KABANATA 13

2301 Words
KABANATA 13 Parang kakahiga ko pa lang, tumunog na agad ‘yung alarm clock ko. Kahit na antok na antok pa rin ako, bumangon na 'ko para maligo at mag-ayos. Pagkababa ko naka-ready na ‘yung breakfast. Kumain na 'ko kasabay sina Mommy. Tapos nagpaalam na 'ko, at muntik ko pa makalimutan ‘yung cake na ginawa ko. Pinaalala lang sa ‘kin ni Mommy, at inabot niya sa ‘kin ‘yung cake na nakalagay na sa isang microwavable container na nakahiwalay ‘yung caramel sauce. Palabas na sana ako nang may maalala ako. “Mommy, may Chocolait pa po ba?” “Oo meron sa ref., gusto mo ba? Ikukuha kita.” “‘Di na po,” ako na ang pumunta sa may ref. at saka kumuha ng isang Chocolait. Paborito rin kasi ni Jade at para may kapartner ‘yung cake. Nakarating naman ako ng school nang ayos kahit na medyo inaantok pa 'ko. Dumiretso na 'ko sa classroom. Pagdating ko sa room wala pa si Jade pero si Jeff nandoon na. Pinatong ko ‘yung bag ko sa table, at naupo na 'ko. “Jared,” tawag sa ‘kin ni Jeff. Tumingin naman ako sa kanya, na nakataas ang dalawang kilay, “Uhm?” “Ba’t ganyan itsura mo?” “Wala lang tulog,” saka ko kinuha ‘yung cake sa bag ko. Nilagay ko na rin ‘yung caramel sauce. “Uy, sarap niyan ah. Penge naman,” sabi ni Jeff. “Para kay Jade lang ‘to,” nilayo ko ‘yung cake sa kanya, kasi mukhang masama ang tingin niya. “Nililigawan mo na ba si Jade? Bakit may ganyan ka?” “Hindi ‘no, peace offering 'to. Nagalit kasi siya sa ‘kin kagabi.” “Bakit?” “May kasalanan kasi 'ko sa kanya,” sagot ko kay Jeff habang kumukuha ng papel at ballpen sa bag ko. Sinulatan ko ‘yung papel ng, I’M SORRY JADE. Pinatong ko sa table ni Jade ‘yung cake, tapos pinatong ko sa ibabaw ‘yung papel at pinatungan ko ng tinidor para ‘di liparin. Nilagay ko naman sa tabi ‘yung Chocolait. “Ano'ng kasalanan mo kay Jade?” tanong ulit ni Jeff. “Sinabihan ko kasi siya ng pangit. Pero biro lang naman ‘yun,” hindi ko naman alam na magagalit siya. “Ah, kaya... Alam mo bang ayaw ni Jade na sinasabihan siya ng pangit?” “Gano'n? Bakit?” “Sa kanya mo na lang itanong. Ayan na siya o,” tumuro pa si Jeff sa may pintuan. kaya napatingin ako doon. Nakita ko si Jade na papasok na ng classroom. Lumakad siya papunta sa upuan sa tabi ko pero ‘di siya tumitingin sa ‘kin. Galit talaga siya. Pinatong niya ‘yung bag niya sa upuan at naupo. Nakatingin ako sa kanya at hinihintay kong tumingin siya sa ‘kin. Alam kong napansin na niya ‘yung cake, Chocolait at note pero wala pa rin siyang sinasabi. Kinuha niya ‘yung note, binasa pero wala pa ring reaksyon. “Ikaw ba ang nag-bake nito?” bigla siyang nagsalita. “Oo, ako nag-bake niyan. Hindi ‘yan kasing sarap ng gawa ni Mommy, pero pinaghirapan ko talaga gawin ‘yan. Kaya Jade, sorry na. Binibiro lang naman kita,” paawa pa ‘yung boses ko para madali niya 'kong patawarin. “Titikman ko muna. Kapag pasado. Bati na tayo.” “Gano'n? Eh hindi siya masyadong masarap. Pa’no na?” ‘Di niya sinagot ‘yung tanong ko. Tinanggal na niya ‘yung takip, kumuha nang konti saka niya tinikman ‘yung cake. Kinuha niya ‘yung straw ng Chocolait at saka siya uminom. Nahirinan ba siya? Dahil ata dry ‘yung cake na ginawa ko. Patay. Baka ‘di pasado. “Okay na. Buti na lang may Chocolait,” tapos nakangiti na siyang tumingin sa ‘kin. Nang makita niya 'ko, mukha siyang nagulat. “Ano'ng nangyari sa ‘yo, Jared?” “Gano'n ba kasama ‘yung itsura ko?” tanong ko. Napahawak pa 'ko sa mukha ko. Hindi ko naman kasi pinagmasadan ‘yung mukha ko sa salamin kanina. Pagkatapos kong maligo, nagbihis na 'ko, nagsuklay, kumain at umalis ng bahay. Natawa naman siya. “Oo ang sama. Ang pangit-pangit mo Jared,” saka siya tumawa ulit. “Jade ah.” “O! Kumain ka. Mas kailangan mo ata ‘to kesa sa ‘kin,” pinatong niya sa upuan ko ‘yung cake. “Busog ako. Kulang lang ako sa tulog,” paliwanag ko naman sa kanya. “Anong oras ka ba natulog?” Sinabi ko naman sa kanya na alas-tres na ng madaling araw ako nakatulog dahil sa pagbe-bake. Nag-sorry siya pero sinisi rin ako, kasi mapang-asar daw ako. Si Jade talaga. Pero sana raw ‘di na 'ko nagpakapagod pang mag-bake. Sabi ko naman, ‘yun ‘yung gusto ko, para mapatawad niya rin ako agad. Effective naman daw ‘yung cake, pero ‘wag ko na raw uulitin ang pagpupuyat. Lalo na ‘yung pang-aasar sa kanya. Nangako naman ako na ‘di ko na uulitin. “Uy... Tama na ang ka-sweetan n’yong dalawa. Andyan na si Ma’am,” singit ni Jeff sa ‘min. Natawa lang kami ni Jade. Tinabi niya muna ‘yung cake na bigay ko tapos nakinig muna kami sa pagdi-discuss ng teacher namin. Same routine naman buong araw. Magkaklase, tapos breaktime, tsapo klase ulit. Tapos pagkatapos ng klase practice namin sa basketball. Pagkatapos naman ng practice naman, si Jeff ang tinuturuan kong mag-basketball. Sa loob ng isang buwan ganun ‘yung routine ko. Si Jeff unti-unti nang natututo mag-basketball. Iba na rin siyang pumorma. ‘Di na rin siya nagsasalamin sa mata, lagi na siyang naka-contact lens para ‘di natatabunan ng salamin ‘yung mukha niya. Si Jade naman, mas lalo kaming nagiging close kasi tuwing weekends nagpupunta siya sa bahay para magpaturo kung pa’no magluto kay Mommy, at para makipaglaro kay Inah. Pero syempre ‘di pa rin alam ni Steve ‘yun. Tungkol kay Steve at Kristine naman, wala pa rin kaming nakukuhang ebidensya. Lalo na’t parang ingat sina Steve at Kristine sa mga kilos nila. Pero mapapansin mo pa rin ‘yung mga tinginan nila minsan sa isa’t isa. Kaya nga nang tanungin ako ni Jeff kung sa tingin ko raw ba may lihim pa ring relasyon ‘yung dalawa, diretso ‘yung sagot ko na oo. At kaya pala ako tinatanong ni Jeff, dahil pinag-iisipan na niyang ligawan si Kristine. Nag-aalangan nga lang siya dahil baka raw bastedin siya ni Kristine nang dahil sa kapatid niya. Kaya pinayuhan ko siyang subukan niyang yayaing kumain si Kristine o kaya mag-offer siya na ihatid sa bahay pauwi. Panliligaw ni Jeff kay Kristine ang pinag-uusapan namin habang naglalakad kami pabalik sa gym. Galing kasi kami sa parking lot dahil may kinuha lang akong gamit sa kotse. May game nga pala kami ngayon, laban sa ibang school. Lahat ng Senior students sa lahat ng sections, excused sa klase para manuod ng game at para suporta na rin sa ‘min. Lalo na’t sa lugar ng kalaban naming school ang venue ng game. “Si Jade ba, nakita mo na?” tanong ko kay Jeff habang papasok na kami ng gym. “Hindi pa. Baka kasama mga kaibigan niya o baka kasama ni Steve.” “Baka. Sige, maiwan na muna kita dito. Baka hinahanap na 'ko nina coach.” “Sige, goodluck sa game.” “Thanks!” Papunta na sana ako ng dugout ng makasalubong ko si Jade. “Jade!” “O, Jared! Kumusta?” “Ayos lang. Hinahanap kita, nandito ka lang pala.” “Bakit mo naman ako hinahanap? Kasama ko kasi si Steve kanina. Andun na silang lahat. Bilisan mo, ikaw na lang ata ang kulang.” “Wala lang. Sige, punta na 'ko doon.” “Good luck sa game, Jared. Galingan n’yo ah.” “Oo naman.” Nag-start ‘yung game. Isa ako sa unang pinasok ni coach sa laro. Kaso halos buong first quarter ata ilang beses lang akong nakahawak ng bola. Hindi pinapasa sa ‘kin nina Steve ‘yung bola. Kahit na open ako at pwedeng-pwede akong pasahan at mag-shoot. Hanggang sa laro namemersonal sila. “Steve, Bernard. Ano bang ginagawa n'yo? Bakit hindi n'yo pinapasa kay Jared ‘yung bola?” inis na sabi ni Coach sa kanila. “Sorry Coach. Hindi ko lang pansin na open si Jared,” sagot ni Steve na halata namang palusot lang. Ang sabihin niya, sinasadya niya talaga ‘yun. “Sa susunod ipasa n'yo ‘yung bola, kesa maagaw ng kabilang team. Ilang points na rin ‘yung lamang nila satin! First game natin ‘to tapos ipapatalo n'yo?” “Hindi po, Coach.” “Kaya sundin n'yo ‘yung sinasabi ko ah!” “Yes coach!” Buti naman at nakinig sila kay coach, dahil pinapasa na rin nila sa ‘kin ‘yung bola. At sa tuwing makukuha ko ‘yung bola nakakapuntos ako. Dinig ko nga ‘yung sigawan ng mga classmates ko. “Go Jared!” Parang pati ata kabilang school nakiki-cheer kasi nakita ko iba ang uniform pero pangalan ko ‘yung sinisigaw. Nangingiti na lang ako at naisip ko, si Jade kaya sino'ng chini-cheer? Hinanap ko siya at nakita ko naman siya pero ‘di siya sa ‘kin nakatingin. Nang sundan ko ‘yung tingin niya, kay Steve siya nakatingin. Nalungkot ako pero ‘di ako nagpaapekto, kasi baka pati ‘yung laro ko maapektuhan. Kaya pinagbuti ko na lang lalo. Nang matapos ‘yung game. Panalo kami. Lamang pa kami ng ten points. “Good job team!” sabi ni Coach sa ’min. “Thanks Coach!” Ayos na sana; ang saya na dahil panalo kami pero pagpunta namin sa dugout, gumana na naman ‘yung kayabangan ni Steve. “Pasalamat ka kay Coach, Jared. Kung hindi, hindi ka talaga makakahawak ng bola,” sabi niya sa ‘kin. “At panigurado ring natambakan tayo ng kabilang team. Masyado kang tiwala sa sarili mo. Ipakita mo muna, na kaya mong ipanalo ‘yung laro bago ka umasta ng ganyan Steve,” pambasag ko naman sa kayabangan niya. “Ang yabang mo, Jared! Ano bang pinagmamalaki mo?” “Ako? Mas may utak ako kesa sa ‘yo. Puro ka kasi yabang. Kung may galit kayo sa ‘kin, ‘wag niyong idamay ‘yung laro!” Dahil sa sinabi ko, bigla akong sinuntok ni Steve. Napasandal tuloy ako sa pader. At syempre ‘di naman ako papayag na ako na lang palagi ang nasasapak. Sinuntok ko rin siya. Putok ang labi niya. Makakaisa pa sana ako kaso inawat kami agad ng teammates namin. “Tang’na mo, Jared! Puro ka rin yabang! Ang hina mong sumuntok para kang babae!” sigaw ni Steve habang hawak siya nina Bernard. “Mahina? Kaya pala putok ‘yang labi mo! At mas mayabang ka, gago!” Ang sigawan na lang siya ang nagawa ko, dami ba namang nakahawak sa ‘kin at pinipigilan ako. Nasa ganung ayos kami nang biglang pumasok si Coach. Natigil kaming pareho ni Steve, binitawan na rin kami ng mga teammates namin. Pinagsabihan naman kami ni Coach. Ayaw na raw niya na may mag-aaway pa ulit sa team. Umoo kami pareho pero alam din naming pareho na imposibleng mangyari ‘yun. Paglabas namin ng gym. Sinalubong agad kami ng mga estudyanteng babae ng kabilang school. May mga nagpapakilala. ‘Yung iba nagpapa-picture pa sa ‘kin. “Jared, ang gwapo-gwapo mo naman.” “Ang galing mo pa maglaro kanina.” “Fans mo na kami." “Ah, thanks,” ‘yun lang ang isinagot ko sa kanila at binigyan sila nang matipid na ngiti. Wala ako sa mood.  Na-bad trip ako kay Steve. “Tss... Feeling gwapo,” narinig kong sabi ni Steve. Tapos mayamaya, dumating si Jade kasama ‘yung mga kaibigan niya. Gusto ko sana, na ako ang lalapitan niya, pero asa naman ako, syempre si Steve ang nilapitan niya at ang lumapit sa ‘kin, si Kristine. “Girls. Tapos na ang pagpapa-cute.. Shoo!” sabi ni Kristine at sinenyas pa ‘yung kamay na pinapaalis ‘yung mga babae sabay kapit sa braso ko. “Ay, may girlfriend na pala,” sabi nila tapos nagsi-alisan na. Ako naman, nakatuon ‘yung pansin ko kina Jade at Steve. Napansin kasi ni Jade ‘yung putok sa labi ni Steve. Alalang-alala siya. Tinanong ni Jade si Steve kung ano'ng nangyari. Hinihintay ko na sabihin niya na ako ang may gawa, pero ‘di niya sinabi. Sabi niya lang wala ‘yun, at huwag nang pansinin ni Jade. “Guys! Halika na! Let’s celebrate, kasi nanalo kayo!” yaya ni Kristine sabay hatak sa ‘kin. “Teka, saan ba punta n’yo?” tanong ko, kasi kung may plano silang mag-celebrate sa labas, ‘di naman ako sasama. “Anong n’yo? Natin,” sagot ni Kristine. Tatanggi sana 'ko pero ‘di raw pwede sabi ni Kristine. Kung magce-celebrate daw, dapat kumpleto ang team. Pumayag ako, pero may kondisyon ako. Isasama ko si Jeff. Si Steve naman, nakakontra agad. Bakit daw isasama si Jeff, hindi naman daw kasama sa team at lalong hindi raw part ng barkada nila. Pero dahil kay Jade, napilitan nang pumayag si Steve. Syempre bait-baitan siya sa harap ng girlfriend niya. Tinext ko naman si Jeff, at sabi ko magkita na lang kami sa labas. Sa kotse ko sumabay sina Jeff at Kristine. Si Jade, syempre kay Steve. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD