CHAPTER 4

2797 Words
BIGLA akong naalimpungatan at napaupo sa kama. “Hala! Ano’ng oras na kaya?” tanong ko sa sarili at nagmamadali akong bumangon sa kama at binuksan ang ilaw para tingnan ang oras. Mas lalo akong nagulat nang mapagtanto kong alas dyes na pala ng gabi. “Patay!” tanging nausal ko at napatutop sa aking bibig. “Nandito na ata si Kamahalan. Lagot talaga ako nito!” dali-dali akong nagdamit at lumabas sa kuwarto. Tahimik na sala naman ang bumungad sa ’kin. Kunot ang noo na naglakad ako papunta sa kusina. “Goodevening Kamahalan.” Nakangiting bati ko sa kaniya nang makita ko siyang nakaupo sa hapag habang nakatuon ang dalawang kamay sa ulo niya at nakayuko. Nag-angat naman siya ng tingin sa ’kin. Tinitigan ako ng seryoso. Ano pa ba’ng bago roon? Lagi naman! “What are you doing, panget?” iritang tanong niya sa ’kin nang hindi ko rin inalis ang tingin ko sa kaniya. “Ang alin, Kamahalan?” “I was calling you for almost thirty minutes. Ganiyan ka ba magtrabaho? Mas madami ang tulog mo kaysa sa trabaho mo?” seryoso pa ring tanong niya. Bigla naman akong kinabahan sa tanong niya. Patay talaga ako nito! Kung bakit kasi nakatulog ako, e! Baka mamaya niyan dagdagan na naman niya ang utang ko sa kaniya. Mudos pa naman ang sungit na ’to! Isang pilit na ngiti ang binigay ko sa kaniya mayamaya. “Sorry Kamahalan, napagod lang ako kaya nakaidlip ako. Pero, tapos ko naman na gawin ang trabaho ko bago ako nagpahinga, e!” pagpapaliwanag ko. Binigyan lang niya ako ng isang seryosong tingin. Mula ulo hanggang paa. Mula paa hanggang ulo. Nakakapangilabot naman ata ang mga titig niya sa ’kin ngayon! “B-bakit, Kamahalan?” utal na tanong ko sa kaniya. Nagulat pa ako nang tumayo siya sa upuan at naglakad palapit sa ’kin. “B-bakit?” umatras akong bigla habang lumalapit naman siya sa ’kin. Oh, my gulay! Huwag lang siya magkakamali; marunong kaya ako ng karate! Uupakan ko talaga siya! Pero sa halip na sagutin ang tanong ko, seryoso lamang siyang nakatitig sa mga mata ko. Napapalunok naman ako nang sunod-sunod. “A-akala ko ba... b-bawal akong lumapit sa ’yo?” kinakabahang tanong ko. “Panget.” Nagulat ako nang bigla akong ma-corner sa likod ng pintuan. Pakiramdam ko nagtayuan lahat ng balahibo sa katawan ko nang itukod niya ang dalawang kamay niya sa gilid ng mukha ko. Mas lalo pa niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ko. Sa klase ng paninitig niya sa akin ngayon, parang kinakabisado niya ang bawat anggulo ng mukha ko. “B-ba—” “Shhh.” Awat niya sa pagsasalita ko. ’Tsaka ko lang napagtanto na nakainom pala siya nang tumama sa ilong ko ang amoy alak niyang hininga. Ang bango ng hininga niya. Parang pati ako ay nalalasing sa amoy niyon. Nakakadala! Parang gusto ko rin tuloy uminom ng alak! Mayamaya, napatitig siya sa mga labi ko. Kita ko kung paano gumalaw ang adams apple niya dahil sa sunod-sunod na paglunok niya. Teka lang! Ano ’to? Huwag mong sabihin na manyak din pala ang isang ito? Kasi... kasi hindi ako magdadalawang-isip na karatehin siya! “Ba’t ang panget mo?” tanong niya sa ’kin. Aba! Ang loko! Lasing nga! Hindi ba siya marunong tumingin sa panget at maganda? “Kamahalan, lasing po kayo. Hindi po ako panget. Maganda po ako! Maganda!” sagot ko sa kaniya. Mabilis pa sa alas kuwatrong gumuhit ang ngiti niya sa mga labi. Ngiting ngayon ko lang nakita sa kaniya. s**t! Ang guwapo pala lalo kapag nakangiti, e! Parang pakiramdam ko tuloy nanglalambot ang mga tuhod ko dahil sa mga ngiting iyon. “Tss! Panget ka pa rin para sa ’kin.” Aniya ’tsaka inamoy ang buhok ko. Adik din pala ’tong amo ko, e! Kala ko masungit lang, pero may tinatago rin palang kalokohan sa katawan! Dahil sa ginawa niyang pag-amoy sa buhok at mukha ko, pakiramdam ko biglang nag-init ang buong katawan ko. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko na kanina ay normal lang naman. Tila nakuryente pa ako nang sumagi ang ilong niya sa pisngi ko. Parang may kung ano’ng nabuhay at nagliparan sa sikmura ko. Kinikilig ba ako? Hindi puwede! ’Yong t***k ng puso ko ay mas lalo pang bumilis na animo’y hinahabol ako ng isang milyong kabayo. Dinig na dinig ko ang kabog nito! “K-kamahalan!” nauutal na tawag ko sa kaniya nang unti-unti siyang bumaba sa mukha ko. Hahalikan ba niya ako? Huwag! Mawawala na ang first kiss ko! “I want to taste your lips, panget.” Ano raw? Puwede bang tagalog? Kung siguro hindi ako naka-sandal sa likod ng pintuan, kanina pa ako natumba dahil sa panghihina ng mga tuhod ko. Ano’ng nangyari bakit biglang nag-iba ata ang ihip ng hangin at ganito umasta ang sungit na ’to? Mayamaya ay napayuko ako bigla nang tumunog ang cellphone ko na nasa bulsa ng pantalon ko. Agad din siyang napatingin sa ’kin ng diretso. Ilang segundo pa’y nagmamadali siyang umalis sa harapan ko. Kunot ang noo ko na sinundan siya ng tingin bago ko dinukot sa bulsa ng pantalon ko ang isturbo kong cellphone at tiningnan kung sino ang nag-text sa ’kin. “Panira naman, oh! Badtrip! Wala naman akong utang na load pero itong Talk ‘n Text laging nag t-text sa ’kin na kailangan ko ng mag-load para ma-deduct na ang utang ko.” Inis kong ibinalik sa bulsa ko ang cellphone ko at napatingin sa nakasiradong pinto ng kuwarto ni Kamahalan. Napangiti na lang ako kasabay ng paghawak sa dibdib ko na hanggang ngayon ay mabilis pa rin ang t***k at wala atang balak humupa. “Goodnight, Kamahalan.” Nakangiti akong bumalik sa kuwarto at humiga sa kama. “Puso, wala ka bang balak humupa? Kanina ka pa.” Saway ko sa puso ko. Tuwing ipipikit ko ang aking mga mata ay mukha ni sungit na nakangiti ang nakikita ko. Pabaling-baling pa ako sa higaan ko! Ano? Huwag mong sabihin na crush ko na siya? Sabi ko pagpapantasyahan ko lang siya pero hindi ako magkakagusto sa kaniya. Pero itong si puso ayaw makisama. “Caspian Amorez.” Usal ko sa pangalan niya. Isiping na sa kabilang kuwarto lang ang lalaking dahilan ng pagngiti ko ngayon, para na talaga akong baliw nito! Paano naman ako makakatulog nito nang maayos? “Huwag ka na mangarap, Sinag. Hindi naman ikaw ang mga tipo niya, e! Kung ako sa ’yo matulog ka na at maaga ka pa bukas para sa trabaho mo.” Saway ko sa sarili ko nang mag-umpisa na namang mag-imagine ang utak ko. Lumilipad kasi agad siya ng pagkataas-taas. “Tama! Matulog na lang tayo at malabong mangyari ’yang imaginations mo! Maganda ka lang Sinag pero hindi ikaw ang tipo ng babae na magugustohan o seseryosohin ng katulad ng amo mo.” KINABUKASAN maaga ulit akong gumising para mag-asikaso sa trabaho ko. Naligo muna ako bago nagtungo sa kusina para magluto ng almusal ni Kamahalan. Saktong naghahain na ako ng pagkain nang makita ko siyang nakatayo na sa may pintuan. “Magandang umaga, Kamahalan! Breakfast is served.” Masiglang bati ko sa kaniya. Ewan ko ba at pakiramdam ko talaga ngayon ay masaya ako. Siguro dahil sa mga nangyari kagabi. Hindi naman siya sumagot sa ’kin. Nakabusangot lang siya na dumulong sa hapag. Ako naman ay lumapit ulit sa gilid ng pintuan; ito na ata lagi ang lugar ko tuwing kakain siya. Tahimik lang siyang kumain. Hanggang sa matapos ay bumalik ulit siya sa kuwarto niya. In fairness wala akong nakuhang panlalait ngayon mula sa kaniya! “Panget!” tawag niya sa ’kin mula sa sala kaya nagmadali akong lumabas sa kusina. “Bakit po, Kamahalan?” “Get dress and you need to come with me.” Aniya sa seryosong boses. Get dress daw e, alam niya naman wala nga akong dalang gamit dito. “E, wala po akong damit dito, Kamahalan. Puwede bang umuwi muna ako sa bahay at—” Tiningnan naman niya ako ng masama na akala mo naman tatakasan ko talaga siya sa utang ko. “Huwag po kayong mag-alala, babalik po ako. Hindi po kita tatakasan sa UTANG ko sa ’yo.” Mabilis na saad ko sa kaniya. Pero hindi naman siya nagsalita, imbes ay pumasok ulit siya sa kuwarto niya. Paglabas niya ay may ibinato siya sa ’kin na damit. Tumama pa iyon sa mukha ko. Tss! Sarap upakan, e! “Puwede namang iabot ’di ba? Bakit kailangan pang ibato?” inis kong saad sa kaniya. Inismiran ko siya at binuklat ang damit na binigay niya. Mabilis na nagsalubong ang mga kilay ko nang makita iyon. Nakakapagtaka! Bakit may damit siyang pambabae? Siguro sa kaniya ito ano? Nagtatakang tingin ang bigla kong ibinigay sa kaniya. Hala! Sigaw ng isipan ko nang ma-imagine kong suot-suot niya ito kapag mag-isa lang siya rito sa condo niya. Sabi ko na nga ba, e! Bakla talaga siya! “Don’t give me that kind of look. I’m not gay.” Iritadong saad niya sa ’kin. Nabasa niya pala ang nasa isip ko? Napatango-tango na lang ako kahit hindi naman ako kumbinsido sa sinabi niya. Ano’ng malay ko ’di ba? Pumasok ulit ako sa kuwarto at nagbihis. “In fairness, maganda siya.” Habang sinisipat ko ang sarili sa salamin. Isang white mini dress na hindi lalagpas sa ibaba ng tuhod ko ang haba. Para tuloy akong bata tingnan nito. Paglabas ko ng kuwarto, tiningnan lang niya ako ng seryoso at walang reaksyon. “Hurry up!” aniya ’tsaka nagpatiuna nang lumabas. “Iyon lang? Walang comment?” bulong ko sa sarili ’tsaka sumunod sa kaniya. “E, sir...” saad ko nang mapatapat ulit kami sa elevator. Naman, e! “I said hurry up at male-late na ako.” Sa halip ay inis na saad niya sa ’kin. “Hijo, tulungan mo na lang ang girlfriend mo. Alam kong takot din siya sumakay dito. Parang ako lang din no’ng kabataan ko pa. Pero lagi akong inaalalayan ng asawa ko.” Nakangiting saad ni lola na nasa likuran ni Kamahalan. “She’s not my girlfriend.” Bale-walang sagot niya kay lola. Walang modo talaga, e! Ang panget ng ugali. “Ganiyan naman kayong mga lalaki, sa una itatanggi pero sa huli aamin din naman. Nako hijo, papunta ka pa lang pabalik na ako.” Nakangiting saad muli ni lola. Aba naman si lola, may pinanghuhugutan pa ata! “Tss! Come here.” Aniya at hinila ako sa kamay para makapasok sa loob ng elevator. “Aray ko naman, Kamahalan.” Reklamo ko. Tiningnan lamang niya ako ng masama. “May dalaw po kasi siya lola kaya masungit.” Nakangiting saad ko. “Pakapit na lang po ako sa inyo, huh!” saad ko ’tsaka humawak sa braso nito. RAMDAM ko na naman ang pagkahilo at panlalamig ng sikmura ko. “Ahhh!” nang biglang may nag-abot sa ’kin ng plastic. Agad ko iyong kinuha at doon inilabas ang sama ng tiyan ko. Si kamahalan pala. Well, ready na siya ngayon! Lihim na lamang akong napangiti. Hanggang sa makalabas kami ng elevator. “Ingatan mo ang girlfriend mo hijo napakasuwerte mo sa kaniya.” Pahabol pa ni lola. “Tss!” “Wala ka talagang modo sa matanda ano?” “Do I need her opinion?” masungit na tanong niya. “And besides, you’re not my girlfriend.” Malamig na saad niya ’tsaka ako tinapunan ng masamang tingin bago ako iniwan at nagpatiuna nang naglakad. Tahimik naman akong sumunod na lamang sa kaniya papunta sa sasakyan niya. Tahimik ang biyahe namin hanggang sa makarating sa building niya. Kahit nahihilo na naman ako dahil nakasakay na naman kami sa elevator, hindi ko na lang iyon pinansin. “What is my schedule for today?” seryosong tanong nito sa sekretarya niya. “Goodmorning sir, ito po.” Bati rin nang babae at masamang tingin ang ibinigay sa akin. Hindi ko na lang ito pinansin. Sa halip ay inilibot ko ang aking paningin sa buong paligid. Ano ba’ng gagawin ko rito? Bakit kailangan niya pa akong isama rito? Nakatayo lang ako sa ’di kalayuan mula sa lamesa niya habang siya naman ay busy sa trabaho niya. Mayamaya ay nag-angat siya ng tingin sa ’kin. Salubong na naman ang mga kilay niya. “Can you please take a sit? Ako ang nahihirapan para sa ’yo, e!” iritang saad niya. Sa totoo lang ay hinintay ko lang naman na siya ang mag sabi no’n sa ’kin, e! Baka kasi magalit na naman siya sa ’kin at madumihan ko kamo ang upuan niya. Ngumiti ako sa kaniya ’tsaka tumalimang umupo sa sofa na naroon. Ano, tutunganga lang ako rito? Wala naman akong gagawin dito bakit pa ako pinasama? “I need water. Hurry up!” mayamaya pa ay utos niya sa akin. Tumayo ako kaagad sa kinauupuan ko. Kaya naman pala! May silbi rin naman pala ang pagsama ko rito. Lumapit ako sa mini ref niya na nasa sulok at kumuha roon ng battled water at ibinigay iyon sa kaniya pagkuwa’y bumalik din sa puwesto ko. “Hi baby!” Napa-angat ang tingin ko nang may biglang pumasok na isang babae. Sexy. Matangkad. Halatang may kaya sa buhay base sa hitsura ng pananamit nito. Lumapit ito kay sir at walang sabi-sabi na umupo ito sa kandungan ng aking amo at hinalikan siya sa labi. Ako na lang ang biglang nahiya para sa kanila. Kaagad akong nag-iwas ng tingin sa direksyon nila. “I miss you, baby. Kailan ba tayo lalabas ulit?” maarting saad nito. “I miss you, baby. Kailan ba tayo lalabas ulit?” ginaya ko ang pabebe at maarting boses nito. “Arte akala mo naman maganda, e hipon naman. Puro pintura pa ang mukha.” Bulong ko sa sarili. “Tonight in my place.” Malumanay na saad ni Kamahalan. Ang mokong, marunong din naman pa lang magsalita ng malumanay e, pero bakit sa akin laging naka-anghil? “Sure?” “Yeah!” “Sure? Tss! Maglampungan pa sa harap ko.” “Panget...” Nagulat ako sa bigla niyang pagtawag sa ’kin kaya napatayo agad ako sa puwesto ko. “Saying something? Kanina ka pa bumubulong diyan.” Inis na saad niya sa ’kin. Naririnig niya pala? Naman Sinag! “Wala po, Kamahalan. Sabi ko po kung ano’ng oras po kayo uuwi ng condo para po makapaghanda ako ng pagkain ninyo.” Palusot ko. Masama naman ang tingin sa ’kin nang babae. Tss! Hindi nga maganda! Puro pintura lang! “Umuwi ka na.” Aniya. Tingnan mo? Isasama ako rito tapos pauuwiin lang bigla? Nako! Sarap niyang saktan. Pilit na lamang akong ngumiti sa kaniya ’tsaka lumabas ng opisina niya. BANDANG alas nuebe na nang madinig kong dumating si Kamahalan. Gaya ng inaasahan ko ay kasama nga niya ang clown niya. “Baby, puwede bang ’wag na lang tayo kumain? Sa kuwarto mo na lang tayo please.” Maarting saad nito kay Kamahalan. Ang loko naman na halatang manyak din ay wala na ngang pinalampas pa at dinala na sa kuwarto niya ang babae. “Nakakadiri. Argh!” bulong ko at nagmamadaling lumabas ng condo niya. Namalayan ko na lang ang sarili ko na nasa rooftop na pala ako nang condominium na iyon. “Are you alone?” Napalingon ako nang madinig ko ang boses ng isang lalaki. “Ah! Kung may nakikita kang hindi ko nakikita rito ibig sabihin hindi ako nag-iisa.” Prangkang sagot ko rito. Ngumiti naman itong bigla ’tsaka lumapit sa ’kin. “You’re funny, huh.” Anito. “Mukha ba akong clown?” “I’m Hermes by the way.” Sa halip ay pagpapakilala nito sa ’kin. “And you are?” inilahad nito ang kamay sa akin. Tinanggap ko naman iyon. “Sinag.” “Mind if I join you here?” Saglit ko itong tinitigan ng seryoso. “Don’t be scared. I’m not a bad guy.” Anito ’tsaka umupo sa semento isang dipa ang layo mula sa ’kin. “Bago ka ba rito? Ngayon lang kita nakita.” “Oo. Bago lang,” sagot ko. “Nice to meet you, Sinag.” Makikipagkuwentuhan pa sana ako rito nang maramdaman ko ang patak ng ulan kaya tumayo ako agad sa aking puwesto. “Ang malas mo naman! Kung hindi ka sana dumating, hindi sana uulan.” Bigla naman itong natawa dahil sa sinabi ko. “I like you.” Saad nito at tumayo na rin sa puwesto nito. “Agad-agad?” pagbibiro ko. “I mean, you’re funny that’s why I like you... agad-agad. Mukhang magkakasundo tayo.” Anito. Nagkibit-balikat lamang ako ’tsaka nagsimula nang humakbang papasok sa pinto ng rooftop. “Halika na. Baka maulanan ka pa riyan at magkasakit ka. Konsensya ko pa.” Saad ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD