CHAPTER 13

2235 Words
“AH SIR, umalis po kasi si Ma’am Stephanie. May importante raw po siyang lakad sa Paris ng isang linggo kaya ako na po ang pinahatid niya rito kay Lance.” Saad ng yaya ni Lance habang nasa sala kami at kausap ito. May dala itong isang maleta na naglalaman ng mga gamit ni Lance. “Ganoon ba? It’s okay. You can stay here too kung ikaw ang magbabantay sa kaniya habang nandito siya sa ’kin. You can use the guest room okay.” “Salamat po, sir.” Anang babae. “Teka lang po at aayusin ko lang ang mga gamit ni Lance.” Saka ito tumayo. Sinamahan ko naman ito papunta sa dati kong kuwarto. “Salamat po, Ma’am Sinag.” “Wala ’yon,” nakangiting sabi ko. “Pahinga ka na muna riyan at ako na bahala kay Lance.” “Salamat po ulit, ma’am.” Kaagad akong lumabas ng silid at bumalik sa sala. Naabutan ko namang nag-uusap silang dalawa. Umupo ako sa kabilang dulo ng sofa. “Tita Sinag is seems nice too, daddy. Mukha po siyang mabait kaysa kay mommy.” Saad ni Lance saka tumingin pa sa ’kin. Napatingin na lang din ako kay Kamahalan at napangiti sa kaniya. “Why?” kunot ang noo na tanong ni Kamahalan sa anak niya. “Si mommy po kasi... lagi akong pinapagalitan kahit wala po akong kasalanan. Lagi niya po akong sinisigawan at pinapalo.” Nakangusong pagsusumbong nito sa daddy nito. Bigla naman akong nakadama ng awa sa bata. Walang-hiya talaga ang babaeng ’yon! Pati ang batang walang kasalanan sa kaniya at galing sa laman at dugo niya ay sinasaktan niya. Ano’ng klaseng ina ba siya? “She always did that to you?” nag-aalalang tanong ni Kamahalan. Tumango naman ito bago tumingin sa gawi ko. “Can I call you mommy, Tita Sinag? I know you wont hurt me unlike my mommy.” Ramdam ko ang pag-susumamo sa tinig nito nang magtanong ito sa akin. Mayamaya ay lumapit ito sa akin at hinalikan ang pisngi ko. Bigla naman akong napangiti dahil sa ginawa nito. Mahal ko ang mga bata... at hindi ko ugaling manakit sa kanila lalo pa kung walang kasalanan! Kaya ano ang dahilan para hindi ko pagbigyan ang kahilingan nito, hindi ba? Nakangiti naman sa akin si Kamahalan nang tingnan niya ako. Mukhang naghihintay rin siya sa isasagot ko kay Lance. “Please po!” ipinagdikit pa ang mga palad nito habang nakalabi sa akin. Nag-puppy eyes pa. Natawa na lamang ako dahil sa ka-cute-an nito. “Oo naman. Puwede mo akong tawagin na Mommy Sinag mo. Hindi ba daddy?” nakangiti akong nagbaling ulit ng tingin si Kamahalan. Malapad naman ang ngiti niya saka lumipat sa kabilang puwesto ko. Niyakap niya ako sa baywang ko saka ako hinalikan sa pisngi. “Gusto ko ’yan babe,” aniya. “You hear Mommy Sinag, son? You can call her mommy.” Ngiting saad niya sa anak niya. Bigla namang pumalakpak ang bata. “Yeheyy! Thank you po, Mommy Sinag.” Saka ako niyakap din at hinalikan ulit sa pisngi. Pakiramdam ko tuloy, para kaming isang masayang pamilya na nagbo-bonding sa mga sandaling ito! Masarap sa pakiramdam. At masasabi kong kahit papaano ay nagkaroon agad ng puwang sa puso ko si Lance. Ramdam ko namang mabait itong bata, e! At gaya ni Kamahalan, mukhang ’di naman ito mahirap mahalin. Lalo pa at bata lang ito! Lumabas naman sa kuwarto ang yaya ni Lance at tinawag ang alaga nito kaya naiwan kaming dalawa ni Kamahalan sa sala. Ayaw pa rin ako nitong pakawalan at mahigpit pa rin ang pagkakayakap niya sa likod ko. “Mommy, mmm!” bulong niya sa punong tainga ko na siyang nagpatayo ng mga balahibo sa batok ko. Napangiti na lang din ako nang maramdaman ko ang mumunti niyang halik sa leeg at batok ko. “Kamahalan, tama na! Baka lumabas ang anak mo nakakahiya.” Nakikiliti at humahagikhik na saway ko sa kaniya pero ayaw naman niya paawat sa akin. Pinaharap niya pa ako sa kaniya saka mabilis na sinakop ang mga labi ko. “Mmm!” napaungol pa ako saka ko siya tinulak nang dahan-dahan sa kaniyang dibdib upang lumayo sa akin. “Tama na kasi.” Saway ko sa kaniya. “Call me daddy again.” Sa halip ay bulong niya sa akin habang dahan-dahang dinadampian ng maliliit na halik ang leeg ko. Napapaiktad naman ako sa ginagawa niya. Nakikiliti ako! “I want you to call me daddy too, mommy ko.” Sa namamaos na boses niya. Gusto kong matawa sa mga sinasabi niya ngayon. Pakiramdam ko nagtatayuan na naman ang mga balahibo sa buong katawan ko dahil sa gusto niyang mangyari. Ano ba ang lalaking ito? Kung anu-ano na lamang ang maisipan. Itinulak ko siya palayo sa akin habang nagpipigil ako sa tawa ko. “What, Sinag ko? Is there a problem if you call me daddy, huh?” Napabunghalit na ako ng tawa lalo pa at ang cute ng reaksyon niya ngayon habang nakatitig siya sa akin. “Tss!” nakangusong saad niya saka ako binitawan at tumayo sa puwesto niya at naglakad siya papasok sa kuwarto. Sumunod naman agad ako sa kaniya na tumatawa pa rin. “Ang badoy kasi, Kamahalan,” sabi ko. “Daddy talaga?” tanong ko pa sa kaniya na natatawa pa rin. Umupo siya sa gilid ng kama. “E mas gusto ko na ’yon, e!” parang batang nagtatampo ang mahal ko. “Hindi naman ako si Lance para daddy ang itawag sa ’yo, Kamahalan ko. Saka—” hindi ko natapos ang gusto kong sabihin sa kaniya nang basta na lang niya ako hinila sa kamay ko. Humiga siya sa kama kaya napadapa ako sa ibabaw niya. Pero bigla rin siyang gumulong kaya nagkapalit kami ng puwesto. Nasa ilalim na ako. Hinawakan niya ang dalawa kong kamay at inilagay iyon sa uluhan ko. “Sinag ko, mas sweet ang ganoon. Call me daddy and I will call you mommy. Para mas masaya.” Aniya. Napangiti akong muli. “Kasi naman—” “Call me daddy or we will make love till morning? Straight no more time out.” Pagbabanta pa niya sa akin. Bigla akong napatikom ng bibig ko. Kilala ko ang pasaway na ito! Kung ano ang sinabi niya ay iyon ang ginagawa niya kagaya dati. “Don’t try me, mommy ko, mmm!” nakakalokong ngiti ang ibinigay niya sa akin saka ako hinalikan sa mga labi ko. Wala naman akong nagawa kun’di ang tumugon sa mga halik niya. Pinakawalan niya rin agad ang mga kamay ko kaya ipinulupot ko iyon sa kaniyang leeg. Pero mayamaya ay bigla ko rin siyang naitulak sa dibdib niya nang madinig ko ang boses ng yaya ni Lance mula sa labas ng kuwarto namin. Humiwalay naman siya sa ’kin pero ayaw umalis sa ibabaw ko. “Alis na Kamah—” sinakop niya muli ang mga labi ko. “Daddy? Or make love?” tanong niya ulit sa akin. “Come on, mommy ko.” Nagtaas-baba pa ang mga kilay niya habang nakangiti pa rin sa akin ng nakaloloko. Pasaway talaga ang isang ito, e! At kasalanan din ni Lance. Kung sana hindi ako nito tinawag na Mommy ko kanina, hindi sana makakaisip nh kalokohan ang isang ito! Napabuntong-hininga ako nang malalim. “Okay na. Daddy na kung daddy. Alis ka na riyan baka may kailangan si Lance.” Napipilitang saad ko na lamang sa kaniya. Hinalikan niya ulit ang mga labi ko pero mabilis lang. “Say daddy in a sweet tone mommy ko, saka kita pakakawalan.” Inis naman ang isang ito! Oo na kinikilig ako sa gusto niyang mangyari, pero parang nakakahiya naman ata? Muli na lamang akong natawa dahil sa hitsura niya. “Daddy ko, please! Okay na ba ’yon?” pagsuko ko sa kaniya at ginawa ang gusto niya. Saka naman siya umalis sa ibabaw ko at tinulungan akong makatayo. “I love it, mommy ko. I love you.” Saka niya ako hinalikan sa noo ko at iginiya na palabas ng kuwarto. Akala ko no’ng malaman naming may anak na siya sa iba ay may magbabago sa kaniya. Iyong pakikitungo niya sa ’kin akala ko ay mababawasan, pero mali pala ako! Mas lalo pa siyang naging sweet sa akin at mas lalo kong naramdaman ang pagmamahal niya sa ’kin. Pagmamahal na kailanman ay hindi ko pagsasawaang damhin. “MOMMY SINAG, sit beside me, please! Gusto ko po sabay tayo kumain.” Paglalambing sa akin ni Lance. Ngumiti naman ako saka umupo sa tabi nito. Ang bibong bata ni Lance, kahit sino’ng ina ay magugustohang anak ito. Makulit. Masiyahain at madaldal. Tinulungan rin ako nito kanina na magluto ng hot cake dahil paborito raw nito iyon. Kagaya ni Kamahalan ko ay lagi rin itong nakayakap at nakahalik sa pisngi ko. Mag-ama nga naman! “Share po tayo, Mommy Sinag.” Ani nito saka ako sinubuan ng hot cake na kinakain nito. “Sweet naman. Thank you!” saad ko at sinubuan ko rin ito. Mayamaya ay nagulat na lang kami pareho nang may biglang yumakap sa likuran namin. “Can I join you?” tanong ni Kamahalan saka din siya umupo sa tabi ni Lance. “Sure po, daddy,” sagot nito. “Look po, Mommy Sinag and I made this. Tikman mo po, daddy.” At ibinida pa nito ang ginawa naming hot cake. Kunwari ay sarap na sarap naman si Kamahalan habang tinitikman ang pagkain. “Wow! Ang sarap naman. Good boy.” Aniya at ginulo pa ang buhok ng anak niya. “Next time, teach me how to make this, okay?” dagdag pa niya habang hawak-hawak ang kamay ko na nasa likod ni Lance. Ngumiti pa siya sa akin saka ako kinindatan. “No problem po, daddy. Mommy Sinag and I will teach you po.” Nakangiti pa ito nang malapad habang kumakain. “Gusto mo ba ng maiinom, Kamahalan?” tanong ko sa kaniya mayamaya. Pero bigla namang nagsalubong ang mga kilay niya. Natawa na lang ako nang lumapit ako sa refrigerator. “Oo na. Daddy.” Saad ko sa kaniya at ibinigay ang baso ng tubig nang makalapit ako ulit sa kaniya. Nagulat pa ako nang hinila niya ako paupo sa kandungan niya. “Andito ang anak mo, nakakahiya!” turan ko sa kaniya. Pero bale-wala naman siyang yumakap sa baywang ko. “He doesn’t care, mommy ko.” Aniya at mabilis na hinalikan ang pisngi ko. “I missed you by the way.” Para namang ang tagal naming hindi nagkita. E, apat na oras lang naman siya sa trabaho niya at umuwi agad siya! Pero, oo na at aaminin kong nami-miss ko rin siya kahit ilang oras lang kaming hindi nagkikita. Wala e, in love sa isa’t isa. “Sweet!” Pareho pa kaming napalingon ni Kamahalan nang magsalita si Lance sa tabi namin. Nakangiti itong nakatunghay sa aming dalawa. “Tingnan mo? He doesn’t care pero pinansin tayo.” Natatawang saad ko sa kaniya. “Lance, gusto ka makausap ng mommy mo.” Ang yaya nito na sumulpot sa kusina. Bigla namang nawala ang ngiti sa labi ni Lance at napanguso pang tumayo sa upuan nito. “Go on. Talk to your mom.” Saad ni Kamahalan sa anak niya. Tumalima naman agad ito at nagtungo sa guest room. Naiwan kaming dalawa sa kusina. “Alam mo, gusto ko si Lance.” Saad ko sa kaniya. Bigla namang nagsalubong ang kaniyang mga kilay at tumitig sa akin. “What? Ipagpapalit mo na ako kay Lance?” nakalabing tanong niya sa ’kin. Mabilis na umangat ang kamay ko at kinirot ko ang pisngi niya. “Ang seloso masyado,” natatawang sabi ko. “Anak mo ’yon, okay? Gusto ko siya dahil ang bait niya... kagaya sa ’yo.” Hinalikan ko pa siya sa kaniyang mga labi. “But I’m still your first love, right?” tanong niya saka ako niyakap ulit nang mahigpit at hinalikan ang leeg ko. “Oo naman. First and last love, ganoon.” Kumalas din agad ako sa yakap niya. “I love you, Sinag ko.” Saad niya. “I love you too.” “Hindi ka pa ba dinadatnan?” mayamaya ay tanong niya sa ’kin. “Mmm, kahapon pa ako naghihintay. Dapat kahapon mayroon na.” “We should go to the clinic para magpa-check up sa OB. Para kapag wala pa rin, we can do it again hanggat makabuo tayo.” Seryosong saad niya saka masuyong hinaplos ang tiyan ko. Ramdam ko at kita ko sa mga mata niya kung gaano niya kagustong magkaanak na rin kami. Alam ng Diyos kung gaano ko rin kagusto. Kung ito lang ang magiging dahilan para tuluyan kong mapasaya ang mahal ko. Kahit hindi niya pa ako inaayang pakasal sa kaniya, handa akong bumuo ng pamilya kasama siya. “Huwag na muna siguro. Hintayin na muna natin. Baka late lang ako.” Ngumuso naman siya sa ’kin at sumobsob sa leeg ko ulit. “Excited na kasi ako na magkalaman ito,” sabi niya at patuloy pa ring hinihimas ang tiyan ko. “Para may baby na rin tayo.” Ang sarap lang talaga isipin na siya pa ang mas excited kaysa sa akin na magka-baby na rin kami. Kung puwede nga lang ngayon agad ay may tumubong bata sa loob ng tiyan ko e, bakit hindi?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD