"Ano 'yon?" Nangunot ang noo ko nang tumayo ako habang hindi ko hinihiwalayan ng tingin ang paggalaw ng pawid na bubong. "Roxy, follow me!" Agad akong napalabas pero hinila ako ng babae kaya napahinto ako.
"Huwag, Mihael, baka kung ano 'yan. Ako na!" Palabas na si Roxy nang itulak ito ng lalaki pabalik sa loob. "H-hooy," inis na sigaw ng dalaga. Naunahan siya ng binata sa paglabas.
Naisara ko na ang kawayang pinto bago ito ni-lock sa labas. Kahoy lang din ang ginawa kong pangharang na nakita ko sa gilid kaya 'di na mahirap. Nasa loob ang babae at nagsisigaw din ito kaya napangisi ako.
"Ta*na, Mihael, buksan mo ang pinto kung ayaw mong sirain ko 'to. Kainis kaaaa!"
Napahalakhak ako sa tono ng boses nito, mukhang masasabunutan na naman ako ng babae mamaya. Mabilisan lang ang ginawa ko nang tingnan ko ang bubong. Gamit ang cellphone, binuksan ko ang flashlight nito pero wala akong makita nang pailawan ko ang gawi malapit sa bubong. Naririnig ko pa rin ang ingay kaya ang ginawa ko, sumampa ako sa punong malapit sa bahay para lalo pang mabistahan ang bubong. Hindi pangkaraniwan ang kaluskos na naririnig ko at papalakas ito nang papalakas.
Latag na ang dilim at walang mga street light sa daan. Mukhang malayo sa kabihasnan 'tong napuntahan namin. Ito ang lugar na gusto ko kaysa sa magulo at maingay na lugar kapag nasa siyudad ako.
"Mihaeeel!"
Hindi ko na inabala pang sagutin si Roxy. Nawala na ang mga kaluskos na narinig ko pero napatda ako sa sumunod. Isang pagaspas ang kasunod ng kaluskos na iyon. Lalo akong na-curious. Kakaiba ang tunog na iyon.
"Buw*sit ka, Mihaeeel."
Nakikita ko ang paggalaw na kawayang pinto. Siguradong pinagsisipa na ito ng babae dahil sa paggalaw ng kawayang hinarang ko sa labas. Tinaas ko ang cellphone ko nang tuluyan akong makasampa sa malaking sanga ng kahoy. Hindi ito kataasan kaya madali na lang ang pag-akyat ko. Tinutok ko ang flashlight nito kung saan ko naririnig ang ingay.
Lalong lumakas ang hangin nang lumakas ang pagaspas. Hindi ito pangkaraniwan! Punong-puno ako ng kuryusidad nang itutok ko ang ilaw sa aninong nakita ko. Naningkit ang mata ko nang makita ko ang bulto ng—isang tao?
"Hey! Who are you?" Napaawang ang labi ko nang bumuka ang malaki nitong pakpak. "W-what are y-you?" Nautal ako nang makita ko ang paggapang nito papunta sa gawi ko.
We exchange glances and there's something about those eyes that chills me. Is there a Holloween celebration nearby? How did this one end up on our roof? Baka naman pinagtritripan kami ng ilang residente rito dahil bagong salta kami?
"Aww! F*ck!" Napatingin ako sa ibaba, si Roxy, nakapamaywang na ito. Hawak nito sa kamay ang kahoy na pinagpapalo nito sa paa ko. "Can you stop, Roxy? You're so annoying!"
"B-bumaba ka diyan, M-Mihael! Walangh*ya ka!"
"Can you shut up? I found something up here." Nilahad ko ang kamay ko para ipakita sa babae ang ibig kong sabihin. "Umakyat ka, Roxy. Humawak ka sa kamay ko, I'll show you something."
Napalingon ako nang marinig ko ang mahinang ungol nito. Napaawang ang labi ko nang muli ko itong pailawan. Kitang-kita ko ang kabuuan nito; ang kamay nitong may matutulis na kuko at ang katawan nito. No! This can't be! Ano'ng klaseng nilalang ito? Nagliparan ang ilang dahon sa bubong nang lumipad ito palayo bigla. Nasundan ko ito ng tingin hanggang sa lumiit na ito sa paningin ko. Napahigpit ang hawak ko sa cellphone kasabay ng panginginig ng kamay ko. It's real! It's not a custome worn by anyone. Sino ang makakalipad nang ganon? Napasunod ang mata ko nang lumipad pa ito paitaas hanggang tumapat ito sa bilog na bilog na buwan. Nagmukha itong isang paniki sa malayuan.
"Hoy, Mihael! In-offer mo ang kamay mo pero 'di mo na rin naman pala ako hahawakan. Kainis ka!" Mariing kinurot ni Roxy ang lalaki sa tagiliran nang makaakyat na ito nang tuluyan."Hoy!" Halos sampalin na ng babae ang kabigan na nakanganga. "Mihael?" Napatingin si Roxy sa buwan kung saan nakatingin ang kaibigan. Napalitan ng pa-aalala ang mukha nito nang makita ang pamumutla ng lalaki. "Ano'ng nangyari sa'yo, ha?"
Naramdaman ko ang malakas na pag-ingit ng sanga nang unti-unti itong mabali. Bigla kong niyakap si Roxy nang sundan ito ng malakas na pagbagsak namin sa lupa. Mas una kong pinrotektahan ang babae nang yakapin ko siya para hindi ito mapuruhan.
"Mihaeel!"
Napangiwi ako nang maramdaman ko ang bigat ng babae sa ibabaw ko. "My back!"
Kahit nakaramdam ako ng sakit ng likod ko, hawak-hawak ko ang sangang nabali sa likod ng babae. Hindi ito nakasayad sa katawan ni Roxy dahil sa mabilis kong pagsalag para hindi masaktan ang babae. Nauna pa kaming nahulog bago ito tuluyang napigtas mula sa puno.
Sumuot palabas si Roxy bago ako nito tinulungang tanggalin ang sanga sa ibabaw ko. Hindi naman kalakihan ang sanga pero siguradong pasa ang aabutin ni Roxy kung hindi ko ito nasalo. Hindi nakaya ng sanga ang bigat naming dalawa kaya bumigay ito.
"Ok ka lang?" Napayakap ang dalaga nang makita ang pagngiwi ng lalaki. "Sa'n ang masakit, ha? Kung sinunod mo lang sana ako, hindi mo na sana inabot ang ganito. Matigas ang ulo—"
"S-stop acting like my mom, please." Ang ina kong walang panahon sa'kin pero may panahon sa kalaguyo nito. Ganito si Mommy sa'kin kapag hindi ako sumusunod and my dad, napailing ako. Ang ganid kong ama na pati ang mahihirap ay inaagawan ng maliliit na kabuhayan. "Im here to enjoy not to stress myself. Don't mention or remind me of them."
"Hindi ako ang nanay mo!" inis na reklamo ng dalaga. "Wala naman akong mine-mention, ah! Sensitive ka masyado. Ako lang 'to, besh. It's Roxy, at your service."
Binuhat ko ang sanga na 'di naman kalakihan saka ito hinagis sa gilid ng bahay. May pagmamadali kong hinila papasok ng bahay ang babae. Siniguro kong lock ang pinto bago naman pinuntahan ang mga bintana para siguraduhing naisara ito nang maayos.
"B-bakit, M-Mihael?" Kuno't noo ang dalaga nang sundan ang bawat galaw ng kaibigan. Sumunod ang dalaga nang sa kusina naman pumunta ang binata. "Hoy, ano ka ba? Ba't aligaga ka? Tingnan ko nga 'yang likod mo. Kailangan nating umalis dito kung hindi ok ang pakiramdam mo."
"Roxy, hindi mo ba narinig 'yong ingay kanina?" Palakad-lakad na'ko sa harap ng maliit na sala. Napaupo ako sa gilid ni Roxy nang hilahin ako nito. "Careful.." Napangiwi ako nang makita kong may gasgas ang braso ko. Pati sa kamay kong hawak ng babae, nasagi nito ang maliit na sugat ko.
"Hay naku! Sinasabi ko na nga ba!" Nagmadaling umakyat ng kwarto ang dalaga. Maliit na hagdan ang nagdudugtong dito na hindi naman kataasan. "Here!" Hawak ng babae ang medical kit nang umupo muli sa tabi ng binata.
"Ang pagaspas, Roxy?"
"What do you mean?" Hinipan pa ng dalaga ang kamay ng lalaki nang biglang ngumiwi ito. "Para ka namang bakla, Mihael. Ang liit lang ng sugat na'to."
"Likod ko ang m-masakit dahil d-dinaganan mo'ko! Roxy—"
"Hmm?" Umangat ang mukha ni Roxy, nagtatanong ang mata. "Ano?"
"Ang kaluskos sa bubong—" Natigilan ako nang makarinig na naman ako ng mahinang kaluskos sa bubong. "That's it, Roxy. May naririnig na naman akong kaluskos."
"Mihael, kelan ka pa naging b-bakla?" asar na buwelta ng dalaga. "Iyang braso mo, akin na!"
"I'm not joking, R-Roxy! I saw something unusual on the roof. I can't explain it."
"Like what? Manok lang 'yon, akin na 'yang isa pang braso mo. Hindi ka naman nagpapaniwala sa mga gan'on, 'di ba?"
Umangat ang mukha ng dalaga nang hilahin ko ang braso kong nilalagyan nito ng betadine. Sunod-sunod ang pag-iling ko.
"Like a human, with big wings, R-Roxy. His eyes, very reddish and frightening. Nakita ko ang pangil niya dahil dahan-dahan siyang lumapit sa'kin t-then—I ca'nt believe it!" Naipilig ko ang ulo ko bago muling napatingala. "D-do your hear t-that? I think t-that's him." Agad kong kinapa ang loob ng bulsa ko nang matigilan ako. "Sh*t! My phone, R-Roxy, nabitawan ko kanina nang mahulog t-tayo!"
Bago pa man ako nakatayo, nakalabas na sa pinto ang babae at pabagsak pa nitong naisara iyon. Taranta ko itong tinakbo pero hindi ko ito mabuksan. Siguradong may hinarang ang babae sa labas kagaya nang ginawa ko kanina.
"R-Roxy, o-open the door! This is not funny!" Napahawak ako sa balakang ko nang maramdaman ko ang panan*kit nito. Napuruhan yata ako sa maling pagbagsak ko kanina. "Open the d-door!"
Wala akong narinig na kahit na ano mula sa labas kaya lalo akong kinabahan nang tumahimik na lang bigla. Ang mga kaluskos, bigla itong nawala. Si Roxy—binundol ako nang sobrang kaba. Isang malalim na hininga ang pinakawalan ko bago ako bumwelo. Naglakad ako nang paurong at patakbong babanggain na ang pinto nang bigla itong bumukas. Bumagsak ako sa lupa!
"M-Mihael! Ano ka ba? Ba't mo g-ginawa 'yon?" Inalalayan nito ang lalaking tumayo. "Nakita ko na ang phone mo." Pinakita ito ng dalaga sa lalaking nakangiwi.
"Next time, don't do that to me! May n-nakita nga akong—" Sh*t! "Hindi ko ma-explain but believe me. Maihahantulad ko siya sa isang—monster. Yes! That's the right term sa nilalang na iyon. A monster! Wait." Kumawala ako sa pagkakaakbay ko sa babae bago paika-ikang naglakad palayo sa bahay. "Give me back my phone. Pailawan mo sa bandang bubong para makita mo."
Padabog na lumapit ang dalaga at hindi na rin maipinta ang mukha nito. "M-Mihael, guni-guni mo lang 'yon. Manok ang lumipad kanina nang lumabas ako. Ano ka b-ba!"
Inis kong kinuha sa kamay nito ang cellphone. Nakahinga ako nang maluwag nang gumana ito pero nang pailawan ko ang bubong, wala akong nakita na kahit ano.
"Nagha-hallucinate ka lang, Mihael. Pumasok na tayo sa loob. Kailangan ko pang linisin 'yang sugat mo tsaka p-pwede ba, magpalit ka rin ng shirt mo pagkatapos mong maglinis ng katawan. Daming alikabok, oh!" Pinagpag ng dalaga ang damit ng lalaki. Napapasunod na lang ito sa pinupuntahan ng kaibigan nang ikutin nito ang bahay. "H-Hoy, ano ba! Gabi na."
"Roxy—"
"Pagod ka lang siguro kaya kung anu-ano na 'yang iniisip mo."
Tinalikuran ko ang babae pero nang maalala ko na naman ang nilalang na nakita ko, napabalik ako sa pwesto ng babae para hilahin ito papasok ng bahay. Siniguro kong maayos ang pagkaka-lock ng lahat bago kami pumunta ng kwarto.
"So hindi ka na maglilinis ng katawan mo? Nasa labas ang poso. Ngayon, alam mo na—na mas magandang mag-stay sa mas maayos na bahay or hotel. Umalis na tayo rito, Mihael. Bukas na bukas din! Hindi kita ma-gets, besh. Ba't tayo nagtatiyaga sa ganitong bahay kung afford mo naman sa 5-star hotel? Sa bayan, do'n tayo lilipat, ok?"
Hindi ako makasagot. Very peaceful para sa'kin ang ganitong lugar kaya ito ang pinipili ko madalas. Malayo sa tao, malayo sa gulo... malayo sa sakit na nararamdaman ko. Nahilamos ko ang kamay ko sa mukha nang biglang nabuo ang imahe ng nilalang na 'yon sa isip ko. Sumakit ang ulo ko dahil sa karanasan kong 'yon kanina.
"Linisan mo ang katawan ko, Roxy. Masakit pa ang likod ko pati 'tong mga gasgas ko, please."