Chapter 5

3532 Words
Serene's POV Pesteng luha ito! Ayaw magtigil. Ang dali lang madala. Ang tanga mo Serene! All this time, tinraydor ka na pala ng lahat. Maging ang mga mahal mo. Hindi ako makapaniwalang gagawin ito ni mommy at daddy sa akin. It was wrong from the very beginning. It was wrong! Pero ginawa pa rin nila at ito ako ngayon, nasasaktan. Bakit mommy? Sarili mo akong anak. Ako dapat ang inuna mo kaysa paglilihim sa akin. "Anak! Mag-usap tayo, please." Patuloy na pagkatok ni mommy. She can actually open the door and invade my privacy but that will add fuel to the fire. Hindi niya ginawa. I know she will not do that at all. Lalo na't alam niyang may kasalanan niya. I hate that they betrayed me! I never damn thought na kasabwat sila Mama, sa lahat ng kagaguhan na ginawa ng magkapatid sa akin. Paano sila nabuhay sa kasinungalingan? Paano nila nagawa to sa sarili nilang anak? Paano? It's so ridiculous. If I was not caught by J.A with Jonathan in his bed, this will continue. Siguro hanggang ngayon o sa mga susunod ay hindi ko ito kailanman malalaman dahil napakagaling nilang magtago. Sobra nilang galing na talagang napaniwala nila ako. How dare you Jonathan? I'm so sure sa kaniya ito nagsimula. At bakit naman pumayag si J.A.sa kagaguhan ng kakambal? Balak ba nila ito sa simula pa lang? Ang bata pa nila no'n para makapag-isip ng ganitong kalokohan, a. Ganiyan ba talaga ka-advance sa US? But they moved to Canada recently, gano'n din ba doon? Hindi ba sila kailanman nakunsensya na may masasaktan sila sa gagawin nila? I can't believe my very own childhood friend will do this to me. Hindi sumagi sa isip ko na masasaktan niya ako ng ganito dahil ang alam kong Jonathan ay mahal ako at iniingatan ako. I thought I'm safe with him. Lagi ko pa namang bukambibig na hindi siya katulad sa mga naging nobyo ng mga kaibigan kong mananakit o mga walanghiyang lalaki. Walang pinagkaiba, pare-pareho lang silang lahat. I can't stay here while Jonathan and J.A. are around. They know my house. Especially Jonathan. My parents are here too. Pipilitin nila akong pakinggan nila at magpaliwanag. Gano'n pa rin naman. This is the consequence of their actions. My heartbreak. Inisa yata ng Panginoon ang pasakit sa akin. Kaya ba wala akong masyadong pagsubok nitong nagdaang taon? Kaya ba ang sarap at ang saya ng buhay ko? Ito na ba 'yon? Sa isang araw para akong namatay. Para akong piniga ng sakit sa puso. Parang habambuhay ko itong dadalhin. Isang pangyayaring gumulo sa pagkatao ko. This betrayal is so sad. Lahat ng mahal ko sa buhay, mga taong malapit sa puso ko ang nanakit sa akin ng ganito. How ironic! They told me to be careful outside. Sabi nila huwag makikipagkaibigan sa mga bad influence. Sabi nila hindi mapagkakatiwalaan ang ibang tao. Stay close to the family and your trusted friends. What is this now? Aren't they the scariest? Hindi ko alam kong anong buhay na magkakaroon pa ako ngayon, I just want to go away, far away from them. Good enough na hindi ko na sila maalala pa, ayoko nang balikan pa. Tumigil din si mommy sa pangungulit na makipag-usap sa kaniya. Wala rin namang saysay. The entire day, I'm just in my room. Hindi ako lumabas at muling hindi nakakain sa agahan. By lunch, may gumamit na ng spare key para makapagpasok lang ng pagkain. Dahil na rin sa gutom at ayaw nang magmatigas ay kinain ko ang binigay nila. I've decided. Throughout the day, I've had planned everything. I just can't stay here and sulk. Ayokong harapin muna ang mga bagay na hindi ko pa naiintindihan. Ayokong magtiwala pa sa mga sasabihin nila sa akin. Their truth are theirs. How about mine? Ano ang katotohanan na tatanggapin ko? Ano ang katotohanan ang para sa akin? Naghanda na ako sa mga dadalhin ko. Sa loob ng isang araw, nakapaghanda ako sa dadalhin ko. Hinanda ang sarili. Inalam din kung papaano ako makakalayas na hindi nalalaman ng kahit sino. Gladly, we don't have guards inside. May CCTV lang at kumpyansa naman ako dahil tsaka lang nila malalamang nakaalis ako at anong oras kapag nalaman nilang nawawala na ako. Masisilip nila iyon at wala na silang makukuha bukod doon. The problem now is the security guards of the subdivision and the maids inside the house. Mahihirapan akong makalabas nang hindi nakikita. I have to find a way. Dinner time, my door opened again. I pretended sleeping. Tinago ko sa gilid ng bed ko ang bag na dala at nagkumot para hindi makitang bihis na bihis ako. Tsaka ko lang napagtanto na si mommy ko ang nagbukas at nagdala sa akin ng pagkain. "Serene, anak..." She trailed. Dinig ko ang bigat at lungkot ng kaniyang boses. Hindi ako sumagot, ni gumalaw dahil baka makita niyang gising pa ako. Narinig ko ang paglapag niya ng tray sa study table ko pero hindi ko namalayan ang paglapit niya sa akin. Hindi na niya siguro kinaya ang hindi ko pagkibo. "Anak... kumain ka na. I'll give you time and space. I won't rush you. Magpapaliwanag si mommy at daddy sa 'yo, okay?" I'm glad I didn't wear makeup. Dahil talagang agad niyang malalaman na may plano akong umalis. Wala rin akong pabango. "I'm sorry, Serene." She kissed my cheek. Hinaplos-haplos saglit ang buhok ko bago ito lumayo sa akin at lumabas ng kwarto. Gusto kong lapitan ang mommy. Gusto kong maging maayos na agad pero naisip ko, paano ako? Am I that selfish? Parents ko sila! Sino ba ako? Naisip ko, paano naman ako? Nasaktan din ako. Hindi ko alam kung paano ko nagawa pero sa isang iglap ay nagawa kong makaalis ng bahay na walang nakakaalam. It was odd that the living room was empty, also the front yard. I thought it was impossible but I made it. Our gate are always locked but when I went out, it wasn't. Wala ang sasakyan ng daddy so probably it was for him. Hindi pa nakakauwi o baka may nilakad ulit. Still lucky. Nakalabas din ako ng subdivision ng payapa. The guard wasn't as attentive. Nakasakay ako ng pedicab at bumaba sa harap ng isang guard na wala lang. I'm glad. But for the residence it's not a good thing. It's negligence. Hindi ko na inalala ko 'yon at mabilis na naghanap ng masasakyan. What I have here in my wallet is a hundred pesos and a thousand pesos. Kung saan ako pupunta sa gabing ito, wala akong naisip. Ang pinagtuunan ko lang ng pansin simula kanina kung papaano lalabas ng bahay nang hindi nahuhuli. "Saan ba?" Naibulalas ko. May isang jeep na pumara. Halos punuan pero nakipagsiksikan ako para makasakay. Kung saan man ito patutungo, bahala na. Ang mahalaga sa akin ngayon ay hindi ako mahahabol agad. May makakapagsabi lang na may nakakita sa akin. Kailangan kong lumayo or else, malalaman agad nila at mahahanap ako agad. I'm their only child. I'm sure my dad will call the attention of the authorities. Hindi ako hahayaan no'n na makalayo. Humahaba ang byahe, nauubos na ang pasahero. Nasaan na ba ako? Puno ng kaba ang naramdaman ko. Ang pinakamaliit kong pera ay one hundred pesos lang talaga. Kailangan kong pagkasyahin ito hanggang sa makahanap ng ATM para makapagwithdraw. After that, I will have to move for them not to track me easily. "Ineng, saan ka bababa?" tanong ng mamang driver. Napaisip ako, saan nga ba? Napalingon ako sa bintana ulit ng dyip. Ang isang lalaki ay napansin kong nakatingin sa akin. Hindi ko gusto ang titig niya kaya kinabahan na ako ng sobra. "Nasaan na po ba tayo manong?" Tanong ko rin. Na mas nagpakaba sa akin dahil dapat umasta akong alam ko kong saan ako pupunta. Wala talaga akong alam kong nasaan ako at saan tutungo itong sinasakyan ko. Kung hoholdapin naman ako, 1000 lang at cellphone ang makukuha niya sa akin. Wala na akong ibang mamahalin na dala. I left my jewelries at home. "Malapit na tayo sa istasyon ng bus." Sagot ng driver na sinipat ang lalaking nakatingin lang sa akin. Nakikita ko siya sa rear view ng dyip. Tamang tama! That can be. Makakapag-isip pa ako at makakapagtanong kung saan babyahe ang mga bus doon. "Doon nalang po ako." Binalingan ng tingin ang lalaking umiwas nalang ng tingin. Bumalik ang tingin ko sa harapan. Tumango ang mamang driver sa akin. Napansin ko ring papalapit na nga dahil nakikita kong sunud-sunod ang parking ng mga malalaking bus. Maraming bus stations sa ciudad, hindi ko alam kong saan ang byahe ng istasyon na ito pero noong pumunta kami ng Laguna para sa field trip noon at naiwan ako at isang kaklase, sa ibang istasyon kami pumunta. Is this going to Baguio or somewhere? Pagkadating, I paid him a 100.00. Mabilis akong bumaba dahil sa kaba doon sa lalaki. Wala naman siyang ginawa pero hindi ko mapigilang kabahan.Hindi ko naman alam kong magkano kaya hinayaan ko na. I'm sure sa mga lugar na ganito, may ATM. Naghanap ako ng bangko para makapagwithdraw. Lahat ng excess sa allowance ko ay pinapasok ko sa ATM ko. I'm still a minor so it's under my mother's name kaya kung ipapatrack nila ako. Malalaman nila agad. Around the bus station, hirap akong paganahin ang utak ko. Hindi ako makahanap ng pag-wi-withdrawhan kaya nagtanong muna ako sa mga tao kung pasaan ang mga byahe. May nakita ako at Baguio ang nakalagay. Kaso, papaalis na ito. Kung maghahanap pa ako ng bangko o ATM, siguradong hindi ako makakasakay. I only have a thousand with me. Will this be enough? I guess? Tsaka nalang kung may stop over. Hindi pwedeng sa bagyo na ako magwi-withdraw. Malalaman agad. Para saan pa ang paglalayas na ito? They will find out eventually. "Kuya, mayro'n pa ba?" Tanong ko sa ilang lalaking sumisigaw ng 'Baguio! Baguio! Aalis na!' "Sakay na! Aalis na!" Sagot niya tila nagmamadali. Wala nang ID na hinanap sa akin basta nalang ako pinasakay. Baguio. I haven't been there but I guess I'll be fine. Sa pinakalikod ng bus. Yakap yakap ko ang bitbit kong bag. Bigla nalang akong naiyak dahil sa hindi malamang dahilan. Sa totoo lang talaga kanina pa ako kinakabahan, siguro surviving the long road of Manila made me cry like this. Umarangkada na ang bus. Wala akong katabi kaya nilagay ko ang bag dito para hindi pa ako mabigatan. Pinagbayad ako at tsaka ako hiningan ng ID para sa student discount. Wala namang tanong kung bakit wala akong kasamang adult o bakit ako mag-isa. Mas mabuti, nag-isip pa naman ako ng idadahilan kanina. "May stop over. Kung wala kang pera, pwede ka magwithdraw doon." Sabi pa niya. Napatingin ako sa kaniya. Halata bang lumayas ako? Parang alam niya ang hinahanap ko, a. Umiling nalang ako at ninamnam ang katahimikan ng bus at ng madilim na gabi. Hindi ko namalayan na ilang oras na ang byahe at nasa stop over na kami dahil nakatulog ako. Pinababa ang magbabanyo, bibili ng pagkain o gusto lang tumayo. Mabilis naman ako tumayo dahil sa sinabing may malapit na ATM. Sinalubong ako ng kundoktor daw ang tawag. "Diyan lang unahan, miss. Hihintayin ka lang namin baka mahaba ang pila." Sabi niya na parang alam na talaga ang itatanong ko. "S-salamat po." Tumango nalang ako at bumaba na. Ang sinasabi niyang unahan ay may kalayuan pala sa bus station. Nilakad ko pa ang dilim para mapuntahan iyon. May dalawang lalaking nakapila roon. Nang makarating ay pumila rin ako. Kampante naman akong safe ako. Harapan naman ng bangko, tiyak may guard sa loob. Sana lang hindi ako maholdap o anuman. Hindi ko alam kung saan kami ngayon. Pagkatapos ng nasa harapan ko ay mabilis akong nag withdraw. My original plan was to withdraw somewhere in Manila to lure them to somewhere else but due to my lack of city knowledge, I couldn't do it. Nakapagwithdraw ako ng five thousand pesos. Ang katangi-tanging perang mayro'n ako. Sana lang ay magkasya na ito para sa akin. Hindi naman siguro ko mawawala forever dahil ayaw kong ma drop sa school. My parents can cover up for me. They won't tell the I'm missing right? Sana hindi. Wallet lang ang bitbit ko. Pinapasok ko na ang pera sa wallet nang biglang may humablot nito. Nakatayo lang ako sa gulat. Hindi agad ako nakaaksyon kung kaya nang magkamalay na ay nakatakbo na siya papalayo sa akin. When I went back to my senses, tumakbo ako at hinabol ang lalaki. I didn't care about my dear life when I run. Agad tumatak sa utak ko na naroroon ang kakarampot kong pera at hindi ko iyon maaaring ibigay lang ng kusa sa kaniya. Sa ibang pagkakataon, siguro. Pasensya na pero hindi ngayon. Medyo malayo na siya pero alam ko sa sarili ko na mahahabol ko pa. I'm a runner kahit walang title. Mabuti nalang talaga at wala akong ibang dala na mabigat dahil ito ang magpapabagal sa akin pero mas nagpapabilis ng takbo ko ang maliksi kong katawan. I wore my running shoes as well. Wow, Serene, you still have time to brag about your running shoes. "Magnanakaw!" Sigaw ko. Lumingon pa ang lalaki sa akin dahil sa pagsigaw ko. Mas binilisan pa niya ang takbo pero nang bumalik sa harapan niya ang tingin niya. Bigla nalang siyang natumba. "Help!" Sigaw ko pa rin. May humarang sa kaniya at sinuntok ito kaya siya natumba. Maging ako ay nagulat sa nangyari. Napatigil ako dahil do'n. Hinihingal akong napatigil habang handusay ang magnanakaw. Malakas yata ang pagkakasuntok sa kaniya. Hinablot ng walang takot ng lalaki ang wallet ng magnanakaw. Buti nalang may street lights. Kitang-kita ko ang lahat. Maliwanag pa rin kahit na katahimikan na ang naririnig ko sa paligid. Sarado na ang lahat ng tindahan at mga asong natutulog sa labas nalang ang nakikita ko. Kahit na hingal na hingal, lakas loob akong lumapit sa lalaking humablot ng wallet ko para kunin 'yon. Inabot naman niya sa akin ito. "Here..." "Thank you so much!" Halos hindi ko marinig ang sariling boses. Sa sobrang takot na naramdaman, naiyak nalang ako. "Don't cry, miss. It's all good." Sabi pa nito. Lumapit ito sa akin at nilagay ito sa nanginginig kong mga kamay. I went through a lot of stress tonight. Hindi ko na tuloy alam kong tama ba ang ginawa kong pag-alis. "Thank you..." sabay tingin sa lalaking nakahandusay. Hindi pa rin nakakatayo. Hindi niya naman siguro pinatay 'no? But he seems drunk. I can tell. "I'm Yvo, single..." kumindat ito at naglahad ng kamay, "and hot..." Bigla akong nairita. Ang presko, a! Gosh, I'm literally hot right now. Pinagpapawisan na rin. "Serene. I have to go. Thanks ulit..." wala akong oras para pansinin ang pagiging presko niya. Baka iwan ako ng bus. Tumalikod na ako at desperadang makabalik sa pinanggalingan para mahabol pa ang bus. Nakuha ko nga ang pera pero ang gamit ko naman nadala ng bus. Ayaw kong maiwan ng bus dahil ni hindi ko alam kung nasaan ako ngayon. "Wait for me..." Humahabol siya sa akin. Palakad akong tumatakbo. "You're in a same bus with me?" Natanong ko pa. Tumango siya. Siya rin ay binibilisan din ang lakad. Why was he on the other direction? Napatingin ako sa kaniya pero hindi ko naitanong. Ang mahalaga sa akin ay nakuha ko ang pera ko. Nakita kong may dala siyang plastic. Saan naman niya iyan nakuha o nabili? Umiiyak si Selene habang pinapatahan naman siya ng asawa niya. Hindi niya lubos maisip na magagawang layasan siya ng anak. She found no one nang sinilip niya si Serene sa kwarto nito. Hindi niya aakalain dahil alam niyang walang alam ang anak sa labas ng kaniyang mundo. Nawawala pa ito minsan kapag pumupunta ng mall ng mag-isa kaya sa boyfriend niya ito umaasa. Ngayon, dahil sa nobyo niya kaya nawawala ang nag-iisang anak. They couldn't track her. They filed a blotter but it takes 24 hours before they take actions. They told them that she's a runaway. Ang sabi lang ng pulis ay magmomonitor sila sa mga daan at pinayuhan silang kontakin ang mga kakilala ng anak baka nagtatago lang. "Tahan na, walang magagawa ang pag iyak mo sa paghahanap kay Serene." Sabi ni Enrique. "Our daughter En! She's runaway. It's my entire fault!" She cried. Patuloy pa rin sa pag-iyak ng babae. Malaki ang pagsisisi niya. Alam niyang malaki ang kasalanan nito sa anak. Kung nagkaganito ang lahat. Naging parte siya sa nangyari kaya alam niyang ang sarili niya ang dapat sisihin. Ito na talaga ang kinakatakutan niya simula palang. Pero binaliwala niya lang ito, naisip niya ang kasiyahan ng anak pero ito pala ang magiging dahilan para magkawatak watak sila. Her only daughter. "Serene... my goodness..." iyak pa rin ni Selene. Hinihilot nito ang sintido habang si Enrique naman ay panay tawag sa mga kakilalang makakatulong sa kanila. "Yes, Dudz, baka may mabanggit si Mirriam about kay Serene. It will be a big help! Thanks." Sabi nito sa kausap sa telepono. "Tita!" J.A. ran to her. "Where is she?" Tanong naman ni Jonathan. Sabay dumating ang kambal at nabigla naman si Selene sa nakita. Alam niyang may kambal si Jocelyn pero hindi pa nito nakita sa personal na magkasama. Wala siyang ideya kung sinu-sino ang dalawa. It was so confusing for her because they really look identical but that doesn't seem to be the case right now. Napatayo si Selene, nawalan ng pakialam kung sino ang aatakihin niya at lumapit sa dalawa. Sinampal niya ang dalawa! "This is your entire fault!" Sigaw ng galit na ina. "Selene!" Saway ng asawa. "Mga walang hiya kayo! Anong sinabi niyo kay Serene, ha? Talagang nandito kayong dalawa sa Pilipinas ng sabay. Akala ko ba, isa lang sa inyo ang pwedeng umuwi rito? Hindi na sana nagbalik ang isa sa inyo!" "Stop it, Selene! Anong klaseng pag-iisip iyan?" Saway pa rin sa asawa. Nilayo niya ito sa dalawang bagong dating. "Tita! Pasensya-" "Alam mong kasalanan mo ito, Selene! Kung hindi mo pinilit si Jojo na iuwi si Jonathan sa Pinas habang inaayos ng pamilya nila sa US, hindi ito mangyayari." Sabi ng asawa nito. "But..." "You know Jocelyn was having a hard time taking Jonathan back here because her husband wants the kid. You pressured your friend and you even suggested this. Na ipagpalit sila para lang makita mo ang anak na masaya." Inuyog niya ito para matauhan. "You tell that to yourself. Huwag mong idamay ang mga bata rito. Your selfishness for your daughter's happiness ended up like this." Hindi niya naman sinaktan si Selene sa ginawa niya. Gusto lang ni Enrique na magising ang asawa sa ginawa niya noon. It wasn't just partly. It's her entire fault! Hindi nakasagot si Selene. It is true, siya nga ang nagpressure kay Jocelyn na ipabalik si Jonathan sa Pinas. "Where could she be?" J.A. wondered. Habang nanahimik si Selene napansin niya ang balisang si Jonathan. Nakita niya ang scar nito kaya alam niya agad na si Jonathan. Dahil na rin sa pangangatawan nito. Lalapitan niya sana muli ang binata para sugurin pero nahawakan na siya ng asawang inoobserbahan lang siya. "This is because of your promise Jonathan! Ginawa mong tanga anak ko sa dalawang taong paghihintay sayo!" Luhaang saad ni Selene. Napayuko si Jonathan. Handa siyang mangatwiran pero ayaw niyang dagdagan pa ang nararamdamang pag-aalala ni Selene para sa anak na naglalayas. Jonathan is more worried about Serene more than anything. Alam niyang kasalanan niya rin talaga ang lahat. "What do you know, Selene? Bata pa sila noon. Alam mo naman ang mga bata! Wala silang alam sa mga nangyayari." Si Enrique ulit ang sumabat sa kaniya. Wala sa kanila ni Jonathan ang gustong sumagot-sagot kay Selene. "My daughter! Serene! I swear wala nang lalapit o makakasakit sa kaniya! She needs to be back home." "Enough! Selene, silence! Walang mangyayari kong magkakagulo tayo sa nakaraan. Ang pinakaimportante ngayon ang mahanap kung nasaan ngayon si Serene!" ani Enrique. Sang-ayon naman ang dalawa roon. Umiiwas sila ng tingin kay Selene na masama tingin sa kanilang dalawa. "My baby, ang anak ko! Ibalik niyo ang anak ko!" Selene demanded. "We should look for her. Hindi pa siguro 'yon nakakalayo. She doesn't have much friends." Suhestiyon ni Jonathan. "My baby, who don't know anything about the outside world." Iyak pa rin ni Selene. Tumango si Enrique sa kay Jonathan. "Kailangan na nating kumilos ngayon." Bigla namang napaisip ni J.A kung nasaan ang nobya. Wala siyang panahon para makipagcompete sa kapatid ngayon. Gano'n din si Jonathan. Ang pinakagusto nilang malaman ngayon ay kung nasa maayos siyang lagay. They been calling her number but it's out of reached. They know that but they been trying. Baka buksan niya ito at makontak siya. Mahihirapan pa silang i-track ito dahil hindi nila alam kung sino ang lalapitan. Right now, the bank is close, they can ask to track where she had withdrawn. Natahimik lang si J.A. habang nag-iisip. At tanging lumabas sa isip niya ang napag-usapan nila ni Serene dati kung saan niya gustong pumunta kung papayagan silang mag-overnight. “Baguio! I’m sure she’ll be there.” Ani J.A. Nagtinginan naman silang lahat. Jonathan thinks that way too since it’s her dream place to get married. Tumango si Jonathan sa kapatid. "Kung makakahabol tayo ng bus papunta sa Baguio it will be the best.” Anang kakambal niya. “We’ll stay here and see as well. Baka ma track na namin ang phone at ATM card niya. Let’s stay updated boys. I will give you my trust for my daughter.” Kumpyansang sagot ni Enrique. Nag-usap naman ang magkapatid. “Let's split up when we get there. It will be not be easy since Baguio is that big. I’m not yet familiar there. Hanapin siya hanggang sa makakaya." Si Jonathan. Sumang-ayon ulit si J.A. sa kapatid. "After this, I swear hindi na makakalapit si Serene sa inyo!" Banta ni Selene.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD