“YAYA, make me a cup of coffee, bilisan mo.”
Bungad sa ’kin ng babae nang pumasok ito sa kusina. Nandito pa pala ang malandi, tss! Wala sa sariling napairap ako sa hangin. Nakabihis na ito pero... ’yong hitsura parang pagod na pagod talaga dahil sa bakbakan nila kagabi.
Napabuntong-hininga ako!
“Make it two, panget.”
Dinig kong saad ni Kamahalan na kapapasok lang din sa kusina at tumabi sa pagkakaupo ng babae.
Tumalima na lang ako at nagtimpla ng kape nila. Sarap talaga nilang pagbuhulin! Umagang-umaga pinaiinit nila ang ulo ko, e!
Matapos ko silang ipagtimpla ng kape ay naghintay ako na matapos silang kumain para iligpit ang mga pinagkainan nila. Pagkatapos ay lumabas si Kamahalan sa condo para ihatid ang clown niya.
“Kung bakit kasi kailangan pang dito mag-ano... e, puwede naman sa motel or sa iba. Nakakainis!” naiinis na pagmamaktol ko.
Ewan ko rin kung bakit naiinis ako dahil sa may kasama siyang babae sa kuwarto niya magdamag. A, siguro kasi ako nga itong kasama niya rito sa condo niya ay hindi puwedeng pumasok sa silid niya, pero ang babaeng iyon tuloy!
“Ano na naman ang ibinubulong mo diyan?” tanong niya nang bigla siyang sumulpot sa likuran ko. “Wash my bed sheets, hurry up.” Saad niya.
“Opo.” Tipid kong sagot sa kaniya. Matapos akong maglinis sa kusina ay pinuntahan ko na rin ang mga labahin ko. Dinala ko iyon sa kabilang banyo at doon nilabhan. “Sarap tirisin, e! Nakakagigil! Nako!” saad ko. “Buwisit! Bakit ba ako nagkakaganito? Nako! Sinag umayos ka! Hindi ka naman jowa pero kung makaasta ka diyan parang selos na selos ka talaga! Huwag kang pilingera, huh! Bakit? Masama bang magselos? E, sa ito talaga ang nararamdaman ko mapipigilan ko ba?” hay ewan! Nagtatalo ang isipan ko! Nanggigigil na pinipiga ko na lamang ang bed sheet niya. “Ang landi mo, sarap mong karatehin alam mo ba ’yon, huh?”
Oo na! Aaminin kong nagseselos ako roon sa babae. Aaminin ko ring gusto ko na ang sungit na ’yon kahit kailan lang kami nagkakilala!
Ang labis na inis at badtrip ko ay ibinuhos ko lahat sa ginagawa ko. Hindi ko na namalayan ang oras. Kung hindi pa ako pinuntahan ni Kamahalan hindi ko mapapansin ang oras.
“I’m hungry!” bungad niya sa ’kin.
Hindi na ako sumagot at basta na lang ako lumabas ng wash room at nagtungo sa kusina para magluto.
WHAT happened to her? Bakit parang tahimik niya ata ngayon? Tanong ng isipan ni Caspian habang sinusundan ng tingin ang dalaga hanggang sa makalabas ito sa may pinto. Napapailing na lamang siya na naglakad na rin palabas at nagtungo sa sala.
“Tapos na po.” Mayamaya ay tawag ni Sinag sa kaniya matapos ihanda ang pagkain sa lamesa.
Kaagad namang tumayo sa kaniyang puwesto si Caspian at naglakad papasok sa kusina. “Are you not hungry?” tanong niya sa dalaga nang makaupo na siya sa kabisera. Alam niyang gutom na rin ang dalaga dahil hindi ito kumain kanina.
“Busog pa po ako,” sagot ni Sinag.
“Whatever.” Buntong-hiningang saad na lamang niya ’tsaka nagsimula ng kumain.
Sinag's POV
Naman ’di manlang ako pinilit na sumabay sa pagkain sa kaniya? Nakakainis talaga! Kanina pa ako nagugutom. Kumakalam na ang tiyan ko!
Nag-iinarte ka pa kasi diyan, e!
Mayamaya bigla naman tumunog ang cellphone ko. Agad ko iyong kinuha sa bulsa ng pantalon ko. Si Maria pala ang tumatawag.
“Hello?” bungad ko kay Maria pagkasagot ko sa tawag nito.
Pero mayamaya ay halos mabitawan ko ang cellphone ko nang marinig ko ang sinabi nito. Nangatal bigla ang mga labi ko at pilit kong pinigilan na huwag pumatak ang mga luha sa mata ko. Pero hindi rin nangyari.
“Pupunta na ako.” Humihikbing saad ko mayamaya.
Napatingin naman sa gawi ko si Kamahalan.
“Hey!” aniya ’tsaka tumayo at lumapit sa ’kin. “What’s wrong?” tanong niya.
“P-puwede... puwede ba akong umalis? Kailangan ko lang puntahan sa ospital ang kuya ko.” Maluha-luhang saad ko sa kaniya.
Kita ko ang biglang pangungunot ng noo nito. “Why? What happened?” nagtatakang tanong niya ulit sa akin.
“Naaksidente ang kuya ko habang na sa trabaho. P-please... kailangan ako ng kuya ko ngayon.”
“Okay, let’s go.” Aniya ’tsaka ako hinila sa kamay palabas ng condo niya.
Pakiramdam ko ay may milyon-milyong bultahe ng kuryente ang biglang dumaloy sa mga kamay ko nang hawakan niya ako. Pakiramdam ko ay nag-slow motion ang buong paligid ko habang hinihila niya ako sa kamay ko palabas ng condo niya. Bakit ganito? Ito na ba ’yong sinasabi nilang pakiramdam kapag may special kang nararamdaman para sa isang tao? Parang may mga paru-paro ang biglang nagliparan sa loob ng sikmura ko! Ang lakas ng kabog ng dibdib ko!
Gusto ko na talaga siya! Kahit kailan lang naman kami nagkakilala.
“Saang hospital daw?”
Tanong niya sa ’kin na siyang nagpabalik sa sarili ko. Ipinakita ko naman sa kaniya ang text message sa ’kin ni Maria kung saang ospital naroon ang kuya ngayon.
“MARIA!” tawag ko sa kaibigan ko nang makarating kami sa ospital. Nasa labas ito ng ER. “Kumusta ang kuya? Ano ba’ng nangyari?” nag-aalalang tanong ko.
“Nahulog daw doon sa construction nila. Sabi ko kasi sa kaniya kanina na huwag na munang pumasok kasi medyo masama ang pakiramdam niya, kaso ayaw naman maniwala.”
Napaiyak na lang ako bigla dahil sa sinabi nito. Dahil sa ’kin kaya ’to nangyari kay kuya. Kung sana nasa tabi ako nito, hindi sana nito mapapabayaan ang sarili nito.
“Diyos ko! Kasalanan ko ’to, e! Ano ang sabi ng doktor?”
“Medyo masama ang lagay ng isang paa niya kaya kailangan daw lagyan ng bakal.” Anito. “Kanina ayaw nilang asikasuhin si kuya kasi wala pa raw bayad. Hindi rin naman kasi ako hinarap ng amo nila sa construction. Pero ginawan ko na ng paraan kaya hayon at ginamot na nila. Huwag kang mag-alala at magiging okay din si kuya.” Saad nito ’tsaka ako niyakap.
Ilang sandali pa kaming naghintay sa labas ng ER bago lumabas ang doktor.
“Kayo ba ang pamilya ng pasyente?”
“Opo! Kumusta po ang kuya ko?”
“He’s okay now, hija. Kailangan niya na lang magpagaling. Kailangan niyang ingatan ang paa niya para mabilis ang paggaling niya. And kailangan niyang makapag-maintain ng gamot para sa sugat niya. Mamaya ay may ibibigay akong resita para bilhin n’yo.” Pagpapaliwanag ng doktor sa akin.
“Salamat po!” ’tsaka lang ako nakahinga nang maluwag. Pinuntahan na rin namin si kuya sa ward para makumusta ang lagay niya.
“HOW’S YOUR BROTHER?”
Tanong sa ’kin ni Kamahalan habang magkaagapay kaming naglalakad sa pasilyo ng ospital.
“Okay na raw,” sabi ko. “Pero kailangan pang magpahinga at mag-maintain ng gamot para mabilis na gumaling ang paa niya.” Malungkot na dagdag ko.
“He’ll be fine, I’m sure of that.” Saad niya.
Kahit papaano ay gumaan din ang pakiramdam ko. “Salamat po.” Ngumiti ako sa kaniya.
“TOL, TUMIGIL ka na kakaiyak diyan. Para naman akong namatay nito, e!”
Saway sa ’kin ni kuya habang patuloy akong umiiyak sa tabi nito.
“Kasi naman, e! Kasalanan ko ’to! Kung sana kasama mo ako parati hindi mo pababayaan ang sarili mo.” Saad ko. “Masama pala ang pakiramdam mo, sana hindi na muna pumasok sa trabaho mo.”
“Kaya ko pa naman tol—”
“Hindi mo kaya.” Pigil ko sa iba pa nitong sasabihin sana. “Paano kung hindi lang iyon ang nangyari sa ’yo? Paano kung malala pa? Paano na lang ako?” sunod-sunod na tanong ko. “Alam mo namang ikaw na lang ang mayroon ako tapos tinatakot mo pa ako.” Nakakahiya man sa mga taong kasama namin dito sa ward dahil sa pag-iinarte ko, pero wala akong pakialam. E sa iyon ang nararamdaman kong takot at lungkot dahil sa nangyari sa kuya ko.
“Sorry na kapatid. Hindi na mauulit ’yon.” Seryosong saad sa ’kin ni kuya matapos ako nitong akbayan.
“Ang drama ni bess.” Tumatawang saad ni Maria nang lumapit ito sa puwesto namin ni kuya. May dala itong prutas at pagkain. “Oh! Pinapabigay ng amo mo. Kakaalis lang niya.”
“Amo? Kasama mo ang amo mo kanina tol?” tanong sa ’kin ni kuya.
Tumango naman ako. “Oo. Siya nag hatid sa ’kin kanina.”
“Ay! Bess huwag ka na pala mag-alala sa kalahating bayad dito sa bill ni kuya, nabayaran na.” Dagdag pa ni Maria habang abala ito sa pagbabalat ng prutas.
Mabilis namang nagsalubong ang mga kilay ko at napatingin sa direksyon ni Maria. Huh? Paano nangyari iyon? Sa pagkakaalam ko kasi kanina sabi ng nurse ay kalahati lang ang nabayaran ni Maria sa bill ng kuya, kaya may kalahati pa kaming babayaran tapos ’yong ipinamili ko pa ng mga gamot ni kuya.
“Huh? Paanong nabayaran na?” takang tanong ko.
“Hindi ko alam. Basta sabi ng nurse kanina okay na raw.”
Bigla naman pumasok sa isip ko si Kamahalan. Hindi kaya siya ang nag bayad? Naloko na! Kapag nataon na binayaran niya ang bill ni kuya, malamang na malaki na naman ang utang ko sa kaniya!
Ilang oras pa akong nanatili sa tabi ni kuya bago ako nagpaalam sa kanila ni Maria na kailangan ko ng bumalik sa trabaho ko.
“Magpagaling ka, huh! Dadalaw ako kung may oras. Ikaw muna bahala kay kuya, Maria, huh!”
“Oo bess ako na ang bahala kay kuya. Ingat ka.”
“Ingat ka tol.”
Pagkatapos kong makapag-paalam sa kanilang dalawa ay lumabas na rin ako sa ward. Nagmadali akong bumalik sa condo ni Kamahalan. Pagkapasok ko sa pinto ay nakita ko naman siyang nasa sala at nanunuod ng palabas.
“You’re here. How was your kuya?” tanong niya na hindi manlang nag-abalang tumingin sa direksyon ko.
“Medyo okay naman na siya,” sagot ko. “Ikaw ba ang nag bayad ng bill niya?” diretsahang tanong ko sa kaniya. Sa pagkakataong iyon, tumingin naman siya sa ’kin. Seryoso ang mukha. “Magkano na ba lahat ng utang ko sa ’yo? Kuwentahin mo lang at huwag kang mag-alala at babayaran ko lahat ng ’yan sa ’yo.” Seryosong saad ko pa sa kaniya.
Kita ko naman ang pagkunot ng noo niya dahil sa mga sinabi ko.
“It’s not me who pay your hospital bills.” Bale-walang sagot niya pagkuwa’y muling ibinaling ang atensyon sa screen ng tv.
“Kung hindi ikaw, sino? Ikaw lang naman ang kasama namin kanina?”
“Wala akong binayaran kahit piso roon.” Saad niyang muli.
Kunot noo ko siyang tiningnan. Hindi ako kumbinsido! Ano’ng malay ko at bigla na lang akong magulat isang araw na milyon na pala ang utang ko sa sungit na ito!
“Kaya ko naman bayaran, e! Kahit habang-buhay akong magtrabaho bilang katulong mo, babayaran ko ’yon.” Inis na saad ko ulit sa kaniya.
Dahil sa klase ng pananalita ko kaya muli siyang napalingon sa ’kin.
Ibang klase ang mga titig niya sa mga sandaling iyon. Pakiramdam ko nabuhay ulit ang kaba at takot sa puso ko. Mali ata na sinabi mo pa ’yon Sinag! Hay!
Mayamaya ay tumayo siya sa kinauupuan niya ’tsaka naglakad palapit sa ’kin.
“Are you sure na kaya mong bayaran kapag sinabi ko?” seryosong tanong niya sa akin.
Bigla akong napalunok sa aking laway kasabay ng pag-atras ko palayo sa kaniya. Nako! Sinag, magdahan-dahan ka kasi sa mga salitang binibitawan mo.
“A, e, a-ano... um...”
“What? Hindi mo kaya?” ngumiti pa siya sa ’kin ng nakakaloko.
Hanggang sa maramdaman ko na lang ang likod ko na lumapat sa likod ng pintuan. Parang pakiramdam ko inulit lang ang nangyari sa ’min noong nakaraang gabi. Ito na naman kasi ’yong kakaibang pakiramdam sa buong pagkatao ko. ’Yong panghihina ng mga tuhod ko. Parang may nabuhay na namang mga paru-paro sa sikmura ko. Oh, jusko!
“Say it again... Sinag.” May paghahamong saad niya sa ’kin.
Napapikit naman ako bigla nang malanghap ko ang mabango niyang hininga. Ang amoy mint niyang hininga na lalong nagpapahina sa mga tuhod ko tuwing dadapo iyon sa ilong ko. Diyos na mahabagin!
“S-sir...” nauutal na sambit ko.
“Sir, mmm!” aniya na nang-aasar pa sa ’kin ang ngiting sumilay sa gilid ng mga labi niya nang magmulat ako.
Pakiramdam ko kahinaan ko na talaga ito kapag lalapit siya sa ’kin ng ganito! Parang nawawala ako sa sarili ko kapag nagkakadaiti ang mga balat namin.
Muli akong napalunok ng aking laway. Mayamaya ay nagpalipat-lipat ang paningin niya sa mga mata at labi ko. Nawala ang ngiti sa mga labi niya at naging seryoso ang mukha. Matapos siyang makipagtitigan sa akin ay bumaba ng dahan-dahan ang mukha niya sa mukha ko.
Oh, my God! Sinag, ano ang gagawin mo? Pipigilan ko ba siya? Itutulak ko ba siya? Ano? Sagot! Hindi ko alam! Parang gusto ko siyang itulak na parang ayoko! Parang gusto ko kasing madama ang malalambot niyang mga labi. Gusto ko iyong matikman kahit ngayon lang!
Sa huli; napapikit na lamang ako at hinintay kung kailan dadapo ang mga labi niya sa mga labi ko. Makaraan ang ilang segundo, hindi nga ako nabigo. Naramdaman ko ang mainit at malambot niyang mga labi. Diyos ko! Parang gusto kong himatayin sa mga sandaling ito.
Para akong nakuryente na naman dahil sa paglalapat ng mga labi naming dalawa. Awtomatikong nanghina lalo ang mga tuhod ko. Kung hindi lamang ako nakasandal sa pinto, tiyak akong kanina pa ako natumba!
Magaan. Mainit at masarap ang mga halik na iyon. Ngayon lang ako nahalikan sa tanang buhay ko kaya hindi ko akalain na ganoon pala talaga ang pakiramdam kapag nahalikan ka! Pakiramdam ko ay tumigil sa pag-inog ang mundo ko. Ramdam ko ang paghawak niya sa kanang pisngi ko at hinapit niya ako palapit sa kaniya. Bagay na siyang lalong nagparegodon sa puso ko. Parang lalabas na ata ang puso ko sa ribcage ko dahil sa sari-saring emosyon na nararamdaman ko sa mga sandaling ito!
Oo na! May special na lugar na siya sa puso ko kahit kailan lang kami nagkakilala. Wala, mahina ang puso ko at bumigay agad sa kaniya! Marupok ako!
Habol ko ang paghinga ko nang pakawalan niya ang mga labi ko makalipas ang ilang sandali. Napatulala ako sa kaniya nang magmulat ako ng aking mga mata. Hindi ko magawang iiwas ang titig ko sa kaniya.
“Habang-buhay, huh!” nakangiting saad niya ’tsaka mabilis na umalis sa harapan ko at naglakad palayo.
Ewan ko at bigla akong napangiti sa kawalan habang sinusundan ko siya ng tingin. “Ang sarap!” wala sa sariling bulong ko habang nakahawak sa mga labi ko. Hindi pa rin matanggal ang ngiti ko. “Ang landi mo, Sinag! Wala na tuloy ’yong first kiss mo.” Kinikilig na saad ko sa sarili ko at naglakad na rin papunta sa kuwarto ko kahit ramdam ko pa rin ang panlalambot ng aking mga tuhod.
Pakiramdam ko nasa alapaap ako ngayon at idinuduyan dahil sa gaan ng pakiramdan ko. Heaven ang nararamdaman ko ngayon! Ganito pala ang pakiramdam kapag nahalikan ka ng taong gusto mo? Para kang high at hindi na mawala ang ngiti at saya sa buong katawan mo.
“Bakit niya ako hinalikan?” mayamaya ay napakunot ang noo ko.