“KAMAHALAN, gising na! Late ka na sa trabaho mo.” Tawag ko sa kaniya habang nakadapa siyang nakahiga sa kama at yakap ang unan niya. Wala siyang pang-itaas na damit at naka-boxer lang din siya.
“Mmm!” ngunit umungol lang siya at isinubsob pa lalo ang mukha sa unan niya.
Lumapit ako sa kaniya at umupo sa tabi niya. “Dali na. Alas syete na, oh! Hindi ka ba papasok sa trabaho mo?” niyugyog ko pa siya sa balikat niya para magising na siya.
Pero mayamaya, nagulat ako nang bigla siyang umangat at hinapit ako sa baywang ko palapit sa kaniya kaya napahiga na rin ako sa tabi niya.
Sumiksik pa siya sa leeg ko at mas hinigpitan ang yakap sa akin.
“Ayokong pumasok, babe! Tinatamad ako.” Aniya sa inaantok pang boses.
Nangunot ang noo ko. Pagkatapos ay natawa. “Himala at ngayon ka lang tinamad.” E, paano naman kasi, dati ang aga-aga pa niyang pumapasok at ayaw nga rin niyang nale-late, tapos ngayon tinatamad daw siya. “Hindi ka pa ba nagugutom?” tanong ko na lang sa kaniya.
Panay himas naman ng palad niya sa gilid ng tiyan at sa braso ko. Pakiramdam ko tuloy nagtatayuan ang mga balahibo ko sa katawan dahil ramdam kong iba ang mga himas niya sa akin ngayon.
Umangat siyang muli at nakangiting tumitig sa akin.
“Nagugutom na nga ako babe e, kanina pa.” Saad niya at mabilis na hinalikan ang nakaawang kong mga labi.
Agad ko rin naman siyang itinulak sa kaniyang dibdib nang maramdaman kong parang wala ata siyang balak na pakawalan ako. “Halika na at kumain na tayo kung nagugutom ka na,” sabi ko sa kaniya. At babangon na sana ako nang bigla niya akong dinaganan na siyang ikinagulat ko nang husto.
“I mean, nagugutom na ako pero ayoko ng pagkain.” Pilyong saad niya sa akin habang nagtataas-baba pa ang mga kilay niya. Hinaplos pa niya ang kaliwang pisngi ko.
“You’re so damn beautiful, Sinag ko.” Bulong na saad niya habang matamang nakatitig sa mga mata ko.
Napangiti ako nang hindi ko napigilan ang kilig sa aking puso. Diyos ko naman! Bakit kasi iba kung tumitig ang lalaking ito? Parang pakiramdam ko inaakit niya ako!
“Isa lang ulit, babe. Please!” pagsusumamo niya sa akin.
Bigla naman akong napaismid sa kaniya. Sinasabi ko na nga ba, e! Hihirit na naman siya! Ang adik talaga ng lalaking ito!
“Kamahalan ko, bawal ang sobra, okay? Nakakasama ’yon—”
“Oh, no, babe! Hindi nakakasama ang sobra. Masarap nga, e!” nakangiti pa ring saad niya nang putulin niya ang pagsasalita ko.
Muli akong napaismid sa kaniya. “Tapos na tayo kagabi. Gutom ka kaya naghanda—mmm!” hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla niyang sakupin ang mga labi ko.
Ramdam ko ang kamay niyang dumapo agad sa isang dibdib ko. Napa-ungol na lang ako nang masuyo niyang pisilin iyon. Mga ilang segundo pa bago niya pinakawalan ang mga labi ko. Hingal at parehong habol namin ang paghinga namin.
“I thought I was just dreaming last night. Kasalanan mo rin, babe. I can’t get enough everytime we make love, siguro kailangan gawin natin buong magdamag.” Saad niya pa.
Agad ko siyang pinalo sa dibdib niya. Ramdam ko rin ang biglang pag-iinit ng pisngi ko dahil sa sinabi niya. Grabe talaga sa akin itong lalaking ito, oh!
Inirapan ko na lang siya ulit nang tumawa siya nang malakas.
“You’re blushing, Sinag ko. I love you!” aniya saka ako muling hinalikan sa noo at pisngi ko.
“Puro ka kalokohan, Kamahalan, e!” nakangusong saad ko sa kaniya. Kunwari ay naiinis ako dahil sa kapilyuhan niya.
Umalis naman siya sa ibabaw ko saka umupo sa tabi ko. Hinila niya ako para magkaharap kami. Hinawakan pa niya ang dalawa kong pisngi at tinitigan ako nang mataman.
“Nagsasabi ako ng totoo, babe! Mahal kita kaya kahit kailan hindi ako makokontento pagdating sa ’yo. Hindi ko man alam kung ano ang ginawa mo sa akin para magkaganito ako sa ’yo; marami mang babae ang dumaan sa buhay ko at hindi pa man matagal simula nang magkakilala tayo, pero alam ng puso ko na ikaw na talaga, Sinag. Ikaw lang ang nag-iisang laman ng puso ko.” Saka niya kinintalan ng halik ang mga labi ko.
Oh, hindi ko mapigilang kumabog nang husto ang puso ko dahil sa mga sinabi niya.
Alam kong masungit siya dati at palaging seryoso ang hitsura, pero mula nang maging kami... ngayon ko lang ulit siya nakita at narinig na magsalita ng seryoso. ’Yong puso ko parang tatalon ata sa sobrang tuwa at kilig na nararamdaman ko dahil sa mga sinabi niya ngayon.
Ikinawit ko sa leeg niya ang mga kamay ko saka binigyan ko rin siya ng mabilis na halik sa mga labi niya.
“Mahal din kita, Caspian! Mahal na mahal.” Nakangiting bulong ko sa kaniya na para bang may ibang makakarinig sa usapan namin ngayon.
Ngumiti rin siya sa akin matapos gawaran ng halik ang noo ko.
“I love it when you call me by my name, babe!”
Bago pa muling lumapat ang mga labi niya sa mga labi ko na namimihasa na talaga kakahalik sa akin, kaagad ko siyang itinulak kaya napahiga siya ulit at agad akong umalis sa kama at pinulot ang mga damit niya sa sahig.
“At kakain na tayo. Dalian mo na diyan.”
“Ang daya!” nakangusong saad niya.
Nang tumayo na rin siya ay itinulak ko na siya papasok sa banyo.
“Dalian mo na at lalamig na ang pagkain natin.” Tumatawang saad ko saka lumabas ng kuwarto at nagtungo sa kusina.
Mayamaya ay may nag-doorbell sa pintuan. Agad naman akong lumapit doon para pagbuksan kung sinuman ang bisita namin.
Pagkabukas ko roon ay bumungad sa akin ang isang babae... sexy. Maganda. Matangkad at mukhang mayaman din base sa pananamit nito. Naka-dress ito na kulay pula na lalong nagpalitaw sa maputi at makinis nitong balat.
“Where’s Caspian?” mataray na tanong nito sa akin.
“Um—”
“Babe, what are you—Stephanie?”
Dinig ko ang boses ni Kamahalan mula sa likuran ko. Nilingon ko siya at nagtatanong ang aking mga mata.
“Hi!” nakangiting saad ng babae at walang sabi-sabi na pumasok sa loob ng condo.
Ewan, pero mukhang sinadya ng babaeng ito na banggain ako! Ang sakit ng braso ko na tinamaan ng bag nitong gawa ata sa bakal.
Agad itong yumakap kay Kamahalan nang makalapit na ng tuluyan.
“Wait! What are you doing here?” takang tanong ni Kamahalan sa babae at agad niyang tinanggal ang mga braso nito na pumulupot sa kaniya.
“Ganiyan mo na ba ako batiin at salubungin after so many years, huh?” maarteng tanong nito.
Napatingin naman sa direksyon ko si Kamahalan at agad na lumapit sa akin.
Tinaasan ako ng kilay ng babae nang makita nitong hinapit ako sa baywang ni Kamahalan.
“Oh? New collection?”
“What are you doing here, Stephanie?” tiim-babag na tanong niya ulit sa babae.
Namaywang naman ito sa harap namin matapos ilagay sa gilid ng sofa ang bag nito.
“Can we talk?”
“About what?”
“Just the two of us Caspian. It’s important thing.”
Saka ako nito pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa at tinarayan pa ako. Lihim na lamang akong napairap sa maarteng babae na ito! Sarap sabunutan, e!
“We can talk in front of my girlfriend. So, start talking now,” sagot naman niya sa babae.
“But Caspian wala siyang kinalaman about dito kaya—”
“We’ll talk in front of my girlfriend or will you just leave now?” seryosong saad pa rin niya sa babae.
Hindi ko napigilan ang sarili ko na tarayan din ang babaeng ito dahil sa sinabi ni Kamahalan. Aarte pa e, malalaman ko rin naman ang pag-uusapan nila!
Bumuntong-hininga ito nang malalim at muli akong tinarayan. “Okay,” sabi nito. “It’s about our son, Caspian.”
Our son!
Our son!
Our son!
Para akong nabingi sa narinig ko. Gulat ako sa sinabi nito. Son? May anak si Caspian sa babaeng ito?
Napalingon ako kay Kamahalan nang wala akong narinig na tugon mula sa kaniya. Kita ko rin ang pagkunot ng noo niya at halatang hindi niya rin inaasahan ang sinabi ng babaeng ito.
“What are you talking?” mayamaya ay tanong niya.
“I know na hindi ka maniniwala agad kapag sinabi ko sa ’yo ang tungkol sa anak natin.” Anito at may inilabas ito sa bag na dala nito. Iniabot nito kay Kamahalan ang brown envelope. “Here’s the documents na magpapatunay na totoo ang sinasabi ko sa ’yo. The DNA test. The blood sample, everything. Ginawa ko na ’yan lahat bago ako muling magpakita sa 'yo.”
Kunot noo pa ring napapailing si Kamahalan habang isa-isa niyang binabasa ang mga papel na hawak niya.
“This can’t be—”
“Yes it is, Caspian. Puwede mong ipaulit lahat ng ’yan para makasiguro kang anak mo nga ang sinasabi ko sa ’yo.”
Pakiramdam ko ay para akong binuhusan ng isang timbang tubig na puno ng yelo. Parang nagising ako sa katotohanan na—bakit ganoon ko kadaling minahal ang isang Caspian na hindi ko pa man din kilala ng lubusan? Bakit ganoon ko kadaling ibinigay ang sarili ko sa kaniya na hindi ko manlang inaalam ang tungkol sa buong pagkatao niya? Ganoon ba ako kadaling napaikot at nagpadala sa mga salita niya para bumigay agad sa kaniya? Pakiramdam ko ay may kung ano’ng kirot sa puso ko ang nararamdaman ko ngayon.
Bakit ganoon? Isang bwan pa lang akong nagsasaya sa piling ng mahal ko pero parang babawiin agad siya sa akin? Ganoon ba ’yon, kapag mabilis kang nagmahal sa isang tao ay ganoon din kabilis siyang mawawala sa ’yo?
Dapat bago ako pumayag na maging kami... sana inalam ko muna kung may girlfriend ba siya o may anak ba siya o ano pa man ’yan! Hindi ’yong kung kailan naibigay ko na sa kaniya ang lahat ay saka ko naman malalaman ang tungkol dito!
Agad kong kinalas ang kamay ni Caspian sa baywang ko. Para akong lutang na naglakad palayo sa kaniya.
“Babe!” dinig kong tawag niya sa akin.
Lumingon ako sa kaniya.
“Where are you going?” may pag-aalalang tanong niya sa akin.
“A... ’yong, um, may kukunin lang ako,” utal na sagot ko sa kaniya.
NAKATAYO ako sa gilid ng bintana sa kuwarto niya habang tahimik na humihikbi. Mayamaya ay bigla ko na lang naramdaman ang mga braso niyang pumulupot sa baywang ko at pumatong sa balikat ko ang baba niya. Isinubsob pa niya sa leeg ko ang kaniyang mukha.
Lihim kong pinunasan ang mga luha ko sa pisngi.
“T-tapos na ba kayo mag-usap?” tanong ko sa kaniya.
“Yeah! Pinaalis ko na rin siya,” sagot niya.
“I’m sorry, babe! I didn’t know anything about this I swear to God. I’m sorry.” Bulong niya sa akin at mas hinigpitan lalo ang pagkakayakap sa baywang ko. Hinalikan pa niya ako sa pisngi ko bago niya ako pinihit paharap sa kaniya.
Pinunasan niya ang mga luha sa pisngi ko nang ikulong niya sa kaniyang mga palad ang mukha ko.
“Don’t cry, okay!” aniya at hinalikan ako sa noo.
“Iiwan mo na ba ako?” sumisinghot na tanong ko sa kaniya habang hindi ko magawang ialis ang paningin ko sa kaniya.
Nangunot naman ang noo niya. “What? Of course not. Why are you asking me that damn question?”
“May... may anak na kayo hindi ba? Hindi mo na ako kaila—”
“I don’t care kung ako nga ang ama ng batang sinasabi niya.” Putol niya sa sasabihin ko pa sana sa kaniya at mas pinakatitigan niya nang mataman ang aking mga mata. “All I care is you. Us. I love you Sinag at walang magbabago roon.” Seryosong saad niya pa sa akin. “Babe, he’s already six years old. So ibig sabihin, kung totoo ngang anak ko siya, nagawa ko ’yon dati pa man. Noong hindi pa kita nakikilala. I’m sorry, but like what I have said earlier... hindi ko alam ang tungkol dito.” Paliwanag niya sa akin. “Stop crying, Sinag ko! I don’t want to see you crying because of what happened. I know Stephanie, siguro kagaya dati ay gumagawa na naman siya ng paraan para makuha ako ulit. But I promise you na hindi ’yon mangyayari dahil ikaw ang mahal ko.”
Hindi ko alam—pero ramdam ko ang katotohanan sa mga binitawan niyang salita. Pakiramdam ko ay kahit papaano nabawasan ang sakit at bigat sa puso ko dahil sa mga paliwanag niya sa akin.
Tama siya, six years na ang nakararaan. Siguro naman hindi ko na kailangan magalit o magtanim ng sama ng loob sa kaniya dahil sa pagkakaroon niya ng anak mula sa ibang babae. Hindi pa naman kami magkakilala noon. Parehong hindi pa namin alam na may isang ako at siya na nabubuhay sa mundong ito!
“I love you, Sinag ko! Don’t worry at gagawa ako ng paraan. Ipapaulit ko ulit ang test niya. I know Stephanie, kaya niyang gawin ang lahat makuha lang ang gusto niya.” Saad niya pa at muling pinatuyo ang luha sa mga pisngi ko gamit ang hinlalaki niya. “And I was wondering kung paano siya nakakuha ng sample ko para sa DNA ng anak niya. E, matagal na kaming hindi nagkikita.” Patuloy na paliwanag niya at niyakap ako nang mahigpit.
Pero paano kung totoong siya nga talaga ang tatay? Pero mahal ko si Kamahalan, hindi ko siya iiwan para lang mapunta sa babaeng ’yon. Kung totoo mang anak niya ang sinasabi ng babae kanina, wala akong ibang gagawin kung hindi ang tanggapin ang bata dahil mula siya sa lalaking mahal ko.
“I love you too, Caspian!”
“Enough crying, Sinag ko!” kinintalan pa niya ng halik ang noo ko pagkatapos ay sa labi ko. Pinunasan niya muli ang mga luha sa pisngi ko. “I’m sorry, babe.”
“Wala kang kasalanan,” sabi ko. “At kung anak mo man talaga ang batang iyon, t-tanggapin ko. Kasi mahal kita at hindi ako papayag na mapunta ka sa babaeng ’yon kung ’yon man ang balak niya.”
Ngumiti naman siya sa akin ng mapait. “Thank you, Sinag ko! I promise you na gagawin ko ang lahat, okay? Smile ka na.”
Kahit masakit at mahirap. Ngumiti na lang din ako sa kaniya nang muli niya akong yakapin. Okay lang ’yan, Sinag! Unang problema pa lang ’yan sa inyo, pero makakaya mo ’yan!
“Come on, babe. Let’s eat at lumamig na tuloy ang niluto mo.”
“Ayokong kumain—”
Nagulat na lang ako nang bigla niya akong buhatin at mabilis na lumabas ng kuwarto at nagtungo sa kusina.
“Kakain tayo o ikaw ang kakainin ko, babe?” tanong niya habang nakalolokong ngiti na ang nakasilay sa mga labi niya. Nagtaas-baba pa ang mga kilay niya. “Masarap ka pa naman—I mean itong niluto mo.”
Napangiti na lang din ako dahil sa mga sinabi niya.
“Seriously? Mas masarap ka pa kaysa rito, babe!”
“Naman, e! Kalokohan na naman!” kunwari ay inis na saad ko sa kaniya. Pero kinikilig talaga ako!
Tumawa siya ng malakas. “Smile ka na, babe. Papanget ka lalo niyan.” Aniya at ibinaba niya ako sa isang silya nang makarating na kami sa kusina.
Nilagyan na rin niya ng pagkain ang plato ko.
“Panget pero mahal mo naman.” Nakangusong saad ko sa kaniya.
“Very much,” mabilis na sagot niya sa akin habang nakangiti nang matamis at malapad.