“HOW’S our baby, Meanne?” excited at nakangiting tanong ni Kamahalan sa doctor na kaibigan niya matapos ako nitong i-check up. Magkatabi kaming nakaupo sa visitor’s chair at hawak niya ang kamay ko.
“Doctor Amorez, I don’t want to disappoint you and your partner... but Sinag is not pregnant,” sabi nito.
Pakiramdam ko ay biglang nanlomo ang buong pakiramdam ko dahil sa sinabi ng doctor. Napalingon din ako kay Kamahalan na biglang nawala ang ngiti at galak sa hitsura niya. Nag-aalala akong napatitig sa kaniya.
“No.” Mariing saad niya at napailing pa. “She’s two weeks delayed and she’s having her morning sickness. She’s pregnant. You should double check the result of her PT.” Seryosong saad niya pa.
Napahawak akong bigla sa kamay niya nang pakiramdam ko ay nagpipigil na siya sa sarili niya. Napalingon naman siya sa akin at biglang lumamlam ang mukha niya.
“You’re pregnant, Sinag ko! You should be pregnant.” Aniya sa dismayado at malungkot na boses at hitsura.
“Caspian, b-baka nga totoo—”
“No.” Agap niya sa mga sasabihin ko pa sana.
Nagtagis pa ang kaniyang bagang saka nagpakawala nang malalim na buntong-hininga.
“I want to be honest with you Doctor Amorez, and with you Sinag,” sabi ng doctor. “You only have a 30 or 70 percent chance of getting pregnant.”
Biglang nagsalubong ang mga kilay ni Kamahalan dahil sa sinabi ng doctor. Kahit ako ay nagulat din dahil sa narinig ko. Ano raw? 30 or 70 percent lang ang chance para mabuntis ako?
“Why are you saying those damn words? Is there any problem with me? Or—or what?” galit na tanong niya. Hindi niya na napigilan ang kaniyang sarili na magtaas ng boses.
“There’s no problem with you Doctor Amorez, but Sinag? Yes. Mababa ang matres ni Sinag kaya maliit ang chance na makabuo kayo. I’m not saying this para mawalan kayo ng pag-asa... but still you can. You know what I mean Doctor Amorez,” sabi pa nito. “Doctor ka rin kaya naiintindihan mo ako.”
Parang gusto kong maiyak sa mga oras na ito. Mababa ang matres ko? Maliit ang tyansa na magkaroon kami ng anak ni Caspian? Paano ang mahal ko? Paano ko siya mapapasaya nang tuluyan kung hindi ko siya mabibigyan ng supling na hinihiling niya sa akin?
Kita ko ang sakit at pagkadismaya sa hitsura ni Kamahalan nang balingan niya ako ulit ng tingin. Ginagap ko pa ang kamay at braso niya para pakalmahin siya. Kahit ako ay dismayado rin at masakit para sa akin ang mga nalaman ko ngayon.
“But she’s having this damn morning sickness.” Nahihirapang saad niyang muli at napahawak pa sa sentido niya.
“You know what’s the meaning of Psychological thinking, Doctor Amorez. Lalo pa at pareho kayong excited na magkaroon ng baby. Hindi mo ba naisip ’yon?” seryosong tanong ulit ng doctor.
“I don’t give a damn about that Psychological Thinking. All I care and all I’m thinking is that she was pregnant,” sagot niya na bumaling muli sa ’kin at hinaplos ang tiyan ko.
Parang nakikita kong gustong maluha ni Caspian dahil sa pagkadismaya pero pinipigilan niya lang ang kaniyang sarili.
Madami pa silang pinag-usapan ng doctor na hindi ko naman maintindihan masiyado. Basta nakikinig lang ako sa tabi ng mahal ko habang hawak niya ang kamay ko.
Mayamaya ay nagpaalam na rin kami sa doctor. Tahimik lang siya habang naglalakad kami sa hallway palabas ng hospital. Hanggang sa makarating kami sa kotse niya.
“Caspian!” tawag ko sa pangalan niya ng seryoso lang siyang nagmamaneho at panay ang pagpapakawala nang malalim na buntong-hininga.
Ayoko ng ganito! Hindi ako sanay na tahimik at seryoso siya. Gusto kong magsalita siya at ilabas niya ang totoong nararamdaman niya ngayon kasi natatakot ako na baka bigla siyang magbago sa ’kin dahil hindi ko siya nabigyan ng anak. Na malabong mabigyan ko siya ng anak na hinihingi niya sa akin.
Lumingon lang siya sa ’kin saka kinuha ang kamay ko at hinalikan ang likod niyon at ngumiti sa ’kin ng tipid.
Hinayaan ko na muna siya. Siguro ay kailangan niya lang ng kaunting oras para matanggap ang lahat ng mga nangyari.
Hanggang sa makarating kami sa condo. Hindi pa rin siya umiimik sa ’kin. Bakit? Kasalanan ko ba? Bakit parang ramdam ko na kasalana ko ang lahat?
“Take a rest, okay?” aniya nang makapasok kami sa kuwarto. Nagbihis siya. Pagkatapos ay agad ding lumabas sa kuwarto at narinig ko na lang ang pagbukas-sarado ng pinto.
Hindi ko namamalayan na napaiyak na pala ako dahil sa pang-iiwan niya sa ’kin. Ngayon lang siya umalis ng condo na hindi man lang ako hinalikan o nagpaalam sa akin. Ang sakit lang sa puso ko na baka ito na ang simula ng pagbabago niya sa ’kin. Huwag naman sana, kasi hindi ko kakayanin!
Napaupo na lang ako sa gilid ng kama at doon ay tahimik na umiyak.
“Caspian, sorry! Hindi ko rin naman gusto ’to. Kung gaano mo kagusto na magkaanak tayo ay ganoon din ako. Pero ano ang magagawa ko kung baka hindi ito para sa ’tin? Sana huwag kang magbabago sa ’kin dahil kahit anong mangyari... mahal pa rin kita.”
Ang daming pumapasok na negatibong bagay sa isipan ko! Pero naniniwala naman ako na ’di magagawa sa ’kin ni Caspian iyon dahil mahal niya ako.
Hanggang sa hindi ko namalayan at nakaidlip na pala ako sa kama. Nagising ako nang bandang alas kuwatro na ng hapon pero wala pa rin si Kamahalan. Sinubukan kong tawagan ang cellphone niya pero ayaw niyang sagutin. Ring lang nang ring! Ayaw rin mag-reply sa mga text ko sa kaniya. Kinakabahan tuloy ako sa ginagawa niya. Ngayon lang din ’di niya sinagot ang tawag at text ko sa kaniya. Samantalang kapag tatawag ako sa kaniya ay isang ring lang sumasagot agad siya.
“Saan ka ba?” nag-aalalang tanong ko sa sarili habang nasa sala at naghihintay sa pagdating niya.
Hanggang sa inabot na ako ng alas syete ng gabi wala pa rin siya! Hindi ko na makontak ang cellphone niya. Masyado na rin akong nag-aalala sa kaniya.
Ano, iiwan mo na ba ako dahil lang sa ’di kita mabibigyan ng anak? Huwag ka naman ganito Caspian. Please lang!
Habang naghihintay sa pagdating niya ay nagluto na rin ako ng haponan namin. Naghain na ako sa lamesa ng bandang 8:30 na baka pauwi na siya. Pero lumipas na lang ang isang oras. Dalawang oras. Tatlong oras. Nalipasan na ako ng gutom kakahintay sa kaniya pero wala man lang paramdaman at walang anino ng Caspian ang sumulpot sa condo niya.
Naiyak na naman ako habang nakahiga sa sofa. Hindi ko namalayan na binalot na naman ako ng antok kahit wala pang kain.
Agad akong napabalikwas ng bangon nang tumunog ang cellphone ko. Nasa sala pa rin ako. Pagkatingin ko ng oras, alas syete na pala ng umaga! Bumangon ako sa sofa at pumasok sa kuwarto, pero wala man lang bakas ni Caspian ang nadatnan ko roon. Ang mga pagkain na inihain ko kagabi ay nasa lamesa pa rin at lumamig na lang. Napatingin ako ulit sa cellphone ko. Wala man lang tawag o text galing sa kaniya.
“Nag-aalala na ako sa ’yo! Hindi ka umuwi kagabi.” Nag-message ako ulit sa kaniya.
Mayamaya, dali-dali ko pang binuksan ulit ang cellphone ko sa pag-aakalang siya ang nag-text sa akin. Si Maria lang pala! Napabuga na lang ako ng hangin saka iniligpit ang mga plato at pagkain. Wala akong gana na kumain.
Makaraan lang ang ilang sandali ay narinig kong bumukas ang pinto kaya nagmadali akong lumabas ng kusina. Nakita ko naman siyang papasok ng sala.
“Kamahalan!” tawag ko sa kaniya. Ngumiti naman siya saka naglakad palapit sa puwesto ko. “Saan ka galing? Ba’t hindi mo sinasagot ang mga tawag at text ko kagabi? Nag-aalala tuloy ako sa ’yo.” Magkahalong tampo at pag-aalalang saad ko sa kaniya.
Amoy ko ang amoy alak at yusi niyang katawan. Ibig sabihin... nag-inom siya buong magdamag habang ako nandito at nag-aalala sa kaniya na baka napano na siya o kung nasaan na siya?
“I’m sorry! I’m tired and I want to... to sleep.” Nahihirapang saad niya dahil sa kalasingan niya. Hinalikan niya ako sa noo ko saka naglakad papasok sa kuwarto.
Naiwan naman akong natitigagal dahil sa inasta niya sa akin. Ramdam ko na naman ang sakit sa puso ko dahil sa pambabale-wala niya sa akin ngayon! Pinunasan ko na lang agad ang luha na biglang kumawala sa mga mata ko at bumagsak sa pisngi ko. Pagkatapos ay kumuha ako ng maligamgam na tubig at bimpo saka sumunod sa kaniya sa kuwarto para punasan siya at maginhawaan ang pakiramdam niya. Nakadapa siyang nakahiga sa kama. Tinanggal ko ang sapatos niya saka inayos ang higa niya. Tinanggal ko rin ang damit at pantalon niya para mapalitan ng malinis na damit. Hindi ko pa rin mapigilan ang luha ko habang nililinisan siya. Sige lang mahal ko! Iintindihin muna kita ngayon kasi alam kong nasasaktan ka lang dahil sa mga nangyari kahapon. Pero sana naman... huwag pati ako ay bale-walain mo kasi mas nasasaktan ako ng sobra dahil pakiramdam ko ay ako ang may kasalanan ng lahat ng ito!
“I love you, Sinag ko.” Bulong niya habang nakapikit ang mga mata at may luha pa na mababakas doon.
NASA KUSINA ako at nagluluto para sa tanghalian namin. Mayamaya ay nakita ko naman siyang pumasok. Ngumiti pa ako sa kaniya nang malapad. Pero kaagad naman siyang nag-iwas ng tingin sa akin at nagdiretso siya sa refrigerator na parang wala ako rito sa kusina at hindi niya ako nakita.
Nawala bigla ang ngiti sa labi ko saka ipinagpatuloy na lang ang pagluluto ko.
Galit pa rin ba siya?
Agad din naman siyang lumabas ng kusina.
Napabuntong-hininga na lamang ako nang malalim at mapait na ngumiti. Pagkatapos kong magluto at naghain sa mesa, lumabas ako sa kusina para tawagin na siya.
“Kain na!” saad ko nang makasalubong ko siya sa sala.
Para kaming hindi magkakilala at hindi manlang kami nag-uusap. Pakiramdam ko ay bumalik kami sa dati. Noong bago lang kami magkakilala.
Tahimik kaming nagsalo ng tanghalian. Paminsan-minsan din akong tumitingin sa kaniya pero seryoso lang siya at nakatungo lang habang kumakain. Nakakapanibago lang at ’di na talaga ako sanay sa ganitong set up. Wala na ’yong lambing niya sa ’kin tuwing kakain kami o magluluto ako o maghuhugas ng pinagkainan namin. Maglalambing siya na subuan ko siya at pauupuin niya ako sa kandungan niya. Ayokong umiyak sa harapan niya pero hindi ko mapigilan ang mga luha ko. Kinagat ko na lang ang pang-ilalim na labi ko para pigilan ang mapahikbi. Agad akong tumayo sa puwesto ko at nagmamadaling pumasok sa kuwarto.
“Huwag ka naman ganiyan sa ’kin, Caspian! Huwag mo naman iparamdam sa ’kin na kasalanan ko ang lahat. Huwag mo ako balewalain kasi nasasaktan ako ng sobra.” Hindi ko mapigilan ang mapahagulhol habang nakahiga ng tagilid sa kama.
Mayamaya ay naramdaman ko na lang ang pagpasok niya sa kuwarto. Ramdam ko ang paglubog ng kama no’ng umupo siya sa gilid ko. Dinig ko pa ang sunod-sunod na pagpakawala niya nang malalim na buntong-hininga.
“I—”
Nanahimik siya na tila ba ay nahihirapan siyang banggitin ang mga katagang gusto niyang sabihin sa akin. Mayamaya ay tumayo siya at lumabas ng kuwarto. Mas lalo lang ako naiyak nang marinig kong umalis na naman siya at iniwan akong mag-isa. Bakit ganito ka, Caspian? Ito ba ang solusyon sa problema natin? Ang iwan mo akong mag-isa rito at iparamdam mo sa akin na kasalanan ko talaga ito? Akala ko ba mahal mo ako, pero bakit pakiramdam ko ay kay bilis mo naman magbago dahil lang sa isang problema? Akala ko ba mahal mo ako na balewala ang lahat basta ang importante ay kasama mo ako? Bakit iba ang nararamdaman ko ngayon dahil sa ginagawa mo?
Kagaya kagabi ay hindi na naman siya umuwi sa condo at magdamag na naman akong naghintay sa kaniya. Walang tawag o text ulit. Parang gusto ko tuloy agad na sumuko dahil pakiramdam ko isang beses na lang na balewalain niya ako at iwasan ako ay hindi ko na kakayanin pa!
Nakaupo ako sa sofa at wala rin akong tulog magdamag kakahintay sa kaniya. Mayamaya ay bumukas ang pinto at iniluwa siya roon.
Amoy ko na naman ang alak kagaya kahapon. Tumayo ako sa sofa at nilapitan ko siya.
“Ganito na lang ba tayo, Caspian?” tanong ko agad sa kaniya habang nagpipigil sa iyak ko. “Iiwan mo ako magdamag dito. Magpapakalasing ka. Uuwi ka kung kailan mo gusto. Ganito na lang ba tayo, huh?” hindi ko namalayan na pumatak na pala ang mga luha sa mata ko. Tiningnan niya naman ako sa mata ko. Umiling ako nang sunod-sunod. “Hindi ko kasalanan Caspian kung bakit maliit ang tyansa na mabigyan kita ng anak. Pero ’wag mo naman iparamdam sa ’kin na ako ang may kasalanan! Kung nasasaktan ka, mas nasasaktan ako dahil sa ginagawa mong pambabalewala sa akin. Akala ko ba mahal mo ako? Ayaw mo akong makitang nasasaktan. Pero ikaw mismo ang nananakit sa akin ngayon.” Pigil ang paghagulhol ko habang inilalabas ko ang sakit na nararamdaan ng puso ko.
“I’m tired. I want to rest. Saka na tayo mag-usap kapag okay na—”
“Hindi,” madiing sabi ko sa kaniya. “Ngayon tayo mag-uusap dahil alam kong aalis ka ulit at iiwan mo ulit ako rito magdamag at uuwi ka na namang lasing. Ayoko ng ganito, Caspian.”
Tiningnan niya ako sa mga mata ko. Kita ko ang sari-saring emosyon sa mga mata niya. Hindi ko mawari. Naaawa. Guilty. Galit at pagkadismaya.
“Ano? Tatapusin na lang ba natin dito, huh?” tanong ko sa kaniya kasabay pa rin ng pagbuhos ng mga luha sa mata ko.
“Will you please shut up?”
Gulat at natigilan ako nang bigla niya akong sigawan.
Hindi ako makapaniwala na magagawa niya ito sa akin! Ang Caspian na kilala ko ay alam kong mahal ako. Malambing at hindi kayang sigawan ako.
Nangatal lalo ang mga labi ko dahil sa takot at sakit na naramdaman ko sa puso ko. Napahawak pa ako sa bibig ko para mabawasan ang paghagulhol ko.
Bigla naman nag-iba ang hitsura niya at malamlam akong tiningnan sa mata. Lumapit pa siya sa akin, aktong hahawakan ako pero pumiksi ako sa kaniya at umatras. Napailing na lamang akong muli.
Hindi siya ang Caspian na mahal ko!
“I... I’m sorry, babe. Sorry!” hinging paumanhin niya sa akin at muling sinubukan na hawakan ako pero umatras ako ulit palayo sa kaniya.
“Kasalanan ko nga talaga.” Humihikbing saad ko. “S-sorry, huh!” saad ko.
“I’m sorry, babe. Please!”
Hindi ko na siya pinansin at mabilis akong tumalikod sa kaniya. Lumabas ako ng condo niya habang dinig ko ang boses niya na tinatawag ako.
“Sinag, no! Please, I’m sorry.”
Hindi na ako lumingon pa at nagtuloy-tuloy na sa pagtakbo ko.
“Ahhh!” dinig ko pa ang pagsigaw niya kasabay ang paghampas niya sa kung saan ng babasaging gamit.
Hanggang sa makarating ako sa bahay. Wala si Kuya at nasa trabaho pa kaya mag-isa lang ako rito. Nagdiretso agad ako sa kuwarto ko at doon ay patuloy na umiyak para ilabas ang sakit na nararamdaman sa puso ko.
Panay tunog naman ng cellphone ko na nasa bulsa ng short ko. Si Caspian, tumatawag at madami na ring text sa akin. Pinatay ko na lang iyon saka itinago sa drawer ko.
Sa ganito lang ba matatapos ang lahat sa amin? Bakit ang dali niya naman sumuko? Sabi ng doctor may chance pa naman kahit papaano. Pero bakit bigla siyang nagbago sa akin? Oo alam kong nasaktan at nabigo siya, pero hindi niya ba naisip na hindi lang siya ang nasasaktan sa mga nangyari kun’di pati ako rin?
Kung talagang totoo niya akong mahal ay matatanggap niya kahit hindi ko man siya mabigyan ng anak na hinihiling niya!
“Bess, may naghahanap sa ’yo sa ibaba.” Dinig ko ang boses ni Maria.
Pero hindi ko ito pinansin.
“Nag-away ba kayo ng boyfriend mo?” tanong nito sa akin nang umupo ito sa tabi ko. “Kailangan ka raw niya makausap, bess.”
“Paalisin mo na siya.” Tipid kong saad habang sumisinghot pa.
“Sinag, hindi ko alam kung ano ang pinag-awayan ninyo. Pero hindi ba, mas maganda siguro kung pag-uusapan n’yo muna ang problema ninyo bago mo tikisin ’yong tao?” anang Maria sa akin.
“Maria. Gusto kong magpahinga. Wala pa akong tulog kagabi. Kaya paalisin mo na siya, please lang.” Pagsusumamong saad ko nang lingonin ko ito.
Ilang saglit ako nitong tinitigan bago tumango at tumayo sa tabi ko.
“Sige. Matulog ka na muna riyan,” sagot nito saka lumabas ng kuwarto ko.
Mayamaya ay nagulat na lang ako nang marinig ko ang boses ni Caspian.
“Sinag, please I’m sorry! Let’s go home. Come with me. Hindi ko sinasadyang masigawan ka kanina, Sinag ko. Please. I missed you so bad. And I’m so sorry if I was being a jerk. It’s not your fault I mean it.” Dinig ko ang boses niya mula sa labas ng kuwarto ko. Suminghot pa siya. “P-please! Let me see you, Sinag ko.”
Ramdam ko ang sakit at bigat ng kalooban niya habang nagmamakaawa sa likod ng pinto.
Napapikit na lang ako nang mariin para pigilan ang mga luha na walang humpay sa pag-agos mula sa mga mata ko.
“I love you, Sinag ko. Please! Please, let me in. Gusto kitang makita.” Pagmamakaawa pa rin niya sa akin.
Mahal din kita Caspian, pero kung ang hindi ko kayang mabigyan ka ng anak ang magiging dahilan para patuloy tayong maging ganito, mas mabuti siguro kung dito na lang tayo. Ayoko na dumating pa ang panahon na mas masaktan pa ako lalo sa piling mo.
Ang buong akala ko ay magiging masaya na ako kasama ka, pero mali pala ako! Wala palang patutunguhan ang lahat ng mga pangarap natin. Mahal kita. Mahal na mahal, Caspian! Sorry kung ang hina ko rin pagdating sa ’yo at sa pagsubok sa atin. Ngayon ko lang kasi naramdam ang ganitong sakit kaya hindi ko alam kong ano ba dapat ang gagawin ko.
“Is this what you want? Break up with me?”
Sobrang sakit ng puso ko na pakiramdam ko paulit-ulit itong sinasaksak ng punyal dahil sa sinabi niya. Ayoko! Gusto kong lumabas at kausapin siya pero wala akong lakas na bumangon sa higaan ko.
“Okay.” Sumisinghot pa siya. “But always remember that I love you so much. I’m sorry kung nasaktan man kita.”
Mayamaya ay nadinig ko ang pag-alis niya sa harap ng kuwarto ko. Napahagulhol na lang ulit ako.