Tunog ng mga nabasag na mga kagamitan.
Nagkalat na mga bubog.
Mga napunit na mga litrato. Nagwawala si Jonathan pagkatapos umalis ni Serene sa bahay niya. Ang akala niya kanina'y maitatama niya ang lahat. Isang malaking kahibangan na mareresolba ang lahat sa gano'n. Hindi niya mapapapatawad ang sarili niya sa sinapit ni Serene, ang kaisa-isang babaeng minahal niya. Ang babaeng matagal niyang pinaghintay.
Sa isang iglap, mawawala ito sa kaniya.
Jonahan's POV
Putangina! Nasaktan ko ang babaeng pinakamamahal ko. Ang babaeng pinangakohan ko na bibigyan ng magandang buhay. Mawawala ito sa isang malaking pagkakamali.
Natakot lang naman ako. Alam ko na hindi niya ako mapapatawad sa gagawin ko noon pero ginawa ko pa rin. Ayaw ko lang siyang mawala sa buhay ko pero isang malaking kagaguhan lang ang ginawa ko.
Paano ka na ngayon, Nathan? Isa ka nalang patapon ngayon.
Serene is the type of a girl who wouldn't forgive unless you deserve a second chance.
Makakakuha pa ba ako no'n? Do I deserve one?
"Putangina!" Sigaw ko.
Halos maubos na ang lahat ng mga gamit dito sa kwarto ko. Lahat ay natapon, nasuntok kay nasira, at nasipa ko na. Wala ka talagang ginawang tama sa buhay mo, Nate! Gago ka! Isang babaeng pinangangalagaan ko, ako pa mismo ang nanakit sa damdamin niya.
I promised to protect her. I promised her a life of a queen. It's all gone now. Nasaktan ko siya ng sobra. Seeing her reaction awhile ago, mas nakakatakot ang paminsan-minsan niyang pag-imik. Hindi siya gano'n dati pa lang. She'll voice out her anger, frustrations and all of her worries. Hindi ako nasanay sa katahimikan niya kanina, maging sa mga iyak niya. Hindi ko pa siya nasasaktan ng ganito noon.
I told that motherfucking John Andrew to give me time to explain. Anong ginawa niya? Sumugod dito at nagpahuli kay Serene. Hindi niya kailanman alam na may kapatid ako at kambal pa.
"f**k, why am I blaming him. It's your damn fault." Paninisi sa sarili.
Napahilamos ako sa mukha ko. I wonder if she's safe. I wanted to dress her up properly before leaving yet she's too eager to leave. Ayaw niyang magpahatid, she only took her phone and left.
Nang makalabas ako ng bahay para sundan siya, nakita ko na siyang tumakbo papalayo kay J.A.
Hindi na dapat pa ako nagpakita. Hindi ko dapat ginawa ang hindi dapat. When I left and exchanged my life with my brother I knew something like this will happen. Alam ko na hindi na saakin iikot ang mundo niya. Pero hawak namin ang alaala noong mga bata pa kami kaya pinaghawakan ko 'yon. I hate hiding her a secret but I had no choice. I wanted to protect my family as well.
Lumabas ako ng kwarto at nakasalubong ang katulong namin.
"Anong nangyari, J.A..." nanlaki ang mata niyang nang makilala ako. "Nathan pala. Pasensya ka na, nag-aalala ako dahil may naririnig kaming nababasag sa kwarto mo."
"Pakilinis nalang mamaya." Sagot ko at bumaba.
Serene, mahal. Hindi ako makapag-isip ng dapat gawin para makausap siya na hindi ko nasasaktan, Dahil talaga ako nag-iisip. Ang nasa isip ko lang kanina nang pumunta siya rito ay ang kasabikan na makasama siya. Na mayakap siya ng matagal. Biglaan ang uwi ko at dapat may umalis sa aming dalawa para hindi siya makahalata pero nagmatigas si J.A na hindi mananatili sa Canada, uuwi siya rito dahil maghahanap na si Serene.
I told him I will cover up, I didn' think he'll be home and he'll act like Serene is his possession.
Gago! Kami ni Serene ang nagmamahalan.
Pumunta ako sa kusina, binuksan ang ref at kumuha ng canned beer. Hindi ko pa rin maalis sa dibdib ko ang sakit na sinapit ni Serene. The picture of her broken into pieces made me feel like s**t. Masaya kami kani-kanina lang. I didn't plan to make love with her but I think it was a decision made by us.
Binigay sa akin ni Serene ng buo at tapat.
Sinira lang ni J.A.
He entered recklessly. Napakafragile ni Serene, hindi niya ba alam 'yon?
Akala ko, hawak ko ang sitwasyon. Na kaya kong panghawakan ang mga galaw ko, but I was wrong. I made her cry, I broke her into pieces.
I made her feel that kind of pain. Hindi ko rin mapatawad ang sarili ko.
Tinungga ko ang buong laman ng beer. Piniga ito sa puno ng galit, frustration at pag-aalala sa kay Serene. I hope she's home now and well. She was so devastated when she left. Binato ko ang canned beer.
Ang laki kong gago, sobrang laki kong putangina!
Napapaisip ako nang masaksihan ko mismo na naguguluhan si Serene, which is given. Nakita kong ilang beses siyang napatingin kay J.A. habang ako naman ang nagpipilit na pakinggan niya. When my twin confirmed that I am the real Jonathan, her childhood friend, she was looking at J.A as if she's hoping for something.
Was she hoping na nagkakamali lang siya ng dinig? Was she thinking she it heard wrong because it stung.
Hindi naman masyadong matagal nang magkapalit kami ni J.A., nakuha niya ang loob agad ni Serene? No, Nate, Serene will not forget me. The real Jonathan whom she share her whole life with. Alam kong marami siyang alaala namin na hindi kailanman maku-kwento ng kakambal ko sa kaniya. Hindi ako makakalimutan ni Serene, the way she gave in to me earlier. The way she trusted me with her first. The way she touched me. I know, she knows me.
Mahal niya pa ako bilang si Jonathan.
I have to make things right from now on. Ngayong alam na niya ang pinakatatago kong lihm, kailangan kong makuha muli ang loob niya. I want her to love me again just like before. I have to make her love me the same as we were younger.
At hindi na siya iiyak pang muli sa kamay ko. Ibabalik ko na siya sa tabi ko. Magiging masaya kami.
But how?
I have to make a better plan but I have to explain everything to her first. She was already exhausted from the truth she heard earlier, I understand that she doesn't want to hear everything in one hand. She will be needing rest but once she's well, I will tell her everything. Lahat para malaman niya at kung sa huli ay hindi niya ako matanggap, gagawa ako ng paraan para mapatawad niya.
Gano'n ko siya kamahal. Mahal na mahal na gagawin ko ang lahat maibalik lang siya sa akin.
Ayaw kong sa huli ay masayang ang alaala naming dalawa.
Masasayang alaala.
Five years of suffering in Canada because of J.A. It was because of him I had to leave Serene without telling her anything. Recalling her asking me where I've had been a week ago made me think, my brother secretly left the country without telling her. Magkapatid nga kami, mga gago!
I wonder if she regretted it. Ang nangyari kanina ay bunga ng pagmamahalan naming dalawa pero sa tingin ko, pagkatapos niyang malaman ang lahat isang kasinungalingan at alimoot na alaala na iyon para sa kaniya.
"I'm sorry, mahal."
Hindi ko ginustong maramdaman iyon. Isang kataksilan marahil iyon para sa kaniya. Sana hindi niya isiping marumi siya dahil para sa akin, ang ipagkaloob ang sarili niya ang pinakamagandang bagay na nangyari sa akin simula noong umalis ako limang taon na nakakaraan.
Sana mapatawad pa niya ako.
John Andrew’s POV
Isang malakas na mura ang iginawad ko sa sarili nang tumigil ako sa pagtakbo. Hindi ko na siya maabutan sa sobrang bilis ng takbo niya papalayo sa akin. It broke my heart so much seeing her running away from me. Pati ba sa akin takot na siya? Gago, J.A. dapat lang, sinaktan mo siya ng labis labis.
Kapag hinabol ko pa siya mas lalo lang siyang tatakbo sa akin. What if she gets an accident while running away? Naisip ko 'yon nang may halos bumudol sa kaniyang sasakyan dahil hindi siya tumitingin sa dinadaanan niya. Tumigil ako, I'll let her run... later if she feels no one is following her, she'll eventually stop running.
Pagod na siya. Hindi pa siya nakapagbihis ng maayos. Naisip kong ihatid siya pauwi pero alam kong hindi niya ako pauunlakan. She'll not run away if she's not avoiding me.
It's a given. Nalaman niyang hindi ako ang totoong Jonathan.
Putangina! Nakita ko pa silang magkasama sa kama. Hindi ko man nasaksihan ang lahat pero alam kong may nangyari sa kanila.
fuck! Gusto kong pagsusuntukin ang mukha ng gagong Jonathan na 'yon. How dare he motherfucking did that to her? Serene might felt a little weird about him. Kahit na magkasama na silang lumaki noon, Serene is fond of me already. Ako na ang nobyo niya at kahit na nakapangalan ako kay Jonathan, hindi maitatanggi na ako na ang kinikilala niya.
Hindi ko mapigilang magalit sa sarili ko, kung umuwi ako ng mas maaga sa kaniya. Napigilan ko sana ang magpapakilala niya kay Serene. He was that impulsive. Gago! Hindi nag-iisip. Akala niya sa kaniya pa rin si Serene. Hindi niya alam ang totoong nangyari sa amin pero nagmatigas siya. He promised me, na hindi muna siya magpapakita kay Serene. He shouldn’t be, she'll get confused. She'll feel weird. Iba na ang nakagisnan niya nang umalis siya.
Bobong Jonathan! Hindi niya tinupad ang pangako niya.
Talagang ginalaw pa si Serene. Nagpanggap na walang nangyayaring katarantaduhan.
At ngayon, nasaksihan ko pa na magkasama sila. It's obvious, he laid on my girlfriend and made love with her. That bastard! Hindi ako makapaniwalang nangyari ang bagay na hindi ko magawa kay Serene dahil sa respeto at pagmamahal. Alam ko ring malaki ang kasalanan namin kaya ayaw kong pagsisihan niya ang lahat kapag dumating ang pagkakataong ito.
Jonathan ruined everything!
I left the room not because I chickened out. I just can't take seeing her broken down. Durog na durog ako nang pinakikinggan ko lang siyang umiiyak. Hindi ako makatingin sa kaniya. Parang gusto ko nalang magwala sa mga oras na iyon pero pinipigilan ko dahil ayokong lumalala ang lahat para kay Serene. I gave it Jonathan to not confuse her more. Hindi ko alam kong may masasabi pa ba ako.
Gusto ko lang ay ang hawakan siya at mayakap o aluhin.
Kaya lumayo ako. Hindi ko kayang nakikitang gano'n.
Nasasaktan ako, pero wala siyang kasalanan. Ako, kami ng kakambal ko ang may pakana nito. Isang malaking kasinungalingan ang nagawa nami. Akala namin noon bago namin gawon ito, wala kaming magiging problema. Madali lang 'to para sa akin dahil wala akong ibang inisip kung hindi ang makatakas sa ama ko. Akala ko hindi niya mapapansin, who rememebers their childhood past? I don't. Akala ko hindi niya mapupuna na wala akong alam sa kanila ng kakambal ko. Na walang makakapansin, walang makakaalam.
I survived with all of her questions before. I thought, we succeed. Jonathan will just come back, he'll tell the truth and everything will just be fine.
Delikado pero desperado ako no'n kaya pumayag ako.
Di nagtagal, nahulog ako sa kaniya. Jonathan didn't know I was courting her all along. Nasuntok pa ako nang malaman niyang kami na nga dahil ayaw niya ng gano'n. Wala na siyang nagawa kaya siguro ilang taon niyang pinaghandaan ito, ang makabalik dito. Ang ipakilala ang sarili ng patago sa kaniya.
It's a disaster!
I love Serene! Damn, I want her mine.
I was in pain with I saw them together. I knew what I had to do, leave them alone and just vanish, but my reaction didn't act right. Nilayo ko siya at natuklasan niya ang katotohanang iniingatan namin.
Matagal na akong nasasaktan, simula palang na naging kami. She always calls the name that wasn’t mine. I adore my twin brother for being a genius but later on his name became my enemy. I disgusted that name! Jonathan, ang kinamumuhian kong pangalan simula ng minahal ko babaeng nagpatino sa akin.
Minahal ako ni Serene, dahil kamukha ko si Jonathan.
Aaminin kong natakot na dumating ang araw na ito.
Kung may pipiliin man siya, sino sa amin? Kung magpapatawad siya, ako kaya ang pipiliin niya? Were our memories enough to be chosen? I'm f****d up to be honest!
Noong bata pa kami, akala ko masayang magkaroon ng magkamukha, pero nang nagmahal kami ng iisang batang babae ay hindi na pala. Kasi siya mismo ang kalaban mo sa pag-ibig niya.
I'm always an asshole. Kaya sinuka ako ng tatay ko at gustong si Jonathan, mabait kasi 'yon, matalino at masunurin. Kinakaya nga niyang ipagpalit si Serene, e. Right now, what I want to do is punch his face. Kanina pa ako nagngingitngit sa galit.
I need to let it out.
Mabilis akong pumasok sa bahay kahit na pawisan dahil sa paghabol kay Serene.
"Sir!" Bungad ng isang katulong na nagwawalis sa hagdanan banda.
Nagulat siya sa akin.
"Where's Nathan?" Tanong ko.
Kumunot ang noo niya sa akin. Para bang hindi niya nakuha agad ang tanong ko. Is she new here? Ilang sandali lang ay napagtanto na niya ang gusto kong ipahiwatig.
"N-Nasa kusina siya-"
Hindi ko na kailangan marinig ang sasabihin niya. Agad ako tumungo sa kusina na hindi lang kalayuan.
Nandito nga siya.
I saw a canned of beer on the ground. He's got the time to even sip a beer. Asshole!
Sumugod agad ako sa kaniya, mabilis na kinwelyuhan at pinatayo ng maayos. Nang makatyempo na ay sinuntok ko agad ang nakakairita niyang pagmumukha.
"Gago ka!" Sigaw ko.
Nabigla siya sa ginawa ko at dahil sa bilis hindi na siya nakailag. Agad siyang tumilapon ng nabitawan ko siya.
"Hindi ka talaga nag-iisip. 'Yon lang ang nag inisip mo pag-uwi rito, ang ikama siya at magpakilala?" Maangas kong sabi.
Makakatikim talaga siya sa akin.
"Kung hindi ka nagpakita, makakapagtapat sana ako ng maayos sa kaniya."
Napapakamakasariling tao talaga!
Sinuntok ko pa siya ng isa pa. Binigay ko ang pinakamalakas kong suntok at pinunterya ang mukha niya.
"Putangina mo! Gago ka talaga!"
Alam kong napuruhan ko siya do'n pero mas malaki ang katawan sa akin ng kakambal ko. Agad siyang nakabawi at nakatama rin ng suntok sa akin. Malakas ang impak nito sa akin.
He's got a build body, alam kong malaking pasa ito mamaya o bukas. Hindi niya ako binigyan ng pagkakataong makabawi at sinuntok na naman niya ako sa mukha. Galit kami sa isa't isa ngayon. Nagsisisihan sa nangyari kay Serene.
Mabigat din ang kalooban niya dahil mahal na mahal niya ito. I just can't help but blame him for breaking her that easy. I thought he loves her? Hindi ba siya makapaghintay na ibigay ni Serene ang lahat kapag siya talaga ang napili? It's not the issue here as well. He's an asshole! I'm gonna punch him even though I know I'll be beaten up the most.
Dinaganan na niya ako ngayon, I used my arms to shield his punches. He's quite strong as always. He's gonna beat me!
"Si Serene ay akin." Patuloy niyang ulit.
"Hindi siya sa 'yo. Hindi mo siya pag-aari!" Sigaw ko at patuloy na umiiwas sa suntok.
"Hindi rin siya sa 'yo! I'll win her back! Huwag ka nang makialam!"
Umaawat na ang isang katulong na nakasaksi ng suntukan pero takot siyang lumapit dahil masasaktan din siya.
Malakas si Jonathan. Buo ang galit niya kaya hindi niya namamalayang may umaawat.
"Sir! Huwag kayong mag-away!" Pagmamakaawa niya.
Nang nakita kong natigilan siya. Ako naman ang nagkaroon ng pagkakataon.
Gumanti ako ng suntok, malakas ko siyang sinipa kay tumilapon ulit siya. Nagmamarka na ang pasa sa mukha niya at dumudugo na ang ngipin niya. Nagliliyab pa rin ang galit niya sa akin. Susugod muli siya pero nakaiwas na ako. Aakma akong susuntok pero nakaatras siya para umiwas dito.
“What have you done, you promised me!" I shouted.
"It's natural, I love her. She loves me!" Sagot nito.
Nagbasagan na ang mga gamit sa kusina dahil kung saan saan tumatapon ang mga kamao namin.
You're just a f*****g childhood friend. Ako ang nanligaw sa kaniya at ako na ang kinikilala niya. If you can see her hesitation with you asshole. You're blinded by your past!
“Ako na ang mahal niya ngayon!" Sabi ko.
Hindi ako kumpyansa pero hindi ako patatalo sa kaniya.
Move on! Hindi na sayo ang mundo niya.
Lalong nagliyab ang galit niya sa akin, tumalab ang pang-iinis ko.
“She loves you dahil anino kita!” Nakatakas ang suntok niya sa tagiliran ko.
Napaatras ako sa sakit nito. Tangina! Malakas talaga siya.
Tama siya, ako ang tumatayong Jonathan habang wala siya, at para hindi malito ang mga tao sa biglang pagbabago at pagpapalit naming dalawa. It wasn't just for Serene but for everyone else.
Because of me, our father has to switch us up.
I gave him my last hand, a very strong one, napatumba siya ulit. Pareho na kaming duguan at puno na ng mga pasa sa mukha. I think it's enough. Sa pagkakatumba niya ay hindi na siya gumalaw. Malalaki niya ang pagtaas baba ng paghinga niya pero luha sa mga mata ang nakita ko.
Sumusuko na siya sa akin labanang ito. Nakatayo akong nagwagi pero hindi ko ramdam.
"I'm sorry, Serene." He cried.
fuck!
Tumalikod na ako, gusto ko siyang patayin kaya lang kapatid ko siya. Aaminin kong sa totoo lang talo na ako.
Gulat na gulat ang mga katulong na nasa isang tabi. Nilagpasan ko lang sila at hindi na alam kong saan pupunta ngayon. Saan pupulutin ngayon. Saan hahantong ngayong ramdam ko ang pagkatalo.
“I’m serious to what I've said," sabi niya kahit naghahabol ng hininga. "I’m taking her back! Kaya sumuko ka na dahil gagawin ko ang lahat maibalik lang ang tiwala niya sa akin."
Tuloy ako sa paglalakad, hindi ako papayag. Hinding hindi ako papayag, na maging anino niya ulit at hinding hindi ako papayag na makuha niya si Serene sa akin.
Lumabas ako ulit ng bahay, at madilim na. Is she home? She should be home already. I hope she took a bath and taking her rest! Tamad 'yon at gusto laging pinapagalitan ko. Alam kong malabo pero sana hindi siya umiiyak ngayon. Kung sana may kaya akong gawin para patahanin siya. Sana nakalimutan na niya ang nangyari sa kanila ni Jonathan, at sana ako pa rin ang mahal niya, kahit na nalaman niya ang totoo.
I'm selfish too.
Because I gave my sim card to Jonathan to communicate with Serene whilst he's in the Philippines, I needed to buy for my own. Isang malaking kamalian, ang usapan lang naman namin ay makita siya, makausap at makasama kahit na ilang araw. Then, he'll be back to Canada.
Ito ba ang balak niya?
No, I bet not.
I opened my phone, kahit na hindi naka-save ang number ni Serene sa phone ko, saulo ko ito. Her number is easy to memorise.
I pressed the call icon.
"The number you have dialed is either unattended or out of coverage are-"
She turned of her phone. Mas lalo tuloy akong kinabahan. Malamang ay pinatay niya ito dahil alam niyang may tatawag sa aming dalawa. Pero hindi ako mapakali, gusto kong masiguradong nakauwi siya ng maayos.
“Serene..." bulong ko sa pangalan niya.
She's safe right? She should be safe. But I can't think properly.
fuck! What if?
"Mahal, please be safe."
Nanginginig akong naghahanap ng ibang paraan para makontak siya. I'm sure I can't reach her through her social media. Kung anu-ano na ang naiisip ko, hindi alintana ang sakit ng mukha at katawan dahil sa bugbog.
"s**t!"
Naisip kong tawagan nalang siya sa telepono ng bahay nila.
Hindi ko masyadong saulo ito pero pamilyar sa akin. I had to use my regular load to call. Kahit ano gagawin ko para makontak lang siya. Please, Serene! I need you to be safe. Pagsisisihan ko talaga kapag may nangyari sa kaniyang masama.
I tried several numbers I can recall until a number is registered in my phone.
"Bobo! You could have type her home telephone number!" Pagalit kong sabi sa sarili.
It could had been easy.
Stupid! Agad kong pinindot ang call icon nito.
Walang sumasagot sa unang ring...
"Hello?" Sagot ng isang babae.
"Si Jonathan po ito," f**k that name. "Is Serene there?"
"Ah... eh... hindi ko alam." Sagot niya.
Hindi ko alam kong maniniwala ako doon sa sinasabi niya o talagang hindi niya nakitang dumating si Serene at ibang katulong ang nakasalubong sa kaniya.
"Paki-konek nalang po sa kwarto niya."
"Sige," at ginawa niya naman.
Natapos nalang ang ilang rings ay hindi niya ito sinasagot. Gusto ko lang masiguradong nakauwi nga siya.
I dialed again.
"Pasensya na ho, pakikonek ulit sa kwarto ni Serene," bungad ko sa sumagot.
Sa ikalawa't ikatlo, walang sumasagot.
Sinubukan ko ulit.
"Hijo, ang kulit mo! Baka ayaw kang kausapin." Boses ng babae pero hindi na yung kanina.
"Pasensya na po."
Kinonek niya rin naman ito pero bigo pa rin ako.
Bahala na talaga. Hindi ako mapakali. Mukha nakauwi naman siya pero gusto kong marinig ang boses niya. I want a proof that she's home and safe. I know I'm asking too much. Nasaan na yung 'malaman lang na safe siya'? I'm sorry Serene, I just missed you.
Nang sumubok ako sa panghuli.
"Hays!" Iritadong sagot ng nasa kabilang linya. "Nasa kwarto lang po si Serene. Huwag mo nalang gambalain baka nagpapahinga."
"Last na po ito, pakiusap."
Huminga ito ng malalim at ginawa naman ang pakiusap ko.
Sabi ko huli na ito. Sana naman...
Sa wakas she picked the phone, uunahan ko na siya.
"Hello!" Simula ng nasa kabilang linya.
It's her. It's my Serene. She's home.
“M—Mahal?” Hindi ko mapigilan.
Natigilan siya hindi niya yata ito ini-expect. Can she identify my voice? Kilala niya kaya na ako ito? Kinakabahan ako.
Ano na nga ba ang nangyayari sa amin ngayon? Hindi pa rin siya sumasagot. I'm expecting that she'd dropped the call but she didn't. I composed myself, ayokong dumagdag sa sakit na nararamdaman niya.
But it's my turn. Kanina buong mundo niya hawak ni Jonathan. Sana naman kahit saglit, akin.
“M—Mahal, n—namiss kita.” Patuloy na bumabasag ang boses ko.