CHAPTER 19

2683 Words
“KUMAIN ka muna anak, Sinag.” Saad sa ’kin ni Mommy Lucy nang pumasok ito sa kuwarto kung saan naka-confine si Caspian. May dala itong paper bag na alam kong puro pagkain ang laman. Isang linggo na simula nang maaksidente si Caspian. Dapat ito sana ang masayang araw sa buhay namin. Ito sana ’yong araw ng kasal namin... pero heto kami ngayon sa hospital. Wala pa rin siyang malay habang ako lubos pa ring nasasaktan at balot pa rin ng takot at kaba ang puso ko. Sana masaya kami ngayon na magkasamang humaharap sa altar at nagpapalitan ng mga sumpaan na habang-buhay kaming magsasama at magmamahalan. Sana ito na ’yong araw na mag-uumpisa kami bilang mag-asawa at mag-uumpisa na bumuo ng masasayang alaala at pamilya namin. Sana pareho namin nakikita ang masasaya at matatamis na mga ngiti sa mga labi namin habang magkahawak ang mga kamay namin sa harap ng altar. Sana! Sana masaya kami ngayon. Sana hawak ko ang kamay niya ngayon na gising siya hindi ’yong ganito na nakikita ko ang paghihirap niya. Mga sana sa isipan ko na lalong nagpapadurog sa puso ko. Halos hindi na ako umalis sa tabi niya. Dito na ako natutulog sa tabi niya. Araw-araw ko siyang kinakausap kahit alam ko naman na hindi niya ako nadidinig. Hindi ako nawawalan ng pag-asa na babalik siya at gigising siya isang araw at hahanapin niya ako. Na ako ang una niyang makikita pagkamulat ng mga mata niya. “Sinag anak!” Untag sa akin ni Mommy Lucy at hinawakan nito ang balikat ko. Napatungo na lang ako saka pinunasan ang mga luha sa pisngi ko. Pakiramdam ko rin ay hindi na ako napapagod sa kakaiyak ko. ’Yong halos wala ng tigil sa pagbuhos ang mga luha sa mata ko. “Sige na. Kain ka muna at magbihis ka na rin,” wika nito saka inabot sa akin ang pagkain ko. Mabuti rin at nasa tabi ko lagi si Mommy Lucy, si Maria at kuya para alalayan ako. Hindi ko alam kung ano ang gagawin kung ako lang mag-isa ngayon. Kahit walang ganang kumain ay pinilit ko rin ubusin ang pagkain ko. Pagkatapos ay nagbihis na rin ako ng damit ko. “Kung umuwi ka kaya muna sa bahay anak para makapagpahinga ka ng maayos?” saad ni Mommy Lucy nang bumalik na ako sa tabi ni Caspian. Hinawakan ko ang kamay niya saka ko siya tinitigan nang mataman. Umangat pa ang isang kamay ko at dumapo iyon sa pisngi niya. Masuyo ko iyong hinaplos doon. “Mommy, hindi rin po ako makakapagpahinga sa bahay. Ayokong iwan si Caspian dito. Baka... baka po mamaya ay gumising na siya at hanapin niya ako,” wika ko at binalingan ko ito ng tingin. Kita ko naman sa mukha ni Mommy Lucy ang awa para sa akin. Alam kong pati ito ay nahihirapan at naaawa sa kalagayan namin ni Caspian. Tumayo ito sa kinauupuan nito at lumapit sa ’kin. Hinalikan pa nito ako sa ulo ko saka ako niyakap. “Hindi ako nagsisisi na ikaw ang minahal ng anak ko, Sinag. Mahal na mahal mo ang Caspian ko. Alam ko na lalaban siya at babalik siya sa atin. I know how much Caspian loves you kaya babalikan ka niya.” Pagpapatatag nito sa loob ko. Napangiti na lang ako ng mapait. “Mahal na mahal ko po ang anak ninyo, Mommy Lucy. Hindi ko po kakayanin kung mawawala siya sa akin.” “May awa ang Diyos, anak! May awa ang Diyos!” Mayamaya ay nagpaalam din ito sa akin dahil may trabaho rin ito ngayon dito sa hospital. Inilipat kasi si Caspian sa hospital nila para si Mommy Lucy mismo ang tumingin sa kaniya habang naghihintay kami na gumaling siya. Tumayo ako saglit para magtungo sa banyo at naiihi ako. Saktong pagkabalik ko. Paglabas ko ng pinto ay naagaw agad ang paningin ko nang gumalaw ang daliri sa kamay ni Caspian. Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya ng hindi ko inaalis ang tingin sa kamay niya. Ilang ulit ko pang nakita ang paggalaw ng mga daliri niya. Tama nga ang nakikita ko at hindi ako namamalik mata lamang. Napaiyak na lang ako bigla at nagmamadaling lumabas ng kuwarto para tawagin si Mommy Lucy. Nagmamadali naman itong bumalik sa kuwarto kasama ang dalawa pang doctor. “He’s a wake, Doktora.” Mas lalo akong napaiyak nang madinig ko ang sinabi ng isang doctor. Gising na si Kamahalan ko? Abot-abot ang kaba at tuwa sa puso ko. Walang pagsidlan ang tuwa dahil sa isiping gagaling na ang mahal ko. Kita ko pa kung paanong dahan-dahan na nagmulat ng mga mata niya si Caspian. Ang paggalaw ng mga kamay niya. “Just go out side, Sinag. Kailangan pa namin siyang i-check.” Utos sa akin ng isang doctor. Ayoko sanang lumabas, pero wala na rin akong nagawa nang igiya ako ni Maria palabas. Hindi naman ako mapakali sa labas ng kuwarto. Paroo’t parito ang lakad ko. Hindi na ako makapaghitay na muling makita si Caspian. Halos mag-isang oras din kaming naghintay sa labas. “Ba’t ang tagal, bes?” nag-aalalang tanong ko kay Maria. “Saglit na lang ’yan, bes. Lalabas din si Ma’am Lucy. Kalma lang! Magiging okay na si Caspian.” Ani nto sa ’kin saka ako nito niyakap. Mayamaya nga ay lumabas si Mommy Lucy at pinapasok kami. Hindi ko pa rin mapigilan ang mga luha ko nang makita kong gising na nga siya! Napangiti na lang ako saka naglakad palapit sa kaniya. “C-Caspian!” nauutal at naluluha pang tawag ko sa pangalan niya. Hindi naman siya sumagot sa ’kin at ni hindi man lang lumingon sa ’kin. Basta lang siyang nakatingin sa kawalan. Hinawakan ko ang kamay niya nang makalapit ako sa tabi niya. Pero ganoon na lang ang pagkadismaya ko nang nagulat siya sa ginawa ko kaya pumiksi siya. “What was that? Is there... is there anybody here?” tanong niya sa namamaos na boses at nagpalinga-linga pa na animo’y may hinahanap. “Someone can hear me? Please, I need help.” Dugtong pa niya sa nagsusumamong boses. Napatingin na lang ako kay Mommy Lucy na nagtataka. Bakit hindi niya ako makita? Ano’ng nangyayari? “Caspian!” tawag ko ulit sa kaniya at hindi ko na napigilan ang mapaiyak lalo. “Please, tulungan n’yo ako! Wala akong makita.” Halos mangiyak-ngiyak na pagsusumamo niya at kinapa pa ang paligid niya. “Nasaan ako? Can someone turn on the light, please! I can’t see anything.” “Caspian, n-nandito ako sa tabi mo, mahal ko! H-hindi mo ba ako nakikita? Caspian ko!” umiiyak na saad ko sa kaniya. Bulag ba siya? Bakit hindi niya ako makita? Wala siyang makita sa paligid niya? Mas lalo lang ako naawa sa kalagayan ng mahal ko. Hindi ko na napigilan ang sarili ko na yakapin siya nang mahigpit kasabay nang pagpapakawala ko nang malakas na hagulhol ko. “Who are you?” gulat na tanong niya sa akin. Ang sakit sa puso na para akong pinapatay dahil sa tanong niya. Sino ako? Hindi niya ako kilala? “Caspian ko! Huwag naman ganito! P-please!” habang yakap-yakap ko siya nang mahigpit na para bang natatakot akong mawala siya sa akin. “Who are you? Please, say something. Sino ka?” pagmamakaawang tanong niya sa ’kin. “Si Sinag ito, mahal ko! Hindi mo ba ako nadidinig?” “Please! Please! Please! I can’t see anything. I can’t hear anything. Please! What’s happening? Nasaan ako?” pati siya ay hindi na rin napigilan ang mga luha na kumawala sa mga mata niya. Wala siyang makita! Wala rin siyang marinig sa paligid niya! Bakit kailangan mangyari ang lahat ng ito? Bakit kailangan niyang maranasan ito? Bakit siya pa? Bakit ang mahal ko pa? Gusto kong sumigaw at magwala para mailabas itong sakit na nararamdaman ng puso ko ngayon. Sobra akong nasasaktan at naaawa sa kalagayan ng mahal ko! Mayamaya ay naramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko kaya napatingin ako roon. “Sino ka? Please, tulungan mo ako! Kailangan kong makita ang mama ko, please! Parang awa mo na!” “Tutulungan kita!” sumisinghot na sagot ko sa kaniya kahit alam ko naman na hindi niya ako naririnig. Bakit hindi niya man lang maalala ang mga yakap at amoy ko? ’Yong mga haplos ko sa kaniya? Bakit ang mama niya ay naaalala niya pero ako hindi? “Mag-usap muna tayo, Sinag,” sabi sa ’kin ni Mommy Lucy. Hindi ko naman maiwanan agad si Caspian dahil hindi niya rin binibitawan ang mga kamay ko. Hinayaan ko na at hinantay na makatulog siya ng payapa bago ako lumabas ng kuwarto at nagtungo sa office ni Mommy Lucy. Pagkapasok ko pa lang ay kita ko na ang lungkot sa hitsura nito. Umupo ako sa bakanteng upuan sa harap ng lamesa nito. “Mommy, bakit ganoon po ang nangyari sa kaniya? Bakit ’di siya makakita? Bakit hindi niya ako marinig?” sunod-sunod agad na tanong ko. Nagpakawala nang malalim na buntong-hininga ang Mommy Lucy. “I don’t want you to get hurt Sinag... pero gusto kong malaman mo ang katotohanan.” Kunot noo at nagtataka pa akong napatitig. Anong katotohanan? “Naapektohan ang pandinig at paningin ni Caspian dahil sa malakas na impact ng pagkakabangga ng sasakyan niya nang mangyari ang aksidente niya. May mga bubog na pumasok sa mata niya na naging dahilan para maapektohan ang cornea at ugat sa mata niya. We need to find an eye donor para maoperahan agad siya at muling makakita. Ang pagtilapon naman niya nang malakas sa labas ng kotse niya ang naging dahilan para matamo niya ang fracture sa ulo at utak niya ganoon din sa pandinig niya. But don’t worry at may kakilala akong doctor na makakatulong sa atin para muling bumalik agad ang pandinig niya. But I can’t promise you na magiging madali para sa ’yo ang sitwasyo niya ngayon Sinag kasi—” “Mommy, lahat kaya ko pong gawin para kay Caspian. Kahit mahirap at masakit tatanggapin ko. Gagaling naman po agad siya, hindi po ba?” agap ko sa iba pa nitong mga sasabihin sa akin. Nagbaba naman ng tingin si Mommy Lucy. Bakit parang pakiramdam ko ay may iba pang problema maliban sa nawalang paningin at pandinig si Caspian? “Were not really sure as of now, Sinag. May nakita kasi kaming findings sa kaniya na... na maaaring magkaroon ng selective amnesia si Caspian.” Ani nito. Halos manlomo rin ako nang madinig ko ang sinabi pa ni Mommy Lucy. Selective amnesia? Ano’ng ibig sabihin n’on? Nakalimot siya? Nakalimutan niya ako? “A-ano pong ibig n’yong sabihin?” tanong ko kahit parang ayokong marinig ang mga paliwanag ni Mommy Lucy dahil sobra na akong nagdurusa at sobra na akong nasasaktan sa mga nalalaman ko tungkol sa kondisyon ng mahal ko. “Selective amnesia. Ito ’yong klase ng amnesia na kong saan ang isang pasyente na nagkakaroon nito ay pansamantalang nakakalimot sa mga bagay tungkol sa kaniya. Maybe makalimutan niya kung saan siya nakatira. Ang mga bagay-bagay na nakahiligan niya ng gawin noon... or maybe, his special someone. Maaaring makalimutan niya ang mga masasayang alaala na ginawa n’yo noon bago nangyari ang aksidente.” Napahagulhol na naman ako sa mga nalaman ko. Bakit ganoon? Napaka-unfair naman ata ng mundo sa amin! Bakit ako pa ang kailangang mawala sa alaala niya? Bakit ako pa? Ramdam ko ang paulit-ulit na sakit sa puso ko. Puwede bang maging manhid ako para kahit papaano ngayon lang ay hindi ko maramdaman ang sakit sa puso ko? Baka kasi isang sakit na lang sa dibdib ko ay sumuko na ako at hindi ko na kayanin! “Sinag, just trust him. Hindi ko sinasabi ito sa ’yo para masaktan ka. I’m just saying this to you kasi gusto kong malaman mo na at maihanda mo ang sarili mo sa mga mangyayari pa. I know na gagaling agad si Caspian, so please be brave for my son, Sinag.” Maluha-luha ring ani sa akin ni Mommy Lucy. Tumayo ito sa upuan nito at niyakap ako. “Every thing will be alright, Sinag. Just trust Caspian na lalabanan niya ang lahat ng ito.” “Ang sakit lang kasi, mommy. Bakit po kailangan mangyari ito sa amin? Bakit po?” hagulhol ko. Ang akala ko ay kapag nagising siya, magiging okay muli kami. Pero bakit may ganito? Bakit mas malala naman ata ang nangyari? Wala na bang pahinga ang problema sa amin? Pero masuwerte pa rin naman ako kahit ’di man niya ako makita, madinig o maalala. At least ay nakikita at nahahawakan ko siya ngayon at hindi siya tuluyang kinuha sa akin, sa ’ming mga taong nagmamahal sa kaniya. Pagkatapos namin mag-usap ni Mommy Lucy ay bumalik ako ulit sa kuwarto niya. Gising na naman siya. Nakaupo siya sa kama. Siguro ay naubos na at napagod na ang mga luha ko dahil wala ng may pumapatak sa mga mata ko, kahit alam ko ’yong sakit sa puso ko ay hindi pa rin nababawasan pero mas lalo lang nadadagdagan habang nasisilayan ko ang mahal ko. Naglakad ako palapit sa kaniya saka umupo sa gilid niya. “Who’s there?” tanong niya. Kinuha ko ang kamay niya saka ko iyon hinawakan at masuyong pinisil-pisil. Hindi naman siya pumiglas, imbes ay hinawakan niya rin ang kamay ko saka siya tipid at mapait na ngumiti. “Who are you?” tanong niyang muli. Tumayo ako at yumakap sa kaniya. “Ako si Sinag! Ako ’yong mahal mo, Caspian!” Akala ko ay ubos na ang mga luha ko dahil wala naman akong maiiyak kanina. Pero mali pala ako! Heto na naman siya at nagsisimula na namang bumuhos. Kahit sobrang sakit na ng mata ko kakaiyak, wala akong magawa. Sa pag-iyak ko na lang inilalabas ang sakit na nararamdaman ng puso ko. “Ako ’yong mahal mo, Caspian ko.” Kahit magsumigaw pa ako rito sa tabi niya. Sumigaw ako sa tapat ng tainga niya, hindi niya pa rin ako maririnig. Miss na miss na kita, mahal ko! Kailan ka ba babalik sa akin? Ayoko ng ganito, e! Okay lang na magalit ka sa ’kin, balewalain mo ako kagaya noong nag-uumpisa pa lang tayo, basta alam kong nakikita at naririnig mo ako. Ayoko ng ganito na pakiramdam ko ay hindi ako nag-i-exist sa mundo mo! “Mahal na mahal kita at handa akong maghintay kung kailan ka babalik sa akin. Kung kailan tayo babalik sa masaya kagaya dati.” Umiiyak na bulong ko sa kaniya. Hinalikan ko pa ang pisngi niya saka ko siya muling niyakap nang mahigpit. Kita ko naman ang pagpatak ng mga luha sa mata niya nang humiwalay ako sa kaniya mayamaya. “Why I can’t hear anything?” umiiyak na tanong niya sa ’kin. Awang-awa ako sa nakikita kong hitsura ni Caspian ngayon. Kung puwede nga lang na ako na lang! Ako na lang ang nasa kalagayan niya! Ako na lang ang magdusa, gagawin ko basta ayoko lang na makita siyang nahihirapan at nasasaktan. “Hindi kita makita. Hindi kita marinig. Pero nararamdaman ng puso ko na hindi mo ako pababayaan. Please help me! Huwag mo akong iiwan.” Bulong niya at hinawakan nang mahigpit ang kamay ko. “Hindi kita iiwan at hindi kita pababayaan kasi mahal kita. Handa akong gawin ang lahat para sa ’yo, mahal ko.” Tinabihan ko pa siya sa paghiga sa kama niya para makapagpahinga na rin siya. At dahil siguro sa pagod ko, pati na rin ako ay hinila na ng antok. Yakap-yakap ko siya at nakatulog ako habang hilam pa rin ng mga luha ang mga mata ko ganoon din siya. “I love you, mommy ko! Always remember that, okay? Mas mahal na mahal kita.” Aniya habang hawak niya ang pisngi ko. “I love you too!” nakangiting bulong ko sa kaniya bago niya sakupin ang mga labi ko. Bigla naman akong napamulat ng mata at bumungad sa ’kin ang payapang natutulog na mukha ni Caspian habang hawak-hawak pa rin niya ang kamay ko. “Mahal na mahal kita!” saad ko sa kaniya at hinalikan ko ang noo niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD