Episode 1: Roxy
"Roxy?" tawag ni Mihael kasabay ng pag-ayos nito ng makapal na salamin sa mata.
Hindi ko na maintindihan ang sinasabi nito dahil abala ako sa pagbuklat ng librong nasa harap ko. Tumaas ang kilay ko nang madako sa mga larawang related sa katatakutan ang pahina ng libro. Iniharap ko ito sa'kin para tingnan ang title nito, The Devil's Possession by Malahk Sutrah. Kahit ang book cover, nakaka-impress din! Hmm...
"Hindi ka naman nakikinig, eh," naiinis nang tumayo si Mihael para iwan ang kaibigan. "Diyan ka na nga!"
Agad nang tumalikod ang lalaki pero mabilis ko itong nahabol. "Ano ka ba naman, Mihael, ang sensitive mo naman!" Napalakas tuloy ang boses ko.
Gusto ko nang pumadyak dahil sa pag-uugali nito pero inintindi ko na lang. Lagi kasi itong nabu-bully sa school kaya mabilis itong masaktan. Ako ang laging tagapagtanggol nito pero may ugali rin minsan itong kaibigan ko. May tantrums ito palagi sa katawan.
"Quiet, please!" Halos pasigaw nang parinig ng librarian na sa'min nakatingin sabay turo nito ng nakadikit sa pader.
Kahit sa'n ko ibaling ang tingin ko, puro "OBSERVE SILENCE" ang nakadikit sa pader dito sa loob ng library. Nagkibit-balikat lamang ako sabay hila sa lalaki palabas ng library.
"Nakakainis ka!" Napasimangot ako at masakit na irap ang binato ko rito na ikinakunot noo nito habang pababa kami ng hagdan. "Tantrums pa more, lagi na lang."
"You don't understand, Roxy. Gusto kong mag-excel sa grades ko, you know that." Kipkip ng binata ang ilang librong hiniram nito sa library. "I'm not like you, I'm also helping you dahil muntikan nang mawala ang scholarship mo. Ilan pa bang home study at pati rito sa school ang gagawin natin para mag-concentrate ka sa ginagawa kong pag-tutor sa'yo?"
Oo nga pala! Running for C_m Laude itong kaibigan ko kaya very smart ito. Huling taon na namin sa kursong Business Management. Parehong major in Finance ang nakuha namin ni Mihael, ang bestfriend kong ubod ng guwapo kaso lang, may pagka-nerdy ito. Puno ng gel ang buhok nito kaya pinong-pino ito sa paningin ko tapos ang salamin nito, mataas din ang grado nito kaya makapal tingnan. Nasubukan ko na itong isuot minsan pero naduling lang ako.
"And you need to maintain your grades too, Roxy, scholar ka ng school na'to so please, 'wag mong ibabagsak ang grades mo. Bumaba ang grades mo sa last grading natin. I'm not happy seeing those numbers."
Pa'no ba naman, maswerte na'ko kapag maka-2 ako then last grading, naging 3 ito. Hindi naman ako bumagsak pero nakalambitin ito kaya hindi natutuwa ang madunong kong kaibigan palibhasa puro 1 ang grades nito. Isang prestihiyosong eskwelahan itong napasukan ko at kung aalalahanin ko lang ang araw ng unang pagkikita namin, very memorable ito. Tinadyakan ko lang naman ang nam-bully sa kanya nang mapadaan ako sa gawi nito. Tahimik lang ang lalaki noon nang buhusan ito ng isang lalaki ng cold chocolate sa ulo. Nerd na nga, maysa-jologs din itong manamit dahil sa iba-ibang kulay ng damit nito. So awkward! So annoying! Lagi ko itong nakikita na pinagdidiskitahan ng mga kalalakihan. Pinagpupustahan pa nga ito paminsan kaya to the rescue ako lagi. Since grade 12 ba naman, kaklase ko na siya hanggang maging close kami. Siyempre habang tumatagal, nakagawian ko na ang pangongopya sa kanya kaya na-maintain ko ang grades ko hanggang umabot ako sa huling taon ko rito nang magkolehiyo na kami.
"Halos ako na nga ang gumagawa ng mga assignment mo dahil lagi ka na lang inaatake ng katamaran mo. Common, Roxy. This is our last year, kaunting tiis na lang. Paulit-ulit na lang, eh. You really don't care, huh?"
Yakap na lang ang ginawa ko kay Mihael para aluin ito. Nang makita ko ang pagngiti nito, napangiti lang din ako nang malawak. Lumabas ang pantay-pantay na ngipin ng bestfriend ko pati ang biloy nito sa magkabilaang pisngi. Hay! Kung alam nito kung gaano ako kasaya kapag nakikita ko ang ngiting ito?
"Hello?" Inilapit ng binata ang mukha sa dalaga. "Knock! Knock!"
"Who's there?" mabilis kong sagot.
"Is Roxy here?"
"Of course!" Napatawa ako nang malakas bago ito binitawan. Mahigpit ko nang hawak ang kamay nito habang naglalakad kami.
"Tulala ka na naman, eh!" Nakangiti lang si Mihael nang sabihin ito sabay akbay sa dalaga. "What do you want, I'll treat you."
Ikaw ang gusto ko pero pinigil ko ang sarili kong ibulalas ito. Sa tagal ng panahong kami lagi ang magkadikit sa labas o loob man ng school, isang damdamin ang umusbong sa'kin para kay Mihael pero kinimkim ko lang ito. Ito lang ang taong mahalaga sa'kin ngayon, ang pamilya ko. After ng treat ni Mihael, bumalik na rin kami sa classroom para sa last subject namin.
Malakas na boses ng professor ko ang nagpabalik sa katinuan ko buhat sa pagpangalumbaba ko.
"Miss Roxy, are you with me? For the fifth time around, I will ask you again. Define that word." Tinuro ng kalbong professor ang outline ng finances na nai-drawing nito sa blackboard. "And there's more, tell me how to increase the gross income if you have that 10% percentage. Common."
Napatuwid ako ng upo bago ko narinig ang ring ng bell na iyon. Nakahinga ako nang maluwag bago binalingan si Mihael na salubong na ang kilay. Nakita ko ang pag-iling nito pero ngumiti lang ako sa kanya nang ubod tamis.
Muli akong sumama sa bahay ng bestfriend ko para sa dinner naman at after no'n, sa kwarto na kami napadpad. May nakapasak na headset sa tainga namin at panay ang sabay namin sa beat ng rock music habang nakadapa sa kama. After 30 minutes, kusa nang tinanggal ni Mihael ang mga headset namin.
"They're gone." Nakangiting binuksan ng binata ang laptop bago bumangon. "Let's start."
Tinaasan ako nito ng kilay nang makita nito ang mukha ko. Pagpasok pa lang namin kanina sa bahay nito, mainit na pagtatalo na ng magulang nito ang nabungaran namin sa living room. Napakaingay! Sa tagal ng pagkakaibigan namin ni Mihael, sanay na'ko sa tagpong ito. Deretso lang kami sa kwarto ng binata para pahupain ang mala-bulkang tantrums ng magulang nito bago kami magsisimula sa home study. Tahimik na naman kaya balik kami sa dating gawi kapag pareho nang nakaalis ang magulang nito. Kakain nang bongga sa dining then babalik na naman sa kwarto ni Mihael para mag-home study and lastly siyempre, ihahatid ako ni Mihael sa bahay.
"Thank you again, kitakits na lang bukas, ha?" Mabilis kong tinanggal ang seatbelt bago umibis ng sports car nito bago ko muling pinasok ang ulo ko sa nakabukas nitong bintana. "Thank you, bestfriend. I love you."
Seryoso lamang ang mukha ni Mihael nang tanguan ang dalaga. "I'll see you tomorrow, Roxy." Muling pinaandar nito ang makina ng sasakyan. "Send my regards to them, please. It's late na kasi kaya hindi na'ko papasok, ok? Go!"
Hatid ko lang ng tanaw ang papalayo nitong sasakyan. Hindi man lang sinagot ang "I Love You" ko kaya napasimangot ako. My friend is also a rich kid as in super sa pagka-rich. Mansiyon na ang bahay ng mga ito at hindi mabilang ang katulong ng mga ito sa bahay but my friend always feels empty—super empty ang heart niya dahil sa mga magulang nitong walang panahon sa kanya. Laging nag-aaway ang mga ito sa lahat ng bagay.
Nakangiti kong pinagmasdan ang malaking simbahan sa harap ko. Sa kabila nito ang isa pang karugtong kung saan naman nakatira ang mga madre at si Father Peter. Mabagal ko lamang tinalunton ang right side nito bago ako pumasok. Napalingon sa'kin ang ilang madre nang makapasok na'ko.
"Late evening, mga sister." Isa-isa kong niyakap ang mga ito bilang pagbati.
"Nasa'n na si Mihael, Roxy?" Takang tiningnan ni Sister Tere ang pinto, isa ito sa pinaka-head dito sa kumbento.
"Umuwi na po kasi late na pero regards daw sa lahat." Dere-deretso lang ako at hindi na nilingon pa si Sister. "Goodnight po." 8pm pa lang pero late na ito sa'min kaya 'di na'ko nagpapagabi pa lalo. Alam na alam ni Mihael ang oras ng curfew dito sa kumbento.
Mabilis akong naligo at nagbihis ng pantulog. Maliit na kwarto lamang itong inokupa ko pero sapat na ito sa'kin sobra. Simula nang umalis ako sa lugar na iyon, kinalimutan ko na kung ano ako. Namuhay ako nang normal. Tinakwil ko na ang lahi ko—ang pagiging aswang ko. Kahit si Mihael, hindi alam ng lalaki ang sekretong ito na pinakaiingatan kong hindi niya mabuko. Ang mga tao rito, walang nakakaalam sa buong pagkatao ko pati na ang pinagmulan ko. Kinupkop nila ako nang magpagala-gala ako sa kalye hanggang sa mapadpad ako rito sa simbahan, dito na nabago ang buhay ko.
Dahan-dahan akong lumapit sa bintana para pagmasdan ang buwang natapat sa kwarto ko. Halos half-moon lang ito at hindi ganun kaliwanag sa labas. Ilang beses pa ba akong matatakot kapag papalapit na ang full moon? Lagi akong kinakabahan! Ang buwang ito, may hatid itong kakaiba sa'kin. Dahan-dahan kong nilabas ang kwintas sa leeg ko, isa itong rosary na regalo sa'kin ni Father Peter nang mag-18 years old ako. Dinampian ko ito ng halik habang nakatingin sa buwan...