PAALIS na sana si Caspian sa office niya nang may kumatok sa pinto niyon. Kunot ang noo na napatingin siya roon. “Come in.” Saad niya.
Pumasok naman doon si Hermes kasama ang abogado niya.
“Bro, buti at naabutan ka pa namin dito.” Ani nito.
“Why? Is there a problem?” tanong niya.
“Mr. Amorez, you need to see this,” sabi sa kaniya ng kaniyang abogado. “Base sa naging pag-uusap natin last week tungkol sa anak mo at sa DNA test n’yong dalawa. And here is the second result.” Ani nito at kaagad na ibinigay sa kaniya ang brown envelope.
Bago niya iyon tinanggap, muling nagsalubong ang kaniyang mga kilay at napatitig dito maging kay Hermes. Mayamaya ay bigla siyang kinabahan. Agad niyang ibinaba ang bag niya at kinuha sa kamay ng kaniyang abogado ang envelope na inabot nito sa kaniya.
Mabilis niya iyong inilabas at binasa ang papel.
NEGATIVE.
Ilang beses pa niyang binasa ang nakasulat sa papel para makasiguro na tama nga ang pagkakabasa niya sa resulta ng second DNA Test na pinagawa niya.
Wala sa sariling nag-angat siya ng mukha at tinitigan ang dalawang lalaki na seryoso ring nakatitig sa kaniya. He let out a deep sigh. Mayamaya ay naikuyom niya na lamang ang kamao niya dahil sa galit na bigla niyang naramdaman. He wants to kill Stephanie right away because of her white lies. He knew it. Sa simula pa lang may balak na talaga itong hindi maganda.
“Now you’re totally free from that desperate woman, bro! Buti at naniniwala ka sa lukso ng dugo.” Nagawa pang magbiro ni Hermes habang seryoso pa rin ang kaniyang hitsura at hindi makapaniwala sa mga nalaman niya.
He was angry and disappointed, yet he’s happy right now. Kasi hindi niya totoong anak si Lance sa ibang babae. But, he feel pity for that innocent child. Pati ito ay dinamay ng ina nitong desperada.
“What do you want me to do with Ms. Carlos, Mr. Amorez?” tanong ulit ng kaniyang attorney.
“Nothing. Just leave it to me. Thank you again for giving me this result,” sabi niya.
“Then I’ll go ahead. Just give me a call if you need my time, Mr. Amorez.”
Tumango lang siya rito bago ito tuluyang lumabas ng opisina niya. Naiwan naman silang dalawa ni Hermes doon.
“Hindi ko alam kung ano ang magiging reaction ni Sinag kapag nalaman niya ang totoo. Mukha pa namang napamahal na sa kaniya ang batang ’yon. Magkasundong-magkasundo na sila.” Seryosong saad ni Hermes.
That’s true. It’s been a month since they knew that Lance was his son. Nakita rin naman niya sa mga mata ni Sinag kung paano nitong alagaan ang bata at ituring na parang anak nito. She was always happy sa tuwing kasama nila si Lance mamasyal. Ayaw niyang madismaya, malungkot o masaktan si Sinag, pero wala naman siyang magagawa kun’di sabihin dito ang totoo kahit napamahal na sa kanila ang bata.
“I don’t know, but I need to tell her the truth. Uuwi na ako at kailangan ko pa siyang kausapin. Thanks again, bro.” Aniya at tinapik pa niya sa braso ang kaibigan.
“No problem, basta ninong ako kapag nakabuo na kayo ni Sinag mo.”
Bahagya pa siyang natawa dahil sa sinabi ni Hermes.
Ilang sandali lang ang naging byahe niya at nakarating din agad siya sa condo niya. Hindi pa man siya nakakapasok sa loob nang madinig niya ang boses na parang nagkakasagutan. Nangunot ang kaniyang noo nang makita niya roon si Stephanie at Sinag. Nag-aaway ang dalawa!
“Sinasabi ko lang naman sa ’yo, Stephanie, huwag mong saktan ang bata dahil wala naman siyang ginagawang mali—”
“Oh, shut up! Wala kang pakialam kung ano ang gawin ko sa batang ito. I’m his mother kaya huwag kang mangialam!” singhal ni Stephanie kay Sinag. “You’re just a poor maid na nag-a-assume na magugustohan talaga ni Caspian! If I were you, umalis ka na lang dito bago ka pa tuluyang masaktan kapag malaman mong niloloko ka lang din ni Caspian. You’re such a desperate slut.”
“Mommy, please! Don’t shout Mommy Sinag! Please!”
Nasa pagitan ng dalawa si Lance habang umiiyak ito.
Dahil sa mga narinig niyang sinabi ni Stephanie kay Sinag, nag-init bigla ang kaniyang ulo. Nagtiim ang kaniyang mga bagang.
“Stephanie!” mariing tawag niya sa pangalan nito.
Sabay pang napalingon sa direksyon niya ang dalawang babae.
“Oh, here he is! Buti naman at dumating ka na, Caspian. Paalisin mo na ang yaya mong ’yan dito dahil wala naman siyang—”
“Watch your words Stephanie or I will sue you.” Galit na saad niya. God! Kung hindi lamang ito babae, malamang na kanina pa niya ito sinugod ng malakas na suntok dahil sa galit na nararamdaman niya sa mga sandaling ito.
“What? Itong babae—”
“How could you lie to me? To us, Stephanie?” galit pa ring tanong niya rito.
Kita naman niya ang pagkabahala sa hitsura nito nang madinig nito ang mga sinabi niya. She even swallowed her saliva.
“W-what do you mean, lie?” kinakabahang tanong nito.
Kita niya rin ang pagkunot ng noo ni Sinag nang tumitig ito sa kaniya. Mayamaya ay mabilis niyang inilabas sa kaniyang bag ang envelope at ibinigay niya iyon kay Stephanie.
“I already know the truth, Stephanie,” mapanuyang sabi niya. “Those fake DNA test, huh? How could you?”
SINAG’S POV
Fake DNA test? Ni Lance? Kunot pa rin ang noo ko nang balingan ko ulit ng tingin si Kamahalan. Kitang-kita ka pa rin sa mukha niya ang galit kay Stephanie.
“Caspian. L-let me ex—”
Pero hindi na nito natapos ang gusto nitong sabihin at hindi nito nagawang hawakan si Kamahalan nang mabilis siyang pumiksi at umatras mula kay Stephanie.
“What’s on your mind Stephanie at para pati ang bata ay idamay mo sa kalokohan mo? How could you? Pinaniwala mo akong anak ko siya. Tapos ngayon malalaman ko na lang na wala pa lang katotohanan ang lahat ng iyon?”
Ngayon ko lang talaga siya nakitang galit na galit dahil sa mga nalaman niya. Nakakatakot siyang tingnan!
Tama si Kamahalan! Napamahal na sa amin si Lance, pero ngayon malalaman naming hindi pala ito totoong anak ni Caspian! Ang sakit lang sa puso na kahit sa ’kin ay itinuring ko na ring anak si Lance. Napakadesperada talaga ng babae ito at pati ang batang walang malay ay idinamay pa nito!
“Caspian please—”
“Out! Baka kung ano pa ang magawa ko sa ’yo ngayon.”
Mariing utos niya rito. Agad naman tumakbo palapit sa ’kin si Lance. Umiiyak na yumakap sa baywang ko. Naaawa naman ako sa bata kaya niyakap ko na rin siya.
“Galit po ba sa ’kin si daddy, mommy? Bakit niya po kami pinapaalis ni mommy?” umiiyak na tanong nito sa ’kin.
Bata pa ito at ’di pa nito maiinitindihan ang sitwasyon ngayon. Imbes na sagutin ko ang mga tanong nito ay hinalikan ko na lang ito sa pisngi at niyakap nang mahigpit nang lumuhod ako.
“Sumama ka na muna sa mommy mo, okay? Siya na ang bahalang magpaliwanag sa ’yo. Pero hindi galit sa ’yo ang daddy mo! Tahan na! Huwag ka na umiyak.” Pag-aalo ko sa bata saka ko pinunasan ang mga luha sa pinsgi nito. “Shhh! Tahan na!”
“I SAID OUT!”
Napapitlag pa ako dahil sa gulat at takot nang biglang sumigaw si Caspian. Mayamaya, nagmamadaling hinila na sa kamay ni Stephanie si Lance palabas ng condo habang patuloy pa rin itong umiiyak.
“Daddy! Mommy!”
“Let’s go, Lance!”
Hanggang sa makalabas na sila ng condo.
Gusto kong lumapit kay Kamahalan para sana pakalmahin siya pero pati ako ay natatakot at parang nawalan ng lakas na humakbang palapit sa kaniya. Kitang-kita ko kasi ang pagkadismaya at galit sa hitsura niya.
Napatungo na lang ako nang magbaling siya ng tingin sa akin. Mayamaya ay naramdaman ko rin ang mga braso niya na pumulupot sa baywang ko nang lumapit siya sa akin. Niyakap niya ako nang mahigpit!
Sumubsob pa siya sa leeg ko. Kusa na ring gumalaw ang mga kamay ko para gumanti sa kaniya ng yakap. Napapabuntong-hininga na lang ako nang malalim.
“I’m sorry, Sinag.” Bulong niya sa ’kin. “Did I scare you?” nag-aalalang tanong niya nang tumingin siya sa ’kin at hawakan ang magkabilang pisngi ko.
Ngumiti na lang ako sa kaniya.
“I’m sorry. I didn’t mean it. Nadala lang ako ng galit sa kaniya.” Aniya saka ako hinalikan sa noo ko at niyakap ulit.
“Paano mong nalaman?” tanong ko sa kaniya mayamaya.
“I told you na wala akong maramdaman na lukso ng dugo sa kaniya kaya nagpa-DNA test ulit ako. And tama nga ang hinala ko. Stephanie is always Stephanie. Tuso siya! She made us believe her lies. She made us fell in love with her son.” Ramdam ko ang galit sa boses niya sa mga sandaling ito.
Siguro nga oo! Pero siguro din may dahilan lang si Stephanie kung bakit nito nagawa ang magsinungaling sa amin. Pero mali pa rin iyon! Mali ang ginawa nito! Masakit para sa anak nito ang pagsisinungaling nito. Pati na rin kay Kamahalan. Kita ko pa naman kung paanong saya ang naramdaman ni Lance no’ng malaman nitong daddy nito si Caspian, tapos ngayon ay malalaman na lamang nito na hindi pala totoo ang lahat dahil sa kagagawan ng ina nito!
“Pahinga ka na muna. Halika na.” Saad ko sa kaniya saka siya inakay papasok sa kuwarto namin. Magkatabi naman kaming humiga habang yakap pa rin niya ako. Nakaunan ako sa dibdib niya.
“I’m disappointed, but still I’m happy, Sinag ko.”
Umangat ako para tumingin sa kaniya. Tipid siyang ngumiti sa ’kin saka mabilis na kinintalan ng halik ang mga labi ko.
“Bakit?”
“Disappointed, kasi nasanay na akong nandito si Lance. Kahit papaano ay itinuring ko na rin siyang parang tunay na anak ko. But I’m happy too kasi wala ng magiging kahati sa atensyon ang anak ko sa ’yo kong sakaling makabuo na tayo.”
Napangiti na lang ulit ako dahil sa klase ng imagination niya pagdating sa ’min at sa magiging anak namin. Ulirang ama nga siguro si Kamahalan kung sakaling bibiyayaan kami ng Panginoon dahil ngayon pa lang ay ganoon na siya mag-alala para sa anak namin kahit wala pa man din.
“I love you, Sinag ko.”
“I love you too, Caspian,” sagot ko sa kaniya saka ko sya hinalikan sa mga labi niya.
NAGISING AKO kinabukasan nang maramdaman kong biglang may pumatong na kung ano sa dibdib ko. Napalingon ako sa katabi ko nang mapagtanto kong kamay pala ni Kamahalan iyon. Kahit tulog, malikot pa rin ang kamay niya! Kung saan-saan pa rin nakakarating! Napangiti na lamang ako. Mayamaya ay sumiksik pa siya sa leeg ko at hinapit ako sa baywang.
“Kamahalan ko, gising na alas syete na, o! May pasok ka pa.” Bulong ko sa kaniya.
Hindi naman siya umimik, pero ramdam ko ang maliliit na halik niya sa leeg ko. Nakikiliti pa ako sa ginagawa niya!
“Dali na kasi. Alam kong gising ka na, e!”
“Sinag ko, I’m still sleepy!” namamaos pa ang kaniyang boses.
Pero mayamaya, bigla akong napasinghap nang pisilin niya ang isang dibdib ko. Adik talaga ang lalaking ito! Umagang-umaga, e! Pinalo ko ang kamay niya saka siya itinulak palayo sa ’kin.
“Nako, ewan ko sa ’yo! Bangon na tayo dali na at late ka na naman sa trabaho mo.” Ani ko saka bumangon na sa kama namin. Inayos ko muna ang sarili ko bago lumabas ng kuwarto at nagtungo sa kusina.
Nakakamiss din pala talaga si Lance! Tuwing umaga kasi parati ako nitong kinukulit na tutulong ito sa pagluluto ng almusal namin. Ngayon, ang tahimik ng condo ni Kamahalan! Gustohin ko man na makasama pa namin si Lance, kaso hindi naman puwede ’yon. Lalo pa at wala na kaming karapatan sa kaniya dahil hindi naman siya totoong anak ni Kamahalan.
“What are you thinking, Sinag ko?” bulong na tanong niya at bigla akong niyakap mula sa likod ko.
Bahagya pa akong nagulat dahil sa pagsulpot niya.
Nagpakawala ako nang malalim na buntong-hininga. “Namimiss ko lang si Lance,” sagot ko sa kaniya. Pinihit niya naman ako paharap sa kaniya saka hinawakan ang magkabilang pisngi ko at mabilis na ginawaran ng halik sa mga labi ko.
“I missed him, too. Pero wala na tayong magagawa sa kaniya.” Aniya.
Napalabi na lang ako sa kaniya saka ipinulupot ang mga kamay ko sa leeg niya. “Alam ko naman ’yon. Hindi ko lang mapigilan ang sarili ko. Nasanay na rin kasi ako na lagi ko siyang kasama rito.”
Masuyo niyang hinaplos ang pisngi ko. “It’s okay mommy ko, kaya nga gumagawa na tayo ng baby natin hindi ba? Para maging masaya na rin tayo.” Saad niya. “Kaya dapat magkalaman na ang tiyan mo. I’m so excited.” Ngumiti pa siya nang malapad.
Siniil niyang muli ng halik ang mga labi ko pagkatapos ay yumuko sa tiyan ko. Nagulat na lang ako nang itaas niya ang damit ko at hinimas-himas niya ang tyan ko at hinalikan ako roon.
“Hey, little angel. Did you hear daddy, mmm? I’m excited to see you soon. Sana nandiyan ka na sa loob ng tummy ni mommy mo.” Nakangiti pang kausap niya sa tiyan ko.
Gusto kong matawa sa pinaggagawa niya. Pero sobra naman akong natutuwa sa kaniya. Hindi na talaga siya makapaghintay na mabuntis ako. Na magkaroon ng sarili niyang anak. Nakakatuwa lang isipin na, no’ng kailan lang, palagi kaming nagsisigawan at para kaming aso’t pusa na nagbabangayan! Pero ngayon, hindi ko lubos maisip na mamahalin pala namin ang isa’t isa higit pa sa inaasahan namin! Napakasuwerte ko kay Caspian. Walang araw na hindi niya ako binubusog sa pagmamahal niya sa akin. Kung performance naman ang pag-uusapan, malolola ka talaga dahil sa pagka-sgresibo niya tuwing gagawin namin iyon. Pero masaya ako. Dahil hindi naman namin ginagawa ’yon na basta s*x lang. Ginagawa namin iyon dahil mahal namin ang isa’t isa.
Late na ako ng dalawang linggo. Pero hindi ko pa sinasabi sa kaniya dahil gusto ko munang makasiguro kung tama nga ang hinala ko.
“Come with me, Sinag ko! May pupuntahan tayo bago ako pumasok sa trabaho ko.” Paglalambing na saad niya matapos kaming kumain.
“Saan na naman?” tanong ko sa kaniya habang naghuhugas ako ng mga pinagkainan namin.
“Surprise!”
Kunot ang noo pero nakangiti akong tumingin sa kaniya. “May surprise ka pang nalalaman! Pero sige, sasama ako. Maligo ka na roon at susunod ako.” Pagtataboy ko sa kaniya at hindi ako matapos-tapos sa ginagawa ko dahil nanggugulo lang siya sa ’kin. Para siyang linta kung makadikit sa akin. Ayaw humiwalay sa yakap niya kahit ano’ng gawin ko! Hindi rin nagsasawa kakahalik sa labi at pisngi ko.
Jusko! Amoy pawis ako minsan, pero panay halik pa rin siya! Feeling ko tuloy ang bango-bango ng pawis ko dahil sa ginagawa niya.
“Bilisan mo, mommy ko. Hihintayin kita. Masarap maligo kapag may kasama.” Paglalambing pang saad niyang muli bago lumabas ng kusina.
Pagkatapos ko sa ginagawa ko ay pumasok na rin ako sa kuwarto para sumunod sa kaniya. Sabay na nga kaming naligo. Pero buti behave siya ngayon.
“Saan ba tayo talaga pupunta?” hindi ko mapigilang mangulit sa kaniya habang nasa byahe na kami.
“Were almost there, Sinag ko. Just wait, okay?” nakangiting sagot niya sa akin.
Mayamaya pa ay nakarating nga kami sa isang village. Ang tataas pa ng mga bahay at halatang mayayaman ang may-ari. Parang alam ko na kung ano ang surprise niya sa akin.
“Bumili ka ng bahay?” takang tanong ko sa kaniya nang mayamaya ay nasa tapat na kami ng isang malaking bahay.
“Ayoko kasi na parati kang nahihirapan tuwing sasakay ka ng elevator. Kaya I decided na bumili na lang ng sarili nating bahay kaysa sa condo.” Nakangiting paliwanag niya sa ’kin saka ako hinapit sa baywang ko at niyakap ako.
“Masasanay rin naman ako roon e, dapat hindi ka na lang bumili.” Saad ko sa kaniya. Pero hindi ko pa rin mapigilan ang mapangiti habang pinagmamasdan ang malaki at class na bahay.
“Okay lang sa ’kin na gumastos ng malaking pera basta para sa ’yo. Mahal kasi kita, e! Pakiss nga.” Pilyong saad niya saka muling siniil nang mariin na halik ang mga labi ko.
“Sus! Tyansing ka lang, e!”
Tumawa naman siya. “I love you, Sinag ko.”
“I love you too, Caspian.”
Nang makapasok kami sa bahay, nilibot lang namin iyon para ipatingin niya sa ’kin kung magugustohan ko raw. Aba, oo naman! Sobrang gusto ko! Kahit nakakapanghinayang ang laki ng presyo nito.
Kompleto na rin sa kagamitan. Lahat nandoon na. Wala ng problema. Kahit kailan ko raw gusto ay puwede na kaming lumipat dito.
Pagkatapos ay dumiretso na rin kami sa opisina niya sa Amorez Real State. Tinanong ko nga siya minsan kung bakit ang kumpanya nila ang hinahawakan niyang trabaho samantalang sinabi niya naman sa akin dati na mas gusto niyang magtrabaho sa hospital. Ang sabi niya, sa ngayon ay gusto niya munang pagtuonan ng pansin ang negosyong iniwan sa kaniya ng daddy niya. Kapag wala na raw problema, babalik na siya sa pagiging doctor niya. Kilala ang hospital nila sa buong Pilipinas dahil marami na rin ang branches n’on. Sa ngayon ay si Mommy Lucy ang namamahala lahat ng iyon.
“Nasa baba na ang office mo?” takang tanong ko sa kaniya.
“Yup!” sagot niya. “Ipinalipat ko na rin sa first floor para hindi ka na sasakay ng elevator kapag kasama kita rito,” sagot niya saka umupo sa swivel chair niya.
Hindi ko mapigilan ang tuwa ko. Lahat ginagawa niya para sa ’kin! Oh, mahal nga talaga ako ni Caspian! Lumapit ako sa kaniya saka umupo sa kandungan niya at ipinulupot sa leeg niya ang mga braso ko. Yumakap naman sa baywang ko ang isang braso niya habang masuyong humaplos sa hita ko ang isang palad niya.
“Bakit ang sweet mo ngayon?” nakangiting tanong ko sa kaniya.
“Because I love you, Sinag ko. That’s the only one reason I have why I’m doing this. At kung bakit ako mas sweet sa ’yo ngayon.” Aniya at kinindatan niya pa ako.
Kinikilig na napahagikhik naman ako dahil sa mga sinabi niya. “I love you more, Caspian ko!” saad ko sa kaniya saka siya hinalikan sa labi niya.
Ilang saglit na naghinang ang mga labi namin bago siya ang kusang bumitaw sa halik namin.
“Doon ka na, Sinag ko. Huwag mo akong akitin ngayon baka hindi ako makapagpigil sa ’yo, madami pa naman akong gagawin.” Pagtataboy niya sa ’kin.
Natawa na lang ako at tumayo na mula sa pagkakaupo sa kandungan niya at naglakad palapit sa sofa at doon ay nilibang ang sarili ko.