Serene's POV
"Serene..."
As I am looking at him right now he suddenly reminds me of a little kid. The nerd I know when I was little has a deeper voice. Bata pa siya no'n pero malalim na ang boses niya. The guy who claims to be the real Jonathan has this deep voice. Yung bang lalaking aakalain mong malamig ang boses.
I started to get familiar with him. His facial features and the mark I remembered when we were young. He had a scars mark when he fell on the tress because he wanted to get me a mango. Naaalala ko pa 'yon dahil duguan ang left side part ng noo niya dahil sa sugat na natamo. I was blamed by my parents kaya ilang buwan din kaming pinaglayo sa isa't isa no'n.
Years went by, I thought it was gone because when I dated 'Jonathan', I've never seen it.
Nariyan pa rin iyon. Parang hindi ito nawala kailanman.
F L A S H B A C K
“I want to marry you someday, Serene.” Sabi ng isang batang nerd.
He's always bullied by their classmates dahil sa makapal niyang glasses at weirdo niyang kasuotan. Minsan nakakahiyang isama siya dahil sarili niyang gusto ang gano'n style. He even wears brace so he looks like a nerd.
Also...
“Hmmp, ayoko ko nga, ang taba mo! Sabi ni mama, dapat daw ang groom ko ay gwapo at love ako. Eh ikaw, mataba ka eh!” Sagot naman ng batang Serene.
She is wearing a pink Barbie clothing. Naka-high ponytails ang buhok niya. Her bag is also pink at magandang bata, alagang-alaga talaga ng magulang.
“E 'di, mag gi-gym ako, magpapalaki ng muscles at papakasalan mo na ako.” Nakakatuwang sagot ng batang Jonathan.
Hindi pa rin gusto ni Serene ang pagbabagong gagawin ni Jonathan para sa kaniya. Hindi kasi ito gwapo para sa kaniya. Hindi siya katulad ni Ken sa Barbie World at mga prince charming sa Disney movies. At her age of 6, she's not familiar what is 'gym'. His proposal seems nothing to her. Hindi siya nito madaling mapapasagot ng oo.
“Ayaw ko pa rin. Pinagtatawanan ka kasi ng mga classmates, baka pagtawanan din ako. May malaki kang salamin at ang pangit mo,” she said as a matter of fact, she's not yet capable of identifying 'gwapo' at 'pangit'. It was just influenced by the bullies you call him that.
Ang batang Jonathan ay wala pakialam sa mga bullies niya. Words 'pangit', 'mataba', and 'nerd' are all nothing. He just want to get closer to the young Serene. Lagi niya kasi itong nakikita sa kanila. Nagkakalaro niya rin noong Kindie pa sila.
Other things doesn't matter to him.
“Patatanggalin ko. Magpapagwapo ako at papakasalan mo na ako,” sagot nito sa batang babae.
Serene was just trying to be silly to her friend. Gusto niya lang itong lokohin pero parang hindi na niya kakayanin dahil hindi nagpapapigil si Nathan. He's always good with his words. Matalino pa naman ito.
She wants to win this time.
“Eh? Ayoko pa rin. Dapat bigyan mo ako ng malaking castle at princess ako ng aking prince.” Banat ng bata.
Yakap yakap nito ang mga Disney book stories na babasahin niya ulit.
She knows now for sure what Nathan will answer to her. Natalo na siya sa kanilang dalawa.
“Gagawa ako ng malaking malaking castle at ikaw ang Queen at ako ang King." He made it even better than she wanted. Nanlaki ang mga mata ni Serene. She knows queens are the leader of a nation. Malawak ang nasasakupan at naghahari sila ng matagl. "Tapos, may mga princesses at princes tayong kasama."
For Serene, it was the best offer in thr world. At her age, being in a kingdom is her only dream. Kaya ang pangako ni Jonathan sa kaniya ang nagbigay ng sa kaniya.
“Talaga, gagawin mo 'yon?”
Nagniningning ang mga mata ng batang Serene. Tumango naman ang batang nerd.
“Yup, we will be the perfect queen and king of our kingdom." Nag thumbs-up pa ito.
Mabilis na binitawan ni Serene ang dalawang mga fairytale stories at lumapit sa chubby na Jonathan.
“I love you King Nate Nate!" At nag kiss ang batang Serene sa pisngi nito.
Nanlaki ang mata ng batang Jonathan, nabigla sa ginawa ng kaibigan sa kaniya.
“I love you too, Queen Rene Rene.” At nag kiss din ng batang Jonathan.
They've been friends ever since. Masaya na sila magkasama sila. Jonathan always loves to be with her. She's his only friend. He'll give everything to her even the most impossible. Bata pa sila! Hindi naman din talaga humihingi ng impossible si Serene, it's just her childish fantasy.
Nag holding hands silang umuwi sa mga bahay nila...
End of Flashback
"This scar, if you can remember." Pinakita niya ito.
Nanigas na ako. Isang malaking katibayan nga ito namagsasabing siya nga ang totoong Jonathan. Kahit hindi siya makalapit sa akin ay kitang-kita ko ito. Yes, I wanna answer him that I remembered but my voice is hiding. Hindi ko matanggap ang totoo. Napapatingin ako sa John Andrew na tinutukoy niya. Nakasandal na siya sa dingding at hindi na makatingin sa akin.
I'm still crying.
“Serene,” tawag sa akin ni Jonathan na nagsasabing siya ang totoong Nate Nate ko. He wants my attention back. "I hope you can remember why this happened years ago. Not to blame you but to make you remember. Sa aming dalawa, ako lang ang may ganito. Dahil ako 'yon, magkasama tayo simula bata pa lang."
My soul left the universe. How am I still breathing when it's gone? Pagod na pagod pa ako galing sa kanina. Yun pala magigising ako sa ganitong sitwasyon.
Kayanin ko kaya ang mga susunod niyang sasabihin?
“I’m the real Jonathan," he smiled, genuinely. "Ang batang nangakong mag g-gyym para pumayat...”
Doon na bumagsak ang lahat ng sakit sa puso ko. Siya nga ito. I remembered before, I ask 'him' about what he promised to me before. 'He' said he couldn't remember. We were kids and those were childish. Nagulat ako nang masabi niya sa akin dati dahil pinanghawakan ko 'yon, ang pangako niya sa akin. Yes, it was childish but that's when we were young and full of uncertainty. He don't remember who bullied him before when one day one of his bullied came to see us and asked forgiveness.
He just acted like he doesn't care. Hindi naman ako nagtanong no'n dahil wala naman talaga siyang pakialam sa mga tao sa paligid niya.
We literally spent our childhood together. Alam ko ang lahat tungkol sa kaniya.
I remembered a time when I felt the same thing towards 'him', who's now named as John Andrew, when he went back from Canada too he seemed unfamiliar to me.
De javu.
Hindi naman ako nangulit sa kaniya dati, I was just naive. He didn't act so weird naman din, he just forgotten most of our childhood which was odd but I gnored it because I thought it doesn't matter at all.
“Ako ang batang nerd na nangakong tatangalin ang glasses at pakakasalan mo.” Patuloy niyang sabi.
Nasa sa kaniya na ang buong atensyon ko. The words that are coming out from his mouth makes me want to just runaway.
I can’t believe myself sa mga naririnig ko. I want to stop him for saying those to me but I don't know what to say at all. Walang lumalabas na boses sa bibig ko, instead ang mga hikbi kong hindi matigil-tigil.
He's now teary yet he's remained composed.
“Ang batang nangakong magbibigay sayo ng castle at ikaw ang magiging queen at ako naman ang magiging king," aniya.
This sounds so cheesy now I swear. Hindi naman sa pandidiri pero it is giving me that chills. Parang ayaw ko nang magtanong pa sa kaniya. If he's the real Jonathan, he's got all the cheesy stories we had before. Napatakip nalang ako sa bibig ko. Is this really for real? Baka niloloko lang niya ako. I also gave a glance kay John Andrew na alam kong boyfriend ko sa matagal ng panahon, nakayuko pa rin siya.
Umiling na naman ako. Naniniwala na hindi sa kaniya.
I'm crazy, yes.
“I’m back my Rene-rene.” Pumatak na ang luhang kanina pa gumigilid sa mga mata niya.
He wasn't scared to step forward. Hindi siya natatakot na baka masaktan ko siya.
Lumapit lang siya sa akin dahil nakaupo ako napapatingala ako sa tangkad niya.
Nag-squat ito para maglebel kami.
Jonathan was crying in front of me now. Lalo akong naiyak sa sinabi niya. Siya naga talaga!
Ang batang Jonathan, na akala ko nawala na dahil sa pagkalimot 'nito' sa nakaraan. Naaalala niya pa rin ito. Hindi ako makapaniwalang saulo niya ang nakaraa naming dalawa.
Pero...
Bakit 'to nangyari? This is not even the beginning yet.
“I’m here to take you back.” Bigla niyang sabi.
Hinilamos niya ang mukha para tanggalin ang luha at iwan ako ng ngiti niyang puno ng pag-asa.
Nagulat ako nang sinabi niya 'yon. Wait, why is he saying that? Bakit niya ako kukunin muli? Hindi pa siya nagsisimulang magpaliwanag talaga. Ang alam ko lang ngayon ay siya ang totoo kong kababata ay may nagpanggap na siya para mapaniwala ako. He cupped my cheeks and gave me a peck on my lips and also kissed my tears as if it won't go away. Another batch fell.
I can't calm down. I'm anxious, frustrated and mad right now. I wanna hurt him physical but that is for the savage. I wanna be as calm even though I can't.
Hindi ako gumalaw. I want to know something na alam ko na, obvious naman pero gusto kong marinig sa bibig nila.
I did not respond. Nagtagal kami sa gano'n kalapit sa isa't isa. Hindi ko siya pinalayo at hindi tinulak.
He sighed. Pinagdikit niya saglit ang mga noo namin at hinalikan ito pagkatapos. I am still reminded that I gave myself to him. Siya ang una ko at sinasabi ko pa sa isip ko na hindi ko ito pinagsisisihan.
He turned out to be real but what is happening here?
“We’re twins.” He confessed.
Pinaglayo na niya ang mga mukha namin at nilingon muli ang kamukha niya. Ngayon lang siya ulit napatingin sa banda ko. Napaiwas siya ng mabilis nang nagkatitigan kaming dalawa.
"He's my twin brother." Dagdag niya.
And the truth hurts so much. Natulala ako at halos manhid na sa kakaiyak kanina.
Hinihilamos ko muli ang mukha para umiyak. Humahugulgol ako dahil maliwanag na sa akin ang lahat. Napakasakit na marinig ang gano'n sa kaniya. Alam ko dahil hindi siya ang ang kasama ko noong iilang taon. Kung ang John Andrew na sinasabi niya ngayon. Ang walang imik na lalaki na akala ko siya all this time. Bakit nila ginawa ito sa akin at papaano nila ako naloko ng ganito? Ilang taon na ba nila akong niloloko? Ilang taon na ba akong nagpakagaga sa kanila? Nalinlang ako ng lalaking mahal na mahal ko noon.
Ang John Andrew na tinutukoy niya ay umayos na sa pagkakatayo at pinaalis ang mga luhang iniyak. Hindi man lang tumingin sa akin bago umalis ng kwarto. Gusto ko siyang tawagin at pigilan sa pag-alis kasi ayaw kong maniwalang magagawa niya ito sa akin. Can he just say something? Something like this is not true? Kasi naguguluhan talaga ako ngayon.
Galit na galit din pero hindi ko kakayanin ang manakit physically. Pagod na ako para sumigaw at makipag-away.
Ang sikip sikip na sa dibdib kanina pa ako hirap sa paghinga.
Napapagod na ako at gusto ng umalis din.
"I'm really sorry, Serene. Hindi ko aakalaing ganito ang mangyayari. Hindi ko ginusto ito." Paliwanag ni Jonathan na nagsusumamo.
Napapikit ako at panibagong yugto ng luha ang nagsihulugan.
Gusto ko munang makapaghinga. Akala ko kaya kong isa-isahin lahat. I'm such a weak girl...
"Hayaan mong magpaliwanag at bumawi sa lahat ng nagawa ko sa 'yo." Aniya.
Umiiling na ako.
"Serene..."
“P-Please, Jonathan." Banggtitin pa lang ang pangalan niya ay takot na ako. Parang hindi siya ang mangyari. "Naguguluhan pa ako. Let me rest for awhile,” sabi ko ng kalmado pa rin.
Wala na kasi akong masabi pa. Baka sumabog na ako baka malaman ko pa ang iba. Gusto ko silang saktan pero hindi ko talaga kaya, nanghihina na ako. Sobrang hina, yung katawan ko babagsak na kapag hindi pa ako umalis sa bahay na ito. I need a freaking rest.
He nodded for that and gave me a peck on my lips. Hindi na ako umangal pa sa ginawa niya. Hindi pa kasi ako nakakagalaw ng maayos at masakit pa ang gitna ko.
“Babawi ako, Rene. Please...." He cupped my face again. I feel I'm already numb. "But I’m happy dahil sa akin mo pa rin pinagkaloob ang-”
“Uuwi na ako." I stoped him with what he was trying to say.
Hindi 'yan ang dapat nating unahin. Hindi ko pa gustong marinig ito. I'm not disgusted but I'm so confused and tired.
"Rest here, hahayaan kitang makapaghinga. I will not bother-"
"I want to go." Mariin ko lamang na sagot.
Hindi ako nalumpo pero hirap akong tumayo ng ilang segundo pero pinilit ako.
“Ihahatid na kita," his second offer.
Naiirita na ako. Can he just leave me alone?
“Kaya ko pa. No need, but thanks.” Matabang ko nang sagot.
Talagang sasabog kapag nagpumilit pa siya sa akin.
Nagpumilit pa siya na i-assist ako pero puno na ng irita ang katawan ko. Marahas ako nagpumiglas sa pagkakahawak niya at naglakad ng mag-isa. Hindi na siya nagpumilit pagkatapos no'n. Mabuti nalang at sa paunti-unting paglalakad ay napapawi ang hapdi.
Tuyo na ang mga luha ko nang nakalabas ng kwarto.
Ayaw kong madatnan ng mommy ni Jonathan kaya halos binilisan ko ang pagbaba ng bahay nila. Ayaw ko ring makasalubong ang kanilang katulong dahil baka makita nila ang magulo kong mukha. Hindi ko alam kung gaano ako ka-messed up ngayon pero ang iniisip ko lang ang makalabas ng pamamahay na ito.
I lead my way out of the house. Baka kasi hindi na ako makahinga sa loob ng bahay nila. Para ba akong nasa outer space na nauubusan ng oxygen.
Nang makalabas na ako. May lalaking may kapayatan na nakaabang sa labas ng pinto.
Mahal?
Umiling ako, I mean, John Andrew?
What just happened? Talaga bang hindi na ito panaginip?
Napatigil ako sa paglalakad. Naisara ko na ang pinto. Bagong luha ang nagbabadya sa aking mga mata. Can this day end? Pagod na ako.Hindi ko alam kong ano ang gagawin. Iiwasan ba siya o lalapitan. Nakatalikod siya sa akin habang tinitignan ang mala-orange na ulap. Mag-gagabi na pala at hindi ko ito namalayan sa lahat ng nangyari kanina lang.
I wished to go but what's stopping me now is the hope. That all of these are not true. Hindi ko alam kung papatawarin ko siya agad sa prank na ito pero siguro maiintindihan ko pa kaysa ganitong bagsak na katotohanan.
Nanginginig ako. I have no enough energy to spend.
Pero papaano ko ba maibabalik ang lahat? Kung prank nga lang ito.
He caught his girlfriend in his bed with a guy. Kanina nang hinila niya ako papalayo ay parang papatay na siya. Nagpupuyos na siya sa galit at halos magwala na. I was so confused a while ago. Kahit sabihing prank ito, papaano ko ipapaliwanag ang nangyari. I cheated, his twin brother bedded me.
I feel like I did wrong to him. Tangina! Ako pa talaga ang nakakaramdam ng gano'n ngayon.
If we were in that situation really, I'd feel dirty.
Napakadumi. But I want to explain, it wasn't my fault. Nasasaktan ako, napakawalang hiya kong nobya, my poor judgment of the situation brought us here. Kung hindi lang ako agad bumigay? Wait, kasalanan ko ba? Ako ba ang dapat sisihin sa nangyayari rito? If that was the situation, yes... it's my whole damn fault. Kanina nang nag-aalangan ako hindi ako nag kwestiyon. Kanina nang ramdam ko na may kakaiba, hindi ako umatras.
Napalingon siya sa akin, napatalon ako sa gulat.
"Serene-"
Hindi ko na siya hinayaang makalapit sa akin, mabilis na akong humaripas ng takbo paalis ng bahay. I ran as far as I can kahit masakit pa ang katawan ko, I don’t care. Kailangan kong makalayo.
I'm horrified. I'm messed up with all of these.
I realized as I am running I have no money with me. I can't commute with a state like this.
Hindi ko nadala ang mga damit ko. At least I'm wearing a big t-shirt, hindi mahahalatang wala akong pang-ibabang shorts. Bahala na!
Ang imporatante nakalayo ako. I don't think John followed me this far. Naramdaman ko lang siya na sumunod no'ng una pero tumigil din nang nagtagal.
I was never a runner but I ran this far despite being tired and sore. Hinihingal na ako sa kinatatayuan ako. Pinagtitinginan ako ng mga tao na nakakasalubong. They must think of me as crazy running. Hindi pa naman ako taga rito.
I saw a taxi outside the subdivision at sumakay. Hindi ko pinahalata sa driver na kinakabahan ako dahil baka isipin niyang magnanakaw ako na tumatakas lang. Habang nasa byahe pauwi tsaka ko lang namalayan na may hawak akong phone. Siguro, unconsciously ko ito kinuha kanina. I always have my phone. Ito ang lagi kong inuuna kapag umaalis. I hope I hid money in between with the case.
Tinanggal ko ang case pero wala. Paano nalang talaga kung sumakay ako ng jeep? Nakakahiyang bumaba na walang pamasahe. At least sa taxi, pwedeng maghintay ang driver saglit para sa bayad.
Nang makarating sa amin, agad akong bumaba at pinaghintay ang driver para sa pamasahe.
Pagkapasok sa bahay. Inabangan agad ako ni manang.
"Ma'am-" Kunot noo niya akong pinasadahan ng tingin.
"Nagtaxi ako. Wala akong pera." Sabi ko.
Tumango siya at nagmadaling pumunta sa silid niya.
Pinabayad ko sa katulong ang bayarin sa taxi. Hindi na siya nagkaoras na pinunan ang kalagayan ko dahil pinagmamadali ko siya.
Umaripas naman siya. Babayaran ko nalang siya kapag mabalik ko na ang bag ko o maghahanap ng nakatagong pera sa kwarto ko.
Ako naman ay pumasok na sa kwarto at pumunta sa bathroom.
"I need a bad," sabi ko sa sarili ko.
Lahat ng way para masabonan ang katawan ko, lahat ng way na alam kong maalis ang dumi ay nagawa ko na. Ang akala kong tatahan na ako pagkauwi ay mas lalo akong humagulgol sa mga naaalala. Lahat ng nangyari sa amin ni Jonathan kanina ay bumalik sa akin. Kung papaano ko binigay ang sarili sa pag-asang siya na talaga ang lalaking para sa akin. Dahil mahal ko siya at siya ang gusto kong makauna sa akin.
Nagsabon ako ulit. Kinuskos ko na ang sariling balat na namumula na dahil sa ilang beses na pagsasabon.
Pero hindi pa rin wala pa ring effect. The damage is still there. Siya naman talaga si Jonathan pero may mali pa rin sa nangyari. Siya nga pero may bagay na hindi ko talaga mawari pa.
Bakit sila nagpalit? Sino si John at bakit hindi ko alam na may kakambal siya? Wala man lang nabanggit sa akin. Kahit na sa mga pictures nila, iisang anak lang nang naroroon.
Nagsiagos na naman ang luha ko. Tumitingala ako para pigilan ito pero walang epekto. Naninikip na naman ang dibdib ko.
Hindi pa rin ako tapos sa paglilinis sa sarili ko. I heard a telephone call.
Hindi nakasara ang pinto kaya naririnig ko.
Pinabayaan ko nalang, pinagpatuloy ko lang hanggang sa matapos ito. I switch off my phone for them not to contact me at all.
"Ayoko na." Bulong ko sa sarili.
Ilang sandali lang ay napagdesisyonan ko ng magbihis. It's not effective. It's still there.
It rings again.
I sighed. Nagpatuloy ako sa pagbibihis at nagpatuyo ng buhok ko. Pinabayaan ko lang ulit.
After it stopped. Kinabahan ako bigla. Nakaharap ako sa salamin, mariing tinitigan ang sarili.
"You're not Serene anymore." Malamig kong sabi sa sarili.
Tumunog ito ulit, sa puntong iyon napaisip na ako na baka si mama. Tumatawag 'yon lagi sa akin at nakapatay nga ang phone. Inalis ko na naman ang nakakalat kong luha. I composed myself.
I cleared my throat and answered the call.
"Hello?"
“M-Mahal?” Sagot ng boses lalaki.
Isang salita na hindi ko inaasahang matatawag ulit sa akin matapos ang kanina. Isang nabiak na boses ang narinig ko.
Ano na ang mangyayari sa amin ngayon?