CHAPTER 17

1638 Words
“SINO KAYO? Bakit ako nandito?” kinabahang tanong ko sa dalawang lalaki na pumasok sa kuwarto. May dala pa itong tray ng pagkain at inilapag sa lamesa na nasa gilid ng kama. “Kain na po kayo, ma’am.” Anang isang lalaki. Mga nakaitim sila na suit tapos may suot pa na shades. Tumayo ang mga ito sa gilid ng pinto habang nakaharap sa akin. “Hindi ako kakain. Palabasin n’yo na ako rito.” Malumanay na saad ko sa kanila saka bumaba sa kama. Umaga na rin pala nang matanaw ko ang labas ng bintana. “Sorry po ma’am, pero kami ang pagagalitan ni boss kapag pinalabas ka namin dito. Kain na po kayo at ’di naman namin kayo sasaktan.” Paliwanag naman ng isa. “Pero kailangan ko ng umalis dito. Hinahanap na ako ng kuya ko, ng boyfriend ko. Please! Nagmamakaawa ako sa inyo.” Pinagdikit ko pa ang mga palad ko para magsumamo sa kanila. Nagkatinginan pa silang dalawa bago ako tiningnan ulit. “Pasensya na po talaga, ma’am. Kain na po kayo.” Napabuntong-hininga na lang ako na parang nawawalan ng pag-asa na makaalis dito. “Sino ba ang nag-utos sa inyo na dukutin ako?” seryosong tanong ko sa mga ito. “Pasensiya po ulit ma’am, pero hindi po namin ’yan masasagot.” Wala nga akong mapapala sa mga ito! Bumalik ulit ako sa kama at umupo sa gilid n’on. Kagabi pa ako ’di kumakain kaya naman kumalam bigla ang tiyan ko nang mapasulyap ako sa pagkaing dala nila. Mukha namang masarap kaya kinain ko na lang din. Wala namam sigurong lason ito ano? Pagkatapos kong kumain ay agad ding umalis ang dalawang lalaki. Paikot-ikot lang ako sa loob ng kuwarto at nag-iisip ng paraan kung paano ako makakalabas dito! Muli kong nilapitan ang pinto baka sakaling hindi naka-lock, pero kagaya kagabi ay dismayado ulit ako! Napaupo na lang ako sa ibaba ng kama. “Caspian I—” Biglang napaangat ang mukha ko nang bumukas ang pinto. “Tara na po, ma’am.” Pumasok ulit ang dalawang lalaki kanina saka ako inalalayang makatayo sa sahig. “Teka! Saan n’yo na naman ako dadalhin?” kinakabahang tanong ko sa kanila. Nagulat na lang ako nang bigla nilang lagyan ng piring ang mga mata ko. “Saan n’yo ako dadalhin?” nagpumiglas pa ako sa mga ito. “Kay boss po ma’am, kailangan ka raw po niyang makita ngayon.” Sagot ng isang lalaki na nasa kaliwa ko. Katapusan ko na ba ito? Bakit pakiramdam ko huling araw ko na ngayon dahil sa kakaibang kaba sa puso ko? Abot-abot ang t***k ng puso ko. Parang pakiramdam ko lalabas na iyon sa rib cage ko. Pero wala na rin akong nagawa nang alalayan ako ng mga ito na maglakad. Wala naman akong maaninag kun’di puro dilim. Nakikiramdam lang ako sa paligid ko. Mahabahaba pa ang nilakad namin. Mayamaya ay nadinig ko ang isang lalaki. “Dito na lang tayo, ma’am.” Anito saka tinanggal ang panyo sa mata ko. Napakurap-kurap pa ako para mabawi ang liwanag ng paningin ko. Nagulat na lang ako nang mapagtanto kong nasa malawak na pasilyo ng condominium pala ako. Madaming mga tao ang nasa paligid ko. At mayamaya ay biglang may tumugtog na kanta sa kung saan at agad na sumayaw ang mga lalaki na hindi ko alam kung saan nanggaling at basta na lang lumitaw sa harapan ko. Kunot noo naman akong nakatingin sa kanila. Bakit may ganito? Ano’ng mayroon? Pinalibutan pa ako ng mga nagsasayaw. Natutuod ako sa kinatatayuan ko! Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko ngayon. Aalis ba ako sa lugar na ito o mananatili ako hanggang sa matapos sila? Mayamaya ay bigla namang nag-alisan sa harapan ko ang mga sumasayaw at pumailanlang ang isang malamyos na tugtog. I don’t wanna feel, the way that I do. I just wanna be right here with you. I dont wanna see, see us apart. I just wanna say straight from my heart. I miss you! Hindi ko alam kung maluluha ba ako o ano nang bigla kong makita si Kamahalan na kumakanta habang papalapit sa ’kin. Malungkot ang hitsura niya habang nakatitig sa ’kin nang mataman. Ramdam at nakikita ko pa rin sa hitsura niya ang sakit at lungkot na naramdaman namin nitong mga nagdaang araw. Biglang nagsalubong ang mga kilay ko. Teka, bakit pala siya nandito? Ibig sabihin ay siya ang nagpadukot sa ’kin kagabi? Siya ang dahilan kung bakit ako nakulong sa kuwartong iyon? Nagtataka ako! Ang sama niya talaga! Tinakot niya ako nang sobra! Ang buong akala ko ay nasapanganib na ang buhay ko! “I missed you, Sinag ko,” malungkot na wika niya sa akin nang tumigil siya sa paglalakad isang dipa ang layo mula sa ’kin. Agad akong nag-iwas ng tingin sa kaniya nang hindi ko na mapigilan ang mga luha sa mata ko. “Nasaktan lang ako dahil hindi ko matanggap na hindi ka buntis at ’di pa rin ako magiging daddy. I’m sorry kung nasaktan kita dahil sa pambabale-wala ko sa ’yo nitong mga nakaraang araw. Iniwan kita at mas pinili ko pa ang magpakalasing sa ibang lugar para makalimot sa sakit dito sa puso ko. Pero hindi ko naman naisip na...” saglit siyang tumigil sa pagsasalita at suminghot. Dahil doon ay muli akong napatingin sa kaniya. Oo nga! Umiiyak na siya! “Hindi ko naisip agad na hindi lang pala ako ang nasasaktan. Na hindi lang pala ako ang sobrang nasasaktan. Hindi ko naisip ’yong mararamdaman mo. Imbes na damayan kita, subukan natin ulit ’yong maliit na tyansang magkaka-baby rin tayo, pero sinaktan kita. I’m sorry, Sinag ko. I’m sorry if I was being a jerk. Nawala sa isip ko na mas mahalaga ka sa ’kin kaysa sa ano pa man! Okay lang sa ’kin kung wala tayong anak basta ang mahalaga sa ’kin ay ikaw! Hindi ko kaya na mawala ka sa ’kin, Sinag ko. I’m so sorry. Please forgive me! Sorry kung nasigawan man kita, nadala lang ako! Nasaktan lang ako no’ng sabihin mong tatapusin na lang natin ang lahat. I can’t bear to lose you, Sinag ko. I’m sorry! Please, sana mapatawad mo ako at bawiin mo ang sinabi mong tatapusin na lang natin ang relasyon natin.” Hindi ko namalayan na pati pala ang mga luha ko ay panay buhos na sa mga mata ko dahil sa mga sinabi niya. Gusto ko siyang lapitan at yakapin. Sobra ko na siyang miss! Pero may pumipigil pa sa mga paa ko na gawin iyon. Tinitigan ko siya nang mataman habang pareho kaming umiiyak. Ito ’yong unang beses na nakita kong umiiyak si Caspian. Mas lalo niya lang pinatunayan sa ’kin na mahal niya talaga ako dahil sa pagluha niya sa harapan ko. Naglakad ulit siya palapit sa akin. Nagulat na lang ako nang bigla siyang lumuhod sa harap ko at niyakap ako sa baywang ko habang nakasubsob sa tiyan ko ang mukha niya. “Please, Sinag ko, say something. I’m sorry! I’m sorry! I’m really sorry!” paulit-ulit na paghingi niya sa akin ng tawad. Kumilos ng kusa ang mga kamay ko saka hinawakan ang balikat niya. Pinatayo ko siya at ikinulong ko sa mga palad ko ang mukha niya at pinunasan ang mga luha sa pisngi niya. Hinalikan ko ang mga labi niya hudyat na tinatanggap ko ang sorry niya. Naramdaman ko naman ang paghawak niya sa magkabilang pisngi ko saka siniil din ako lalo ng mga halik niya. Nadinig ko na lang ang palakpakan ng mga tao sa paligid namin. Saka ko lang naisip ulit na ’di lang pala kami ang tao rito ngayon! Pero ayos lang. Hindi na ako nahiya kung nakita man nila ang paghahalikan namin ni Caspian. “I’m sorry, Singa ko! I love you. I love you, Sinag.” Saka niya ako niyakap nang mahigpit. “I love you too, Caspian.” Sumisinghot pang sagot ko sa kaniya. Mayamaya ay humiwalay ulit siya sa akin. Lumapit siya sa isang lalaki saka kinuha ulit ang mikropono na ginamit niya kanina nang kumanta siya. “Mahal kita at kaya kong tanggapin kahit ’di man tayo magkaanak, basta kasama lang kita kontento na ako.” Aniya saka muling naglakad pabalik sa ’kin. “Ikaw ang Sinag ng buhay ko. Sinag na nagbibigay ng liwanag sa madilim kong mundo mula nang makilala at mahalin kita. Hindi kumpleto ang buhay ko kung walang Sinag na kasama ko hanggang sa pagtanda ko. Okay lang sa ’kin kung hindi man tayo biyayaan ng Diyos ng mga munting supling natin. Mahal kita, Sinag. Mahal na mahal.” Napangiti na lang ako sa kaniya habang lumuluha pa rin sa dami ng mga sinasabi niya sa akin. Hindi man lang ako nakapagsalita. Muli, nagulat na lang ako nang lumuhod siya ulit sa harapan ko, pero sa pagkakataong ito ay may inangat siyang pula at maliit na kahon na may lamang singsing. Nanlalaki ang mga matang napasinghap pa ako dahil hindi ko inaasahan ito! Mayamaya ay muling bumuhos ang mga luha sa mata ko! “Papayagan mo ba akong habang buhay mong bigyan ng liwanag ang buhay ko? Papayag ka bang maging isang Mrs. Shine Marie Manalo Amorez? Papayag ka bang pakasalan ako kahit wala tayong little Sinag at Kamahalan?” tanong niya habang nakatitig sa akin ang mga mata niyang puno ng pagmamahal. Hindi ko mapigilan ang mapahagulhol dahil sa alok niya sa akin. Pero sunod-sunod akong napatango sa kaniya. “O-oo naman,” sagot ko. Ngumiti siya sa akin saka mabilis na tumayo at isinuot sa daliri ko ang singsing saka muli akong siniil ng halik at niyakap nang mahigpit. “I love you, Sinag ko. Thank you! I promise you na hindi kita sasaktan. Mahal na mahal kita.” Bulong niya sa puno ng tainga ko. “Mahal din kita.” Tugon ko sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD