CHAPTER 16

1566 Words
“TOL!” Napalingon ako nang madinig ko ang boses ni kuya. Nakauwi na pala ito galing sa trabaho. Isinabit nito sa likod ng pinto ang bag na bitbit nito saka naglakad patungo sa puwesto ko. Nakaupo ako sa isang silya sa tapat ng lamesa. “Kumusta ang trabaho, kuya?” namamaos ang boses na tanong ko. Umupo ito sa tapat ko. Tiningnan pa ako nito ng seryoso at parang binabasa kung ano ang tumatakbo sa isipan ko ngayon. Mayamaya ay nagpakawala ito nang malalim na buntong-hininga. “Ayos naman! Ikaw ang kumusta? Nagkausap kami ni Maria sa labasan. Nasabi niya na sa akin ang problema mo.” Ani nito sa akin. Tss! Kapag si Maria talaga! Mas mabilis pa alas kuwatro kung makapagbigay ng balita. Napatungo na lang ako saka nilaro ang hawakan ng tasa na may lamang kape. “Tol, hindi ko alam kung ano ba talaga ang namamagitan sa inyo ng boss mo kasi ni minsan naman ay hindi ka na nagsasabi sa ’kin tungkol sa mga nangyayari sa buhay mo. Pero nakikita ko sa mga mata mo na nasasaktan ka dahil sa kaniya.” Saad sa akin ni kuya. “Lagi ko ring sinasabi sa ’yo na lahat ng problema may solusyon. Hindi ibibigay sa atin ng Diyos ang isang pagsubok kung alam niyang ’di natin ito kayang harapin. Maaayos n’yo rin ’yang problema ninyo kung pag-uusapan n’yo muna ng mabuti.” Napabuntong-hininga na lang ako dahil sa mga sinabi ni kuya. Oo nga, tama si kuya na pagsubok lang ito at hindi ako dapat na sumuko agad. Alam kong pareho lang kaming nasaktan ni Caspian. Mahal ko siya kaya dapat ay itindihin ko na ma muna siya. Nasaktan lang din siya dahil sa pag-asang magkakaanak na kami. Hindi ko rin siya masisisi kung ganoon na lang ang naging epekto niyon sa kaniya, dahil una pa lang naman ay sobra na siyang excited na maging ama sa magiging anak ko. “Nasaktan lang din ako, kuya.” “Alam ko. At hindi matatapos o mauubos ’yang sakit na nararamdaman mo diyan sa puso mo kung pati ikaw ay titikisin ang lalaking mahal mo at mas pipiliin pang sumuko na lang agad.” Paliwanag nito sa ’kin. Mayamaya ay tumayo ito sa kinauupuan nito saka lumapit sa akin. Niyakap ako nito saka naramdaman ko ang paghalik nito sa buhok ko. “Mahal kita at ayoko na nakikita kang nasasaktan at nahihirapan.” Anang kuya. “Salamat, kuya.” “Basta para sa ’yo. Kaya kailangan ay kausapin mo na siya. Bahala ka kapag naghanap ’yon ng iba. Ikaw rin ang magsisisi sa huli.” Sinamaan ko bigla ito ng tingin. Nakuha pa talaga nitong sabihin ’yon sa akin kahit alam naman nitong nasasaktan na ako. Tumawa naman ito. “Joke lang! Gusto ko lang na bigyan ka ng lakas ng loob. Pero ano’ng malay nga natin kung maghanap nga talaga siya ng iba—” “Kuya naman, e!” kunwari ay nagtatampong saad ko. Tumawa lang ulit ito sa ’kin saka ginulo ang buhok ko. Tama. Kailangan ko siyang kausapin at maging okay kaming dalawa. Baka nga totohanin niya ang sinabi niya kanina na break na kami at maghanap siya agad ng iba. Hindi ako papayag na mapunta lang siya sa iba at iwan ako ng tuluyan! “Sige na at maligo ka na roon at umalis ka na rito sa bahay. Bawal kang magtagal dito dahil kukulangin na naman ako sa budget ko. Hindi na kita kayang pakainin dito.” Natatawang dagdag na saad ni kuya na ikinangiti ko na lang din. Inubos ko muna ang kapeng iniinom ko kanina saka ako bumalik sa kuwarto ko. Naligo, nag-ayos ng sarili ko saka umalis ng bahay. Dumaan pa ako kay Maria para muling ihabilin si kuya. “Ikaw na ang bahalang tumingin-tingin sa kaniya, huh!” ani ko. “Sus! Hindi na kailangan. Parati niya naman kasama ang girlfriend niya, e!” Nangunot ang noo ko dahil sa sinabi ni Maria. Hindi ko alam na may girlfriend na rin pala ang kuya ko. Pumapag-ibig na rin pala! “Ikaw, ayusin mo na rin ang problema mo. Sayang at guwapo pa naman ang Kamahalan mo.” Saad pa nito. “Tss! Oo na. Sige na at aalis na ako. Babalik na lang ako rito para dumalaw ulit.” “Ingat.” Kumaway pa ako rito saka naglakad na palabas ng bahay nila. Kinakabahan pa ako at hindi ko mawari kung bakit? Siguro dahil miss ko na rin si Kamahalan dahil ilang gabi na rin kaming hindi magkasamang matulog at ilang araw ng hindi ko siya nakasabay sa pagkain. Hindi ko siya nakikita! Nasa kalsada pa lang ako ay parang kinikilabutan ako at parang pakiramdam ko ay may mga matang nakamasid sa ’kin sa ’di kalayuan. Pasimple pa akong lumingon sa likod ko para tingnan kung may tao ba. Wala naman akong makita na nakasunod sa ’kin. Medyo magdidilim na rin kasi kaya mangilan-ngilan na lang ang mga taong dumadaan sa kalsada papuntang sakayan ng jeep. Nagmadali na lang akong naglakad hanggang sa makarating ako sa terminal. Agad din akong sumakay ng jeep. Tatawagan ko sana si Kamahalan nang maalala kong naiwan ko pala ang cellphone ko sa drawer. Bahala na at hihintayin ko na lang siya sa condo niya kung wala siya roon mamaya pagkadating ko. “Para po sa tabi, kuya.” Agad din akong bumaba sa jeep nang nasa tapat na iyon ng building kung nasan ang condo ni Kamahalan. “Goodevening po, Ma’am Sinag.” Bati sa ’kin ng guard. Kilala kasi si Kamahalan dito kaya pati ako ay kilala na rin. Mag-isa lang akong naghihintay sa elevator nang may lalaking tumayo sa likuran ko. Nakasuot ng jacket na kulay itim. Nakasuot din ng sombrero. Ngumiti pa ito sa ’kin nang tumingin ako sa gawi nito. Parang gusto ko tuloy umatras at nagdadalawang-isip ako na sumakay ng elevator kasabay ang lalaking ito! Parang may kung anong kaba akong nararamdaman sa puso ko! Mayamaya ay tumunog ang elevator at bumukas iyon. Wala na rin akong nagawa kun’di ang sumakay roon. Sumunod naman ito sa ’kin at pumuwesto sa likuran ko ulit. “Ah, miss papindot nga ng 5th floor. Salamat,” dinig kong sabi nito sa ’kin. Tumalima naman ako! Mayamaya ay naamoy ko itong nagpabango. Ilang saglit lang ay nakadama ako ng pagkahilo at unti-unting bumigat ang mga talukap ng mata ko. Hanggang sa nagdilim na ang paningin ko at naramdaman ko naman ang pagsalo ng mga braso sa baywang ko. *** “Hawak ko na po siya.” Anang lalaki nang dukotin nito ang cellphone sa bulsa ng pantalon nito at may tinawagan. Pinangko nito si Sinag na wala ng malay saka lumabas ng elevator at nagpalinga-linga pa para makasiguro na walang tao sa paligid. Dinala nito ang dalaga sa isang silid at marahang inilapag sa kama. “Thank you. You can leave now.” Saad ng isang lalaki. “Salamat po sa bayad, sir.” Tinanguan lang nito ang lalaki saka nilisan ang lugar. Umupo naman ito sa gilid ng kama habang matamang tinititigan ang maamong mukha ni Sinag na payapang natutulog. Umangat ang kamay nito saka hinaplos ang pisngi ng dalaga. “Shine Marie Manalo.” Anas nito sa pangalan ni Sinag. Nagpakawala naman ito nang sunod-sunod na buntong-hininga saka tumayo sa kinauupuan nito at lumabas sa kuwartong iyon. NAGISING ako na madilim ang paligid. Medyo nahihilo pa ako. Pero mayamaya ay bigla rin akong nagimbal nang maalala ko ang nangyari sa loob ng elevator. Napabalikwas ako ng bangon! “’Yong lalaki.” Takot na usal ko. Pinilit kong inaninag ang buong paligid. Nasa ibang kuwarto ako base sa nakikita ko dahil sa mumunting liwanag na nagmumula sa labas ng bintana. Nagmamadali naman akong bumangon sa kama at lumapit sa pinto para lumabas doon, pero ganoon na lang ang pagkabahala ko namg malaman kong nakalock iyon. “Tulong! May tao ba riyan? Pakawalan n’yo ako rito!” nagsisimula na namang sumibol ang matinding takot at panginginig ng katawan ko. Sino ang nagpapadukot sa ’kin? Gayo’ng wala naman akong kaaway. Sino ang nagdala sa ’kin dito? Ano’ng kailangan niya sa ’kin? Sunod-sunod na tanong sa isip ko habang pinipilit kong mabuksan ang pinto pero bigo pa rin ako. “Tulong!” sigaw kong muli. “Caspian! Tulungan mo ako!” hindi ko na napigilan ang mga luha ko dahil sa labis na takot na nararamdaman ko ngayon. “Palabasin n’yo ako rito!” Mayamaya ay bigla akong natigilan nang madinig ko na may nag-iingay sa labas ng kuwarto. Idinikit ko pa ang tainga ko sa pinto para madinig ko ang ingay na iyon. “May tao ba riyan?” tanong ko. “P-pakawalan ninyo ako rito, please!” pero wala akong natanggap na tugon mula sa labas. Ilang minuto na akong nagkakalampag sa pinto at sumisigaw ng tulong pero wala talaga. Nanghihina na lamang ang mga tuhod ko at napaupo ako sa gilid ng pinto. “Caspian. Nasaan ka ba? Tulungan mo ako please!” umiiyak na bulong ko na para bang madidinig niya ako. Hanggang sa hilahin na naman ako ng antok at nakatulog na ako habang nakaupo sa sahig. Hindi pa man ako tuluyang nahuhulog sa malalim na pagkakatulog, naramdaman ko na may bumuhat sa ’kin at inilipat ako sa kama. Gusto kong magmulat ng mata, pero hindi ko na nagawa. Napagod na ako kakaiyak kanina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD