Chapter 4

3704 Words
“M—Mahal, n—namiss kita.” Patuloy na bumabasag ang boses ng lalaki. Sumakit ang panga niya nang umigting ito. Naluluha si John habang hinihintay na sumagot si Serene sa kaniya. He's not expecting more to her. Pagod ito at ginambala niya lang. She could be resting now. Disturbo lang siya sa pagpapahinga nito. “Alam mo gusto na kitang yakapin. Tapos kikilitiin kita. Miss na miss na kita, Rene." Halos di na niya nakikila ang sarili boses dahil sa pagpiyok niya. Ramdan ni Serene ang sakit sa boses ng lalaki. "Give me a break, please." Namamaos na sagot lang ng babae. Tumatango lamang si J.A sa kabilang linya. Of course... but he wants to continue what he was trying to say to her. Wala na siyang ibang pagkakataon. This can be the last time so he should say everything he has in mind. Selfish bastard! Nagsalita. “Mahal, 'di ba sabi mo mahal mo ako," Pinilit niyang ngumiti. Hindi niya alam kong ano ang punto niya sa sinabing niyang 'yon pero gusto niyang malaman kahit papaano. After not giving her the whole truth yet? Alam ni J.A na nababaliw na siya. Isang kahibangan. I think it was a wrong move. Napapikit nalang si J.A. habang pinapakinggan ang katahimikan ni Serene sa kabilang linya. Sa gabing ito, tatapusin na niya ang gusto niyang sabihin para makapagpahinga na rin ito. "Kumain ka ng mabuti, please? I want you to eat still. Tapos magpahinga ka rin, I’ll see you when you get better.” Paalala nito. Hindi pa rin siya nagsasalita. Hindi niya alam kung nariyan pa ba o hinahayaan lang ang telepono. Naisip ni J.A., at least nasabi niya ang gustong sabihin kay Serene. Ayaw niyang pagsisihan ang lahat. He's hoping that his girl will be strong. Gusto niyang lumaban ito para sa sarili niya dahil hindi niya deserve ang ginawa ng dalawa. Pinagsisisihan na ni J.A ang mga nangyari. Serene is a bright and the best girlfriend for him. Ang nararanasan niya ngayon ay isang bagay na hindi dapat. "I wish I can tell you everything now." Tumatango si J.A habang tinatapos ang gustong masabi. Hinihilamos nito ang mukha. "You don't deserve a jerk like me, mahal." Tumingala si J.A. at pimikit ng mariin. Ayaw niya nang pigilan ang luha niya. Hinayaan niya lang itong magsihulog para mapantayan din si Serene sa nararamdaman. Hindi niya alam na nakikinig lang si Serene. Pinipilit niya lang na huwag magsalita o gumawa ng imik para hindi niya malaman pero nakikinig siya. Nariyan pa rin siya. "I love you, mahal..." panghuli niyang sabi. "Gusto kong malaman mo na mahal na mahal kita. Sobra! Sobra, sobra! Sana mapatawad mo rin ako sa nagawa ko sa 'yo. Good night mahal ko." Serene's POV Bago niya binaba akala ko tapos na siya halos pumiyok ako nang may nasabi pa siya. “Please don’t leave me,” at siya na mismo ang nagbaba nito. Bumuga ako ng mabigat na hangin sa bibig dahil sa mahabang pagpipigil habang nasa linya siya. Hindi ko alam kong bakit hindi ko binaba ang tawag. Tanging boses niya lang ang pinakinggan ko. Pinilit kong huwag maiyak. Sa totoo lang, magang-maga na ang mukha ko dahil sa kakaiyak. Pagod na ako. Binaba ko na ang telepono. Pinaalis ko ang luha at tumungo na sa kama ko para makapagpahinga naman. That night, it was hard to sleep. Hindi ako kumain no'n kahit ilang katok ang ginawa nila sa akin. My mom was even calling me to join them to dinner. Wala akong kibo sa kanila. Nawawalan ako ng ganang kumain. I just want to rest that night. I woke up restless. Nakatulog din ako pero parang walang epekto sa akin ito. Nagising ako dahil sa katok na pabalik-balik pero hindi ko lang pinansin non'g una. Napaupo akong nararamdaman ang pamamaga sa mata ko. Parang walang pahinga ang nangyari. "Serene!" Rinig kong tawag ni mom sa akin. Napatingala ako at napatingin sa kisame ng kwarto ko. I'm not ready for an another day. Sumasagi pa lang sa isip ko, sumisikip na ang dibdib ko. "Serene! Ano ba?!" Pagalit na sigaw ni mom. Is it something serious? Hindi naman ako laging tinatawag ni mom. Kung ayaw kong kumain ay wala naman sa kaniya. Besides, it's Sunday walang school. My mother is not the type who calls me all te time. Iritado ako napatingin sa pinto. "I'm awake. Let me pee first," sagot ko. Walang gana akong tumayo at tumungo sa banyo ko. Paggising ko lagi ay naiiihi ako agad kaya diretso ako sa banyo. Naghilamos pagkatapos at nagmumog dahil mukhang nagmamadali si mommy. Mamaya nalang ako maliligo pagkatapos ko siya mapuntahan sa labas. Mabilis lang naman ako, dumiretso na ako sa pinto at pinagbuksan siya. FLASHBACK “Rene Rene! Ano ba, magseselos ang mga chikababes ko.” Pilit na umiiwas ang batang Jonathan. “Eh, hindi ka naman nila gusto.” Ngumuso si Serene at hinalikan ang kaibigan sa pisngi. Ilang buwan na pagpupursige ni Jonathan ay pumapayat na ito. He was advised to remove his brace and even his style of clothing changed. May mga ibang nakakapansin na sa kaniya. Kaya naman si Serene panay ang pambabakod dito dahil marami nang nagsisipaglapitan at nakikipagkaibigan. Serene is a kind of a clingy kid. If she wants it for herself, she'll get it. “Gusto kaya nila ako, eh. Ang gwapo gwapo ko eh!" Kumindat pa ito na parang nagpapacute sa kaibigan. Ikinatutuwa ni Jonathan na lagi nang dumidikit ang matalik na kaibigan sa kaniya dahil sa mga atensyon na binibigay sa kaniya ng ibang tao. Sanay sila na sila lang dalawa. Sanay si Serene na si Jonathan lang ay sapat na. Alam ni Nathan na may takot si Serene na mabaling ang atensyon niya sa iba. Despite of a big change, Nathan is still wearing a big and thick glasses. Nakakakuha man siya ng atensyon ng iba dahil sa pagbabago niya, may nananatiling bullies niya. But again, he doesn't mind at all. All he has is her, he only need Serene. Nothing else or no one else. Hindi niya ito ipagpapalit kung kanino man. Rene was already pouting. Napipikon na siya kay Jonathan. Whilst Jonathan is just trying to tease her. “Naka big glasses ka kaya! Bakit ka naman nila magugustuhan? Ang pangit mo, 'di ka pa gwapo.” Pagalit na sabi ni Serene. Mas lumaki ang ngisi ng batang Jonathan sa kaibigan. It doesn't hurt at all. At that young age, hindi pa talaga nila alam ang totoong gwapo at pangit. It's just all physical. Inayos ni Nathan ang salamin at nakangising lumapit sa kaibigang nagmumuktol. “Siguro nagseselos ka! Kasi crush nila ako. Uy, si Rene Rene nag seselos.” Sinamaan siya ni Serene lalo ng tingin. Namumula na ang mukha niya sa matinding pagka-inis dito. Konti nalang ay maiiyak na siya sa pang-iinis ng kaibigan. Serene is an only kid. Sa tingin niya lahat ng atensyon ay dapat sa kaniya. Ayaw niyang may kahati sa ibang bagay. Maging sa kaibigan o kanino man. Of course, her parents are always there for her. She's the lil princess. Spoiled brat almost. “Hmmp! Hindi kaya, hindi ka pwedeng magustuhan nila. Magiging bad ka rin! Tapos ang gwap—este ang pangit mo pa.” Asik ni Rene. Tumatawa na ng malaki ang batang Nathan dahil sa pagkakamali nito. Umamin siyang gwapo si Jonathan, narinig niya 'yon. Namula lalo si Serene. Nahihiya na tuloy siya kay Jonathan. Gusto niya nalang tumakbo at iwan ito sa ere. Pero baka magkaroon ng pagkakataon ang mga bata na lumapit sa kaniya kaya hindi niya ginawa. Hindi niya pa rin gusto na may makasama silang ibang tao. Sinamaan niya nalang ng tingin ang kaibigan. “Ang cute mo magtampo Serene, ikaw lang naman ang queen ko.” Pinisil nito ang pisngi. Pumiglas naman ito at umatras para hindi makaulit. Gusto niya rin ang huling narinig sa kaibigan. “Talaga? Ako lang?” Lumiwanag ang mga mata nito. Tumango at nangako ang batang Jonathan na siya lang. Tuwang-tuwa naman ang batang Serene sa sinabi ng kaibigan. Hindi na niya naisip ang iba pa dahil alam niyang kapag nangako ang kaibigan, tutuparin niya talaga ito. Tapos na ang kanilang klase at nasa waiting area sila habang hinihintay ang sundo. Nagtatawanan naman ang dalawang babaeng nasa likuran nila. Hindi nila namamalayang nariyan na ang mga nanay nila at nakikinig lamang sa kanilang pag-uusap. “Naku mare, ito na nga'ng sinasabi ko. Magkakatuluyan ang mga anak natin.” Malihim na sabi ng ina ni Serene. Tumatango naman ang ina ni Jonathan, tila gustong-gusto rin ang narinig ka matalik na kaibigan. Tuwang-tuwa nga ito nang magka-anak ng babae ito dahil gusto niyang magkatuluyan ito. Kung hindi naman dahil maaaring mag-iba ang ihip ng hangin paglaki nila at magbago ang mga damdamin nila, hindi naman nila ito didiktahan. Masaya lang silang dalawa na nagiging ganito ka close ang mga bata sa ganitong edad. They have each other. May nag-aalaga sa isa't isa. “I'm glad they're becoming this close." Sagot naman nito. Namalayan na sila ng dalawa at naririnig nilang sila ang pinag-uusapan. Nakakunot-noo na sila sa mga ina nila. “Mommy ba’t ba kayo nakikinig sa usapan ng mag asawa?” Grumpy na si Nathan. “Oo nga, umalis na nga kayo. Can’t you see we are talking?" Nag-pout pa ang cute na batang Serene. Tumawa ang dalawang ina sa mga anak nilang akala mo'y malalaki na. “Pasensya na kayo. Sinusundo na namin kayo." Sabi ng ina ni Serene. "Serene, let's go..." Napasimangot ang dalawa sa narinig. Kung anu-ano pa ang pinag-uusapan nila kaya ayaw pa nitong umuwi. If their mothers can give them time to talk and play for awhile they'll be so much happy. Hindi pa nga nagdililim kaya gusto nilang mag-usap muna. Napatayo ng maayos ang batang Serene at hinarap ang ina. "We're not done planning for our future yet. Can you wait mommy? Please..." Pakiusap ni Serene. Nagulat ang magkumare sa narinig sa bata. Future? What do they know about the future? Minsan katuwaan lang ang pagpapartner nila sa mga bata. Kung magkatuluyan, e 'di masaya pero kung hindi naman, wala 'yon sa kanila. Talagang minsan, gusto lang nilang tuksuhin ang dalawa dahil sa mga ganito na sila mag-isip. Tumingin si Selena sa kaibigang tumatawa sa pakiusap ng bata. Tumango ito na nagsasabing walang problema na mag-usap muna ang dalawang bata. May oras pa naman at hindi pa nagdidilim. "Visit nalang muna natin ang registrar or the faculty to consult about their performance in school." Suhestiyon ni Jocelyn. Selena agreed. “Sige na nga, pagplanuhan niyo ang pagiging mag asawa niyo. Best wishes!” Pagpayag ni Selena kay Serene. Nag 'Yes!' pa ang dalawang 6 at 7- year old na mga bata. Kaya naman tawang-tawa sa pag alis ang magkumare. Si Serene at Nathan naman ay nagholding hands namang naglalakad sa kanilang playground. Kakaunti nalang ang mga bata dahil uwian na. Sanay naman ang iba kapag nakikita nila ang dalawang magkasamang magkahawak ang kamay o humahalik sa pisngi. Nakaupo silang dalawa sa magkanilang see-saw nang may naitanong si Nathan, a 7-year old kid. “Ilan ang gusto mong maging baby, Rene?" Walang malisyang nag-isip ang batang babae sa tanong. “Hmm. I want four." She even showed her four fingers indicating the number. Tumango naman ang batang lalaki. “Okay then, we shall have four,” sang-ayon ni Jonathan. “Paano ba gawin 'yon?” Nagtatakang tanong ni Serene. Natahimik ang dalawa dahil sa hindi alam ang sagot dito. Naging kuryuso bigla si Jonathan kung papaano nga ba niya mabibigay ang apat na bata. Ang dalawang wala pang muwang ay napaisip bigla. Nagkibit balikat si Serene. “Hindi ko alam. I’ll ask my dad when I see him. At paglaki natin, I will give you children.” Kumpyansang sagot ng Jonathan. Masaya naman sa narinig ni Serene. “I’ll wait for the right time Nate, we’re still kids.” Sabi ni Serene. Madali namang sumang-ayon si Jonathan. “O sige, tapos saan tayo magpapakasal?” tanong ni Nathan Nag isip naman si Serene. "Hmm... gusto ko do'n sa church na nagpakasal ang mommy at daddy ko,” sagot ng batang Serene. Natahimik si Jonathan. Napabitaw ito sa pagiging pabigat at napatuko ang paa lupa. Si Serene naman ay pumantay na rin sa kaniya dahil hindi rin ito nagpabigat. Nakita niyang lumungkot ang mukha ng kaibigan. Hindi niya namalayan na nabigka niya ang mga magulang niya. Wala kasi ang daddy niya. Matagal na niya itong hindi nakikita kaya nalulungkot ito. Nasa ibang bansa ito kaya nalulungot siya kapag nakakakita ng kumpletong pamilya. Bigla ring nakaradam ng lungkot at pagsisisi si Serene dahil nabanggit pa ito. Isang araw nalaman niya nalang na aalis bigla ang matalik na kaibigan. Serene was shocked by the sudden news. Hindi niya alam na mangyayari ito. Bigla na lamang siyang iiwan ng matalik at nag-iisa niyang kaibigan. Umiiyak na si Serene sa nalaman niya. Nakaharap na niya si Nathan na umiiyak na rin. “Why are you leaving me?” Sabi ni Rene. “Please don’t cry Serene, I’ll be coming back.” Sagot nito habang inaalis ang luha ng kaibigan. Hinawi naman ni Serene ang kamay nito dahil sa inis at gulat pa rin nitong naramdaman para sa kaibigan. “Then don't leave so you don't have to come back!” Demand ni Serene. Hindi na mahitsura ang mukha ng batang babae habang umiiyak lang. Natawa naman ang mga ina ng dalawa. They're both such a sweetheart. Hindi nila siniseryoso masyado pero nang makita nila ang reaksyon ng batang babae, hindi na muna nila gustong detalye ang lahat kung bakit aalis si Serene. Baka hindi niya makayanan ang buong katotohanan at malito lang ito lalo. Kaya minabuti ng ina ni Serene na hindi na ito ikwento pa. Babalik naman si Jonathan kaya hindi na kailangan. “I want to meet my father,” masaya na may halong lungkot na sabi ni Nathan sa kababata. He doesn't know. He doesn't have any idea as well. He will reject his mother if they'll tell him the truth. Pareho silang dalawa na walang alam sa katotohanan. “Can I come? Di ba? Pwede naman 'yon?" Patuloy nitong pangungumbinsing sumama sa ibang bansa. "Magiging future daddy ko na ang papa mo so I think I should meet him.” Matapang na pagkakasabi ni Serene. Napangiti naman si Nathan do'n. Napalingon pa ito sa kaniyang ina na parang humihingi ng tulong para mapagaan ang loob ng minamahal. He wants her to meet his father too. Pwede naman siguro itong isama. Umiling si Jocelyn. Hindi ito sang-ayon at hindi sila pinahihintulutan. Nadismaya lalo ang dalawa at napaiyak si Serene. Lumapit si Nathan sa kaniya at hinagkan ang dalawa nitong pisngi. “Soon but not now. You will meet him," isang batang puno ng maturidad at pag-asa. "Sa ngayon, please stay here and play with others. I will come back and we’ll get married soon. Okay?” Then he kissed her forehead. A seven years old girl and an eight years old boy already know innocent and young romance. Napaiyak na rin ang dalawang ina na nanonood lang sa kanilang mga anak na namamaalam. They're guilty and it's breaking their hearts. They feel bad for them. Nahirapan si Serene na patahanin ang sarili. Hindi niya mapagaan ang sariling kalooban dahil hindi niya pa rin talaga matanggap na iiwanan siya ni Jonathan. Kalaunan, napatango na ito at hirap niyang huminga ng maayos. She trust him. Hindi pa niya natutupad ang pangako nito pero puno ang kumpyansa niya rito. Jonathan will not break any promises. “Promise me, you’ll come back and I will wait for you my Nate Nate.” Ngumiti ito kahit na hirap pa rin sa pagtahan. Nag pinky promise ang dalawang matatag na bata. Nathan gave her a customized bracelet, gawa sa yarn. May nakaukit na maliit na bakal do'n, Nate Love Serene. Napangiti naman silang dalawa. Tiwala si Serene na totoo ngang babalik ito dahil sa maliit na pangako. “Don’t lose it, Rene Rene. I’ll miss you,” he said. “I won’t, I’ll miss you more Nate Nate.” She kissed him sa lips, na ikinagulat ng mga magulang nila. Their first kiss. They both blushed and went silent. After that... They cried like they will never see each other again. After 2 years, on Serene’s birthday. “Happy Birthday, my dear!” Bati ng kaniyang ama na may kiss sa pisngi. “Thank you po daddy!" Maligayang sagot ng batang babae. "I wish you only happiness, my only child. Love ka namin ng mommy mo." Sabi pa nito. "I love you po." It has been 2 years and many months, so almost three, dalawang birthday na niya ang malalagpasan nito. Walang Jonathan Paredes ang umuwi ng isang linggo, isang buwan at isang taon at isa pa... at isa pang taon. Maaga siyang nagkaroon ng surprise sa magulang niya pero ibang surprisa ang inaabangan niya. Laging sinasabi ng mommy niya na walang balita kina Jonathan simula no'ng umalis. Hindi siya naniniwala pero iniisip niya minsan, bakit naman magsisinungaling ang mommy niya gayong boto ito kay Jonathan. Alam niyang matalik silang magkaibigan. Hawak niya ang pangako hanggang ngayon na babalik ngunit wala pa rin. "Baka naman..." napaisip ng maidadahilan sa sarili si Serene para sa taon na ito. Pag hindi ito dumating ngayon hindi niya talaga alam ang gagawin. Bakit sila natagalan sa U.S.? Tanong lagi ni Serene sa sarili. Matapos maisurprise ng parents niya ay nasa kwarto lang si Serene nagpapahinga. She opened heaps of gifts from her relatives. Iyon nalang ang pinagtuunan niya ng pansin kay sa magmukmok nalang. Hindi na niya namamalayan ang oras dahil naagaw nito ang atensyon niya. She tried on a lot of clothes, few perfumes and toys that she enjoys. Naputol ito nang tinawag siyang bumaba. She frowned. "I'm still trying this on!" "Sige na! Lumabas ka na diyan. Kanina ka pa. Lumabas ka naman diyan." Sabi ng mommy niya. Fine, she thought. Nakabusangot itong bumaba. Ayaw na niyang makita ang mga tao, gusto niya lang ibaling ang sarili sa ibang bagay. Pagkababa naman niya ay tahimik ang bahay. Tamad siyang lumingon sa paligid niya. "They must be joking." Bulong ni Serene sa sarili. Habang ninanamnam ang katahimikan, may naririnig niyang marami boses ngunit mahina. Nanggaling ito sa labas ng bahay nila. Lumingon sa at dinidnig ang maliliit na boses. Baka sa labas kakan, she thought again. Those voices lead her way out. Wait, is it a surprise? Is it Jonathan? He's here? They wouldn't surprise her if it's not him. Bigla siyang kinutuban. It must be it! Nagmadali siyang naglakad, halos tumakbo papalabas para makita ang surprisang inaasahan niya. She swore, she'll act shocked. Nang makalabas at mapadpad sa garden... “HAPPY BIRTHDAY SERENE!" Sigaw ng pamilya at mga kaklase niya. Nabigla siya at napaawang ang labi. It's because of the disappointment. Binawi niya nalang ito sa ngiti agad dahil ayaw niyang makita ng lahat ang kaniyang pagkadismaya. Nagpasalamat si Serene sa mga kaibigan at sa pamilya niya. Nagkantahan at nagsayahan ang mga bisita pero si Serene lang ang wala sa sarili, sa sariling kaarawan. Sa ikalawang pagkakataon, ganito na naman siya. Someone promised her but he never came back. Gusto na niyang magalit pero para saan? Hindi niya kayang magalit dito. Pero hanggang kailan ang paghihintay? Hanggang kailan aasa? Umabot din ng gabi, wala siyang ginawa kundi mag muk muk sa harapan ng cake niya, hindi parin nagagalaw, kahit ang mga bisita ay nagsiuwian na. Ramdam ng magulang nito ang sakit na dinadamdam ng anak. "Serene, you have more gifts in the sala. Puntahan mo para makita mo. Dali!" Says her mom. Walang gana itong tumungo. May mga sariling mundo na ang mga bisita niya. Naisip niya, mas mabuting pumasok nalang muna sa loob. Pagkarating niya sa sala. May nakita siyang lalaking nakaupo tila may hinihintay. "Panaginip na naman ba?" Mahina niyang bulong. Nang mas paparating siya lumalakas na ang pintig ng puso niya. Familiar sa kaniya ang mukha ng lalaki pero kakaiba ang pakiramdam. "Serene, happy birthday." Sabi nito. Napapikit saglit si Serene at napadilat matapos. Ramdam niya ang pagkakaiba. But it's him, Jonathan! Lumapit siya a naiiyak. “Nate Nate, I missed you so much!” Niyakap niya ang lalaki ng napakahigpit. “I missed you too, Rene Rene,” he said bluntly. But something’s missing. Tnignan niya ang mata ng batang Jonathan. Lumayo siy rito at saka niya napansin ang ina ng kaibigan. “You’re not my Nate Nate!” Paratang niya sa kaibigan niya. His face is purely the kid who left him before but the feeling was odd. She don't understand at all. Tumatawa naman ang mommy nito at lumapit sa kanila para magpaliwanag. Halatang kabado si Jocelyn habang nag-iisip ng magandang paliwanag sa batang Serene na matagal na naghintay sa kaniya. “Ano ka ba Serene, It’s Jonathan! He's got taller than before. Tinanggal na rin niya ang nerdy glasses niya. He did that for you.” Sabi ng ina. Nagkatinginan ang mag-iina. Kumunot noo ang batang lalaki. Ngunit kalaunan ay binaling si Serene at ngumit nalang dito. END OF FLASHBACK Tulala lang si Serene sa harapan ng kaniyang mommy. “Serene?" Alalang tawag ng kaniyang mommy. "Serene? What happened to you?” She snapped her fingers. Tulala pa rin ito. Nawala siya bigla sa mundong ibabaw. She remembered, the day Jonathan came back from the US it was a surprise made by her parents. Sa araw na 'yon, sa tingin niya doon nagsimulang magpalit ang magkapatid. That day, it was J.A. and the real Jonathan was left abroad. “Serene? Wake up!" Does that mean, her parents knew about this secret? Magkaibigan sila ng mommy ni Jonathan. “Mom..." una niyang naibulalas. Tinignan niya ito ng puno ng pag-aalala. “W—What’s wrong Serene?” She cupped her cheek. Naiyak na naman si Serene sa mga naalala kahapon. She wanted to tell her mom about it but she was at work. “They’re twins mom!” Serene was about to hugged her mom when she saw her reactions. Namutla ito at nanigas nalang sa kinatatayuan. Naging tama ang kutob ni Serene kanina lamang. Naging tama ang takbo ng realization at flashbacks sa kaniya. Her mom... even her dad knew this all along. Her tears started to become Ma. Christina Falls. “In your face it seems like you already knew mom." It wasn't an assumption, but a statement. Umatras si Serene. Bumuka ang labi ng mommy niya pero walang boses na lumalabas dito. Serene felt betrayed by her own parents. Mabilis niyang tinalikuran ang mommy niya at pumasok sa kwarto at nagkulong. Everyone knew... except her.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD