Episode 5: Mga Pangamba ni Roxy

2020 Words
Kanina pa dilat na dilat ang mata ko pero napakailap ng antok sa'kin. Lagpas hatinggabi na pero wala naman akong naramdaman na kakaiba. Mukhang tulog na ang lahat at ako lang yata ang gising. Napalingon ako kay Mihael, tulog na rin ang lalaki sa tabi ko. Pinagmasdan ko ang guwapo nitong mukha sabay haplos sa mamula-mula nitong pisngi. Napangiti ako nang magmulat ito ng mata pero yumakap lang sa'kin ang lalaki kaya nagsumiksik ako sa tabi nito. Saglit akong nagmatyag sa paligid kanina pero wala akong nakita na kakaiba kaya bumalik din ako ng bahay. Hilik ng mga lalake sa kabilang tent ang naririnig ko. Mag-aalas dos na ng madaling araw nang tingnan ko ang cellphone ko pero nanatili lang akong gising. Natatakot kasi ako na baka bigla na lang may sumalakay sa'min. Lumabas ako ng tent nang 'di pa rin ako dalawin ng antok. Sa camping chair ko na lamang piniling umupo bago pinakiramdaman ang buong paligid. Tahimik. Mga kuliglig na panggabi lang ang naririnig ko pero ang takot na nasa dibdib ko, hindi ito mawala-wala. Ang emergency light at de-bateryang portable lamp ang nagsisilbing ilaw sa kadiliman ng gabing ito. Maalinsangan din ang paligid kaya siguro hindi ako makatulog. Halos nag-aagaw na ang liwanag sa dilim nang hilahin ako ng antok ko. Napapitlag ako nang maramdaman ko ang sunod-sunod na pagtapik sa pisngi ko, si Mihael ang nabuglawan ko. "Why did you sleep here? Nakaalis na ang dalawa, may sumundo sa kanilang motorbike. It's nearly lunch na, Roxy. Nagluto sila ng pagkain before they left. Let's eat." Patamad akong tumayo para maghilamos sa poso pero natigilan ako nang makita ko ang matandang babae na nakita ko sa ilog kahapon. Papunta ito sa gawi namin na nakangiti pero hindi ko man lang ito sinuklian ng ngiti. May kasama itong isang batang lalake. Nakahawak ang matanda rito at sa kabilang kamay naman nito ang isang tungkod na kahoy. Ngiting-ngiti naman si Mihael nang makita ang matandang paparating. "Kumusta po?" bati ng binata nang tuluyang makalapit ang matanda. Tumaas ang kilay ko dahil wala akong tiwala ni isa man sa mga tao rito nang makita ko ang halimaw na 'yon nang isang gabi. Napaupo ang matanda sa upuan sabay hilot sa paa nito. "M-matanda na talaga a-ako, sumasakit na ang mga kalamnan ko sa mahabang paglalakad namin." Sumandig ang babae sa upuan. Inabutan agad ito ni Mihael ng isang basong tubig nang makita itong hapong-hapo. "Ano hong sadya niyo?" Nakataas ang kilay kong tanong. Kung galing ito sa kabilang bayan, ibig sabihin, malayo ito kung saan sila tumutuloy. "Manang?" Nakita ko ang isa pang lalake sa unahan na may hawak na kalabaw. May isang katamtamang karwahe na nakakabit sa katawan ng kalabaw na gawa lang sa kawayan. May nakita akong sako at gulay sa loob nito nang saglit ko itong sipatin. "Galing kami sa kabilang bayan." Nakangiting nilapag ng matanda ang baso sa maliit na mesang nasa harapan nito. "Namili ng kakailanganin namin dahil sa nalalapit na okasyon. Iho, Sitio Maldar ang pangalan ng lugar namin. Kung pupunta kayo ro'n, ipahanap mo na lamang ako sa makakasalubong niyo. Kilala na ako ro'n. Sabihin niyo lang ang pangalan ko. Ako si Iryang. Pwede kayong magpahatid sa tricycle na marerentahan niyo kung meron man." "Salamat ho, nag-abala pa kayo." Inalalayan ni Mihael ang babae nang tumayo ito bigla. Tinanaw ko na lamang sila nang ihatid ni Mihael sa kasama nito ang matanda. Masyadong maginoo talaga ang lalaking ito kaya love na love ko eh. "Aswang ka noh?" Matalim ang titig ng batang lalaki sa dalaga bago ito kumaripas ng takbo palayo. Nanlaki ang mata ko sa sinabi nito pero ang bilis nitong nakabalik sa mga kasamahan nito. Mas lalo akong nakaramdam ng hindi maganda. Hinding-hindi ako pupunta sa lugar ng matanda. Never! "Gusto kong pumunta, Roxy, para naman masulit natin ang bakasyon dito." Agad na bungad ni Mihael nang makabalik sa pwesto. "Bukas na pala 'yong okasyon nila pero mamaya tayo pupunta. Makikitulog tayo sa kanila." "Hindi!" hiyaw ko kasabay ng pagsunod ng tingin ko sa papalayong karwahe. "Uuwi na tayo. Maghanap na lang tayo ng ibang lugar, Mihael. Ayoko rito." "Roxy! Hayan ka na naman, eh. 'Yang ugali mo kapag may ayaw ka..." Inis kong binalingan si Mihael nang umupo ito sa tabi ko. Hinding-hindi ko ilalagay ang buhay nito sa peligro. Ang batang iyon, pa'no nito nalamang isa akong aswang? "Ayokooo, Mihael!" Nasabunutan ko ang sarili sa sobra kong inis. Walang makakaalam ng tunay kong pagkatao! "Aalis tayo rito." Naramdaman ko ang pagpulupot ng braso ni Mihael sa baywang ko kasunod ang paghagod ng kamay nito sa likod ko. Pinakalma ko na lang ang sarili ko nang gawin ito ng lalake. Alam kong pinapahinto ako nito sa tantrums ko. Naiiyak ako sa sinabi ng batang iyon. Walanghiyang iyon! Kahit aswang ako, wala akong pinapatay na tao. Malinis ang budhi ko. Nagiging marumi lang ang utak ko kapag si Mihael ang involve dahil pinapantasya ko siya lagi. Nagsumiksik ako sa tabi niya at niyakap din ito nang mahigpit. "Please, best. Hindi maganda ang pakiramdam ko sa lugar na'to. Umalis na tayo ngayon." Inis kong tinapik ang pisngi niya dahil nakapikit ito. "Ang nakita natin, hindi ka ba natatakot na balikan tayo?" "Can you stop, Roxy? May susundo sa'tin mamaya, ayokong ma-miss ang happenings ngayong gabi sa okasyon nila. May pa-disco raw bago ang big night nila. Don't worry..." Nakangiting tinitigan ni Mihael ang dalaga. "I'm here. Again, I will protect you always. Happy?" Tinaasan ko ng kilay ang lalaki. Sunod-sunod ang pag-iling ko sa pinagsasabi nito. Hindi maaari! Pagsapit ng hapon, lulan na kami ni Mihael ng isang tricycle para dumalo sa sinasabi nitong okasyon. Gusto kong maglupasay sa sobrang inis ko pero kalaunan, lalaki pa rin ang nasunod. Kahit ano'ng pigil ko sa kanya, may sarili itong paninindigan. Hindi ko pwedeng hayaan ang mahal ko kaya inis na lang akong sumunod. "Nakakainis ka!" Tumatabing sa mukha ko ang mahaba kong buhok nang liparin ito ng hangin. "Akala ko, walang signal dito, ba't dumating ang tricycle?" halos pasigaw ko na itong tinanong sa lalake dahil sa ingay ng makina ng tricycle. Baku-bako na ang daan nang mangalahati na kami sa biyahe. Lalo lang akong nainis dahil paakyat na ang tinatahak namin at wala akong makitang kabahayan, puro palayan lang. "Binilin ko kay Ding kanina. May signal naman kaso lang, nawawala rin. Mahirap makasagap ng signal sa ganitong area dahil malayo ang cell site. Hey, Manong." Humaba ang leeg ni Mihael nang sipatin nito ang paligid. "Malayo pa ba?" Huminto agad ang driver sa pagmamaneho nang makarating ito sa isang mabakong daan. "Sir, Ma'am... parang hindi na kaya ng tricycle ko. Puro bato ang nandito, mahirap nang i-drive ang ganitong daan. Tumingin kayo ro'n." Tinuro ng lalaki ang unahan. Napasunod ako kay Mihael nang bumaba ito ng tricycle. Napaawang ang labi ko nang makita ko ang naglalakihang bato sa unahan namin. Mukhang naliligaw yata kami. "May ginawang tulay diyan para daanan papunta sa kabilang bayan pero nawala na naman. May sumisira, eh. Maglakad na lang kayo, sa unahan niyan ang bayan ng Sitio Maldar. Mga 30 minutes siguro." Tumaas ang kilay ko sa sinabi ng driver. "Wow, Kuya! Pahihirapan mo pa kaming maglakad kung gano'n?" Walang kwenta naman 'tong plano ni Mihael. Pumasok muli ako sa tricycle. "Bumalik na tayo ro'n sa bahay, Manong. Sumakay ka na, Mihael." Naramdaman ko ang paghila ni Mihael sa'kin palabas ng sasakyan. Nakipaghilahan pa'ko ng kamay pero nagulat ako nang pati ang driver, hinila rin ako nito palabas. "May nag-book pa sa'kin, eh, kaya kailangan ko nang bumalik. Tawagan mo na lamang ako, sir, kung papasundo kayo. Basta sa sinabi ko, may signal do'n." Agad pinaandar ng lalake ang tricycle nito. Nag-iwan ito ng usok nang halos paliparin nito ang minamaneho. Inis kong pinaypayan ang harap ng mukha ko kasabay ng pag-ubo ko. Nakakainis 'tong si Kuya. Masyadong nagmamadali! Ang usok na iniwan ng sasakyan nito kasama na ang alikabok na humalo, unti-unti itong nawala hanggang tumambad sa paningin ko ang dalawang dalagita. Hindi sementado ang daan kaya maalikabok ito kapag nadadaanan ng sasakyan. Nakangiti ang dalawang babae nang lumapit ito sa'min. "Pinapasundo po kayo ni Lola Iryang." Bungad ng isang dalagita na kay Mihael nakatingin. "Kayo po ba si Mihael?" Humawak agad ito sa braso ng binata na ngiting-ngiti. Tumaas ang kilay ko at nanlaki ang butas ng ilong ko nang pati ang isang dalagita, nakahawak na rin ito sa kamay ni Mihael. Giniya ng mga ito ang lalaki papunta sa naglalakihang bato. Parang hindi ako nag-e-exist sa mundong ito. Parang hindi ako nakikita ng dalawang babae. "Hello! Ok lang kayong dalawa?" Isa-isa kong binaklas ang kamay ng mga itong nakahawak kay Mihael. "Girlfriend ako nito kaya umayos kayo, ha!" "R-Roxy!" Protesta ni Mihael. "Mga bata ang kaharap mo." "So?" mataray kong hiyaw. "Excuse me!" Ako na ang umabrisyete sa braso ni Mihael para umagapay sa paglalakad nito. "Ano ka ba?" pabulong na saad ng binata. "Ikaw talaga, Roxy." Hindi ko na sinagot ang lalake basta tinalasan ko na lang pakiramdam ko. Wala akong maramdaman na kakaiba. Hagikhikan ng mga dalagita sa unahan namin ang naririnig ko. Lumagpas kami sa malaking bato at naglakad paibaba. Short cut daw ito ayon sa mga babae. Dumaan kami sa mga palayan bago nakarating sa isang barangay. Tama nga ang sinabi ni Mamang Driver, inabot kami ng lagpas trenta minutos sa paglalakad. Puno ng banderitas ang lugar at maingay ang music nang makarating kami. Nagulat ako nang may sumulpot na baboy sa harap namin at ang ilang kalalakihan na nagsisipagtakbuhan para sundan ito. "Fiesta po rito sa amin." Nakangiting imporma ng dalaga na kay Mihael nakatingin. "Ma-e-enjoy niyo po rito sigurado. Siya po ang maghahatid sa inyo sa bahay ni Lola Iryang." Tinanguan ng dalagita ang kasama bago ito tumalikod. "Si Lola Iryang po ang nag-utos sa'min na abangan kayo para hindi kayo maligaw. Hindi na po kasi napapasok ang lugar naming 'to dahil 'di na madaanan ng mga sasakyan." Binagtas ng dalaga ang makitid na daan sa gilid ng isang ilog nang makalagpas ito sa isang barangay kanina. Napahawak ako sa kamay ni Mihael nang sundan namin ang babae. Malakas ang lagaslas ng tubig sa ilog at ang dinadaanan namin, isang tao lang ang makakadaan kaya nasa likod ako ng lalake. Mahigpit din ang hawak nito sa kamay ko para hindi ako mahulog. Mas malala pa 'to sa probinsya ko. Nakakawalang gana ang lugar na 'to. Dumaan pa kami sa isang tulay na kahoy na nagkokonekta sa kabila. Ayon sa dalaga, nasa kabila ang bahay ng matanda. Umuugoy ang kawayang tulay nang maglakad kami rito. Hagikgik lang ng babae ang narinig ko nang magsisigaw ako bago ito nauna sa'min. Inis na inis ako nang kumapit ako lalo sa kamay ng lalaki. "See, Mihael. Masaya ka na? Hindi nakakatuwa!" Nakahawak ang isang kamay ko sa gilid ng tulay na kawayan. Ramdam na ramdam ko ang pag-ugoy nito tuwing tatangkain kong humakbang. "Ikaw ang may gusto nito, eh. Dami mong alam na adventure. Wala namang kuwenta!" "Can you stop, Roxy? Huwag ka kasing pahinto-hinto... deretso lang." Nakahinga ako nang maluwag nang makarating ako sa pinakadulo ng tulay. Sa wakas, nakaraos din pero—napatda ako sa nakita ko sa dulo ng tulay. Ang matandang babae na si Iryang, may mga kasama ito. Hindi lang isang kundi lagpas sampu ang nag-aabang sa'min na hindi ko agad napansin. Mga matatanda na ang mga ito at nakangiti ang mga ito nang salubungin kami. "Ikinagagalak kong nakarating kayo. Espesyal na bisita namin kayo dahil bihira lang ang dayo rito." Tumalikod na ang matandang babae pagkatapos sabihin ito. "Sumunod kayo, malapit lang ang bahay namin dito." Hindi ko halos maihakbang ang paa ko dahil sa kakaibang naramdaman ko. Ano ito? May hatid na kilabot ang presensiya ng mga ito sa'kin. Napaurong ako pero nasa likod ko na si Mihael, agad itong umakbay sa'kin para sumunod kami sa mga babae. "Mihael." Gusto kong pigilan ang lalake pero hawak na ako nito sa kamay. Biglang sumama ang pakiramdam ko at ang naaamoy ko, masangsang. Naduduwal ako. "Gusto ko nang umuwi, please." "Roxy, nandito na tayo. Huwag kang killjoy."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD