KABANATA 9

3307 Words
KABANATA 9 Biyernes na, pero sana wala na lang Biyernes at Sabado na lang agad. Kasi bukas dadating na sina Phil, pupunta pa si Jade. Ayos ‘di ba? Kaso syempre ‘di naman pwedeng lagpasan ang Biyernes, at imposibleng mawala ang Biyernes sa kalendaryo. Siguro ang maganda lang sa araw na ‘to eh mabibwisit sina Steve sa ‘kin, sa ‘di ko pagdating sa kalokohang try-out nila. Nasa daan na ‘ko papasok ng school. Kaso ‘di pa ko nakapag-breakfast dahil medyo na-late ng gising si Mommy, si Manang naman, ang agang namalengke. Kaya naisipan ko munang dumaan ng Mcdo para bumili ng breakfast. Naisipan ko na ring ibili si Jade. Alam n’yo naman ‘yun, ‘di kumakain sa umaga. Sa drive-thru ako um-order. “Good morning, Sir. May I take your order?” sabay ngiti ng babaeng crew. ‘Di sa mayabang ah, pero halata na nagpapa-cute siya. Si Jade kaya, kailan magpapa-cute sa ‘kin nang ganyan? Ako lang palagi ang nagpapa-cute eh. “Dalawang order ng two pieces hotcake with sausage, ‘yung drinks dalawang hot choco. ‘Yun lang miss, thanks.” Binayaran ko na, at sandali lang nabigay na rin sa ‘kin ‘yung mga in-oder ko. Bago ako magmaneho ulit, tinext ko muna si Jade. To: Jade Jade, pasok ka ng maaga ah. Saglit lang may reply agad siya. From: Jade Malapit na nga ako sa school. c yah ^_^ To: Jade Ok. =) Habang nasa byahe ako, ipinagdarasal ko na sana walang asungot na Steve para sabay kaming makapag-breakfast ni Jade. Pagdating ko ng school, sinakbit ko na sa likod ko ‘yung backpack ko at bitbit ko ‘yung pagkain na binili ko. Patingin-tingin ako sa paligid, baka makita ko si Jade, pero wala kaya dumiretso na ‘ko sa classroom. At dinatnan ko ang kinaiinisan kong mangyari. Kulang pa ata ang dasal ko kay Lord. Si Steve kasi, nasa labas ng classroom namin at kausap si Jade. Tsk! Bad trip! Pa’no ko ngayon ibibigay ‘tong pagkain kay Jade? Pa’no kami kakain nang sabay? Bad trip talaga! “Hi, Jared!” bati sa ‘kin ni Jade. “Hi,” matamlay kong sagot. Nakaka-bad trip kasi! Sarap tapalan ng pancake sa mukha si Steve, nang ‘di ko na makita pagmumukha niya. Nakangising-aso kasi. Sarap bigyan ng buto, para mabilaukan. “Pare, ‘yung try-out mamaya ah,” paalala ni Steve. Tiningnan ko siya at tumango ako. “Sige,” mamuti sana mga mata n’yo mamaya kakahintay sa ‘kin. Pumasok na ‘ko sa loob ng classroom. Sinabit ko sa likod ng upuan ko ‘yung bag ko at saka ko pinatong sa table ‘yung pagkain na dala ko. “Jeff, kumain ka na ba?” tanong ko kay Jeff, pero ‘di ako nakatingin. Siya lang naman ang katabi ko, kasi si Jade nga nasa labas pa ng classroom. “Oo, bakit?” Nilabas ko ‘yung isang pancake meal, ‘yung para kay Jade dapat. “Sa’yo na lang ‘to,” sabay abot sa kanya at may napansin ako pagtingin ko sa kanya, parang may kakaiba. “Uy, Jeff, ano’ng nangyari sa salamin mo?” tanong ko. Kaya pala sa tingin ko parang may iba kay Jeff, wala siyang suot na salamin. “Ah, iyon ba? Sabi mo kasi masanay na akong magsuot ng contact lens. Kaya ito may suot ako ngayon. ‘Yung salamin ko, nasa bag ko.” “Naks naman, bro. Tiwala ka talaga sa mga payo ko ah. Pero tama ‘yan, mas mukha kang tao ngayon,” biro ko kay Jeff. Tatawa-tawa pa ‘ko. “So dati pala, ‘di ako mukhang tao?” napakamot pa siya sa ulo niya. Natawa ako lalo, paniwalain din ‘tong si Jeff. ‘Di alam ang joke sa totoo. “Biro lang! Napakaseryoso mo naman. Kumain na nga lang tayo. Sa totoo niyan bad trip ako kanina, pero dahil natawa ako sa ‘yo medyo nabawasan ‘yung inis ko.” “Bakit ka naman bad trip?” “May masamang hangin lang akong nadaanan.” “Si Jade at ‘yung kapatid ko ‘no?” Nagulat ako sa sinabi niya. Paano niya nalaman? Psychic ba ‘tong si Jeff? “Ano’ng sinasabi mo diyan, Jeff? Bakit mo naman nasabi ‘yan? Tsaka, baka marinig ka nila.” “Kunwari ka pa. Halata naman sa mga ngiti at titig mo kay Jade. May gusto ka sa girlfriend ng kapatid ko ‘no? Okay lang iyon. Sikreto lang natin. Alam mo kahit kapatid ko si Steve, ayoko siya para kay Jade. Mabait kasi si Jade ‘tsaka ano kasi...” tumigil siya sa pagsasalita. “’Tsaka ano? Bakit ‘di mo tinuloy ‘yung sasabihin mo?” Bumulong si Jeff. “Si Jade, palapit na dito.” Kaya pala siya biglang huminto sa pagsasalita. Mamaya ko na lang itatanong ulit kay Jeff ‘yung ‘di niya nasabi sa ‘kin. Mukhang importante. “Uy, pancake! Kayo lang meron? Ako wala?” tanong ni Jade na naka-nguso pa. Ang cute niya talaga ‘pag gumaganyan siya. Ang sarap niya kurutin. Bigla tuloy nawala yung pagka-inis ko. Tapos umupo na siya sa upuan niya.  “Share tayo dito,” sabi ko naman sa kanya. “Para sweet,” tapos tumawa ako. “Jared!” saway niya sa ‘kin sabay tingin sa may pintuan. “Ikaw, kapag narinig ka ni Steve.” “Sorry,” nakakainis naman. Masyado ba niya talagang mahal ‘yung lalaking ‘yun? Kumain na lang kaming tatlo. Maaga pa kasi at wala pang teacher. Nang dumating na ‘yung teacher, syempre discussion, tapos ang daming assignments. Pagdating ng lunch, sabi ni Jade sabay na kami ni Jeff sa kanila. Pero sabi ko ‘wag na. Una, ayokong makita ang pagmumukha ni Steve at baka mawalan ako ng gana. Pangalawa, gusto ko makausap si Jeff, tungkol doon sa dapat sasabihin niya kanina, kaso ‘di niya natuloy dahil nga dumating si Jade. Kaya ngayon, kami lang ni Jeff ang magkasamang kumakain sa canteen. Humanap din ako ng pwesto na malayo kina Jade. “Jeff, ‘yung sasabihin mo dapat kanina, ano ba ‘yun?” “‘Yung tungkol kina Jade ba?” pabulong na tanong niya. “Oo, ‘yung tungkol kay Jade at sa kapatid mo.” “Mangako ka, sa atin muna ‘to ah?” “Oo sige. Pangako.” Medyo lumapit si Jeff sa ‘kin at bumulong ulit. “Nababahala kasi ako.” “Saan?” “Kelan lang nakita kong lumabas mula sa kwarto ni Steve si Kristine. Nang tanungin ko si Steve, sabi niya may project daw sila sa Filipino. Kaso bakit sa kwarto gagawa? Pwede naman sa sala ‘di ba? ‘Tsaka kaka-start pa lang ng klase, may project agad sila? At ‘yung teacher nila sa Filipino, ‘yun din ang teacher natin. Kaya kung may project sila, ‘di ba dapat tayo rin?” Nang dahil sa sinabi ni Jeff, mukhang tama ‘yung kutob ko. “Dapat malaman ni Jade ‘yan.” “Teka, ‘wag.” “Anong ‘wag? Niloloko siya ni Steve tapos ‘wag?” “Wala naman tayong pruweba. Ang mangyayari niyan, salita ko laban sa salita ng kapatid ko. Tapos alam ng lahat na ‘di kami close na magkapatid. Paano kung ‘di maniwala si Jade sa ‘tin at sa kapatid ko siya maniwala? Mas maganda kung may pruweba muna tayo bago natin sabihin sa kanya. Dapat sigurado tayo na niloloko talaga nila si Jade. Dahil baka tayo ang mapahiya sa huli,” mahabang paliwanag ni Jeff at may point naman siya. “Sabagay, may point ka d’yan. Anong plano natin?” “Matyagan natin ‘yung dalawa. Ikaw kay Kristine. Ako sa kapatid ko.” “Bakit ako kay Kristine. Ikaw na lang kaya. Pabor ‘yun sa ‘yo,” ayoko pa namang maglalapit kay Kristine. Natutunaw utak ko sa mga pinagkukwento niya. “Alam ko type ka ni Kristine,” nahinto siya sa pagsasalita at parang nalungkot. “Bro, ‘wag kang drumama d’yan. Alam mo naman kung sino ang gusto ko ‘di ba?” “Okay. Balik sa sinasabi ko. Kung kay Kristine ka, mas madali para sa ‘yo ang maging malapit sa kanya. Si Steve naman, syempre kapatid ko ‘yun. Kasama ko sa bahay. Ano, okay na?” “Sige, sige. Thanks ah.” “Wala ‘yun.” Salamat kay Jeff at ako ang pinili niyang tulungan sa halip na pagtakpan ‘yung kapatid niyang si Steve. Kaya humanda na si Steve. ‘Pag nakahanap na kami ng pruweba. Magpaalam na siya kay Jade. Pagkatapos ng lunch, balik na kami sa classroom. Normal lang ‘yung pakikipag-usap ko kay Jade. Kahit na gusto ko na talagang sabihin sa kanya ‘yung hinala naming kalokohang ginagawa ng boyfriend at ng kaibigan niya habang nakatalikod siya. Pagdating ng uwian… “Jeff, Jared, una na ko sa inyo ah. ‘Tsaka may try-out ka pa ‘di ba, Jared?” “Hindi ka ba pupunta sa try-out?” tanong ko sa kanya, kahit na alam kong wala namang try-out. titingnan ko lang kung ano’ng isasagot niya. “Hindi. Uuwi ako agad. Gusto ko sana. Sinabi ko nga kay Steve na gusto kong manuod ng try-out, kaso sabi niya ‘wag na at nag-request siya sa ‘kin na ipagluto ko raw siya ng favorite niya na carbonara. Kasi after daw ng try-out, dadaan siya sa bahay mamaya.” Mautak talaga ‘yung Steve na ‘yun. Galing lumusot. “Ah, ganun ba? Sige ingat ka na lang Jade sa pag-uwi.” “Sige, goodluck sa try-out. Bye.” Lumabas na ng classroom si Jade at halos lahat ng mga classmates din namin lumabas na at kami na lang ni Jeff ang pinakahuli sigurong lalabas. Si Jeff kasi , ang daming dalang libro. ‘Di nag-iiwan sa locker, lahat inuuwi sa bahay. Kaya ‘yung mga libro, isa-isa pa niyang binabalik sa loob ng bag niya. “Jared. Wala namang try-out ngayon ah,” sabi ni Jeff habang nilalagay niya ‘yung mga gamit niya sa bag. “Alam ko.” “Eh ano ‘yung sinasabi ni Jade?” “Pakulo lang ni Steve ‘yun at ng mga kaibigan niya. Malaki ang galit sa ‘kin ng kapatid mo.” “Pasensya ka na at ingat ka na lang. Mga loko talaga ‘yung mga iyon. Minsan na rin nila akong napag-trip-an. At kahit kapatid ko si Steve, wala siyang pakialam at pinagtawanan pa niya ‘ko.” “Bakit, ano’ng ginawa nila sa ‘yo?” “Isang beses, habang naglalakad ako sa canteen at may dalang tray ng pagkain, pinatid ako ng isa sa kanila. Kaya nadapa ako at nadumihan ng pagkain ‘yung uniform ko. Adobo pa naman ang ulam ko noon, kaya kahit anong linis ko sa uniform ko kitang-kita na may mantsa ng pagkain. Napag-trip-an din nilang ilagay ‘yung bag ko sa CR ng mga babae. Halos abutin na ‘ko ng gabi kakahanap.” “Parang bata naman pala silang man-trip eh.” “Hindi rin. Kilala mo si Bernard ‘di ba?” “Oo, bakit?” “‘Yung girlfriend niya na si Sheena, nahuli niya iyon dati na may ibang lalaki. Kaya ‘yung lalaki, dinala nila sa gym at doon binugbog. Bugbog sarado talaga na halos ‘di na makilala. Buti na lang ‘yung guard nitong school nag-ikot, kaya nakita siya at nadala sa ospital. Awa naman ng Diyos nabuhay pa. Pagkatapos noon ,’di na iyon pumasok at balita ko dinala na ng magulang sa ibang bansa sa takot na maulit iyon sa anak nila.” Bigla ko tuloy naisip na baka ganun din ‘yung balak nilang gawin sa ‘kin. “Kaya Jared. Mag-iingat ka, kasi ‘di mo alam kung ano’ng mga kaya pa nilang gawin.” “Thanks. Pero ‘di ko naman hahayaan na maisahan nila ako. Sisiguraduhin ko na I’m always one step ahead. Pinaplano pa lang nila, alam ko na.” “Hayaan mo, kung may malaman man ako na pinaplano nila laban sa ‘yo, sasabihin ko kagad,” seryosong sabi ni Jeff. “Jeff,” “Bakit?” “Sino ba talaga ang kapatid mo? Ako o si Steve?” sabay tawa ko. Natawa rin siya. “Sa dugo si Steve. Pero mas kapatid pa kasi ang turing mo sa ‘kin kesa sa kanya. Ikaw lang ang naglakas ng loob makipagkaibigan sa akin habang halos lahat ayaw.” Kanina seryoso tapos biglang drumama. “Tama na nga. Baka maiyak pa ‘ko sa ‘yo niyan.” Natawa na lang kaming pareho. “Umuwi na nga lang tayo!” “Mabuti pa nga. Pero Jeff mauna ka na palang lumabas sa ‘kin. ‘Pag nakasalubong mo sina Steve at tinanong ako, sabihin mo na lang ‘di mo alam kasi nauna kang umalis sa ‘kin, okay?” “Sige. Ingat na lang.” “Okay,” tapos lumabas na siya ng classroom. Pinauna ko si Jeff kasi panigurado ‘pag makita siya nina Steve alam na ng mga ‘yun na kasama niya ‘ko. Mabuti nang sigurado. Sayang naman ‘yung plano ko na paputiin ‘yung mga mata nila sa paghihintay at pausukin ‘yung mga tenga nila sa sobrang inis sa ‘di ko pagdating ‘di ba? Nilabas ko ‘yung jacket ko at sinuot ‘yun at nilagay sa ulo ko ‘yung hoodie, para ‘di ako pansin masyado. Para kung makasalubong ko man sina Steve maitatago ko yung mukha ko sa jacket at ‘di nila ko agad makikilala. Lumabas na ‘ko ng classroom at naglakad palabas ng building school papunta sa parking lot. Wala namang Steve o mga kabarkada ni Steve akong nakita hanggang sa makaalis ako ng school. Pagdating ko sa bahay nagpakita lang ako kay Mommy para alam na niyang dumating ako. Tapos pumanik na ‘ko sa taas at nag-stay na lang sa kwarto ko. Wala akong magawa kaya ginawa ko na ‘yung mga assignments ko, para this weekend din wala na ‘kong proproblemahing assignments. Nang matapos ko ‘yung mga assignments ko, tinawag na ‘ko ni Mommy dahil magdi-dinner na raw kami. Habang kumakain kami nagtanong si Mommy tungkol kina Phil. “Jared, tuloy ba ang pagpunta ng mga kaibigan mo rito bukas?” “Opo, pupunta po sina Phil. Pati sina Jeff at Jade na mga classmates ko.” “Yey!  Tomorrow na pala ‘yun kuya? Yey! At pupunta talaga si Ate Jade? Yey!” tuwang-tuwa si Inah sa sinabi ko. “Opo, pupunta po si Ate Jade bukas. Pero dapat behave. ‘Wag makulit.”  “Yes kuya! And papahiramin ko si Ate Jade ng mga toys ko! Papahiram ko sa kanya si Coco.” “Sige laro kayo, kasama si Coco,” marahan kong tinapik-tapik sa ulo si Inah, saka ako tumingin kay Mommy “Mommy, sabi po pala ni Jade kung pwede n’yo raw po siyang turuan kung paano mag-bake ng carrot cake? Natikman niya po kasi noong pabaunan n’yo ‘ko.” “Oo naman. Kahit ituro ko pa sa kanya lahat ng mga alam kong lutuin at i-bake! Tapos ituturo ko sa kanya lahat ng paborito mo anak, para ‘pag naging girlfriend mo na siya, siya na magluluto para sa ‘yo.” tuwang-tuwa si Mommy habang sinasabi ‘yun. “Mommy…” “Bakit Jared, nililigawan mo ba iyong Jade?” tanong naman ni Dad. “Daddy, pretty po siya, and she’s nice pa,” kwento naman ni Inah. “‘Di ko po nililigawan. May boyfriend po siya,” pero ‘di katagalan magiging ex niya. “Mommy, baka naman po bukas kulitin n’yo po si Jade ah. ‘Wag po. Baka kasi mailang si Jade sa ‘kin o kaya madala at ‘di na po pumunta dito sa bahay.” “Ito namang anak ko ang serious. Oo na. Behave kami ni Inah bukas. ‘Di ba, Inah?” “Yes Mommy!” Parang mas kinabahan ako sa mga pwedeng sabihin at gawin ni Mommy at ng kapatid ko. Iba ang mga ngiti sa mukha nila. Nang matapos kaming kumain, bumalik ako sa kwarto ko. Tiningnan ko ‘yung phone ko kung may text. Meron nga at galing kay Jade. From: Jade Jared, bakit d ka nagpunta sa tryout? Hinintay ka daw nina Steve. Yes! Mukhang successful ang plano ko. Namuti ang mga mata nila! Buti nga! To: Jade Andyan pa ba sya? From: Jade Wala na… To: Jade Pwede akong tumawag? From: Jade Sige... CP o Skype? To: Jade CP, gamit ni Inah yung laptop ko. Naglalaro ng games... From: Jade Bait na kuya. Sige, tawag ka na. Kaya tinawagan ko na siya. Ilang ring lang sinagot na niya. “Hello, Jade” “Hello.” “Tungkol pala sa try-out. Nagbago isip ko, kaya ‘di na ‘ko nagpunta,” palusot ko na lang. “Ganun? Sayang naman.” “Ayos lang ‘yun. Nga pala kumusta pagluluto mo ng carbonara?” “Okay lang. Kaso ‘di naman masyado kumain si Steve. Medyo bad trip siya pagdating niya rito eh. Wala raw siyang gana.” Natuwa ako kasi na-bad trip ko si Steve, pero nainis akong malaman na nag-effort si Jade na magluto tapos ‘di niya kakainin. “Meron pa bang natira?” “Yeah, madami pa. Bakit?” “Dala ka rito bukas. Gusto ko matikman ‘yung luto mo.” “Talaga?”  “Oo, panigurado masarap ‘yung luto mo.” “Bola…” “Hindi ah. At kahit nga ‘di masarap, kakainin ko pa rin kasi ikaw nagluto. Nag-effort ka, kaya ‘di dapat sayangin.” Tahimik lang siya. Walang sinagot sa sinabi ko. “O, bakit ka naman natahimik d’yan? Totoo ‘yung sinabi ko.” “Wala. Sana ganyan din si Steve. Alam mo ‘di naman talaga ako marunong magluto. Pero dahil paborito ni Steve inaaral kong lutuin. Napaso pa nga ako kanina. Kaya nalungkot ako nang ‘di niya masyado kainin ‘yung niluto ko. Pero okay lang, baka wala lang talaga siyang gana.” Naiinis ako habang pinakikinggan ko ‘yung sinasabi ni Jade. Napakawalang-kwenta talaga ng Steve na ‘yun. “‘Wag ka na malungkot d’yan. Ako uubos ng niluto mo. Kaya dalhin mo lahat dito bukas ah. Kahit ‘yun na ang kainin ko sa lunch, meryenda, at dinner. Ayos lang!” “Sira! ‘Di ka kaya maumay?!” Natawa siya at masaya ako na napapatawa ko siya. ‘Di alam ni Steve kung ano’ng nawawala sa kanya sa tuwing binabalewala niya si Jade. “Nga pala, sunduin kita ng mga 11:00 a.m. Sabi kasi ni Mommy dito na raw kayo mag-lunch.” “‘Wag na ‘no. Iisang subdivision lang naman tayo, tapos susunduin mo pa ‘ko. ‘Tsaka baka makarating pa kay Steve at mag-away pa uli kami.” “Sige. Send ko na lang sa ‘yo mamaya ‘yung address namin.” Nagkwentuhan pa kami ng konti ni Jade, pero nagpaalam na rin agad siya dahil inaantok na siya. “Sige. Tulog ka na, para mapaginipan mo ‘ko,” pasimpleng hirit ko sa kanya. “Sira ka talaga! Sige na, good night.” “Good night.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD