Kanina pa'ko nakatitig sa pawid na bubong. Tama si Mihael! Ang mga kinakatakutan ko... nagkakatotoo na.
Ang aswang! Isang aswang ang nakita ko nang lumabas ako pero hindi ko ito inaasahan. Takot ang mga aswang sa tao dahil alam ng mga ito ang kahihinatnan oras na maghasik ng lagim ang mga ito. Kamatayan ang kapalit nito kapag lumusob ang mga ito. Isang haka-haka lang ang tungkol sa mga aswang. Kailangan naming umalis sa lugar na ito! Poprotektahan ko si Mihael.
"Hmm... Roxy? Why s-still awake?" Tumikhim ang lalaki nang sunod-sunod. "I'm thirsty, get a glass of water for me, please."
Nang makita ko ang bulto nito—napapikit ako nang maalala ko ang biglang pagbabagong anyo ko para paalisin ito. Nakita ko ang takot sa mata ng halimaw nang makita nito kung ano ako.
"R-Roxy..."
Pinagtiyagaan ko na lang na gamitin ang mineral water sa loob ng bahay para ito ang gamitin sa face towel pampunas sa lalaki kanina dahil ayoko nang lumabas. Dahan-dahan akong tumayo para kunin ang bottled water sa lamesa. Kalaking tao nitong kaibigan ko pero parang bata ito na kailangang alagaan palibhasa anak-mayaman. Kumuha na rin ako ng baso para isalin ito.
Muli akong tumabi sa lalaki nang makainum na ito. Napayakap ako sa kanya pero ang halimaw sa taas ng bubong kanina, kung nakita na ito ni Mihael, ibig sabihin, muli itong bumalik sa bahay nila? May balak na masama ang halimaw na iyon—iisa lang ang pinagmulan namin pero hindi ko ito kilala. Alam ko kung ba't sumusugod ang mga ito—kagutuman. Hayok sa laman at dugo ng tao ang mga gano'ng uri ng nilalang.
"S-scratch my back, Roxy, it's i-itchy..."
"M-Mihael..."
"Hmm? Lower... yeah, there!" Tumihaya na ng higa ang binata matapos itong gawin ng babae. "Goodnight."
"Ang nakita mo, Mihael." Humigpit ang yakap ko sa lalaki kasabay ng paglagay ko ng paa ko sa tiyan nito. "Nakakatakot b-ba?"
"It is! First time kong makakita nang ganon. Have you seen it before but I think, hindi pa yata?" Binalingan ni Mihael ang nakapikit na babae. "Don't go out para hindi ka mapahamak. I don't know but I can't explain it. Hindi ako naniniwala sa mga gano'ng klase ng nilalang but I'm not dreaming. What are they, Roxy?"
"Aswang!"
"What?" ulit ni Mihael. "Aswang? It's a myth only but if you say so, I think I'll believe you now since I saw it. Interesting but scary. Don't go anywhere without me."
Naramdaman ko ang paghaplos ng kamay ni Mihael sa pisngi ko. Hindi ko namalayang nauna pa pala akong nakatulog kaysa kay Mihael dahil nang magising ako, wala na ito sa tabi ko.
"Mihael?" Napabalikwas ako ng bangon at dahan-dahang bumaba sa kwarto pero wala ang lalaki. "Mihael?" Napasigaw na'ko pero walang sagot sa lalake.
Wala sa loob ng bahay. Wala sa labas! Napatakbo ako paikot ng bahay pero hindi ko makita ang kaibigan ko kaya sa masukal na gubat ako napadpad ilang sandali pa. Wala akong makita ni isang tao rito.
"Mihaeel! Nasa'n kaaa?"
Um-echo ang malakas kong hiyaw sa gubat pero walang sumagot. Gusto ko nang umiyak nang hindi ko makita ang lalaki hanggang sa mahaba kong paglalakad, nakarinig ako ng lagaslas ng tubig. May naririnig akong tawanan ng tao kaya sinundan ko ito. Tumambad sa'kin ang ilang kababaihan sa sapa na naglalaba at mga batang naglalaro sa tubig kasama si—Mihael.
"Mihaeel!" inis kong hiyaw. Hindi man lang ako ginising ng kumag na 'to! "Nakakainis ka, ha! Nagso-solo flight ka na naman. Hindi mo ba natatandaan kung ano 'yong nakita mo kaga—"
"Hey!" Mabilis na umahon sa tubig ang binata para lapitan ang babaeng nakasimangot. "Look, see them? May bayan daw rito kung sa'n sila nakatira. They're inviting us to a festival. P-punta tayo?"
Nagsalubong ang kilay ko nang tingnan ko ang lalake. Hubad-baro ito at naka-short lamang. Inis kong binalingan ang mga kababaihang nakatingin sa'min. Mga kadalagahan ito at may mga edad na rin ang iba.
"Kailan ka pa naging friendly, huh?" halos pabulong kong tanong sa kanya. Snob ang lalaking ito kaya nakapagtataka. Muli akong napatingin sa mga taong naglalaba. May kalayuan ang mga ito sa'min. "Ang nangyari sa'yo kagabi, nakalimutan mo na? Pa'no kung isa diyan o baka lahat 'yan mga halimaw? Baka mamaya, gawa'n ka nila ng masama, Mihael. Huwag kang magtiwala kahit kanino!"
Napailing na lang ang binata sabay kaway sa isang matanda sa isang direksyon. May pagtataka kong sinundan ng tingin ang matandang babae. Bigla itong umupo sa isang malaking bato at nagsimula na rin itong maglaba. May pagdududa kong tiningnan si Mihael. Tandang-tanda ko ang mukha ng matandang babae kahapon pero ang isang ito, hindi siya 'yon.
"I know that look. Mababait sila at mga residente sila rito kaya 'wag kang ganyan, Roxy."
"Pa'no ka napadpad dito?" inis kong tanong. "Ang layo nito, ah. Napagod nga ako sa paglalakad ko." Parang gusto kong hampasin sa likod ang lalaki pero alam kong may iniinda pa ito dahil sa pagbagsak nito kagabi.
Nang maalala ko ito, mabilis kong sinipat ang mga gasgas nito sa braso at paa. Sariwa pa ang sugat nito.
"Mihael naman!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko nang hilahin ko ang tenga ng lalaki na ikinaaray nito. "Ang sugat mo fresh na fresh pa pero binasa mo na agad? Papa'no gagaling 'yan?"
Hindi ko na pinasagot ang lalaki nang hilahin ko ito pabalik sa bahay. Kahit bagong salta ako rito, hindi ko malilimutan kung sa'n ako pumasok. Isang bagay na angkin ko dahil sa talas ng pang-amoy at pakiramdam ko.
"Hindi man lang tayo nakapagpaalam sa kanila. Hay, Roxy! Ikaw talaga..."
"Nakapagtataka naman!" Inirapan ko ang lalake sabay waslik sa kamay nitong hawak ko. "Kailan ka pa naging friendly, ha? Hindi ka naman dating ganyan." Aloof ito kaya big question ito sa'kin.
"Actually, tinulungan ako ng matandang iyon nang maligaw ako sa gubat, Roxy, kaso lang narinig ko 'yong lagaslas ng tubig kaya napapunta kami rito. Balak niya 'kong ihatid pero gising ka na pala. Akala ko lunch time ka pa magigising eh, napaaga naman ang gising mo."
Muli akong napahawak sa kamay niya. Wala akong tiwala sa paligid ko matapos ang engkwentro ko sa halimaw na iyon. Wala akong maramdaman pero maraming pangamba ang nagsisimula nang mag-uumalpas sa dibdib ko. Padabog akong naglakad sa sobrang inis ko.
"That's our house." Nakangiting tiningnan ng binata sa unahan ang bahay nito. "Mukhang alam na alam mo ang daan, my love." Inakbayan na ni Mihael ang nakasimangot na babae sabay halik sa pisngi nito.
Parang pinalis ng halik nito ang anumang inis ko sa katawan. Alam na alam talaga ni Mihael ang kiliti ko para mapaamo ako nito. Umirap ako sa kanya pero kasunod nito ang pagngiti ko. Suot na rin ng lalake ang t-shirt nito. Naiinis ako sa tingin ng mga babae sa ilog kanina. Nagseselos ako! Masyadong macho at guwapo si Mihael. Ayoko ng may karibal sa atensyon niya.
"Sir Mihael!" Dalawang lalaki sa tapat ng bahay ang naghihintay sa dalawa. "Kanina pa kami rito. Naku, sir, wala man lang kasignal-signal dito."
"Don!" Tuwang tinanguan ni Mihael ang mga bagong dating.
Inirapan ko ang lalaki nang mapatingin ito sa'kin. Ang lakas ng loob nitong kindatan ako eh—ubod ng pangit naman. Ang isang kasama nito, napayuko ito bigla nang magtama ang paningin namin.
"Kanina pa kita kinokontak, sir, hindi kita matawagan kaya dumeretso na kami rito." Tinapik ng lalaki ang mountain jeep na maliit. "Hinatid lamang namin 'to then may mga pagkain at grocery din dito."
Nakahinga ako nang maluwag nang marinig ito. Wala ako sa mood magluto dahil sinaunang panahon pa ang gumamit ng kahoy sa pagluluto.
"Portable gas stove, may dala kayo?" sabat ko sa pag-uusap ng mga ito. Napangiti ako nang tumango ang lalake. "Good!"
"Puro pang-camping 'to, ma'am, kaya kumpleto." Nakangising saad ng tinawag na Don. "Ilalabas lang po namin then ise-set up na rin."
Irap ang sinagot ko sa lalaki bago nagmartsa papasok ng bahay. Naulinigan ko pa ang pag-uusap ng mga ito kaya lalo akong napangiti.
"Yes, sir. Kumpleto ang mga pagkaing ni-request niyo. Hoy, Ding, tulungan mo'ko rito nang makakain na sila Sir Mihael at Ma'am Roxy."
Humilab ang tiyan ko nang marinig ko ang salitang pagkain. Mabilis ang ginawa kong paghilamos gamit ang mineral water na naman. Lalo akong ginutom nang sa paglabas ko, naka-set up na ang mesa na puno ng pagkain.
"Kayong dalawa, sumabay na kayo sa'min." Utos ni Mihael na nakaupo na sa camping chair. "Mag-set up kayo ng tent dito mamaya para diyan kayo matulog." Nakaturo ang kamay nito sa isang puno, ito ang punong inakyat ng lalake kagabi. "Mas maganda diyan para may lilim paggising niyo bukas. Summer ngayon kaya mainit."
Tumaas ang kilay ko dahil may kasama pala kami pero ok na rin para mas maging safe kami. Mukhang walang balak umalis si Mihael dito. Napakagat ako sa labi ko nang makita ko ang lahat ng paborito ko; sugpo, adobo, pancit—hindi ko na mapangalan ang iba dahil sa gutom ko. Mabilis pa sa alas-kuwatrong umupo ako sa tabi ni Mihael. Nauna na'kong sumandok ng kanin para makakain na.
"Umupo na kayo, Don and Ding. Para sa'ting lahat 'to."
Napangiti ako nang sabihin ito ni Mihael. Isa ito sa katangian ng mahal ko dahil hindi ito madamot. Hindi nito tinatratong iba ang mga taong mas mababa ang antas sa buhay ng mga ito.
"Hoy! Kayo Ding at Don, naniniwala ba kayo sa aswang?" Tinaasan ko ng kilay si Don na biglang napatakip ng bibig nito. Napatingin ako kay Ding, wari'y na-shock ang lalake nang banggitin ko ito. "Nakakita na ba kayo no'n?"
Tawanan ng lalake ang kasunod ng tanong kong iyon kaya inis kong binagsak ang plastic kong pinggan. Hindi naniniwala ang dalawang ito sa aswang!
"Kayong dalawa, bantayan niyo nang maige 'yang sir niyo. Ako ang makakalaban niyo kapag hindi niyo ginawa." Tumaas ang sulok ng labi ko nang tumahimik bigla ang dalawa. May gagawin lamang ako mamaya. "Kahit hindi kayo naniniwala, 24-hours magiging guwardiya kayo ng amo niyo."
"Roxy, one night lang sila rito then uuwi rin sila bukas. Papatulong lang taong i-set up lahat dito para kumpleto tayo sa gamit."
Inis kong binalingan si Mihael. "So, wala kang balak umalis dito, Mihael, pagkatapos nang nakita mo kagabi?"
Napailing ang lalake sabay ngiti sa dalaga. "We don't know what that is, but my curiosity never stops."
Nandilat ang mata ko sa sinagot nito. Inis akong bumalik sa pagkakaupo ko. Pinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko sabay linga sa paligid ko. Wala naman akong napansing kakaiba. Baka naligaw ang nilalang na 'yon kagabi pero kailangan pa rin naming mag-ingat.
"Pa'no kung bumalik 'yon, Mihael?" Napuno ng pangamba ang dibdib ko dahil sa tent matutulog ang dalawang 'to! "Baka mapa'no sila?"
"Magca-camping tayo later dito kasama sila. Dito tayo matutulog sa labas, Roxy. Don't worry! We're safe naman kaya walang mangyayari mamaya. I will always protect you"
"Eh, ma'am," sabat ni Ding. "Huwag ho kayong mag-alala. Marami kaming mga gamit diyan panlaban sa aswang." Kumindat si Ding kay Don kasabay ng pag-ubo nito dahil sa pigil na pagtawa. "Poprotektahan namin kayo."