CHAPTER 3

2629 Words
SAAN ako maliligo? Ano ang susuotin ko? Wala naman akong dalang gamit! Tsk! Adik din ang mokong na ’yon, e! Napabuntong-hininga na lamang ako nang malalim. “Mr. Sungit!” tawag ko sa kaniya habang hindi pa rin umaalis sa kinatatayuan ko. Ano ulit ang pangalan ng sungit na ’yon? Hindi ko manlang naitanong. Ano ba ’yan Sinag, magtatrabaho ka hindi mo manlang kilala ang amo mo. “Mr. Sungit! Yohooo!” ulit na tawag ko sa kaniya habang humahaba pa ang leeg ko para sumilip sa kuwarto niya. “What?” pagalit na tanong niya nang sumilip siya sa maliit na siwang sa pinto ng kaniyang kuwarto. “Saan ang kuwarto ko?” nakapamaywang na tanong ko. “There.” Tipid na sagot niya ’tsaka isasara na sana niya ang pinto nang magsalita na naman ako. “Sungit...” “What again?” nasa mukha niya ang labis na pagkainis sa akin. “Wala akong damit. Wala akong gamit.” Saad ko. “It’s not my problem anymore.” Aniya at tuluyan ng isinara ang pinto. Argh! Nakakainis! Walang kuwentang amo. Sarap upakan! Napapailing na lamang ako na naglakad papunta sa kuwartong itinuro niya kanina at pumasok doon. In fairness, hindi naman siya mukhang kuwarto ng katulong. Mas malaki pa nga ito sa kuwarto ko sa bahay. Tapos kompleto pa sa gamit. Umupo ako sa gilid ng kama at inilibot ang paningin sa buong paligid. Mayamaya ay tumayo ako sa puwesto ko at lumapit sa kabinet na naroon. Kung sinusuwerte ko nga naman e, ’no! May mga damit palang naka-hanger doon. Mga pajama at mga bagong panloob. Kanino kaya ang mga ito? Siguro sa dati niyang kasambahay na nilayasan siya dahil sa panget niyang ugali?! Matapos kong pumili ng maisusuot ay nagtungo na rin ako sa banyo na nasa sulok lamang para maligo na. Baka mamaya niyan ay malait na naman ako ng mokong na iyon. Dahil ngayon lang din ako nakagamit ng hot and cold shower sinulit ko na. May halos isa’t kalahating oras din ako sa banyo bago lumabas at nagbihis. “Hey! Crazy woman, hurry up. I’m starving.” Dinig kong sigaw niya mula sa labas ng kuwarto ko. Tss! Maghintay ka! Sinadya kong bagalan ang kilos ko para maghintay siya sa labas. “Kupad. Bilisan mo!” iritang bungad niya sa ’kin nang lumabas ako sa kuwarto. Hindi ko siya pinansin at nagtuloy lamang sa kusina niya para magluto ng makakain. Marunong naman ako magluto kahit ano’ng klaseng pagkain e, kaya ako na ang nag-isip ng kakainin niya. Sana lang magustuhan niya at wala akong marinig na panlalait ulit mula sa kaniya. Dahil kung hindi... baka mapilitan akong lasunin na lang siya para wala na akong utang na babayaran sa kaniya. “Kakain na Mr. Sungit!” sigaw ko mula sa kusina. “Don’t shout, okay! I can hear you.” Aniya at umupo sa hapag. Umalis naman ako agad sa harap niya. “Where are you going?” tanong niya. “Lalayo sa ’yo. Bawal kamo akong lumapit sa ’yo, hindi ba?” prangkang saad ko sa kaniya. “Stay.” Saad niya at nagsimulang kumain. E ’di stay! Nakatayo lang ako sa may gilid ng pintuan ng kusina habang pinapanuod siyang kumain. Natatakam na rin ako sa totoo lang. Kanina pa ako hindi kumakain, e! Napahawak ako sa tiyan ko. Mayamaya ay tumayo na siya sa kabisera. “Ubusin mo. Hindi naman masarap ang luto mo. Lutong mahirap, tss!” reklamo niya at iniwan ako sa kusina. Napatanga naman ako sa sinabi niya. Sabi na nga ba, e! Manglalait na naman siya. Tss! Napailing na lang ako at lumapit sa lamesa. “Ang mokong na ’yon. Magrereklamong hindi masarap ang luto ko e, wala naman na itinira sa ’kin. Sarap talagang tirisin, e! Nakakagigil.” Iniligpit ko na lang ang pinagkainan niya ’tsaka nagluto na lang din ako ng ulam ko. Pagkatapos kong kumain ay naglinis muna ako sa kusina. Pati ang mga kaunting kalat sa sala. Habang iniisa-isa kong tingnan ang mga display niya ay naagaw ang pansin ko roon sa isang picture frame. “Caspian Amorez.” Mahinang sambit ko sa pangalang nakasulat sa name plate na nasa kaliwang dibdib niya. “Mmm! Pogi rin naman pala ng pangalan, e! Panget lang talaga ang ugali mo. Sayang! Kamahalan ka pa naman sana. Kapangalan mo si King Caspian sa Narnia na paborito kong palabas.” Inilapag ko ulit iyon at kinuha ang isa pang picture. Siya pa rin iyon pero nakasuot siya ng puting damit. “Dr. Caspian Amorez. Wow! Doctor? In fairness, wala sa hitsura. Hitsura mo kasi parang mangangatay ng tao sa sobrang sungit, e! Sayang na sayang ka pogi ako—” “What are you doing?” Halos mapatalon ako sa gulat nang bigla siyang magsalita sa likuran ko. Dali-dali kong ibinaba ang picture frame na hawak ko at humarap sa kaniya. “What are you doing?” ulit na tanong niya sa ’kin. “A, w-wala. Naglilinis lang ako.” Sagot ko. Nagsalubong na naman ang mga kilay niya. “Tss!” ’tsaka siya naglakad papasok sa kusina. “Nako, kung hindi ka lang talaga pogi. Tsk! Tsk! Tsk!” napapailing na bulong ko habang sinusundan siya ng tingin. BANDANG alas sinco na ng hapon. Hindi ko manlang namalayan ang oras. Kaya pala medyo nakakaramdam na ako ng pagod sa katawan dahil ilang oras na rin akong naglilinis. Pagkatapos kong iligpit ang mga ginamit kong panlinis ay nagtungo na rin ako sa silid ko para saglit na magpahinga. Wala naman ata siyang iuutos sa ’kin. Payapa akong humiga sa malambot na kama. “Hay! Ang sarap talaga rito. Kung sana ’di masungit ang amo ko mai-enjoy ko sana ang pagtatrabaho ko rito. Kaso parang may buwanang dalaw ata ang mokong na iyon, e! Sige lang Sinag, aamo rin ’yan sa ’yo. Kaunting tiis lang.” Bulong ko sa sarili habang nakatuon ang paningin sa kisame. “Panget!” “Ay panget.” Bigla akong nagulat at napa-upo sa kama nang bumukas ang pinto ng kwarto ko. “Marunong ka naman siguro kumatok hindi ba?” inis na saad ko sa kaniya. “Tss! I don’t need to knock. This is my house. Come out.” Masungit na saad niya sa ’kin. Por que bahay niya gagawin niya na ang gusto niyang gawin? Kakaibang tao, grabe! Napapailing na lamang akong tumayo sa kama at lumabas ng silid. “Bakit?” nakapamayang na tanong ko sa kaniya. “Linisin mo ito.” Turo niya roon sa mga sapatos niyang nakahilira sa sala. “Ngayon agad?” takang tanong ko sa kaniya nang mapatingin ako sa wall clock niya. Malapit ng mag-alas sais. Magluluto na rin ako ng haponan. “1k?” “Ahhh... ibig kong sabihin kung nasaan ang panlinis niyan?” nakangiting tanong ko. “In the storage room.” Aniya. Kaagad naman akong tumalima. “Nako, kung hindi lang malaki ang isang libo, kanina pa kita pliniptap diyan! Nakakaasar.” Bulong ko habang naglalakad papunta sa storage room niya. Pagkabalik ko sa sala ay kaagad ko naman sinimulan ang trabaho ko. Habang siya naman ay nakaupo sa sofa, nakadekuwatro pa siya habang nanunuod ng palabas. Akala ko ba ayaw niyang napapalapit ako sa kaniya? Bakit siya nandito? Tss! Nako, baka may crush siya sa ’kin. Bigla akong napangiti sa isiping iyon. “Why are you smiling, panget?” tanong niya na siyang nagpaangat ng mukha ko. “Bawal na rin bang ngumiti, huh?” balik na tanong ko sa kaniya. Sarap ibato sa kaniya itong brush na hawak ko, e! “Yeah! Bawal.” Aniya at muling ibinaling ang tingin sa pinapanuod niya. “Sarap mo tirisin alam mo ba ’yon, huh?” bulong ko at nanggigigil na kinuskos ang mamahalin niyang sapatos. “Saying something?” “Sabi ko po kamahalan ’yong sapatos n’yo ang sarap pong linisin.” Kunyari’y nakangiting sagot ko. Agad naman niyang pinatay ang pinapanuod at tumayo sa sofa. “Panget na nga baliw pa. Tss!” bulong niya pero rinig ko naman. Nako, Sinag, magtiis ka lang! Okay lang ’yan. “Goodnight kamahalan!” sigaw ko sa kaniya. “Hindi ka na sana magising.” ANONG oras na rin ako natapos sa ginagawa ko. Sobrang nananakit pa ang likod ko pagkatayo ko. Buhay! Kasalanan ni Maria pero ako ang nagdudusa. Niligpit ko na ang mga sapatos niya pagkatapos ay tumuloy na sa kuwarto ko. Hindi na siguro siya kakain dahil um-order siya kanina ng pizza. Kahit ako man ay hindi na rin nakaramdam ng gutom kaya matutulog na lang ako. Maaga pa ako bukas para pagsilbihan ang kamahalan ko. Dahil hindi naman ako sanay at namamahay pa ako... inabot na ako ng madaling araw bago dinalaw ng antok. “Panget!” Bigla akong napabalikwas ng bangon nang marinig ko ang boses na iyon. “Huh? Aray ko!” nang maramdaman ko ang sakit at pagkirot ng sentido ko. Ikaw ba naman kakaidlip mo lang tapos madidinig mo agad ang nakakairitang boses na ’yon! Napatingin ako sa orasan na nasa ibabaw ng maliit na lamesa. Alas kuwatro pa lang ng madaling araw. Bumangon ako sa kama at lumabas ng kuwarto. Madilim pa naman sa sala. Ibig sabihin natutulog pa siya. Nananaginip lang ata ako! Ano ba ’yan! Hanggang sa panaginip ko ba naman isturbo ang masungit na iyon. “GOODMORNING KAMAHALAN!” bati ko sa kaniya nang pumasok siya sa kusina. Katatapos ko lang magluto ng almusal niya. Nakakunot na naman ang noo niya habang nakatingin sa ’kin. Hay nako! Umagang-umaga high blood na naman ang kamahalan ko. “What’s good in my morning kung ikaw ang una kong nakikita?” masungit na tanong niya. “E ’di pumikit ka.” Bulong na saad ko ’tsaka inihanda na ang pagkain sa lamesa. Pagkatapos ay lumayo ako at nanatili muli sa gilid ng pinto kagaya kagabi. Tinititigan ko lang siya habang tahimik siyang kumakain. Ang hinhin naman niyang kumain. Ang liit pa ng subo parang dalaga, tsk! Kung ako ’yan, kanina ko pa nilantakan lahat ng ’yan. “Stop doing that.” Galit na saad niya at binalingan ako ng masamang tingin. “Ang alin na naman?” kunwari ay tanong ko sa kaniya. “Stop looking at me.” “Ano ang gusto mo, pipikit ako? Lahat na lang bawal sa ’yo! E, kinuha mo pa akong yaya mo kung bawal ko pala gawin lahat.” Lintaya ko sa kaniya. Nakakainis na talaga kasi, e! Kumunot lalo ang noo niya at halos mag-isang linya na ang kaniyang mga kilay. Kung nakakamatay lang ang titig niya sa ’kin malamang na bumulagta ako agad dito sa kinatatayuan ko. “Tss! Nakakawalang gana.” Saad niya ’tsaka tumayo sa kinauupuan niya. Naglakad siya papasok sa kuwarto niya. Ako naman ay niligpit ko ’yong pinagkainan niya. Hinihintay ko siya sa sala. Alam ko kasing papasok siya sa trabaho niya, e! Mayamaya ay nakita ko siyang palabas ng kuwarto niya habang inaayos ang manggas ng polo niya. “Kamahalan, bago ka umalis.” Bungad ko sa kaniya at inabot sa kaniya ang isang papel. Saglit niyang tinitigan ang kamay ko, pero mayamaya ay tinanggap niya rin iyon. “Pirmahan mo muna, para naman makapagtrabaho na ako ng maayos dito sa bahay mo. Kung bakit kasi DO NOT TOUCH ANYTHING HERE ang policy mo? Paano naman ako makakapaglinis kung wala ka rito ’di ba? ’Di ba?” nangaasar pang saad ko sa kaniya. “Sinulat mo pa kung sasabihin mo rin naman sa ’kin. Tss! Crazy woman. Give me a pen.” Aniya. Agad ko naman inabot sa kaniya ang ballpen na hawak ko. Mabilis niya iyong pinirmahan at ibinato iyon sa ’kin. “Aray naman! Ang brutal mo kamahalan.” Reklamo ko nang tumama sa labi ko ang ballpen. Nako, masasapak ko talaga ’to, e! Pati ako dinadamay sa kasungitan niya. “I’m watching you panget kaya umayos ka.” Seryosong saad niya bago naglakad na palabas ng condo niya. “Bye kamahalan! Ingat sila sa ’yo.” Nakangiting sigaw ko sa kaniya. NAGBIHIS lang ako ulit ’tsaka sinimulan ang trabaho ko. Linis dito. Linis doon. Nilabhan ko rin ang mga marurumi niyang mga damit na nasa labas na ng pinto ng kuwarto niya. Pinalitan ko ang mga kurtina. Pati ang mga dumi sa sulok-sulok ng condo niya ay nilinisan ko rin. Hindi naman siya madumi masiyado sa totoo lang! Kailangan lang talaga maglinis dahil napansin ko kanina ang isang maliit na camera. Baka masabihan na naman ako ng kung anu-ano ng masungit na ’yon. O baka gusto niya lang akong busuhan kaya naglagay siya ng hidden camera? Tsk! Nako, patay ka talaga sa ’kin kapag malaman kong binubusuhan mo ako. Hanggang sa hindi ko na namalayan ang oras at hapon na pala. Nagluto na rin ako ng ulam para mamaya. Pagkatapos ay nagpahinga na rin ako sa kuwarto ko. Dahil naiinitan ako at tinatamad akong bumangon para buksan ang aircon, naghubad na lang ako ng damit at naka-bra at jogging pants lang ako na humiga sa kama. Sanay naman ako sa ganito kapag nasa bahay ako, e! “Hay nako, Maria, mananagot ka talaga sa ’kin kapag nakauwi ako sa bahay! Dahil sa ’yo napasubo ako sa ganitong trabaho. Tapos wala pang sahod.” Reklamo ko sa sarili habang nagmumunimuni at nakatitig lang sa kisame. “Wala bang katulong ang sungit na ’yon at ako pa ang ginawa niya? Mukha bang pangkatulong ang hitsura ko? Tss!” napailing pa ako. “Okay na rin ’yon kahit masungit siya gwapo naman. May pagpapantasyahan na naman ako.” Napangiti pa ako ng malapad. IT’S ALMOST nine thirty in the evening. Katatapos lamang ni Caspian sa kaniyang trabaho. Pagkasarado niya sa kaniyang laptop ay agad siyang nag-stretching upang mawala ang pangangalay ng kaniyang likod at mga braso. Mayamaya ay bumukas ang pintuan ng kaniyang opisina. Iniluwa roon ang isang babae. “Hi babe!” bati sa kaniya ng babae. “What are you doing here?” walang ganang tanong niya rito. Naglakad ito palapit sa puwesto niya. Dumukwang at walang paalam na hinalikan ang mga labi niya. “I missed you. Can we go to my place?” tila naglalambing pang saad nito. Okay! He has a lot of girls around him. He’s enjoying random girls company. Lalo na sa tuwing nag r-relax siya. But, hanggang doon lang iyon. Ayaw niya ng commitment kaya hindi siya pumapasok sa seryosong relasyon. Maybe not now. “I’m tired Sheila. I need to go home.” Saad niya at tinabig ang kamay ng babae at tumayo sa kaniyang puwesto. Isinuot niya ang kaniyang coat. “But babe, ilang araw mo na akong nire-reject. Is there any problem between us?” kunot ang noo na tanong nito sa kaniya. “You know there is nothing between us, Sheila,” sabi niya. “I’m sorry but I need to go.” Pagkuwa’y kaagad siyang lumabas sa kaniyang opisina at iniwan doon mag-isa ang babae. Pagdating niya sa kaniyang condo. Madilim ang sala. Where is that crazy woman? Tanong niya sa sarili. “Baka naman tinakasan na ako n’on? Malilintikan talaga siya sa ’kin.” Aniya. “Panget!” tawag niya sa dalaga. Hinubad niya ang suot na coat at itinapon iyon sa sofa. Binuksan niya ang ilaw sa sala. He was surprised at what he saw. Sobrang linis ng kaniyang sala. Naka-fixed ang mga gamit niya. “Panget!” sigaw niyang muli at nagsimulang humakbang palapit sa silid ng dalaga. Pinihit niya ang seradura. Hindi naman iyon naka-lock. Dahan-dahan niyang binuksan ang ilaw roon. Ganoon na lamang ang pagkagulat niya no’ng makita ang dalaga na natutulog sa kama nito. She’s sleeping; half naked. Wala sa sariling napalunok siya ng kaniyang laway nang dumako ang mga mata niya sa malusog na dibdib ni Sinag.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD