CHAPTER 20

2128 Words
ISANG linggo pa ulit ang mabilis na lumipas. Ganoon pa rin at walang pagbabago sa kondisyon ni Kamahalan. Pero hindi naman ako napapagod na alagaan siya. Lagi akong nasa tabi niya at halos hindi ko na nga maiwala ang paningin ko sa kaniya kahit segundo lang. Lagi niya ring hawak ang mga kamay ko kapag alam niyang nasa tabi niya ako. Kahit papaano ay natutuwa rin ako dahil alam kong hindi man ako makita o marinig ng mahal ko, ramdam naman ako ng puso niya. “Huwag kang mapapagod na mahalin at alagaan ang anak ko, Sinag. Dah ikaw ang kailangan niya, lalo na ngayon sa kalagayan nya. Alam kong hindi ka man makita at madinig ni Caspian, pero ’yong puso niya... kilala ka. Nawala ka man sa alaala niya, ang mga pinagsamahan ninyo noon, pero kailanman ang puso ay hindi nakakalimot lalo na sa taong mahal nito.” Paliwanag sa ’kin ni Mommy Lucy habang pinagmamasdan namin si Caspian na nakahiga sa kama. Isang tipid na ngiti ang pinakawalan ko. “Mahal ko po siya, mommy,” sabi ko. “At lahat gagawin ko para sa kaniya. Naniniwala naman po akong gagaling siya, e!” Saad ko pa. Naramdaman ko namang ginagap niya ang palad ko. “I know how much you love Caspian, Sinag. Kung sakali mang mapagod ka... huwag kang susuko, huh! Magpahinga ka lang pero huwag mong sukuan ang anak ko lalo na ang pagmamahalan ninyong dalawa.” Muli akong napangiti dahil sa mga sinabi ni Mommy Lucy. Pagkatapos ay umupo ako sa tabi ng mahal ko. Payapa na naman siyang natutulog. Miss na miss ko na ang dating Caspian. Ang paglalambing niya sa ’kin. Ang kakulitan niya. Kung paano niyang iparamdam sa ’kin kung gaano niya ako kamahal. Ang boses niya sa tuwing sinasabi niya kung gaano niya ako kamahal. Sobra na akong nangungulila sa kaniya! Kailan ka babalik sa ’kin, mahal ko? Gusto ko na ulit makita sa mga mata mo kung gaano mo ako kamahal. ’Yong saya sa tuwing magkasama tayo. Lumipas pa ang mga araw at linggo. Lagi akong nasa tabi niya para alalayan siya sa tuwing may session siya para sa hearing niya. Kaibigan din ni Mommy Lucy ang doctor na tumitingin sa kaniya para bumalik ang pandinig niya. Sa ngayon ay medyo nahihirapan din kaming maghanap ng eye donor niya. Ang sabi kasi ni Mommy Lucy, iyon lang ang paraan para muli siyang makakita. Para bumalik ang paningin niya. “There’s a big chance na mapadali ang pagbalik ng pandinig ni Caspian, Lucy. Basta tuloy-tuloy lang ang session niya. And wearing this hearing aid can help him para kahit papaano ay ma-recall niya ang sound sa paligid niya. I can see the determination in Caspian na mabalik agad ang pandinig niya.” Nakangiting paliwanag ng doctor ni Kamahalan matapos ang session niya ngayong araw. Tatlong araw sa isang linggo ang session niya para ma-monitor ng doctor ang kalagayan ng pandinig niya. At masaya naman kami lalo na ako na unti-unti ng bumabalik ang pandinig niya. Excited na ako na marinig niya ulit ang boses ko. “Don’t worry too hija Sinag, your husband will be fine. Babalik siya sa dati I’m sure of that.” Napangiti naman ako sa doctor saka ko binalingan ng tingin si Kamahalan na nasa tabi ko at hawak-hawak na naman ang mga kamay ko. “Salamat po, Doc.” Matapos ang pag-o-obserba ulit kay Kamahalan ay nagpaalam na rin ang doctor kaya’t naiwan kaming dalawa sa loob ng kuwarto niya habang kausap pa ng doctor si Mommy Lucy. “Kaunti na lang, mahal ko. Babalik ka na sa ’kin.” Kahit alam kong hindi pa niya ako maririnig. Tumaas ang kamay ko para haplusin ang pisngi niya. Kita ko naman ang pagguhit ng ngiti sa mga labi niya saka hinawakan ang kamay ko na nasa pisngi niya. “I can feel it that you are happy now.” Nakangiting saad niya. Dumukwang naman ako para halikan siya sa pisngi niya. “Masaya talaga ako, Caspian ko. Masayang-masaya,” nakangiti ring sabi ko kahit medyo naluluha-luha na naman ako. “Kapit ka lang, huh? Alam kong gagaling ka.” Mayamaya lang ay pumasok ulit si Mommy Lucy. Nakangiti rin itong lumapit sa ’kin. “Tears of joy?” “Masaya lang po ako, mommy,” sabi ko. “You should be happy, Sinag. Kasi may eye donor na tayo para kay Caspian.” Nahigit ko ang paghinga ko nang marinig ko ang sinabi ni Mommy Lucy. Napatitig pa ako sa rito. Mayamaya ay kumabog nang malakas ang puso ko. Halos mapatalon pa ako sa kama ni Caspian dahil sa sobrang tuwa ko. Oh, salamat, Diyos ko! Akala ko ay hindi mo na didinggin ang mga panalangin ko sa ’yo! Akala ko ay hindi mo na bibigyan ng chance na makakita ang mahal ko. Dahil sa tuwa ko ay napayakap ako ng mahigpit kay Kamahalan. Nagtataka naman ang hitsura niya dahil sa ginawa ko. “What’s happening?” takang tanong niya saka ginagap ang mga palad ko. Hinalik-halikan ko pa ang mga kamay niya pati ang pisngi niya. “Masaya ako, mahal ko. Salamat sa Diyos at may eye donor ka na! Makakakita ka na ulit, Caspian ko.” Bulong ko sa kaniya. Ngumiti naman siya. “I hear something. But I don’t understand what you said,” sabi niya. Niyakap ko na lang ulit siya para iparamdam sa kaniya ang kaligayahan ko ngayon. Hindi na ako makapaghintay na muli siyang makakita! Na muli niya akong makita! Mayamaya ay kinausap din ako ni Mommy Lucy nang nakatulog na si Kamahalan. “Sino raw po ang eye donor niya, mommy?” tanong ko na may kaligayahan pa rin sa puso ko. Hindi pa rin magkandamayaw ang tuwa ko. “Isang pasyente na naka-confined roon sa St. Martha Hospital sa Canada. He passed away about a week ago. Pero bago siya mawala ay si Caspian ang napili niyang matulungan at i-donate ang mata niya.” Ewan ko, pero bigla rin nawala ang ngiti sa mga labi ko nang marinig ko ang mga sinabi ni Mommy Lucy. Sa Canada? Ang layo naman! Napansin naman ni Mommy Lucy ang biglang pananahimik ko at nilingon ko ang payapang natutulog na si Caspian kaya hinawakan nito ang kamay ko at masuyo iyong ginagap. “I know, Sinag. But we should be thankful dahil may pag-asa ng makakitang muli si Caspian.” Saad nito. Nagpakawala ako nang malalim na buntong-hininga bago muling humarap dito. Ngumiti ako. “Kailan daw po?” lakas loob na tanong ko. “In three days,” sagot ni Mommy Lucy. “Kinuha ko na agad ang schedule na iyon para masimulan agad ang operasyon. So, bukas na bukas din ay aalis kami.” Hindi ko kayang malayo sa ’kin ang mahal ko. Ngayon pa lang ay parang ang bigat-bigat na ng pakiramdam ko. Ayoko na mawala siya sa paningin ko. Ayoko na mawala siya sa tabi ko. Pero napaka-selfish ko naman kung hahadlang pa ako sa pagkakataon para muling maibalik sa dati ang mahal ko. Kakayanin kung mawalay siya panandalian sa ’kin kung ang kapalit nito ay ang paggaling niya nang tuluyan! “I want you to come with us anak Pero we don’t have enough time para mag-asikaso ng papeles mo.” Saad pa sa akin ni Momny Lucy. Pilit naman akong ngumiti. “Naiintindihan ko po, mommy. Ang mahalaga naman po sa akin ngayon ay gumaling ng tuluyan si Caspian.” “Don’t worry, anak. I’ll make sure na babalik sa dati si Caspian.” “MAMIMISS kita, Caspian ko.” Bulong ko sa kaniya habang mahigpit ko siyang yakap-yakap. Hindi ko mapigilan ang mapaiyak dahil sa lungkot na nararamdaman ko ngayon pa lang. Mula nang maging kami ni Caspian, ngayon pa lang kami magkakahiwalay ng matagal. Ayokong umalis siya sa tabi ko ng matagal. Gusto kong sumama para ako pa rin ang magbabantay sa kaniya roon sa Canada, pero wala naman akong magawa dahil hindi rin kompleto ang mga papeles ko. Wala ng oras para mag-asikaso pa ako. “Why are you shaking? Are you okay?” nagtatakang tanong niya sa ’kin nang ilayo niya ako mula sa katawan niya. Muli akong napaluha nang mapatitig ako sa mukha niya. Kung puwede ko lang pigilan si Mommy Lucy na huwag ng dalhin sa Canada si Caspian, gagawin ko. Pero para naman ito sa ikabubuti ng mahal ko. Umangat ang mga kamay niya sa braso ko, sa balikat ko hanggang sa dumapo ang mga palad niya sa pisngi ko. Ikinulong niya ang mukha ko sa mga palad niya. Mayamaya ay nangunot ang noo niya nang makapa niyang basa ng luha ang mga pisngi ko. “Why are you crying?” nag-aalalang tanong niya sa ’kin. Kung maririnig mo lang ang dahilan ko, mahal ko. Kung makikita mo lang ako ngayon. Hinawakan ko ang mga kamay niyang nasa magkabilang pisngi ko saka ko iyon pilit na hinalikan. “Magpagaling ka roon, huh? Maghihintay ako sa ’yo, Caspian ko. Sana pagkabalik mo... magiging okay na ang lahat sa atin! Babalik ka na sa ’kin. Babalik na tayo sa dati, mahal ko.” Sa gitna ng paghagulhol ko ay muli ko siyang ikinulong sa mga yakap ko. Susulitin ko na muna ito sa ngayon dahil pagkatapos ng mga sandaling ito... araw-araw na akong mangungulila sa ’yo, mahal ko. Ramdam ko ang masuyong paghaplos niya sa likod ko. Inaalo niya ako na para bang nakikita niya kung gaano kasakit para sa ’kin na magkakalayo kami sa isa’t isa. “Shhh, enough crying! Please, pakiramdam ko pati ang puso ko ay nasasaktan din dahil sa pag-iyak mo ngayon. I feel your heart is hurting now. I’m just here kahit hindi kita marinig. Kahit hindi kita makita. You can lean on my shoulder to cry. Puwede mong ibulong sa ’kin ang nararamdaman mo ngayon kahit hindi kita naririnig. At least, mailabas mo lang ang nararamdaman mo ngayon.” Napahagulhol akong lalo dahil sa mga binitawan niyang salita. “Sinag anak!” narinig ko ang boses ni Mommy Lucy. Dahan-dahan akong kumawala sa yakap ng mahal ko. Pinunasan ko ang mga luha sa pisngi ko saka pilit na pinatatag ang loob ko bago ako bumaling kay Mommy Lucy. Humakbang naman ito palapit sa amin ni Caspian. “We need to go Sinag.” Malungkot na saad sa akin ni Mommy Lucy. Ramdam ko ang awa nito sa ’kin. Pero kagaya ko ay pinipilit din nitong maging okay. Para naman ito sa ikabubuti ng mahal namin, e! Inayos ko muna ang damit ni Kamahalan saka ko siya muling niyakap at hinagkan sa magkabilang pisngi niya bago siya namin inalalayan pababa sa kama niya. Tahimik lang kami habang tinatahak ang pasilyo ng hospital. Hanggang sa makarating kami sa labas at sa tapat ng sasakyan na naghihintay sa kanila para ihatid sila sa airport. “Mag-iingat po kayo, mommy.” Humihikbing saad ko. “Ikaw rin dito, Sinag. Don’t worry, araw-araw akong tatawag sa ’yo para makita mo si Caspian. Babalik siya sa ’yo, pangako ko.” Pagbibigay lakas-loob nito sa ’kin. Pinisil pa nito ang mga palad ko saka ako niyakap at hinalikan sa pisngi. Muli kong binalingan ng tingin si Caspian. Hinawakan ko ang kamay niya at hinalikan ko iyon. “Mami-miss kita. I love you, Caspian.” Nakatanaw lamang siya sa kawalan. “Aalis na kami, Sinag.” Untag ni Mommy Lucy nang mapansin nitong hawak ko pa rin ang kamay ni Caspian. Humakbang ako paatras sa tapat ng pinto ng sasakyan pero hindi ko pa rin magawang pakawalan ang kamay ng mahal ko. Pakiramdam ko kasi, oras na bitawan ko ang kamay niya ay ito na ang pagtatapos ng mundo ko. Pagwawakas ng buhay ko sa piling ng mahal ko. Unti-unting kumakawala ang mga palad naming magkahawak kasabay ng unti-unting pagsara ng pinto ng sasakyan. Unti-unti siyang nawala sa paningin ko. Sobrang sakit sa puso ko. Mas masakit pa kaysa kanina. Parang anumang sandali ay mawawalan ako ng lakas at basta na lang ako bubulagta sa kinatatayuan ko ngayon. Nag-unahan sa pagpatak ang mga luha ko. Yumugyog na naman ang mga balikat ko nang pigilan kong mapahagulhol ng malakas. “Paalam, mahal ko.” Sa gitna ng mga paghagulhol ko ay naramdaman ko ang isang kamay na humawak sa balikat ko. “He’ll be fine, Sinag.” Saad sa ’kin ni Hermes. Wala na akong ibang nagawa kun’di ang yumakap dito at humagulhol sa dibdib nito. “Shhh, everything will be fine. Babalik sa dati ang lahat, Sinag. Magtiwala ka lang.” Pag-aalo pa nito sa ’kin. Dahil sa bigat ng kalooban ko, ni hindi ko na magawang magsalita at kumilos nang maayos. Buti na lang at nandito si Hermes. Inalalayan ako nitong makasakay sa kotse nito at inihatid ako sa bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD