisi. “Gusto ko ‘yan. Matagal na rin naman natin hindi nakakasama si boss Drake,” sabi pa ni Goliath. Hanggang ngayon kasi nakasanayan na namin na gano'n ang tawag sa dating boss at naging matalik na kaibigan nila Goliath. “P'wede, kung payagan ng Misis niya. Sige Goliath tawagan mo,” wika ko pa. Ganoon nga ang ginawa ni Goliath. Sakto pinayagan ng asawa. Napangiti ako. Minsan lang naman kaming mag-bar na magkaibigan, kahit ngayon lang dahil pauwi ulit ako sa farm sa sunod na buwan. Dalawang Linggo na lang dahil akinse na ngayon. Papa, gave me two conditions. Dalawang buwan kong pamahalaan ang farm or mag-asawa na ako. No way! Asawa? Hindi pa ako nasisiraan ng bait. Mag-aasawa lang ako kung siya na ang babaeng mamahalin ko. Mas mainam na ang pinili ko kaysa habangbuhay kong pagsisihan na maagang nagpakasal ng walang involved na pagmamahal. Maraming mag-uunahan na pakasalan ako, kahit paano lumalaki na ang negosyo ko. Pero hindi ko gagawin ‘yon, dahil para sa akin–magpapakasal lang ako kung sa babaeng gusto kong makasama habangbuhay. Sa bahay ko sa Bangkal sa Makati kami tumuloy ni Goliath. Pinatayo ko ito sa nabili kong almost 300sqm na lote. Naubos ang ipon ko rito, kaya dalawang taon ko pa lang naipatayo ang bahay ko ng makaipon ulit ako. Isang two storey house. May four bedrooms sa taas kasama ang aking silid at sa baba ang living room, dining area at ang office ko. May isang comport room sa baba sa tinatamad umakyat. May sarili kasing mga CR bawat silid sa taas. Sa labas may parking space sa tatlo kong kotse at may pinagawa akong gazebo kung may bisitang kaibigan ko at maisip mag inuman kami. Pagdating namin sa gate pagbusina binuksan ako ng kasama ko sa bahay na si Carlotta. Dalawa sila kasambahay ko, mga pinsan ng kasambahay nila Drake. Bihira lang kasi ako umuwi rito kaya dalawa lang sila ni Carlotta. Madalas kasi ako roon sa main ng motorcycle parts ko. Nakasanayan ko rin doon matulog dahil may k'warto ako roon. Uuwi lang ako rito sa bahay ko kung sabado at Linggo. Dala ang mga labahin. “Hi Carlotta, lalo kang gumaganda,” pagbaba namin sa sasakyan iyan agad ang sinalubong ni Goliath. Napailing ako dahil sumimangot si Carlotta. Narinig ko pa ang bubulong-bulong nito, bago pumasok sa loob ng bahay. Pero kami ni Goliath naiwan pa sa garahe. "Bakit kaya si Sir Vladimir, nagdadala ng kaibigan mukhang mongoloid e, kagwapo ni Sir Vlad, samantala ang kaibigan nito nevermind.” Nasamid ako ng marinig ko iyon lalo ng umusok ang ilong ni Goliath. Inawat ko dahil balak ulit asarin si Carlotta. “Papatulan mo pa kaya palagi kang inaasar kapag narito ka kasi pikon ka,” saway ko. “Aba'y dude, nakakalalaki na e,” pikon na saad ni Goliath. Mahina akong tumawa. “Ikaw naman baka nagsasabi lang siya ng totoo,” I chuckled ng ambahan ako ng suntok. “Nakakita ka lang kanina ng babae tumaas na tingin mo sa sarili mo Vlad. Tandaan mo, mas matangkad pa rin ako sa'yo kaya ‘wag gano'n,” “Hindi ko makakalimutan kaya nga tinawag kang Goliath ni Senior Oscar dahil Ikaw ang pinakamalaki sa atin. Eh, sa kargada baka mas malaki pa akin,” Bumunghalit ako ng tawa dahil aarte itong tatagalin ang sinturon sa pantalon. “Ulol sabi nga noon ni boss Drake ay nasukat niya ang iyo,” muli kong dinugtungan. “Sabi ni boss Drake six inches lang iyo. Maliit kumpara sa amin na 10 inches–” umaalog ang balikat ko dahil mabilis itong nagreklamo. “Tang-na! Hoy, Vladimir? Bakit ang liit naman ng tit* ko. Ano, kayo lang mga pinagpala? Hindi ako papayag,” “Edi doon ka magreklamo kay boss Drake,” sabay iniwan ko sa labas nauna na akong pumasok dahil panay ingay nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD