KABANATA 6

1812 Words
KABANATA 6 “May lagnat,” sabi ng isa sa mga kaibigan niya. “Masakit ang tiyan,” kasabay na sabi ng isa pa. Naguluhan naman ako sa kanila. Ano ba talaga ang dahilan at wala si Kristine? “Ha? Ano ba talagang nangyari kay Kristine?” pagtatanong ni Jade. Siya rin siguro naguluhan sa mga kaibigan niya. “Kahapon, kasi masakit ang tiyan niya tapos kaninang umaga may lagnat na siya,” sagot ni Karen. “Ganun? Nagpa-check-up na ba si Kristine? Baka kung ano na iyon? Kamusta na kaya siya? Bisitahin kaya natin?” pag-aalala ni Jade. Pero iba pakiramdam ko. Parang nagsisinungaling ‘yung mga kaibigan niya sa kanya. Iba kasi ‘yung mga tinginan nila. “Ha? B-bisitahin natin?” nauutal na tanong ni Sheena. Si Sheena ang girlfriend ni Bernard. “Oo, bakit? After class puntahan natin si Kristine,” pag-aaya ni Jade sa kanila. “O, sige,” pumayag naman ‘yung mga kaibigan niya. “Jared, sama ka ah. Matutuwa si Kristine ‘pag sumama ka,” pagyayaya ni Jade sa ‘kin. “Sige,” pero sasama ako dahil kay Jade at ‘di dahil gusto ko bisitahin si Kristine. Tsk! Ewan ko ba, basta iba kutob ko. Pagkatapos namin kumain, balik classroom na kami. “Jade.” “Bakit?” “Kung sasama pala ako sa inyo. Ako lang ang lalaki?” kailang naman kasi, puro sila babae tapos ako, mag-isa na lalaki. “Oo, kasi ‘yung mga boys may lakad eh.” “Pwede bang isama natin si Jeff? Dyahe naman kasi, kung ako lang,” pumayag naman si Jade. ‘Yun nga lang naisip namin kung papayag kaya si Jeff. Humarap ako kay Jeff para kausapin siya. “Jeff,” tumingin lang siya sa ‘kin. “Gusto mo sumama mamaya sa ‘min?” “Saan?” matipid niyang sagot. “May sakit kasi si Kristine, ‘yung kaibigan ni Jade. Bibisitahin namin. Kaso dyahe, ako lang ang lalaki. Kaya baka pwede kang sumama?” “Kina K-kristine?” nag-iba ang itsura nitong si Jeff nang marinig niya ‘yung pangalan ni Kristine. “Oo.” “Sige sama ako,” parang nahihiya niyang sabi at may hinala ako kung bakit. “Jeff, type mo si Kristine ‘no?” nagtaas-baba pa ‘yung kilay ko at nakangiti ako sa kanya.  “H-ha? Hindi ah.. Sasama lang ako dahil sabi mo nadyadyahe ka na ikaw lang mag-isa ang lalaki. Hindi dahil sa gusto ko ring bisitahin si Kristine,” uy bago ‘yun ah. Ang haba ng sinabi ni Jeff. Galing! “Okay,” ‘yun na lang ang sinagot ko. Ayokong pilitin siyang paaminin kasi baka magbago pa ang isip at ‘di na sumama. Pero tingin ko type niya talaga si Kristine. Iba ang ning-ning sa mata eh. Nang uwian na, “Jared, sa kotse ni Karen ako sasakay ah,” Naintindihan ko naman dapat naman talaga na doon siya sumabay sa mga kaibigan niya. “Sige, okay lang ‘yun. Kasama ko naman si Jeff.” “Sige. Restroom lang ako. Kita na lang tayo sa may parking lot.” “Sige.” Nang makaalis na si Jade at inaayos ko ‘yung mga gamit ko. “Jared.” “Bakit Jeff?” “Ayos lang ba itsura ko?” pahawak-hawak pa siya sa buhok niya at inunat ‘yung uniform niya at inayos ‘yung salamin niya sa mata. “Jeff… Pang-kaibigang sagot ‘to ah,” tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. “Medyo may pagka-baduy ka kasi, ang kapal ng salamin mo, tapos ‘yung damit mo parang inalmirol sa sobrang unat, tapos ‘yung buhok mo parang pinadilaan mo sa baka.” “Ang sakit mo namang magsalita,” reklamo niya. Eh totoo naman kasi, ayoko namang magsinungaling sa kanya at sabihing sobrang ayos ng itsura niya. Kung ang totoo naman wala na sa uso ‘yung ayos niya. Kaya inakbayan ko siya at kinausap ulit. “Pre, nagtanong ka, sinagot ko lang. Pero mareremedyuhan ka pa naman.” “Anong ibig mong sabihin?” “Sa Sabado, pagpunta mo sa bahay, tuturuan kita kung paano pumorma. Kasi ngayon, wala tayong masyadong oras eh. Siguro…” humarap ako sa kanya at binuksan ko ‘yung ilang butones ng polo niya, kasi naman sagad hanggang leeg eh. Tapos ‘yung buhok niya nilagay ko sa gilid ‘yung hati, kasi naman nasa gitna. Mukhang katsupoy. “‘Yan, medyo ayos na. ‘Yung salamin mo na lang ang problema,” napatingin ako sa salamin niyang sobrang kapal talaga. Ano kayang grado ng mata niya? Siguro bulag na ‘tong si Jeff kapag walang salamin. “Bakit anong problema sa salamin ko?” ay sus! Nagtanong pa. “Masyadong makapal ang lens. Lalo kang nagmumukhang nerd. Subukan mo kayang mag-contact lens?” “Meron ako sa bahay, pero ‘di ko ginagamit kasi nahihirapan akong isuot. Naluluha ako.” “Pwes simulan mo nang mag-practice magsuot ng contact lens ngayon. Nang makita ‘yang mukha mo, at ‘di ‘yung natatabunan ng salamin mo.” “Ganun ba? Sige…” “Ano, halika na? At baka hinihintay na tayo ng mga girls at ni Kristine,” nag-iba na naman ang itsura niya nang marinig niya ‘yung pangalang Kristine. Mukhang iba ang tama nitong si Jeff. “Sige, halika na,” tapos sinakbit niya sa likod niya ‘yung magkabilang strap ng backpack niya sa mga balikat niya. “Jeff...” “Bakit?” sabay lingon sa ‘kin. “Tanggalin mo nga ‘to,” tapos pinatanggal ko ‘yung isang strap na nakasakbit sa balikat niya. “‘Yan, ganyan. Kanina kasi para kang mawawalan ng bag at mukha kang pagong. ‘Tsaka medyo luwagan natin, ang taas kasi. Kulang na lang mapunta sa batok mo ‘yung bag mo.” “Ah... Ganun ba dapat?” manghang-mangha naman siya sa mga sinasabi ko sa kanya. “Oo... halika na nga.” Naglakad na kami papuntang parking lot at malayo pa lang kami, nakakaway na sa ‘min si Jade. “Jared!” Yung kotse ni Karen nakatabi na ngayon sa kotse ko at paglapit naming, “Uy, Jeff. Anong nangyari sa ‘yo? Bakit iba ata ayos mo ngayon?” tanong ni Jade na mukhang natuwa sa konting pagbabago sa itsura ni Jeff. “Ha?” ‘di malaman ni Jeff ang isasagot. Himas siya ng himas sa buhok niya. “Ako ang may pakana niyan. Ayos ba?” nag-thumbs up naman si Jade. “Jade!” tinawag ni Sheena si Jade, at mukhang badtrip siya. Ang sama ng mukha eh. “Bakit?” “Halika nga dito,” lumapit naman si Jade sa kanya. “Okay lang na isama natin si Jared. Pero iyang nerd na si Jeff. Jade naman...” narinig kong sabi ni Sheena. Sana ‘di narinig ni Jeff. Tiningnan ko si Jeff at mukhang ‘di naman niya narinig dahil mukhang lumilipad ang isip. Siguro sa sobrang excitement na makita si Kristine. “Ano ka ba, Sheena? Okay naman ‘yang si Jeff, ‘tsaka kapatid ‘yan ni Steve kaya ‘wag mo naman siyang pagsalitaan ng ganyan.” “Magkapatid nga sila. Ang layo naman ng itsura.” Tama ba ‘yung narinig ko? Si Jeff at si Steve, magkapatid? Ang layo nga, pero ‘di sa itsura kundi sa ugali. Kasi si Jeff mabait at si Steve ewan ko. Pero teka, kung magkapatid sila, tapos pareho na silang 2nd  year Senior high school, kambal sila? O baka naman repeater si Steve? Matanong nga kay Jeff mamaya. “Basta, isasama natin si Jeff. Kasi kapag hindi kasama si Jeff baka hindi na rin sumama si Jared,” sa sinabi ni Jade, napilitan na silang isama si Jeff. “Sige na nga!” tumingin naman si Sheena kay Jeff saka umirap. “Jared, sunod na lang kayo sa ‘min ah. Kasi ‘di mo naman alam saan house nina Kristine ‘di ba?” sabi ni Jade sa ‘kin. “Ako alam ko,” bulong ni Jeff, pero ‘di na ko nagsalita baka marinig pa nina Jade. “Sige, susundan na lang namin kayo.” Sumakay na sila sa kotse ni Karen at kami naman ni Jeff sa kotse ko. Habang nagmamaneho ako, “Jeff, narinig ko ‘yung sinabi mo kanina. Pa’no mo nalaman kung saan ang bahay nina Kristine?” “Ha? Wala akong sinabing ganun ah,” gulat na gulat siya. Huling-huli naman. “Narinig ko kaya, kahit pabulong mong sinabi. Umamin ka na kasi sa ‘kin. Kaibigan mo naman ako at mananatiling sikreto ‘yun. Maliban na lang kung lakasan ka ng loob at ligawan mo si Kristine.” Napatingin siya bigla sa’kin nang dahil sa sinabi ko, “L-ligawan? Si Kritine?” “Oo, bakit?” “‘Di niya ko gusto eh. Iba ang gusto niya,” naging malungkot ‘yung mukha niya at yumuko na lang. “Sino?” “Wala. Basta, ‘di ako mapapansin ni Kristine.” “Kaya nga tutulungan kita ‘di ba?” “Bakit, nakapanligaw ka na ba?” “Hindi pa,” diretsong sagot ko. ‘Di ko pa nasubukang manligaw. Pero ‘di ibig sabihin ‘di ko kayang dumiskarte sa babae. Kung wala lang sigurong boyfriend si Jade, naumpisahan ko na siyang ligawan. “Paano mo ko tutulungan? Hindi ka pa pala nakapanligaw.” “Tutulungan kitang ayusin ‘yang porma mo. Malay mo, ‘pag nagbago ang ayos mo, mapansin ka rin ni Kristine.” “Tingin mo?” “Pwedeng mangyari o kung ‘di man si Kristine ang makapansin, baka ibang babae sa school ‘di ba?” tingin ko kasi may itsura naman ‘tong si Jeff. Kulang lang sa ayos. “Dahil kaibigan kita. Maniniwala ako sa ‘yo.” “‘Yan at buti nagsasalita ka na. Improving ka, Jeff. Pagpatuloy mo lang ‘yan. Hindi maganda sa lalaki na sobrang tahimik. Magkakasakit ka sa puso niyan.” “Ganon ba ‘yun?” “Oo, kaya dapat maging madaldal ka. Kung anong nasa isip mo, sabihin mo. ‘Di ‘yung magsasalita ka lang tuwing recitation sa klase.” “Sige, sige. Galing mo talaga, Jared. May natututunan ako sa ‘yo. Salamat!” paniwalang-paniwala naman si Jeff sa’kin. Pero effective naman ‘di ba? Napagsasalita ko na siya. Malapit lang pala ‘yung bahay nina Kristine sa school kaya sandali lang nakarating kami agad. Pinarada lang namin ‘yung mga sasakyan namin sa labas. Tapos sabay-sabay na kaming pumasok dahil bukas naman ‘yung gate. ‘Di pa kami nakakarating sa may pintuan nang isang masiglang Kristine ang bumungad sa ‘min. Nasaan ang may sakit? 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD