CHAPTER 2

2306 Words
“SHINE MANALO!” Agad akong napatayo sa kinauupuan ko nang marinig ko ang pagtawag ng babae sa pangalan ko. “Ikaw ba si Shine Manalo?” tanong nito. “Opo ma’am ako nga po,” nakangiting sagot ko. Agad naman ako nitong sinuyod ng tingin mula ulo hanggang paa. Siniyasat ang hitsura ko. Medyo nakaramdam pa ako ng pagkailang dahil sa klase ng tingin nito sa ’kin. “Follow me.” Mataray na saad nito ’tsaka pakinding-kinding na naglakad. Sumunod naman ako rito. Dahil hindi ko na naisuli ang pera ng lalaking dinukutan ni Maria kahapon, ipakukulong sana ako nito kagabi pero nakiusap ako sa kaniya. Gagawin ko lahat ng gusto niyang ipagawa sa ’kin para mabayaran ko ang utang ko sa kaniya. Utang na hindi naman ako ang nakinabang. Kung alam ko lang na mahuhuli ako ng mokong na iyon, sana kinuha ko na ang kalahati na ibinigay ni Maria; para at least kahit papaano magpapagod ako ngayon na may napala naman sa pera niya ’di ba? Masaklap lang nito, kahit pisong duling wala akong nakuha pero ako pa ang magbabayad. Hay buhay! “Pasok.” Saad sa ’kin nitong babae nang mabuksan nito ang malaking pinto na nasa tapat namin. “Salamat!” ’tsaka ako tumuloy. Bigla akong namangha sa tumambad sa ’kin. Wow, ang ganda! Pakiramdam ko nasa exclusive na hotel ako ngayon at wala sa opisina ni Mr. Mokong. Naglakad ako palapit sa malaking flat screen tv. Ganoon din sa babasaging lamesa na naroon. May mga mamahaling display pa. “Grabe, mayaman talaga ang may-ari nito.” Bulong ko. “Hey!” Bahagya pa akong nagulat dahil sa boses na ’yon. Wala sa sariling napalingon ako sa may pinto. “What are you doing?” magkasalubong ang mga kilay na tanong niya. “Don’t touch anything baka nakawin mo pa.” Dagdag na saad niya ’tsaka naglakad palapit sa lamesa niya. Napaismid ako sa kaniya. “Grabe! Kakasya ba ’yan sa bag ko, huh?” inis na tanong ko sa kaniya. “’Tsaka, ilang beses ko bang sasabihin sa ’yo na hindi ako magnanakaw, duh!” “Whatever.” Muli akong napaismid. “So, bakit ako nagpunta rito sa teritoryo mo?” tanong ko at uupo na sana sa upuang nasa tapat ng lamesa niya ngunit bigla siyang nagsalita upang pigilan ako. “Don’t sit, baka madumihan pa ang upuan ko.” Aniya. Biglang kumulo ang dugo ko kasabay ng pagpantig ng aking mga tainga. Aba! Sumusobra na talaga siya, a! Uupakan ko na siya, e! Tiningnan ko siya nang masama ’tsaka inirapan. “Guwapo nga, ang sama naman ng ugali tsk!” inis na bulong ko. “Saying something?” “Sabi ko bilisan mo magsalita at nangangawit ako tumayo rito.” Pabalang na sagot ko sa kaniya. Bumuntong-hininga lamang siya nang malalim. “You have to work for me to pay off your debt. Lahat ng sasahurin mo sa ’kin ay ibabawas ko sa utang mo. Get it?” seryosong sabi niya. “Ano’ng klaseng trabaho ba? Secretary mo?” agad akong napangiti sa ideyang iyon. Excited ako, lalo pa’t pangarap ko talaga ang makapagtrabaho sa ganitong lugar. “My maid,” sa halip ay sabi niya. Kasabay nang paglagapak ng aking panga sa marmol na sahig ay bigla ring naglaho ang malapad na ngiti sa mga labi ko matapos kong marinig ang sinabi niya. Inismiran ko siya! Akala ko pa man din ay sekretarya ang trabaho ko. Yaya lang pala! Pero okay na rin ’yon. Ang mahalaga ay mabayaran ko ang utang ko sa kaniya. “Don’t dream too much, woman. Wala sa hitsura mo ang maging secretary ko.” Aniya at pinasadahan pa ako ng tingin. Bigla naman akong nanliit sa sarili ko dahil sa klase ng titig niya at mga sinabi niya sa ’kin. Wala sa sariling napayuko tuloy ako. Nakakahiya! Ngayon ko lang napagtanto ang suot ko. Bagay ba ang hitsura ko sa ganitong eleganteng lugar? Suot ko ang pedals, maong na kupas. Malaking puting blouse habang naka-tacked in iyon sa pantalon ko. Tinirnuhan ko ng itim na leather shoes. Hiniram ko pa ito kay Maria. Kaya naman pala ganoon na lamang ako pagtinginan ng mga tao kanina sa labas, dahil mukha pala akong timang at nakakatawa ang hitsura ko! Sabi naman kasi ni Maria ay okay na raw ang suot ko kaya hindi na ako nag-abalang tingnan ang sarili ko sa salamin at basta na lamang umalis ng bahay. Pahamak talaga kahit kailan ang Maria na iyon! Para makabawi at mawala ang hiya sa sarili ko ay nagtaas ako ng noo at binale-wala ang mga negatibong nasa isipan ko. “Kailan ako magsisimula?” nakapamaywang at mataray na tanong ko. “Now.” Tipid na sagot niya. Biglang nalaglag ang mga kamay ko na nasa baywang ko. “Agad-agad?” gulat na tanong ko. “Huwag kang magreklamo. You need to follow my rules para magawa mo ng tama ang trabaho mo. Lahat ng sasabihin ko ay gagawin mo. Bawat reklamo mo ay may dagdag na one thousand sa utang mo. Understand?” Mas na laglag naman ang panga ko dahil sa mga sinabi niya sa ’kin. Ano raw? Ang mokong talaga nito! Kaunti na lang at nagtitimpi na talaga ako sa kaniya. “1k? Grabe! Akala mo sa ’kin tumatae ng pera? Kaya nga ako magtatrabaho sa ’yo para mabayaran ang utang ko sa ’yo ’di ba? Anak ng titing naman, o!” inis na saad ko. “Eighty one thousand. Para sa pagrereklamo mo ngayon. So, come with me para malaman mo ang iba ko pang rules,” bale-walang sabi niya ’tsaka naglakad palabas ng opisina niya. Grabe! Mayaman ba talaga ang lalaking ito? Kung makapang-kutong siya mas malala pa sa pulis at traffic enforcer, e! “What’s your name again?” tanong niya habang nakasunod ako sa kaniya. “Sinag.” “What?” “SINAG!” inis na ulit ko. Mokong na nga bingi pa! “Tss! Ugly name,” sabi niya ’tsaka nagtuloy na sa paglalakad. Punong-puno na talaga ako sa lalaking ito. Puro panglalait sa ’kin, e! Kala mo naman perpekto siya. “Hurry up at madaming naghihintay sa ’yong trabaho.” Sigaw niya sa ’kin nang mahuli ako sa pagsunod sa kaniya. Nagmadali naman ako. Kagaya kanina ay pinagtitinginan na naman ako ng mga taong nakakasalubong ko sa hallway. Ibang klase pa kung makatingin sa ’kin ang mga ito. Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko sa ere kasabay nang pagpikit ko nang mariin upang pakalmahin ang aking sarili. Mapapatay ko talaga si Maria mamaya. “Get in.” Aniya nang makarating kami sa parking lot at sa tapat ng sasakyan niya. Nag-aalangan naman akong sumakay sa kotse niya, baka mamaya niyan kasi ay may marinig na naman akong masakit na salita mula sa kaniya. “What are you waiting for?” “Mag j-jeep na lang ako. Baka madumihan ko pa ’yang upuan mo,” sagot ko sa kaniya. “Seriously?” inis na tanong niya sa ’kin. “I said get in. We’re in a hurry.” Wala naman na akong nagawa kun’di ang sumakay sa kotse niya. MAYAMAN nga talaga siya! Masyado akong nalula nang pagkababa ko sa sasakyan niya at bumungad sa ’kin ang napakataas na condominium. Hindi ba nakakatakot tumira sa ganitong lugar? Paano kung lumindol tapos nasa pinakatuktok ka? Diyos ko naman! Napasunod ako agad sa kaniya nang marinig ko ang nakakainis na tinig niya. Kapag ako talaga napuno dahil sa kakasigaw niya sa ’kin... ita-tape ko talaga ’yang bibig niya. Parang hindi lalaki, e! Dinaig pa ako! Nakasunod lang ako sa kaniya habang papasok na sa entrance ng condominium, hanggang sa makarating kami sa tapat ng elevator. Kasing bilis pa sa alas kuwatro ang pagtahip ng kaba sa aking dibdib sa ideyang papasok ako roon. “D-diyan tayo sasakay?” nauutal na tanong ko sa kaniya. Parang bigla ko atang naramdaman ang malamig na mga butil ng aking pawis sa noo. “A, a-ano... maghahagdan na lang kaya ako?” kinakabahan na saad ko. Lumingon naman siya sa ’kin habang magkasalubong ang mga kilay. “Are you crazy?” tanong niya. “A, e, n-natatakot po kasi ako sa elevator.” Alanganin din akong ngumiti sa kaniya. Nakakatawa mang aminin na sa tanda kong ito ay takot talaga akong sumakay sa elevator. Pakiramdam ko kasi kapag sasakay ako riyan ay naiiwan ang kaluluwa ko sa labas. Bigla akong nahihilo at nasusuka. E, sa hindi ako sanay sumakay niyan ano ang magagawa ko? “Tss impossible woman,” iritadong sabi niya ’tsaka pumasok na sa loob ng elevator nang bumukas na iyon. Kakayanin ko ba kung aakyatin ko hanggang sa palapag kung saan kami pupunta? Hindi kaya wala pa ako sa kalahati nahimatay na ako dahil sa pagod? Napalunok na lamang ako nang sunod-sunod sa aking laway ’tsaka huminga nang malalim bago humakbang nang dahan-dahan papasok sa elevator. Pumikit pa ako at biglang napahawak sa gilid niyon. Halos ipagsiksikan ko ang sarili ko sa malamig na dingding ng elevator no’ng unti-unti nang sumara ang pinto at umandar iyon. “Diyos ko! Gabayan n’yo po ako rito sa loob ng kuwebang ito. Gusto ko pang mabuhay ng matagal. Please po!” mataimtim akong nagdadasal habang sobrang higpit nang pagkakahawak ko sa bakal na nasa gilid. Mayamaya’y naramdaman kong parang umiikot na ang sikmura ko kaya napahawak ako sa tiyan ko. “S-sir, may supot ka po?” nag-aalangan tanong ko. “Supot? For what?” magkasalubong na naman ang mga kilay niya. “Nasusuka na po ako,” sahihiyang sagot ko sa kaniya. Pinagpapawisan na ako ng malamig. Ito talaga ang kahinaan ko, e! At kung bakit ba kasi naimbento pa itong elevator, e?! “Damn it! Huwag kang magkalat dito. Just hold on malapit na tayo,” tarantang sabi niya sa ’kin. “P-pero... lalabas na!” Biglang bumukas ang elevator. “Out!” sigaw niya sa ’kin ’tsaka ako hinila palabas. Napatakbo kaagad ako palapit sa basurahan at doon ko inilabas lahat ng sama ng loob ko. Patay talaga ako nito kung dito ako sa kaniya magtatrabaho. Ang ibig sabihin lang niyon ay araw-araw akong sasakay riyan! Pagkamalas-malas nga naman, oh! “Are you done?” inis na tanong niya sa ’kin. Medyo nahihilo pa ako kaya dahan-dahan lang akong naglakad palapit sa kaniya. “Follow me.” ’Tsaka siya nagpatiunang naglakad ulit. Hanggang sa makarating kami sa tapat ng isang kuwarto. Namangha na naman ako nang bumungad sa ’kin ang magandang unit niya. Sorry na! Tanga talaga ako pagdating sa mga ganitong lugar. “Wow! Dito talaga ako magtatrabaho?” tanong ko sa kaniya habang inililibot ang paningin sa buong paligid. “Tss! Idiot.” “Maka-idiot wagas? Pasensiya, huh? Ngayon lang kasi ako nakapasok sa ganitong kaganda na lugar,” nakaismid na sagot ko sa kaniya. “Wait me here.” Sa halip ay saad niya at kaagad na umalis sa harap ko. Habang inililibot ko ang aking paningin ay naagaw ang pansin ko ng isang malaking picture frame. Siya ’yon, ah! Naka-formal attire habang may kasamang matandang babae sa kaliwa niya. Mama niya siguro kasi hawig sa kaniya. Guwapo naman pala siya kapag nakangiti, e! Siguro may dalaw lang siya ngayon kaya ganoon na lang kung magsungit sa ’kin. “Come here!” Naputol ang pagmumunimuni ko nang marinig ko siya mula sa aking likuran. “Wait lang pogi tawag ako ng kambal mo.” Nakangiting saad ko sa picture niya. Kinindatan ko pa iyon bago tumalikod. “Siguro naman may alam ka sa mga gawaing bahay?!” pag-uumpisa niya. “Clean my place. Wash my clothes. Cook for me. Anything regardless about being a maid.” Seryosong saad niya sa ’kin. Akala niya sa ’kin walang alam? Tss! Anak mahirap ’to kaya lahat ng trabaho alam ko. “Walang problema, lahat alam ko,” sagot ko sa kaniya. “Hanggang kailan ako magtatrabaho sa ’yo bilang yaya mo?” nakapamaywang na tanong ko sa kaniya habang nasa ere ang isang kilay ko. “Until you pay me,” sagot naman niya. “And one more thing, since you are here in my place, there’s a rules you must be follow. If you disobey one of my rules, I will give you a punishment. Understand?” “Ano ba’ng mga rules yan?” tamad na tanong ko. Kung wala lang talaga akong utang sa ’yo nunca na sundin ko ’yang mga rules mo. Daming arte magyayaya lang naman ako rito sa kaniya! “Do not complain. Each complaint, may dagdag na isang libo.” “Seryoso ka talaga roon?” tanong ko. Walang-hiya naman kasi ang lalaking ito! “And if you have a plan to steal anything—” “Huwag kang mag-alala. Kung magnanakaw ako ULIT sa ’yo, magpapaalam muna ako para naman hindi ko na bayaran.” Patuyang saad ko sa kaniya. “Crazy!” masungit na saad niya. “And do not enter my room. And lastly—” “Buti naman. Akala ko sandamakmak ’yang rules mo, e!” agaw ko ulit sa pagsasalita niya. “Can you please shut up? O, baka gusto mo gawin kong two thousand ’yon?” Agad naman akong nanahimik at nagsenyas sa kaniya na tatahimik na ako. Tss! Bakla ba ang mokong na ito? Masyadong mainit ang dugo sa ’kin, e! Nako, kung hindi ka lang talaga guwapo! “Lastly... don’t come any closer to me kapag nandito ako. Naaalibadbaran ako sa ’yo.” Saad niya at sinuyod ulit ako ng tingin. “And take a shower para hindi madumihan ang mga gamit ko rito.” Dagdag pa niya ’tsaka mabilis na umalis sa harapan ko. Bigla kong nadampot ang flower vase niya na nasa gilid ng lamesa at inamba ko iyong ibabato sa kaniya. Nanggigigil na kasi ako ng sobra. Mapanglait na tao. Sarap katayin, e!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD