CHAPTER 12

2935 Words
“KAMAHALAN ko, tulog na tayo! Antok na ako, e!” saad ko sa kaniya nang pagkahiga niya sa kama ay bigla niya ako dinaganan. “Sinag ko... gusto ko gumawa na rin tayo ng baby natin. Mmm!” sa halip ay saad niya sa akin. Nabigla naman ako sa sinabi niya kaya agad ko siyang tinitigan sa mga mata niya. Mapupungay na mga mata na lalong nagpapa-in love sa akin sa araw-araw na magkasama kami. “Huh?” tanong ko sa kaniya. Bumuntong-hininga siya nang malalim. “Gusto kong gumawa na rin tayo ng baby natin, babe ko.” Bulong niya sa ’kin sa namamaos na boses niya. “Please! Gawa tayo ngayon, Sinag ko.” Gusto ko naman matawa sa mga sinasabi niya sa akin. Ano ba ang nangyari sa isang ito? Mula kaninang umuwi siya galing trabaho niya mas lalo siyang naging sweet at malambing sa akin kaysa sa mga nakaraang araw. Kita ko naman sa mga mata niya ang senseridad sa mga sinabi niya ngayon. Pero... kailangan ba ay agad-agad? Mayamaya ay napangiti ako sa kaniya at ikinawit sa leeg niya ang mga braso ko. “Ilan ba ang gusto mo, Kamahalan ko?” nakangiting tanong ko sa kaniya. Mabilis niyang kinintalan ng halik ang mga labi ko bago sinagot ang tanong ko. “Mmm!” kunwari ay nag-isip pa siya. “Gusto ko ng—isang team. Ouch!” daing niya nang paluin ko bigla ang braso niya. “Kalokohan na naman, e!” nakangusong saad ko sa kaniya. Tumawa lang siya sa ’kin saka hinaplos ang mukha ko at hinalikan ang magkabila kong pisngi. “I’m not kidding, Sinag ko! Mas marami mas masaya,” sabi niya. “E, hindi ko naman kaya ’yon, Kamahalan ko. Malolosyang agad ako lalo pa kong sunod-sunod. Iba ka pa naman kung makagamit sa ’kin. Okay na ’yong dalawa.” Ani ko sa kaniya. Parang seryoso naman kasi siya sa sinabi niya, e! Jusko naman sa isang team! Okay! Sa totoo lang, matagal ko na rin naman gustong magkaroon ng anak. Kapag nakakakita ako ng baby sa mga kapitbahay namin, minsan ay nakakadama ako ng inggit. Pero kapag naiisip kong... paano naman ako magkakaroon ng anak kung wala naman akong boyfriend? So, iwinawaglit ko na lang sa isipan ’yon. Pero ngayong may Caspian na ako at siya na rin ang nagsabi na gusto niya ng magka-baby kami... bakit hindi? Pareho naman naming mahal ang isa’t isa. “Okay, Sinag ko! For now okay na muna ang dalawa. Pero kapag nag-one year old na sila gagawa agad tayo, huh! I wan’t more kids around us,” sabi pa niya at ngumiti nang malawak. “Gusto ko madami sila para maingay sa bahay natin.” “Sige!” pagsang-ayon ko na lang muna sa kaniya. Para namang ganoon lang kadali na gumawa ng bata! Nako naman itong irog ko! “Pero agad-agad ngayon tayo gagawa?” tanong ko sa kaniya na ikinangiti naman niya ng nakaloloko. Mayamaya ay napaiktad na lang ako nang bigla niyang hawakan ang isang dibdib ko at sinakop ang mga labi ko. Hindi ko naman mapigilan na hindi tumugon sa kaniya lalo pa at dalang-dala ako sa mga halik niya sa ’kin. Halik na kahit kailan ay hindi ko na pagsasawaan at hahanap-hanapin ko pa lalo! “Mmm!” unggol ko. Binitawan naman niya ang labi ko at bumaba sa leeg ko ang mga labi niya. Mayamaya rin ay tumigil siya sa ginagawa niya at tiningnan akong muli nang mataman. “Yeah! Gusto ko ngayon na, Sinag ko. I’m tired and stressed... but you know you are my stress reliever, babe ko,” sagot niya at humiwalay sa ’kin. Mabilis na hinubad niya ang damit at pantalon niya at itinapon sa kung saan. Pagkatapos ay muli niya akong dinaganan. Natawa na lamang ako sa kaniya. “Okay, Kamahalan ko!” at inangkla ko pa sa baywang niya ang mga binti ko saka ako walang alinlangan na tinugon muli ang mga halik niya sa ’kin. Dalawang linggo na mula nang malaman namin ang tungkol sa anak niya raw kay Stephanie. Last week ay inasikaso niya na rin ang gaya nang sabi niyang ipapaulit niya ang DNA test nito para makasiguro siya kung talaga bang anak niya ang batang iyon. Kahit naman lumabas ang totoo na siya nga ang tatay ng bata ay tatanggapin ko pa rin iyon gaya nang sabi ko sa kaniya. Bakit? Kasi mahal ko siya. Alangan namang ayawan ko ang bata kung galing naman ito mismo sa mahal ko! Kinabukasan ay panauhin namin ang abogado niya. Nasa sala kami at magkatabing nakaupo sa mahabang sofa habang kaharap naman namin ang attorney niya. Hawak niya ako sa kamay habang pareho kaming kabado na malaman ang resulta niyon. “Here is the result, Mr. Amorez.” Inabot nito sa kaniya ang brown envelope. Binitawan naman niya ang kamay ko upang tanggapin niya iyon. Saglit siyang tumingin sa akin. Ngumiti ako sa kaniya. “Buksan mo na, Kamahalan.” Ani ko sa kaniya. Nagpakawala pa siya nang malalim na buntong-hininga bago niya binuksan iyon at inilabas ang papel. Tahimik lamang akong nakatitig sa kaniya habang seryoso siyang nakatingin sa papel na hawak niya. Hindi ko maiwasan ang kabahan nang husto habang naghihintay sa sasabihin niya. Mayamaya ay ibinalik niya na sa loob ng envelope ang papel na binasa niya. Tumayo siya sa kaniyang puwesto. “Thank you, attorney. I will talk to you tomorrow in my office.” Tumayo na rin ang kaniyang abogado. Nagkamay pa silang dalawa. “No problem, Mr. Amorez. If you need anything more about this matter, just call me.” “Thank you!” “I’ll go ahead.” Sinundan ko pa ng tingin ang abogado niya nang maglakad na ito palabas ng pinto. Pagkatapos ay muli siyang umupo sa tabi ko. Hinawakan ko pa ang braso niya. “Caspian.” Humarap naman siya sa akin at bigla akong hinawakan sa magkabilang pisngi. Walang sabi-sabi at siniil niya ako ng halik sa mga labi ko. “Positive, babe.” Malungkot na saad niya sa akin nang matapos niyang angkinin ang mga labi ko. Kahit inaasahan ko na ang mga mangyayari ngayon. Kahit inaasahan ko ng baka nga positive at anak niya ang anak ni Stephanie, hindi pa rin nakaligtas sa puso ko ang kaunting kirot. Masakit pa rin pala malaman ang katotohanan! Ayokong umiyak sa harapan niya pero hindi ko mapigilan ang mga luha ko at naglandas iyon ng kusa sa mga pisngi ko. Agad naman niya iyong pinunasan gamit ang mga hinlalaki niya. “I’m sorry, babe. I’m sorry, Sinag ko.” Ano ang sasabihin ko sa kaniya? Okay lang, Kamahalan ko? Ayos lang ako? Okay lang ang nararamdaman ko ngayon? Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kaniya. Tanging paghikbi na lamang ang nagawa ko sa mga sandaling ito. “Masaya ako para sa ’yo. May baby ka na,” mayamaya ay sabi ko at pilit pa akong ngumiti sa kaniya. “Hindi na natin kailangan guma—” “Shhh! I don’t want to hear that damn words, Sinag,” sabi niya para putulin ang sasabihin ko pa. “Kahit anak ko nga ang batang ’yon, mas gusto ko pa rin na magkababy sa ’yo, okay? I love you.” Saka muling sinakop ang mga labi ko. Kahit papaano ay nabawasan din ang lungkot at sakit sa puso ko dahil sa mga sinabi niya. Mas lalo kong naramdaman ang pagmamahal sa ’kin ni Caspian. Yumakap ako sa kaniya. Naramdaman ko rin naman ang mahigpit niyang yakap sa akin. “Kailan mo balak na makipagkita sa kaniya?” mayamaya ay tanong ko sa kaniya nang maging okay na kami pareho. Magkayakap kami habang nakasandal ako sa sofa at siya naman ay nakasandal sa dibdib ko. Mayamaya ay nagsumiksik siya sa leeg ko. “Puwede bang huwag na lang, Sinag ko?” “Kailangan, Kamahalan. Anak mo ’yon at kailangan ka niya. Kailangan ka niyang makita at makilala,” sagot ko sa kaniya at tinanggal ang mukha niya sa leeg ko at pinaharap siya sa akin. Kita ko na naman ang lungkot sa mga mata niya dahil sa mga nangyayari ngayon sa amin. Umiling siya! MAGKAHAWAK kamay kami ni Caspian habang naglalakad papasok sa isang mamahaling kainan. Ngayon kasi ang araw na napagkasunduan nila ni Stephanie na ipakilala sa kaniya ang anak niya. Ramdam ko ang masuyong pagpisil niya sa palad ko. Napalingon ako sa kaniya. Nakatingin naman siya sa akin nang mataman. “Are you sure babe we need to do this?” tanong niya. Tipid akong ngumiti sa kaniya. “Oo nga, Kamahalan. Para sa anak mo. Nandito na tayo kaya harapin mo na lang siya, okay?” sagot ko sa kaniya. Dinala niya sa tapat ng bibig niya ang kamay ko at hinalikan ang likod niyon. “I love you, Sinag ko. Thank you!” “I love you, too. Tara na.” Ani ko. Pagkapasok naman sa restaurant na iyon, kaagad naming nakita si Stephanie na nakapuwesto sa isang lamesa na nasa sulok. May kasama itong batang lalaki. Kaagad pa ako nitong tinaasan ng kilay nang makalapit na kami sa kanila. Ang sarap talaga kalbuhin ’yang kilay niya. Nakakairita, e! “What took you so long, Caspian? At bakit kasama mo pa ang maid mo?” malakas ang boses na tanong nito. Hindi matao sa lugar na iyon pero sapat pa rin ang lakas ng boses ni Stephanie para madinig at mapalingon sa gawi namin ang ibang kumakain doon. “Sinag is my girlfriend, so, she will go with me whenever I wanted.” Bale-walang sagot ni Caspian. Umismid ito sa akin. Sarap sabunutan ang babaeng ito, e! Nakakairita talaga! Kala mo kung sino. Sa halip na patulan ko ang pagtataray nito sa akin, hindi ko na lang ito pinansin, ’di naman ito ang pinunta namin dito e, kun’di ang anak niya. Pinaghila pa ako ng upuan ni Kamahalan bago siya umupo sa tabi ko. Ang sama naman ng titig sa ’kin ni Stephanie. Kung siguro nakakamatay lang ang titig nito, malamang nakabulagta na ako ngayon sa harapan nito. “Mommy, siya na po ba si Daddy?” Naagaw ang pansin ko nang magsalita ang batang nasa tabi ni Stephanie. Ang cute niya. Nag-aalangan pa itong tumingin kay Caspian. Parang nahihiya ata! “He’s your daddy Caspian anak,” sabi ni Stephanie. “By the way Caspian, he is Lance OUR SON.” Pinagdiinan pa nito ang salitang our son habang masamang nakatingin sa akin. Oo na. May kaunting inggit sa puso ko sa isiping may anak sila ng mahal ko, pero wala naman akong magagawa roon. Matagal ng natapos ang relasyon nila ni Caspian. Bunga ng relasyon nila noon ang batang ito. Basta ang importante ngayon ay akin si Kamahalan at ako ang mahal niya. Binaling ko na lang ang tingin ko kay Kamahalan. Nag-aalangan din siyang tinitigan ang batang nasa tabi niya. Siguro nag-a-adjust pa siya kung paanong haharapin at kakausapin ang anak niya. Lihim kong inabot ang kamay niya na nakapatong sa hita niya sa ilalim ng lamesa. Pinisil ko iyon kaya napatingin siya sa akin. Nginitian ko siya. “Ang cute niya,” nakangiting sabi ko sa kaniya. “Kausapin mo siya.” Bulong ko pa sa kaniya. “Thank you, babe!” imbes ay sagot niya sa akin at hinalikan ako sa labi ko. Nadinig ko naman ang pagdabog ni Stephanie sa tapat ng puwesto nito kaya agad akong napahiwalay sa labi ni Kamahalan. “Let’s order our food. Nagugutom na ako.” Maarteng saad nito at tumawag ng waiter. Habang naghihintay ng pagkain namin ay kinakausap naman ni Kamahalan ang anak niya. Mukhang nagkakapalagayan na sila ng loob at hindi na lumalayo sa kaniya ang anak niya. Ngumingiti na rin si Kamahalan dito at minsan pang ginugulo ang buhok nito. Ang sweet nilang tingnan na mag-ama. Hindi mo aakalain na ngayon lang sila nagkakilalang dalawa. Si Stephanie naman ay panay singit sa usapan nila kahit hindi naman ito kinakausap ni Kamahalan. “Daddy, can I come with you?” mayamaya ay tanong ni Lance sa kaniya. “Sure. Kahit kailan mo gusto.” Mabilis na sagot niya sa anak. “But—” lumingon pa ito sa mama nito at parang nag-aalala pa ang boses nito. “Is it okay with you, mommy?” tanong nito. “If you go with your dad, then I’ll go too. Hindi ako papayag na mag-isa kang pupunta sa kaniya. I don’t trust any one.” Sagot nito saka tumingin sa akin. Aba! Akala naman nito sasaktan ko ’yang anak niya? At hello! ’Di naman ako papayag na pati siya ay sa condo titira. Ano siya sinusuwerte? “Daddy?” “I’ll talk to Sinag first, okay?” sagot niya sa anak niya. “Why? Is she your boss para magpaalam ka pa sa kaniya? Puwede naman siyang umalis sa condo mo habang nandon kami ng anak mo Caspian,” sabi ni Stephanie. “You know me, ayaw ko ng may ibang tao sa bahay ko.” Bahay ko? Nagpapatawa ba siya? Ang sarap talagang sabunutan ng babaeng ito! Ako pa talaga ang papaalisin nito sa condo ni Kamahalan. Bakit? Para magawa nito ang plano nitong akitin ulit ang mahal ko? Magsasalita na sana ako nang maunahan ako ni Kamahalan at hinawakan niya pa ang kamay ko na nakapatong sa hita ko. “You don’t need to go with Lance, Stephanie. I can hire a nanny para mag-alaga sa kaniya. And there is no more space in my condo kung sasama ka pa,” sabi niya kay Stephanie. Napamaang naman ito sa mga sinabi ni Kamahalan. Lihim na lamang akong napangiti. “What—” “Maybe next time son, okay? For now, you’re going to stay with your mom. Just be good boy, okay?” Hindi niya pinansin ang sinabi ni Stephanie at inabala ang sarili na kausapin ang anak niya. Nagmumukha namang tanga si Stephanie na kahit ano’ng salita nito ay hindi ito pinakikinggan ni Kamahalan. Hanggang sa matapos ang pagkain namin at magpaalam silang mag-ina dahil may pupuntahan pa raw ito. Muli pang yumakap sa kaniya ang anak niya at humalik sa pisngi niya. “Bye dad. I’m happy to meet you. I love you po!” “Take care, okay?” ginulo pa niya ang buhok nito saka hinila ng ina palabas ng kainan. Sinundan ko pa ng tingin ang mga ito palabas ng restaurant saka ko binalingan ng tingin si Kamahalan. “Bakit?” tanong ko sa kaniya nang magpakawala siya nang buntong-hininga. Umiling naman siya sa akin saka ako hinapit sa baywang. “Nothing, babe. Let’s go. Gusto ko ng magpahinga.” Saka niya ako hinalikan sa noo ko at iginiya na palabas ng kainan. Pagdating sa condo, pasalampak siyang umupo sa mahabang sofa. Halatang ang dami niyang iniisip ngayon na problema. Napaupo ako sa tabi niya at hinilot ang sentido niya habang nakapikit siya. “Okay ka lang ba, Kamahalan?” tanong ko sa kaniya. “I think there’s something wrong, Sinag ko.” Napakunot noo naman akong tumitig sa mukha niya habang nakapikit pa rin siya. Tumigil ako sa pagmasahe ng noo niya. Nagmulat naman siya ng mata niya at tumitig sa akin. Hinawakan niya ang dalawa kong kamay. “Huh?” nalilitong tanong ko ulit sa kaniya. “I think there is something wrong with Stephanie and that DNA test.” Malamlam niya akong tinitigan sa mga mata ko. Makikita talaga ang pag-aalala sa mga mata niya. “Babe, wala akong maramdaman na lukso ng dugo sa kaniya. I was thinking, paano kung hindi talaga ako ang daddy niya? Paano kung—” “Kamahalan, natural lang siguro iyon kasi una palang na pagkikita n’yong dalawa. Hindi naman siguro nagkakamali ang abogado mo o ’yong nag-test ng DNA n’yong dalawa ni Lance.” Agaw ko sa iba pa niyang sasabihin sa akin. Hindi naman siya umimik agad. Sa halip ay kinabig niya ako sa baywang ko at dinala sa dibdib niya. Ramdam ko ang paghalik niya sa noo ko kasabay nang mahigpit na yakap niya sa ’kin. “I’m just thinking. But let’s forget about it, babe. I love you, Sinag ko. Thank you for accepting me kahit na may anak na ako sa iba.” Bulong niya sa puno ng tainga ko. Sumiksik pa ako lalo sa leeg niya. “Mahal kita e, kaya tanggap ko ang lahat sa ’yo.” “Im so lucky to have you, Sinag ko. Huwag mo akong iiwan, huh? Kasi kapag nawala ka sa ’kin, hindi ko kakayanin ’yon. Ikaw ang Sinag na nagbigay ng liwanag sa buhay ko. Sinag na nagbigay liwanag sa madilim kong mundo. Always remember that, okay? Ikaw lang ang Sinag ng buhay ko.” Napangiti na lang ako sa sinabi niya. Humiwalay ako sa kaniya saka ako nakipagsukatan ng titig sa kaniya habang hindi pa rin naglalaho ang ngiti sa mga labi ko. “Tatandaan ko ’yan lagi. Hindi kita iiwan Caspian. Hanggat ramdam kong mahal mo ako at hindi mo sinasabing hindi mo na ako mahal... nasa tabi mo lang ako at handang gawin ang lahat para sa ’yo. Mahal na mahal kita at gaya sa ’yo ay ikaw lang din ang Kamahalan ng buhay ko. Ikaw ang nagturo sa ’kin kung paano ba ang magmahal ng ganito.” Malumanay na saad ko sa kaniya habang hinahaplos ang pisngi niya. Dumukwang ako para halikan ang mga labi niya. Tumugon naman siya. “I love you, Sinag ko!” “Mahal din kita, Caspian.” Nakangiting sagot ko sa kaniya saka muling yumakap sa malapad niyang dibdib.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD